Tải xuống ứng dụng
82.6% Daydreaming (Filipino) / Chapter 57: Chapter 57

Chương 57: Chapter 57

Ika-anim na araw na ng lamay ni dad na ginanap sa mansiyon ng mga Sevilla. Ito na rin ang pinakahuli at bukas ay dadalhin na si dad sa huling hantungan nito.

A lot of people came to offer their condolences and prayers sa pamilya Sevilla, even her parents and some other relatives came to visit dad's coffin. Gusto niya rin sanang umuwi na sa kanila, kasi alam niyang hindi na siya nararapat na mapabilang sa pamilyang ito. But mama Selena and Manang Rosa asked her to stay when she tried to bade goodbye. She needs to be the representative of the Sevilla and greet the visitors of dad, dahil simula ng pag-uwi nila galing sa hospital ay hindi na ulit lumabas ng kwarto ni dad si Bryan. Habang siya ay doon pa din natutulog sa kwarto nito.

Naalala niya ang kwento ni dad sa kanya dati. Ganitong-ganito din si Bryan noon, noong namatay si mom Carmelita. Gustong-gusto niyang kausapin ito and she wanted to comfort him dahil alam niyang kailangan 'yon ni Bryan, kahit sana sa huling pagkakataon man lang bago sila maghiwalay. Pero natatakot siya. Natatakot siya na baka magbreak-down ulit ito, katulad ng nangyari noong pinilit ito ng mga kaibigan nito na kausapin.

Kaya sinabi sa kanila ni Manang Rosa na hahayaan na muna si Bryan. Nasasaktan siya sa nangyayari dito pero wala naman na siyang magagawa.

Maybe.. Its really best for her to just leave after dad's burial.

"Iha.. magpahinga ka na muna." Pukaw sa kanya ni Manang Rosa habang nakaupo siya mag-isa sa pinakadulong upuan na malayo sa kabaong ni dad.

Hindi talaga siya makatulog ng maayos kaya alam niyang halata na 'yon sa eye bags niyang umiitim na. Hindi rin siya nakakain ng maayos pero pinagtitimpla naman siya ni Manang Rosa ng gatas parati.

"O-Okay lang ako, Manang.." Nakatingin lang siya sa kabaong ni dad at hindi na rin siya naiyak. Siguro naubos na rin ang mga luha niya. "Tsaka marami pa pong bisita." Pagrarason niya dito.

Hindi pa rin niya nagawang lumapit kay dad at tingnan ang bangkay nito sa loob. Dito lang siya parati nakaupo sa malayong upuan. Nahihiya siyang lumapit dito, pero sisiguraduhin niyang bukas sa libing nito ay sisilip na siya dito sa huling pagkakataon at hihingi ng tawad dito.

"Kami na ang bahala sa kanila, iha. Kailangan mo ng magpahinga. Namumutla ka na." Sabi pa nito sa kanya pero umiling lang siya dito.

"Iha.." Masuyong tawag sa kanya ni Manang at naramdaman niya ang paghaplos nito sa buhok niya. "Alam kong sinisisi mo ang sarili mo dahil sa nangyari. Pero hindi mo kasalanan 'yon, iha. Siguro, oras na nga talaga ni Don Eduardo kaya kinuha na siya ng Panginoon. Wala kang kasalanan. Kahit si Senyorito walang kasalanan. Kaya dapat huwag mong sisihin ang sarili mo.."

Wala man lang siyang naging reaksiyon sa sinabi nito. Nanatili lang siyang nakatingin sa kabaong ni dad, kasi kahit ano pang sabihin nila ay alam niyang siya talaga ang may kasalanan ng lahat.

Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito sa tabi niya ng makitang wala man lang siya sinagot sa sinabi nito. "Isipin mo na lang ang anak niyo ni Senyorito, iha. Ang apo namin. Kaya kung pwede magpahinga ka na muna.."

Napahawak siya sa tiyan niya at sumangayon na lang din sa gusto ni Manang. Ihahatid siya nito sa taas at tama nga ang sinabi nito. Nanghihina na nga talaga siya kaya kinakailangan niya ang pag-alalay nito.

Nasa kalagitnaan na sila ng hagdanan ng marinig nila ang mahinang pagbukas ng pintuan ng kwarto ni dad. Napatingala silang dalawa at hindi niya maiwasang mapatingin kay Bryan na malungkot at nanghihina ang itsura. Napatigil din ito sa paghakbang noong mapansin nito sila ni Manang Rosa at napatingin rin ito sa kanya, diretso sa mga mata niya.

"Bryan, iho!" Dinig niyang tawag ng isang kamag-anak yata nito sa baba ng hagdanan.

At halos lahat yata ng mga bisita ay napansin na rin ang paglabas ni Bryan sa kwarto ng ama nito. Halos lahat ay tinatawag na din ang pangalan ni Bryan.

Pero hindi man lang bumaling si Bryan sa mga ito. Nanatili itong nakatingin sa kanya na para bang nagmamakaawa ang mga mata nito. Kahit siya ay nananatili rin ang mga mata dito. Sobrang miss na miss na niya ito.

Then, he started going down the stairs in a slow manner. At pakiramdam niya ay naging slow-mo na ang paligid nila. Apat na hakbang na lang ang natitira at magkakalapit na silang dalawa ng biglang may malakas na sumigaw sa labas ng mansiyon. Kaya napabaling tuloy sila doon sa sobrang gulat.

"Honey!!! Where's my honey?!" Dinig nilang sigaw ng makapasok na ito sa loob.

Si Georgina.

"Honey! I'm so sorry!!" Naiiyak na tili nito ng nakita na nito si Bryan at tumakbo pa ito paakyat ng hagdanan.

Hindi na siya nakagalaw sa kinatatayuan niya at muntik pa siyang matumba ng aksidente siyang natabig ni Georgina ng dumaan ito sa tabi niya. Matutumba talaga siya sa hagdanan kung hindi lang siya hinawakan ni Manang Rosa.

"D-Diyos ko!" Anas pa ni Manang Rosa habang hawak-hawak siya sa braso. "Okay ka lang ba, iha?" Nag-aalalang tanong nito sa kanya.

"O-Opo.." Sagot naman niya at napatingala sa pwesto nina Bryan at Georgina.

Nasaktan siya sa nakita. Nakayakap si Georgina dito ng mahigpit at nakahawak din si Bryan sa bewang nito. Pero ang ikinapagtataka niya ay nananatiling nakatingin si Bryan sa kanya na puno pa rin ng paghihinagpis at pagmamakaawa ang mababasa sa mga mata nito.

"I'm so sorry honey. I just found out what happened.. I'm really sorry about what happened to father-in-law." Umiiyak na sabi ni Georgina dito habang nakabaon ang ulo sa dibdib ni Bryan.

Napaiwas na lang siya ng tingin sa mga ito, at naramdaman yata ni Manang Rosa na nasaktan siya sa nakita kaya niyaya ulit siya nito na ipagpatuloy na ang pag-akyat. Pero nagbago na ang isip niya. Mananatili muna siya dito sa baba. Ayaw niyang pumasok sa kwarto ni Bryan at baka maiyak na naman siya ulit doon habang nag-iisa.

Pumayag na lang din si Manang Rosa at inalalayan pa rin siya hanggang sa nakaupo na siya sa dating pwesto. Halos lahat ng bisita ay malungkot na napapatingin sa kanya kaya yumuko na lang siya para maiwasan ang mga ito.

"K-Kyra.."

Kilala niya kung kaninong boses 'yon. Its Cindy, kaya napaangat siya ng tingin dito. Nalulungkot itong napatingin sa kanya kaya binigyan niya ito ng isang tipid na ngiti.

"H-Hi.."

Umupo ito sa tabi niya at agad siyang niyakap.

"Pasensiya na kung sinama ko si Georgina dito. Pinilit niya kasi akong samahan siya at hindi na ako makatanggi. I don't know kung saan o kanino niya nalaman ang nangyari kay Mr. Sevilla. Nagulat na lang ako ng dumating siya.. I'm really sorry, K-Kyra." Naiiyak na sabi nito sa kanya.

"I-Its okay. Ano ka ba? S-She deserves to know and she deserves to be here. At least may magcocomfort na kay Bryan.."

"H-Huh? Bakit pumapayag k-ka? B-Bakit parang okay lang sa 'yo?" Naguguluhang tanong nito sa kanya.

Napabuntong-hininga siya sa mga tanong nito at binigyan niya ulit ng isang ngiti.

"Aalis na ako bukas, Cindy. Pagkatapos ng libing. Wala ng rason para manatili pa ako dito and I'm going to file for divorce. Bryan needs to be free and be with Georgina, hindi sa 'kin."

"H-Huh? P-Pero, Kyra-"

"Shh.. Mas makabubuti 'to sa lahat, Cindy. All I wish for them is happiness. Tsaka, t-thank you pala, kasi kahit alam kong best friend ka ni Georgina ay nagawa mo pa ring makipagkaibigan sa 'kin.. Salamat." Sinserong sabi niya dito kaya napayakap na lang ito ulit sa kanya habang umiiyak.

"Cute K-Kyra naman eh." Reklamo pa nito habang yakap-yakap siya.

Nakapagdesisyon na siya habang nakikita niya sa peripheral vision niya sina Bryan at Georgina na sabay na bumaba at lumapit sa kabaong ni Don Eduardo Sevilla.

Hindi pa rin talaga matanggap ni Bryan na wala na ang ama, kaya galing sa hospital ay ikinulong na niya ang sarili niya sa loob ng kwarto nito. He locked himself away from the outside world and he has found comfort while staying on his dad's room. Pakiramdam niya'y nandito lang ito sa tabi niya.

Pinilit rin siyang kausapin ng mga kaibigan niya. Nalaman niyang kakarating lang ng mga ito galing Japan at agad na dumiretso ang mga ito sa kanya. Pero mas gusto pa rin niyang manatili sa loob at hindi pa niya kayang harapin ang katotohanang wala na ang ama niya. Kaya kahit anong pakiusap ng mga ito na lumabas na siya ay hindi niya nagawang pagbuksan ang mga ito. Ginugulo lang ng mga ito ang pananahimik niya sa loob kaya hindi niya napigilan ang sariling magbasag ng mga gamit para umalis lang ang mga ito.

Pakiramdam nga niya ay malapit na siyang mabaliw habang nanatili doon sa loob but he needs to maintain this tranquility. Tinatawag niya din ang ama at kinakausap ang picture nito, na sana magpakita na ito sa kanya para personal siyang makahingi ng tawad dito.

Sinisisi niya pa rin talaga ang sarili sa pagkamatay nito.

Sa ikatlong araw ng lamay ng ama niya ay hindi na niya naiwasang lumabas ng kwarto nito noong lampas 3am na. He wanted to check on his wife. Sinigurado niya munang walang taong makakapansin sa kanya kapag lalabas siya at sinisigurado din niyang tulog na ang asawa niya pagkapasok niya doon sa loob at nang mapagmasdan niya ito ng tahimik.

Laking pasasalamat niya ng makita ito sa kama nila. Hindi pa rin ito umalis. Hindi pa rin siya nito iniwan. Sa lahat ng masasakit na salitang binitawan niya dito ay nandito pa rin ang asawa niya.

Miss na miss na niya ito pero hangga't hindi pa nagpaparamdam o nagpapakita ang ama niya kahit sa panaginip niya ay hindi siya magiging okay at hindi siya magpapakita sa mga tao, kahit dito. Alam niyang kahit ang asawa niya ay sobrang nagdadalamhati sa pagkawala ng ama niya. Kitang-kita 'yon sa itsura nito na kahit natutulog na ay may tumatakas pa ring mga luha sa mga mata nito.

His dad was a good father-in-law to her, at alam niya kung gaano kaclose ang mga ito. It also gives him comfort to see her sleeping face, kahit 'yon na lang muna ay naging kuntento na rin siya. Kapag nagparamdam na ang ama niya ay doon na lang din niya aayusin ang lahat sa kanila ng asawa niya.

Nawawalan na talaga siya ng pag-asa na magpakita ang ama niya sa kanya, and its already the last day of his wake. Bukas ay dadalhin na ito sa sementeryo. He kept on praying simula pa ng umaga na magparamdam na ito sa kanya.

And he finally did, on his dreams.

His dad was smiling the moment he appeared on his dreams. Noong nakita niya ito ay agad siyang tumakbo palapit dito and on his dreams ay naging 16 years old siya ulit doon. Niyakap niya ito ng mahigpit habang umiiyak sa balikat nito. Nanghingi siya ng tawad dito at sinabi na rin niya dito na mahal na mahal niya ito. Nagpasalamat rin siya sa lahat ng ginawa nito sa kanya habang nabubuhay pa ito, simula pa noong maliit pa siya hanggang ngayon. Sinabi niya lahat ng gusto niyang sabihin dito na hindi niya nagawa noong nabubuhay pa ito.

It felt so real kasi habang yakap niya ito ay naramdaman rin niya ang lakas ng pagtibok ng puso nito. Sinabi nito sa kanya na napatawad na siya nito dati pa, na mahal na mahal din siya nito, at nanghingi din ito ng tawad sa kanya.

"I love you, dad." Huling sinabi niya dito bago ito mas lalong ngumiti sa kanya.

"Take good care of your family, anak." Sabi nito at bigla na lang itong nawala na parang bula sa panaginip niya kaya tuluyan na rin siyang nagising.

He woke up with his whole face wet and covered with his own tears, pero sobrang gaan na ng pakiramdam niya. His dad really do love him, kasi kahit na nasa kabilang buhay na ito ay nagawa pa rin nitong puntahan siya kasi nakikiusap siya dito at tinulungan din siya nitong maging maayos na.

He stood up from the bed and grab his dad's picture.

"Thank you, dad. T-Thank you so much." He checked the time at gabi na pala.

Akmang tatayo na siya sa kama ng biglang nanghina ang mga tuhod niya. He felt so weak and exhausted. Hindi siya nakakain simula ng kinulong niya ang sarili sa loob ng kwarto nito at tanging tubig lang ang iniinum niya. Ngayon lang din siya nakaramdam ng pagkagutom. He tried to get up from the bed again pero naging jelly talaga ang mga paa niya.

But he fucking needs to get up!

Gusto na niyang makita at makausap ang asawa niya kaya kahit hirap siya sa pagtayo at sa paghakbang ay nagawa nga niya by just thinking about his wife's face. Pumasok muna siya sa banyo para maghilamos at mag-ayos bago man lang niya harapin ang asawa niya. Hiniram din niya ang T-shirt ng ama niya.

When he finally got out of his dad's room at humakbang na siya ng mabagal pababa sana sa hagdanan ay agad siyang natigilan ng makita ang asawa niyang nakatingin sa kanya. She's with Manang Rosa at nasa kalagitnaan na ang mga ito ng hagdanan, and she kinda looks pale..

Kahit narinig niya ang pagtawag ng ibang mga bisita nila ay hindi niya nagawang tumingin sa mga ito. Ayaw niyang humiwalay ang tingin niya sa asawa niya.

Miss na miss niya talaga ito, kaya sinimulan na rin niya ang paghakbang palapit dito kahit hirap siyang gawin 'yon dahil nanghihina talaga ang katawan niya. He was just four steps away from her when a commotion outside the mansion has interrupted their moment. Napatigil siya sa paghakbang. Pero hindi pa rin niya nagawang umiwas ng tingin sa asawa niya kahit tumalikod ito sa kanya at napabaling doon sa ingay.

Then, Georgina came running towards him.

Muntik na siyang mabuwal sa pagtayo sa hagdanan ng mataranta siya kasi kitang-kita niya na muntik ng matumba ang asawa niya sa pagkakatabig ni Georgina dito. He can't fucking push her noong niyakap siya nito kasi dito siya kumuha ng lakas. Hindi niya maintindihan ang sinabi nito kasi nanatili pa rin ang tingin niya sa asawa, but when his wife walk away ay nanlumo agad siya. Naisip niyang baka ito na naman ang hindi pa handang kausapin siya.

Inalalayan din siya ni Georgina sa pagbaba at sa paglapit sa kabaong ng ama niya. Patuloy din ito sa pagsasalita ng kung anu-ano pero hindi niya 'yon inintindi. Lumapit na rin ang iba pang mga bisita sa kanya at kinakausap siya ng mga ito. Huli na lang niya napansin na nakaakyat na ang asawa niya noong nasa hallway na ito sa taas.

Nanlumo tuloy siya lalo.

Napansin yata ng isang ninong niya na parang nanghihina siya kaya ito na at ang kinakapatid niya ang umasikaso sa kanya. Sinabi niya sa mga itong nagugutom siya kaya agad siyang inalalayan papunta sa dining area para makakain. Sumama din si Georgina sa kanila.

Hindi pa siguro talaga handa ang asawa niyang kausapin siya, kaya hahayaan na muna niya ito ngayong gabi. Pero bukas, pagkatapos ng libing ng ama niya ay sisiguraduhin niyang makakapag-usap na silang dalawa. Aayusin niya ang lahat ng pagkakamali niya dito. Hihingi siya ng tawad dito kahit luluhod pa siya o hahalikan pa niya ang mga paa nito, o kahit ano pa mang nais nitong gawin niya. Basta ang importante ay mapatawad siya nito at maging maayos ulit silang dalawa.

Kahit hindi pa niya alam ang katotohanan tungkol dito at kay Arthur ay wala na siyang pakialam. Papatawarin niya pa rin ito at sana patawarin rin siya nito. Hihingin rin niya dito na kalimutan na lang nila ang lahat ng nangyari ng araw na 'yon kasi ang lakas talaga ng pakiramdam niyang mali talaga siya sa pag-akusa dito. Hindi man lang niya naisip na baka may taong gustong sumira lang sa kanila.

Basta, he's very determined that he will never give up on this marriage.

Isang bagay ang sisiguraduhin niya habang nabubuhay pa siya. Kyra Mae, will always and forever be his one and only Mrs. Sevilla. And it will remain that way until his last breath.


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C57
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập