Tải xuống ứng dụng
10.81% Hacienda Casteel / Chapter 4: Chapter 4

Chương 4: Chapter 4

Nang makarating sila sa tapat ng mataas na gate ng Hacienda Casteel sumalubong agad ang matanda sa kanyang kaisa-isahang apo.

"Congratulations, apo, mag-aral ka pa ng mabuti. "Masayang binati ni Don faust ang kanyang apo.

"Thank you po Lolo Faust." She hugged him.

"O sya, tara na at kumain. Naghihntay na mga bisita natin. Makiki-celebrate din daw sila sa graduation mo."

"Lolo Faust, baka naman isang buong barangay na naman ang mga inimbeta mo!?" Humalakhak lang ang kanyang Lolo Faust.

"May masama ba doon, apo?" Tanong nya sa apo nya. Nauna nang pumasok sa bahay ang parents nya.

"Wala naman po Lolo Faust." Ngiti lang sinukli ng Lolo nya.

"Iyon naman pala. Tara na. Gutom na lahat. At saka apo," Pabulong na salita nito. Nagtaka naman itsura ni Charl. "May regalo ako sayo. Sigurado akong magugustuhan mo ito."

"Talaga po?" Excited na tanong ni Charl.

"Oo, apo. Pero kumain muna tayong lahat."

"Sige po, Lolo Faust."

Pagpasok sa pintuan ng bahay, sinalubong ng lahat si Charl. "Happy Graduation Day!" Halos lahat ng taong kilala nya sa loob ng Hacienda Casteel ay nandoon. Inimbita ng kanyang Lolo Faust. Pagkatapos magdasal at magpasalamat, kumain na ang lahat. Parang fiesta lang ang nagaganap, sa dami ba naman ng tao at pagkain sa malaking mesa. Tuwang-tuwa si Charl sa mga nakikita nya, iyong iba kasi may regalo pang ibinigay. "Hindi ko naman kaarawan." Nahiyang tugon nya, pero nagpasalamat na lamang din sya. "Salamat."

Matapos ang kainan, tumulong na syang magligpit ng mga kalat. Marami naman silang kasambahay pero sanay sa gawaing bahay itong si Charl. Sa mura nyang edad marunong na din sya magsaing ng bigas, at halos maperfect na nya ang paborito nyang pagkain na adobo at tinolang manok. Nagpaturo sya sa isa sa mga kasambahay nila.

"Apo," Tawag ng kanyang Lolo Faust. "Halika muna dito," Alam ni Don Faust na mahilig sa gawaing bahay ang kanyang apo. "Apo," Tawag nya ulit.

"Bakit po, Lolo Faust?"

"Hindi ba sabi ko sayo, may regalo ako sayo? Ipapakita ko na sayo, ngayon."

"Talaga po, Lolo Faust?"

"Oo, apo. Tara?"

"Sige po." Binaba nito ang hawak-hawak na walis at sumama sa kanyang Lolo Faust. Nilagyan ng piring ang kanyang mga mata para sa sopresa. Inalalayan sya nito sa paglalakad hanggang sa makarating sila sa bungad ng kwadra.

"Apo, keep on closing your eyes, tatanggalin ko na ang piring."

"Sige po Lolo Faust."

"Bibilang ako ng tatlo, saka mo lang buksan ang mga mata pagkatapos."

"Opo." Excited na tugon nito.

"Isa, dalawa, tatlo" Dahan-dahan binuksan ni Charl ang kanyang mga mata.

"Wow!" Yon lang lumabas sa bibig nya. "Lolo Faust, sa akin po ba talaga ang kabayong iyan?"

"Oo, apo ko." Ngumiti lamang sya. Lumapit ang batang Charl sa kabayo. Unti-unti nitong hinawakan ang ulo ng kabayo.

"I want to name him, Steel." Tinitigan nya lamang Lolo Faust nya.

"I see, may nakahandang pangalan ka na pala. Nagustuhan mo ba regalo ko sayo, apo?"

"Sobra po Lolo Faust." She hugged her Lolo Faust. "Thank you po."

"Alagaan mo syang mabuti ha, apo?" Umiling lamang ito bilang pagtugon. "Ikaw magpapakain, magpapaligo, okay?!" Umiling-iling lang si Charl. Speechless sya sa sobrang galak. "At kausapin mo lang, tuwing dadalaw ka dito. Pero si kuya Roy, ang bahalang tumulong sayo para paamuhin si Steel, sa ngayon hindi mo pa sya pwedeng masakyan, kasi isa pa syang batang kabayo."

"Naiintindihan ko po, Lolo Faust." Masayang tugon nya. Kinwento ng Don kung anong klaseng kabayo ang binili nya at saan ito makikita. Isa itong tinatawag na gypsy horse, mabalahibo syang uri ng kabayo. Napakaganda. Marami pa naman silang ibang uri ng kabayo pero pinagbabawalan syang sakyan ang mga ito. Kung kaya naisip ng Don na regaluhan ng kabayo ang batang Charl.

"Salamat po talaga, Lolo Faust. Masayang masaya po ako."

"O sya, bukas mo nalang ulit syang bisitahin, apo. Kailangan ko munang magpahinga. At ikaw din. I'm sure, pagod ka din."

"Sige po, Lolo Faust. Tara po." Matapos ibigay ng matanda ang kanyang regalo, umuwi na sila sa bahay nito. Pumasok na ang matanda sa kanyang kwarto. Malinis na ang buong bahay pagkabalik nila. Pumasok na lang din sya sa kwarto nya.

Maliban sa kabayo na ngayon lang binigay ng Lolo Faust nya. May isa pa syang alagang hayop, ito ay ang pusa nyang si Hush. Kuting palang ito noong binigay sa kanya. Ngayon ay sobrang laki na, puti ang kulay ng mga balahibo nito, na kasalukuyang natutulog sa kanyang kama. Katabi nya ito madalas matulog. Pasalamat nalang sya at wala syang allergy sa mga balahibo ng hayop. Tumabi sya dito at unti-unti nagsara ang mga mata nya hanggang sa makatulog ito.

Gabi na nang magising sya. Mukhang may bisita sila. Medyo may naririnig syang mga tawanan sa sala. Wala sa sariling pumanaog mula sa second floor ng bahay si Charl, dumeretso lamang ito sa kusina at naghanap ng makakain. Alas-syete na pala kasi ng gabi. Kumakalam na sikmura nya. Hindi man lang nya sinilip kung sino ang mga nasa sala nila.

"You haven't eaten dinner yet?" Sa gulat nya dahil biglang may nagsalita sa likuran nya nauntog sya sa pintuan ng fridge, malaki ang fridge nila, kulay puti, nahati sa dalawang pintuan, yung isa sa taas kung saan ang freezer na naglalaman ng mga karne ng manok, isda o baboy. Sa iba naman mga dry goods, o mga gulay at iba pang pwede lagay, at doon sya nauntog sa pintuan ng freezer.

"Aray!" Hawak nya sa ulo nya sa bahagi ng nauntog.

"Oh shit! Are you hurt?" Agarang lumapit ang batang lalake kay Charl.

"Yes.." Kahit ang sakit ng untog nya, mas lalong nagulat si Charl nang makilala nya kung sino ang batang lalake.

"Thirdy?!" Surprised was written on her face. This time kasi wala man lang nabanggit ang parents nya na darating pala sila Thirdy.

"I'm sorry, if I startled you." Hindi na sya nakapagsalita. Nakatitig na lang sya sa mukha ng batang lalake. Habang hawak ang nauntog na ulo. "Yes we're here. Your parents invited us to visit here since we're having a short trip vacation. Hey, Charlotte?" Tawag ni Thirdy sa kanya. "Are you okay?" Hindi kasi ito nagsasalita.

"Oh! I'm okay." Nakabawi din.

"I said, I'm sorry if I startled you." Paumanhin ng batang lalake.

"It's okay. I'm fine. Nagulat lang talaga ako. But I'm okay, Thirdy." Paninigurado ni Charl.

"Okay." Lumapit pa konti si Thirdy at ginulo buhok nya. Matangkad ito. Sa tantya nya, 5"10 feet tall ang taas nito. Mas klaro na ngayon ang blonde hair nito.

"Stop." She's still stunned by the view.

"Okay." He hands off. "Hap.." May sasabihin pa sana si Thirdy naputol nang.

"Hey.." Tawag ng Mom ni Thirdy. Dumating bigla ang parents ng dalawa sa kusina. "We were looking for the two of you. Nandito lang pala kayo."

"Oh hello, Charl. Happy Graduation! Congratulations." Lumapit ang mom ni Thirdy kay Charl. She hugged her and kiss her cheeks.

"That's what I about to tell her, but you guys enterrupted us.." Pabulong na sa sabi ni Thirdy but enough for Charl to hear it. Kaya lumingon sya kay Thirdy. He just winked at her.

"Thank you po, Tita Claire." Tugon naman nya.

"Congrats, Charl." Dad naman ni Thirdy ang bumati sa kanya.

"Thank you po, Tito Miguel." Sagot ni Charl.

"Nagdinner ka na ba anak?" Tanong ng Mama nya.

"No, I haven't Mama. Hanap lang ako ng makakain dito."

"Sige, anak. Balik lang kami sa sala." Paalam ng Mama nya.

Lumingon naman ang mom ni Thirdy kay Thirdy. "I'll stay with her. She needs company. Besides, I'm bored." Bumalik na ang mga matatanda sa sala.

"So you're just bored, that's why you're here?" Sarkastikong tanong ni Charl.

"No. That's not it. I'm sorry, I just said that."

"Whatever! Hanap lang ako ng makakain ko." Tinalikuran na nya si Thirdy at nanghalungkat ulit ng pagkain sa loob ng fridge. Nang makahanap, nilagay nya ito sa loob ng microwave oven.

"Hey, are you mad?" Nakaupo na sya sa isang silya.

"No." Tipid na sagot ni Charl nang hindi lumilingon.

"You sounded like one though." Pangungumbinsi ni Thirdy.

"No, I'm not." Oo naiinis sya dahil sa sinabi nito pero..

"Okay. Anyway, Charlotte, I have something to give to you." Natigilan si Charl sa sinabi ni Thirdy. Lumingon sya. And there, may binigay na bracelet si Thirdy sa kanya. "Sorry, that's all I can give to you, I have nothing to think of. I don't know what's you like and not. Its a handmade bracelet."

Stunned. "Ahm, it's a beautiful bracelet, actually. Thank you, Thirdy. I'll keep it." She half smiled.

"Keep it only?" He asked.

"No, I mean, I'll used it." Then they smile at each other.

To be continued..

📝 Jannmr


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C4
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập