"Xymon, baby ready kanaba? naghihintay na satin si Papa!" habang karga ni Yra ang anak papasok sa opisina ni Jion, napagkasunduan nilang mag stay over silang mag ina sa bahay ni Jion ngayung weekend para masubukan nitong makasama ang bata pero napaaga sila dahil sa pamimilit ni Heshi na gusto na nitong makasama ang bata, gayundin ang mga magulang ni Jion. Pinakiusapan niya muna si Sabrina na sya muna ang mamahala sa opisina nya.
"Ledi!" sagot ng bata na animoy naiintindihan ang mga sinasabi niya.
"Ayun si Uncle Minjy mo!" itinuro nya sa bata ang lalaking nakatayo sa labas ng opisina ni Jion, may kausap itong Tatlong empleyado doon. "Say hello Uncle!"
"Hey little Xymon! kamusta na pinakacute na baby namin!?" bati nito sa bata. Sinenyasan niyong umalis na ang mga kausap bago pa sila makalapit mag ina. Kinawayan naman ito ng bata, "mamaya na tayo maglaro ha, busy pa si Uncle. Pasok na kayo sa loob naghihintay na tatay nya!" Anito sa kanila.
"Okey, po!" tugon ni Yra kay Minjy, marami sigurong project ang mga ito ngayun!? nasa isip ni Yra bago sya kumatok sa opisina ni Jion.
"Come in!"
"Hello!" bati ni Yra sa lalaki ng bumukas ang pinto, pumasok na sila ng anak sa loob. "How are you?"
"Medyo pagod but I'm fine." tinitigan ni Jion ang batang karga ni Yra, kamukha ko nga talaga ang batang ito.
"Xymon look it's your Papa!" ani Yra sa bata.
"Papa? papa ang tawag nya sakin?"
"Oo, yun kase ang mas nauna nyang sabihin eh!" Basta naman nakatingin lang ang bata kay Jion na parang kinikilala ang kaharap. "Pasenya kana ha, medyo matagal ka din kaseng hindi nakita ni Xymon kaya naninibago sya."
Tumayo si Jion at nilapitan ang mag ina, "Xymon!" tawag nya sa bata. Para namang nakilala nito ang boses nya dahil bigla itong ngumiti, para namang kinuryente ang puso ni Jion dahil sa pagngiti ng bata, "para syang rabbit!"
Natawa naman si Yra sa tinuran nito, Mana sayo! isinantabi niya ang nasa isip, "Xymon gusto mo bang magpakarga kay papa?" tanong niya sa bata na kaagad namang tumango sa kanya.
Napakamot muna si Jion sa batok bago inialok ang dalawang kamay sa bata, sa simula ay medyo nahihiya pa si Xymon dahil tumingin muna ito sa kanyang ina saka dahan dahan humawak sa braso ni Jion.
Parang sasabog ang puso ni Jion ng dumantay ang kamay ng bata sa kanya habang inaalalayan ito ni Yra, Ingat na ingat syang karagahin ito na parang sanggol na mababali ang mga buto pag nagkamali sya. May kung ano sa puso nya ang natutuwa sa pagkakayakap nya sa bata.
Dahil maaga pa naman ay niyaya muna ni Jion ang magina na mamasyal sa mall para malibang ang bata, dinala nya ito sa toy section at hinayaan itong maglaro doon habang nalilibang sya ng pamimili ng laruan para dito.
"Gusto ko ang isang to!" aniya habang ipinapakita kay Yra ang pinakamahal na helicopter na nakadisplay doon.
"Di pa naman yan malalaro ni Xymon kase hindi pa sya mahilig sa mga ganyan." Kontra niya dito dahil nanghihinayang sya ng makita nya ang presyo noon.
"Malay mo pag nakita nya na kung pano to paganahin magustuhan nya din!" kaya isinama rin ni Jion sa pushcart nila yon.
Napabuntong hininga si Yra sa ginawa ni Jion, kanina pa niya ito pinipigilan sa kalalagay ng kung ano anong laruan don, lahat ata ng makita nitong pwede sa anak ay pinipili nito habang siya naman ang nag aalis sa ibang laman ng pushcart nila.
"Xymon look at this!" ipinakita ni Jion ang isang set ng mga hot wheels sa bata, "Gusto mo ba to?"
"Guto cals!" sigaw nito.
"Okay!" nakakatuwa to! masarap palang mamili ng mga laruang pambata! bulong ni Jion sa sarili.
Hay naku! sa susunod di ko na isasama ang isang to sa department store! masyadong makunsumo! naiiling si Yra sa ginagawa ni Jion.
Nang matapos silang mag shopping ay nagyaya na iyong kumain, "Mama plenpays!" habang tinuturo nito ang mascot sa tapat ng isang pastfood.
Napatingin sya kay Jion, Okay lang kaya sa kanya ang pastfood? para namang nabasa nito ang iniisip niya.
"Its okey kung don nya gusto!" nauna na itong lumakad papunta sa gawi ng mascot. Pagpasok nila doon ay ito rin ang naghanap ng bakanteng table at nagpakuha ng high chair sa isang staff doon. "Pili ka ng dinner natin at ng pangtake out para may dala tayong pagkain sa bahay na pwedeng kainin ni Xymon mamaya, baka magutom sya eh!" Iniabot nito sa kanya ang black card na hawak nito.
"Sure kang gagamitin mo to sa isang pastfood lang!?" di makapaniwalang sabi niya dito, pambihira siguradong milyon-milyon ang laman ng black card na ito. "Itabi mo nalang to at ako na ang magbabayad!" ibinalik nya ang card kay Jion pero ayaw yung tanggapin ng lalaki.
"Its for you!" anito, " pwede mo yang gamitin kahit san mo gusto. "
"Naku eh hindi ko naman to kailangan kase may kinikita naman ako!" sira ba ang tuktok nito? basta nalang mamimigay ng black card na parang barya lang ang pinamimigay!
Seryoso sya!? napakunot ang noo ni Jion, kabuyan na itong binibigay ko sa kanya pero ayaw nyang tanggapin! "Just keep it, Pang french fries ni Xymon!" tudyo nya dito.
French fries ka jan! Wala ng nagawa si Yra kundi tanggapin ang card na binigay sa kanya ni Jion. Sakto namang inilalagay nya iyon sa pitaka ng may lumapit sa kanilang matangkad na babae.
"Jion Guia!" bati nito, "Wow, I didn't expect na nagpupunta ka sa ganitong klase ng lugar!"
Bahagyang kumunot ang noo ni Jion sa sinabi ng babae. "I don't think I know you!" sagot nito dito.
"Ows! come on, nakalimutan mo naba ako? I'm Fatima" maarteng sabi pa niyo. "We met in JnJ's you don't remember? I stayed on your house for days!"
Napataas naman ang kilay ni Yra, parang alam nya na kung bakit kilala nito si Jion dahil doon nya din ito nakilala at yun ang dahilan kung bakit sya nagising sa kama nito!