"Leave you, move on to a perfect stranger
You talk, I walk, wanna feel the danger
See me with him and it's turning you on
It's got me saying
Getting me back at the end of this song"
- Get Outta My Way song by Kylie Minogue
NARRATOR
"Tell me, Kyle. Ano mo ba siya ah?!" Tanong muli ni Ally. Hindi agad nakasagot si Kyle dahil hindi niya rin masabi kung ano nga ba niya si Elisa. Ang alam niya lang ay sumasaya siya pag kasama niya si Elisa kahit sa maikling panahon pa lamang niya ito nakikilala.
"Why are you not answering my question, Kyle? Who the hell is this slut in your life?!" Tumataas na ang boses ni Ally hudyat na lalo na siyang naiinis..
"She's just my friend. Happy?" Sarkastik na sabi ni Kyle at nagsimula nang maglakad.
"You sl*t! Hindi pa tayo tapos! Don't you dare na lumapit sa FIANCÈ ko kundi makakatikim ka ng impyerno! Tandaan mo yan!" Sabi ni Ally habang dinuduro-duro niya si Elisa. Nananatiling tahimik si Elisa at walang emosyong tinitigan si Ally habang halos pumutok ang buchi nito sa sobrang gigil sa kanya.
"KYLE!" Sigaw niya at lumakad na para sumunod kay Kyle.. "COME BACK HERE! HINDI PA TAYO TAPOS!" Utos niya dito pero ni hindi man lang siya nilingunan ng binata.
'Damn this woman! She's getting into my nerves!' Inis na sabi ni Kyle sa kanyang isip. Pagkapasok niya sa loob ng bahay ay akmang didiretso na sana sa hagdanan nang biglang hatakin ni Ally ang kanyang braso.
"ANO BA?! WHAT THE HELL IS YOUR PROBLEM?!" Hindi na napigilang sumigaw ni Kyle marahil ay sa sobra na nitong inis..
"Sinisigawan mo ko?! Dahil ano?! Dahil sa Elisang yun ganoon ba?!" Hindi makapaniwalang sabi ni Ally kay Kyle. Bumuntong hininga si Kyle at tumingin sa ibang direksyon.
"Please. Let's stop arguing non-sense things okay? Look, alam kong mainit ang ulo mo kaya ayoko munang kausapin ka." Kalmadong sabi na ni Kyle.
"No, we NEED to talk NOW." Aniya ni Ally at lumakad papalapit kay Kyle.
"About saan? If it's your immaturities stuff, forget it. Magpapahinga na ako." Sabi ni Kyle at tinalikuran na si Ally. Nakakahakbang na siya sa hagdan nang biglang magsalita si Ally.
"It's because of your company." Panimula ni Ally. Napahinto si Kyle sa paghahakbang dahil sa kanyang narinig. "What about my company?" Tugon niya dito nang hindi man lang lumilingon.
"Your company is falling.." Mahinang sabi ni Ally. Hindi agad nakareact si Kyle marahil ay hindi niya narinig ng ganoong kalinaw ang winika ng dalaga.
"What did you say? My company is what?" Tanong muli ni Kyle. Sa oras na ito ay lumingon na siya sa dalaga.
"Like my company, your company is already at the peak of downfall, Kyle. Your parents decided not to tell you about this maybe because they don't want to bother you but hindi na nila alam kung anong gagawin.." Halos mabingi si Kyle sa kanyang mga narinig.
"A-at the peak of downfall?!" Hindi makapaniwalang sabi niya, "H-how did that happen?! Hindi ba maraming malalaking investors ang company namin?!" Aniya niya.
Napaupo si Ally sa couch at marahas na hinaplos ang kanyang buhok.
"All our big time investors, they backed out. They didn't want to take the risk of investing to a company who's already falling.." Mahinang sabi ni Ally.
Halos manlambot ang mga tuhod ni Kyle.. Napaupo siya sa hagdanan habang hinahawakan ang kanyang ulo..
"What are we gonna do now, Kyle? I can't lose my company.." Biglang iyak ni Ally na ikinagulat ni Kyle..
Kahit siya ay hindi niya alam kung anong sasabihin niya.
Hindi niya rin alam kung anong gagawin niya.
Maya-maya pa'y biglang tumunog ang kanyang cellphone.
Tinignan niya ito. Isang email galing sa isang acronym na 'E.L.V'
Binuksan niya ang email at....
Itutuloy....