Tải xuống ứng dụng
76.81% Daydreaming (Filipino) / Chapter 53: Chapter 53

Chương 53: Chapter 53

"Gusto ko ng umuwi, wife." Malungkot na sabi ni Bryan sa kanya sa kabilang linya. "I miss you so damn much." Dagdag pa nito.

Pang-apat na beses na yata nito nasabi 'yon sa kanya ngayong araw. Kahit siya ay gusto na ding umuwi ang asawa niya, pero limang araw na lang at uuwi na din ang mga ito. They arrived in Japan yesterday at ito na ang pang huling bansa kung saan ang mga ito mag coconcert.

"I want that too, hubby. Pero kunting tiis na lang naman at makakauwi ka na din."

Narinig niya ang malakas na pag buntong-hininga nito sa kabilang linya. "Okay.." Tapos napabuntong hininga na naman.

"Huwag na malungkot, please? Ang bilis naman ng mga araw oh. Next thing you knew, ay nasa eroplano na kayo pauwi." Sabi niya dito.

"Maybe, I should book an earlier flight on Saturday? What do you think, wife? But I need to talk to Lander first." Sabi nito. "Ewan ko ba dito kay Lander at sa Sunday morning pa ang kinuhang flight namin pauwi eh sa Friday naman ang concert ." Reklamo pa nito.

"H-Huh? Hmm.. maybe he wanted you guys to rest first or baka gusto niyang gumala din kayo sa buong araw ng Sabado, hubby? Tsaka ikalawang beses niyo pa lang mag concert diyan sa Japan, 'di ba? Sabi mo pa nga hindi kayo nakagala nung unang beses na nag concert kayo diyan. Kaya siguro sinadya rin ni Lander na sa Sunday ang kinuhang flight niyo pauwi." Sabi niya na pasimpleng kinukumbinsi ito.

'Please naman, hubby! Jusko! Masisira ang plano ko!' Sabi niya sa isip niya habang nakapikit.

Nakaplano na kasi lahat para sa suprise party na ini-organize niya para dito na siyang gaganapin sa mismong araw ng pag-uwi ng mga ito. Ang dating ng mga ito ay 11 ng umaga at gustong-gusto nitong sumundo siya sa airport kaya galing doon ay didiretso na sila sa venue kung saan gaganapin ang party na hinanda niya. Iniisip pa nga lang niya ang magiging reaksyon nito ay naeexcite na siya. Paniguradong magugulat ito! Tsaka masasabi na rin niya dito ang tungkol sa pagiging sharp shooter nito. Kaya panigurado ring magagalak ito sa pasurpresa niya.

Ang mga magulang pa lang nila at ang mga kasama sa bahay ang nakakaalam tungkol sa pagbubuntis niya. Kahit kay Cindy na siyang tumulong sa kanya sa pagplano ng surprise party ni Bryan ay sinekreto niya. Mas gusto niya kasing makita ang reaksyon ng mga ito sa Sunday.

"Ba't parang pinipigilan mo 'kong umuwi, wife? Nakakatampo naman. Parang 'di mo ko namimiss talaga. Tapos ako gustong-gusto ng makauwi para makasama ka." Tunog pagtatampo na sabi nito.

"Hubby naman. Ayan na naman siya. S-Sige.. kung gusto mo na talagang umuwi.. P-Pwede rin."

'Please say no.. Please say no.. Jusko!'

"Wala na, tampo na 'ko, wife. Sige. Sa Sunday na lang ako uuwi.." Sabi nito sabay malalim na humugot ng hininga.

"Hubby talaga. S-Sayang din naman kasi ang pera kung magchichange flight ka pa.." Sabi niya tapos napakagat labi. Ang lame ng sinabi niya dito! Jusko!

"What? Wife, kahit ilang changes pa ang gawin ko sa flight ko ay bayra lang sa 'kin 'yon.." Mayabang na sabi nito tapos bigla itong tumahimik ng ilang sandali. "A-Are you hiding something from me, wife?"

Napamaang tuloy siya sa tanong nito at hindi niya naiwasang mataranta.

"H-Huh? A-Anong tinatago? W-Wala, hubby! Ano ba 'yang sinasabi mo?"

"W-Why do you sound nervous, wife? Hmm.. Nanlalalaki ka ba?" Seryosong tanong nito.

"A-Ano? Of course not!" Agap niyang sabi.

"Sigurado ka wife?"

'What the?'

"Hubby? Ano bang pinagsasabi mo? Hindi ko kayang gawin 'yan sa 'yo! Sa 'tin! Alam mo kung gaano kita kamahal, hubby? Kaya paano ko pa magawang lokohin ka? Hubby naman eh.."

'Sasabihin na lang ba niya dito ang pinlano niyang party nito sa Sunday? Pero paano na magiging surprise 'yon kung sasabihin nga niya? Hays. Pinagdududahan na kasi siya nito eh.'

Narinig niya ang malakas na paghugot nito ng hininga sa kabilang linya.

"I-I'm sorry, wife. Natatakot kasi ako. I... I guess I'm just feeling insecure, wife."

"Insecure? I-Ikaw? 'Di ba dapat ako ang mas makaramdam niyan, hubby? You're the great and the famous Bryan Lopez. A lot of people adores you and idolizes you. Some even envy you. And I'm just a nobody.."

"You're my Mrs. Sevilla, wife. Paano ka naging nobody diyan? Damn! Natatakot ako na baka makahanap ka ng iba na mas deserving sa 'yo! You're like an angel that is destined to meet and love someone na hindi ka kayang saktan at paiyakin katulad ng ginawa ko. But here you are, married to a devil or monster who doesn't deserve you."

"Hubby.. I love you. Isn't that enough reason for me to choose you and stick with you? At bakit mo sinasabing hindi ka deserving? We both deserve each other, hubby. You may be a monster and I may call you one sometimes, but you are the monster that I love and will forever cherish. So please lang, hubby. I wouldn't dare cheat on you, and stop with those insecurities. Ginagawa mo naman lahat para makabawi sa nangyari dati eh, and I appreciate everything, hubby. I love you and I will always do." Madramang sabi niya dito at narinig naman niya ang pagbuntong-hininga nito.

"Okay, wife. I'm just so damn scared. I have never felt this low with myself. First time ko ding magkaroon ng insecurities lalo na pagdating sa babae. Natatakot lang talaga ako na baka mauntog ka, tapos narealize mo kung gaano ako kagago. Maybe, I just love you too much, wife. I'm sorry."

"Its all right now, husband. I love you more. Kalimutan na natin 'yong dati. What's important is now and our future together."

"Yes, wife. I promise I will never cheat on you, and sana ikaw din. Baka hindi ko kakayanin." Seryosong sabi nito. "Bakit hindi pa kasi kita nabuntis eh. Siguro kung nakabuo na tayo hindi na ko mangangamba ngayon. Pero babawi talaga ako, wife, pag-uwi ko. Gagalingan ko pa lalo ang performance ko. Try to research some new positions wife. 'Yong doggy style, hindi pa natin na try tsaka 'yong cow girl, 'yong the Pinocchio . Fuck!"

Hanu daw?

Napamaang na lang siya sa mga sinasabi nito at nag tuloy-tuloy na ang paglalandi nito sa kanya pero hindi naman sila maka loving-loving via phone call kasi mag-eensayo pa ang mga ito maya-maya. Nagkikwento lang talaga ito ng mga gusto nitong gawin nila pagkauwi nito para daw makabuo na sila.

Naku! Kung alam lang ng halimaw na 'to ang totoo. Minsan nga parang hindi na talaga niya mapigilan na ibunyag dito ang totoo kaso mas gusto niya talagang masurpresa ito.

Natigil na lang ang paglalandi nito sa kanya ng biglang pumasok si Lander sa kwarto nito. Lokong halimaw. Nataranta, kaya paniguradong may ginagawa pa talagang kababalaghan ang loko.

Buti na lang din at pumasok si Lander kasi kailangan na din niyang mag-ayos para sa appointment niya sa OB-Gyne. Ika-second appointment na niya ito. Nagpaalam naman na siya dito na may lakad siya pero ang sabi niya ay bibisita siya sa mga magulang. The truth is ang mga magulang niya ang susundo sa kanya sa mansiyon dahil masyadong excited na ang mga ito sa unang apo.

Kakahatid lang sa kanya ng mga magulang niya sa mansiyon. Everything is good for their baby who is almost six weeks old. First trimester is the most critical time of each and every pregnancy kaya grabe ang pagpapaalala ng doktor niya sa kanya. Iwas daw sa stress and everything but she is absolutely fine, of course. She's very happy at wala talaga siyang pinoproblema ngayon. Her planned surprise party for Bryan is already perfectly settled. Kaya wala na rin siya masiyadong iisipin pa kungdi ang sa araw ng pag-uwi na lang talaga ng asawa niya.

"Kyra, iha! Kumusta ang appointment mo sa doktor?" Masiglang bati sa kanya ni Manang Rosa niya pagkapasok niya sa malaking pintuan ng mansiyon.

"Okay na okay po, Manang!" Paunang sabi niya at agad kinwento dito ang naging pag-uusap nila ng doktor niya habang naglalakad na sila paakyat sa hagdanan.

"Oh siya, magpahinga ka na muna, iha. Tatawagin na lang kita mamaya kapag oras na ng hapunan."

"Sige po, Manang. Thank you po!" Sabi niya dito at pumasok na nga siya sa kwarto nila ng asawa niya.

Nilapag lang niya ang bag niya sa loob bago siya lumabas ulit para puntahan muna ang kanyang father-in-law. Pakatok na sana siya sa pintuan ng kwarto nito ng bigla 'yong bumukas at napamaang siya ng makitang si Arthur 'yon. Kahit ito ay nagulat ng makita siya.

Hindi na sila nakapag-usap simula ng honeymoon nila ni Bryan. Pagkatapos kasi kunin ni Bryan ang cellphone niya dahil sa selos kay Arthur ay tinext na niya ang huli na nagbago na ang isip niya kahit wala pang kasiguraduhan 'yon na mamahalin nga siya ni Bryan. At pagkatapos niyon ay hindi na ito nagreply sa kanya, at hindi na rin siya gumawa ng paraan para kausapin ito.

"H-Hi!" Bati niya dito noong nakabawi siya sa gulat niya ngumiti lang ito ng tipid sa kanya.

"Kyra, iha!" Tawag naman ni dad sa kanya noong nakita siya sa siwang ng pinto nito. "Kamusta ang check-up mo?" Tanong nito agad at lumapit na sa kanila.

Nandoon pa din si Arthur pero umusog ito ng kunti para kay dad. Umiwas na rin siya ng tingin dito pero ramdam niya ang paninitig ni Arthur sa kanya.

"Okay lang po, dad. Bumili na po ako ng gatas at karagdagang vitamins." Sagot niya sa father-in-law niya.

"W-Why? Are you sick?" Tanong ni Arthur na bakas ang pagkabahala sa itsura nito.

"No, iho. My pretty daughter-in-law here is pregnant with my grandchild." Masayang sabi ni dad dito na siya ng sumagot sa tanong ni Arthur na para sa kanya.

"O-Oh. Congrats." Bakas ang pagkalumo ni Arthur sa boses nito.

"Thanks." Sabi niya dito sabay bigay ng napakatamis na ngiti niya.

"Why don't you invite Arthur for the party on Sunday, iha?" Suhestiyon ni dad.

"Ay, oo nga pala! May pa surprise party ako kay Bryan. Uuwi na siya sa Sunday kasi. You should come and join us!" Magiliw na sabi niya dito.

Arthur is a good guy, and he's been good to her kaya its only appropriate if she will still treat him as a friend but with boundaries naman para walang gaanong problema. Lalo na't sobrang nagseselos si Bryan dito. Isa pa Bryan and him used to be close naman during their childhood years, kaya hindi naman siguro masama if yayain nga niya ito sa Sunday. Maybe she can be the instrument that can make Bryan and Arthur to become good friends again.

"I'll check my schedule on Sunday, Uncle." Sabi ni Arthur bago tumingin ulit sa kanya. "Thanks for the invitation, Kyra. W-Well, I better go now. May kailangan pa akong pag-aralan sa opisina." Sabi nitong nagpapaalam na sa kanila.

"Sige, iho. Salamat ulit sa pagpunta. Mag-ingat ka."

"Anytime po, Uncle." Sagot naman nito. "B-Bye, Kyra."

"Ah. Hatid na kita sa labas, Arthur. Babalik po ako agad, dad." Bigla niyang napagdesisyonan at agad ring pumayag ang father-in-law niya habang tahimik lang si Arthur hanggang sa bumaba na sila sa hagdanan.

Arthur seems like he doesn't want to join them on Sunday, but she wanted him to come, though. Para matigil na din ang pagseselos ni Bryan, kasi naisip niya din na baka si Arthur ang tinutukoy nito kaya nagkaroon ito ng inferiority complex. She needs to show Bryan, her husband, na hindi na nito kailangang mangamba when it comes to Arthur.

Nakalabas na sila sa pintuan pero nanatili pa rin itong tahimik at parang plano na nitong dumiretso sa sasakyan nito kaya tinawag na niya ito.

"Arthur.."

Tumigil nga ito sa akmang paghakbang pero hindi pa rin ito bumaling sa kanya.

"Arthur.. Hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa, but.. I really hope you could come on Sunday.." Sabi niya dito.

"Y-You're pregnant?" Tanong nito na ikinagulat niya.

Nanatili itong nakatalikod sa kanya kaya hindi niya alam kung ano ang reaksyon nito.

"Y-Yeah.. Uhm.."

Bigla itong napabaling sa kanya at napamaang siya sa sobrang lungkot ng mukha nito pero bigla itong napalitan ng masuyong ngiti.

"I'm happy for you and Bryan. You look so happy. And I hope he'll take care of you, because if not then I'm going to take you and your baby away from him." Sabi nitong sobrang seryoso.

"Arthur-"

Bigla itong napangisi at tinapik siya sa balikat. "I'm just kidding, Kyra. See you."

Agad na itong tumalikod at iniwan siyang napamaang sa inakto nito.

"S-Sa Sunday, Arthur, ha?"

Imbes na sagutin siya ay tinaas lang nito ang isang kamay hanggang sa sumakay na ito sa sasakyan nito at mabilis na pinasibad 'yon.

'Pupunta naman siguro siya. Sana nga pupunta siya.' Sabi niya sa isip habang nakatingin sa likod ng sasakyan nito.


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C53
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập