Tải xuống ứng dụng
53.33% Protégée / Chapter 8: Chapter Eight

Chương 8: Chapter Eight

May kumatok sa pintuan ng bahay ni Paige. Inaantok habang nanunood si Dazzle ng cartoon series na 'Tom & Jerry' sa salas ng nito. Napagising ang dalaga dahil sa katok sa pintuan. Di siya sigurado kung katok nga ba sa pintuan ang narinig niya o hindi, kaya napatulog ito ulit. Biglang tumunog ulit ang katok sa pinto at napatayo na ito sa kinahihigaan at lumakad papunta sa pintuan at binuksan. Nagulat si Dazzle nang makita niya si June pagbukas niya ng front door ng bahay nito, kasama sina Warren, Sam, ang photographer, si Kitty at si Ricky, lumuluha at galit ang mukha. "What can I do for you?" tanong ni Paige. Biglang pumasok si June ng bahay ni Paige kahit di ito pinapasok. Hinahatak ng mga kaibigan si June palabas ng bahay ni pero di nila ito mapigilan. Natatakot si Paige sa dating bestfriend nito. "June, maghinay-hinay ka, you're in my territory." Sabi ni Paige sabay atras dahil sa takot kay June. Strikto ang mukha ni Sparkle pero basa ang mga mata ng luha. Nananahimik lang sa gilid si Van at ayaw sumali sa gulo. "June slow down..." sabi ni Warren sa ex nito. "Sis..." sambit pa ni Ricky sa kapatid. "Anong kaguluhan ito?" sabi ni Peter na naglalakad papunta sa kay Paige. "Wala kang tungkulin dito puwede ka ng umalis." Sabi ng make-up artist kay Peter. "At ikaw meron?" sabi ni Peter kay Kitty, "alaga ko ang inaaway niyo at nasa teritoryo ko pa kayo!--teritoryo niya." Tinuro agad ni Peter si Paige dahil kay Paige ang bahay na tinitirahan nito. Nagtitinginan ng masakit ang dating magkaibigan. "Ikaw si Seb?" tanong bigla ni June kay Paige. Nagulat si Dazzle sa sinabi ng former bestfriend. "Ano?" tanong ni Dazzle, "Anong Seb? Anong pinagsasabi mo?" dugtong pa ni Dazzle. Napapayuko lang sa sulok si Van at kumakagat ng sariling mga daliri dahil siya ang dahilan kung bakit nakilala ni June si Seb. "Gaga ka. Ikaw ang sumulat ng pelikula ko na Protégée? Ikaw si Seb?!" tanong pa ni June kay Paige. Napataas noo lang si Paige at nagsabi ng, "Wala akong alam sa mga pinagsasabi mo. At hindi ako si Seb. My name is Paige." Sabi ni Dazzle. "'Wag kang magmaang-maangan pa! ikaw ang sumulat ng pelikula ko noong isang taon!" sabi ni June. "Wala akong planong sumulat ng pelikula para sa'yo, kung susulat lang din naman ako, edi, sa akin nalang 'yon!" sagot ni Paige. Napaiyak si June sa sagot ng dating kaibigan. Tatalikod si Paige at lalakad sana paakyat ng hagdan nang makita ni Sparkle ang nakasulat na 'Seb' sa pendant ng kuwintas nito. Nagsalita si June ng, "Seb?" at humarap bigla si Paige sa inis sa mga kaibigan at nag-respond ng "Ano ba!. Hindi ako si Seb!" Nagulat ang lahat pati rin mismo si Paige. Siya nga si Seb dahil tinuro ni June sa mga kasamahan nito ang pendant na suot ni Dazzle. "Ikaw nga si Seb!" sabi ni Kitty. Lumuha lalo si June. "Ikaw si Seb?" tanong ni Ricky kay Dazzle. "Paige... Sino si Seb?" tanong ni Peter sa alaga nito. Dumadami ang tumatanong kay Dazzle kung siya nga ba si Seb. Sa inis, galit at iritasiyon, biglang sumigaw si Paige para tumigil ang ingay mula sa mga tanong ng mga tao sa paligid nito. "Oo! Ako nga si Seb!" sagot ni Paige. "Oh, ano masaya ka na? ano pang problema?" dugtong pa ni Paige. "Ikaw ba ang may kagagawan ng mga karahasan sa pamilya mo?" tanong ni June. Nagulaat si Paige sa tanong ni June. "How dare you say that to me?! Hinding hindi ko mapapatay ang sariling kapatid at ama ko!" sigaw ni Paige. "'Wag kang umarte na para bang inaalagaan ka ng pamilya mo dito." Sabi bigla ni June. Nagulat ang lahat pati rin mismo si Paige dahil tama si June, "dahil tulad ko, ampon ka din!" Sabi pa ni June. Nagulat ang lahat pati rin mismo si Van. "Naging mag-bestfriend tayo dahil pareho tayong ampon. Matagal mo ng sinasabi sa akin kung puwede lang pumatay ng sariling kapamilya gagawin mo pero di mo magawa at ngayon na trentay otso kana,... siguro, nagawa mo na." sabi ni June. Napapluha si Paige. "Paige, gusto mo ba akong patayin para maagaw mo ang tropeyo?" sabi pa ni Sparkle. Napaiyak din si Paige. "Ang kapal mo din ano?!" sigaw ni Paige, "Bakit? Ganyan ka na ba talaga kagaling para ikaw lang ang palaging panalo? Ilan na ba ang best actress awards mo?!" dugtong pa ni Dazzle. Sumagot bigla si June ng "Labin' walo." Sagot ni Sparkle. "Eh sa'yo?" tanong ng make-up artist kay Paige. Napatitig lahat sa gilid at may mga tropeyo si Paige at puro supporting actress lahat ng napanalunan. Napayuko si Paige sa hiya. "Nagkaroon ako ng horror movie na naging malaking sakuna sa buhay ko ngayon, dahil di ko alam kung sino ang may kagagawan ng kasulatan, ikaw lang din naman," Sabi ni June, "Hindi pa sapat ang katibayan ko na ikaw nga si Starkiller. Pero kung magkaroon na 'ko ng isa pang ibedensiya na ikaw nga ang pumatay kay Anghel at sa sinasabi mong pamilya, ako mismong papatay sa'yo, kahit masakit,... tandaan mo." Dugtong pa ni Sparkle na napapaluha. Umalis si June sa bahay ni Paige kasama sina Warren, Sam, Kitty, ang photographer, at si Ricky. Naiwan si Van kay Paige at sinamahan muna ito. "Pagpasensiyahan mo na si June, inatake kasi siya kanina ng mamamatay-tao, at namatay si Anghel." Sabi ni Van kay Paige. Nagulat si Paige sa sinabi ni Van. "At ako ngayon ang pinagbibintangan niya na umatake sa kanya dahil ako'ng sumulat ng horror movie niya? Dapat nga magpasalamat pa siya dahil ako ang sumulat ng kaunaunahang horror movie niya, na naging best actress ulit siya." sabi ni Dazzle na panay ang pagluha. "Ba't ka pa kasi sumulat ng pelikula at horror pa para kay June, 'kala ko ba wala na ang friendship niyo?" tanong ni Van kat Paige. Umiiyak si Paige at napatanong ng, "Tama naman kasi si June, nagagalingan lang talaga ako sa gagang 'yon. Paano niya kasi nalaman na ako si Seb?" tanong pa ni Paige na panay ang iyak. Ipinakita ni Van ang bracelet sa braso nito na may 'Seb' na pangalan. Napaiyak lalo si Paige. "Paige, sorry, ngayon ko lang nalaman na ampon ka din... Ilang taon ko ding hindi alam 'yon bes..." sabi ni Van sa kaibigan. "Nakita ko na noon ang klase ng mukha ni June na gano'n. Simula nang magiba ang pagkakaibigan namin..." sabi ni Paige na todo sa iyak...

Nanunood ng balita si Paige sa TV. Nasisiyahan ang dalaga habang pinapanood ang sarili habang tinatanong ng newscaster. "How does it feel na binigyan ka ng pagkakataon na magkaroon ng pelikula na ikaw mismo ang bida?" tanong ng lalaking reporter. "I feel great," sagot ni Paige, "noon ako lang ang nagsusulat ng mga pelikula, ngayon ako na ang magbibida, for sure proud na proud ngayon si June." Dugtong pa ni Paige. "Anong masasabi mo kay Daisy, ngayon na magiging artista kana?" tanong pa ng newscaster. "Ate," sabi ni Paige, "I know were not that so close, but then I'm hoping that you're still proud of me, and I will continue on writing stories para sa mga pelikula mo." Sabi ni Paige. May kumatok bigla sa front door. Pinatay agad ni Paige ang TV at binuksan ang pinto. Pagbukas niya ng main door, si June lamang pala, ngunit nagulat si Paige dahil ibang iba ang mukha ng bestfriend sa araw-araw nitong hitsura, seryoso ang mga mata nito ngayon, at umiiyak. "June," sabi ni Paige sa kaibigan, "something wrong?" tanong pa nito. Pumasok si June sa bahay ng bestfriend, kinuha ang remote control ng TV at pinindot ang 'on', at umandar ang telebisiyon. Lumabas agad sa screen ang balita tungkol kay Sparkle na ampon daw ito. "How dare you do this to me Paige?" tanong ni June na napapaluha. Ngunit kahit si Dazzle ay nagulat din sa balita. Kahit siya mismo di rin alam kung paano kumalat ang balita tungkol sa pagkatao ng kaibigan. "Bes, you're the only one na sinabihan ko tungkol sa pagkatao ko. Oo, alam ni kuya na ampon ako, pero hinding hindi magagawang ikalat ng kapatid ko ang ang pagiging ampon ko!" sabi ni June. Nagtataka si Paige kay June, bakit parang pinagbibintangan siya nito, sa tono ng pananalita at galaw. "Teka, teka," sabi ni Paige, "pinagbibintangan mo ba 'ko bes?" dugtong pa ni Dazzle. "Hindi nga ba?" tanong ni June sabat taas-noo. Medyo nagagalit na si Dazzle. "June," sabi ni Paige, "ayokong masira ang pagkakaibigan natin, puwede ba'ng, tanungin mo rin ang kuya Ricky mo, please." Dugtong pa ni Dazzle. Napataas ng kilay si June dahil sa sinabi ni Paige. "Pinagdududahan mo ba'ng kuya ko?" tanong ni June sa kaibigan. Napataas din ng noo at kilay si Paige kay June. "So, pinagdududahan mo pala'ng bestfriend mo?" tanong din ni Paige kay June. Nag-pause for a moment. Nagtitigan. Parang wala ng pag-asang maging mag-bestfriend pa ang dalawa. "Fine," sabi ni June, "We're done" dugtong pa ni Sparkle. "Fine." Sagot din ni Dazzle. Lumabas ng bahay si June, ngunit napabalik si Sparkle sa bahay ni Paige para sa isang bagay, "Conggrats pala," sabi ni June kay Dazzle, "artista ka na, sana sumikat ka." Dugtong pa ni Sparkle na may taos-puso, matapat at dalisay na mukha, at umalis si June ng bahay ni Paige, sabay na isinara ang pinto na umiiyak. Napaiyak din itong si Paige sa lungkot. Napaupo itong bagong artista sa sofa at nagpatuloy sa pa-iyak. Mga ilang segundo lang, bumukas ulit ang pintuan. Napatayo si Paige dahil baka si June ang bumukas ng pinto. Baka bumalik si June para mag-sorry. Ngunit ibang babae ang pumasok ng bahay, si Daisy lamang pala, ang kanyang ate. "Anong nangyari do'n?" tanong ni Daisy kay Paige kung bakit nakasimangot at malungkot ang mukha si June paglabas ng bahay. "She's accusing me, na, ako raw ang nagpakalat ng pagiging ampon niya, eh, hindi ko naman magagawa sa kanya 'yon." Sagot ni Paige. "Ito, talagang magagawa mo 'to." Sabi ni Daisy sa kapatid. "Ang alin?" tanong ni Paige kay Daisy. "Ang sumulat ng pelikula para sa ate mo." Sagot ni Daisy kay Paige sabay na sumeryoso ang mukha. "Ate," sabi ni Dazzle, "Gusto lang kitang gawan ng mga pelikula." Dugtong pa ni Paige. "Bakit nagpapagawa ba 'ko sa'yo?" tanong ni Daisy sa kapatid. Napayuko lang si Paige dahil nadagdagan ang kanyang kalungkutan. "Hindi naman mga kagandahan ang mga pelikula mo. Ngayon, hindi na naman ako makatanggi baka masira ang pangalan ko, sariling panulat ng kapatid ko, hindi ko tatanggapin. Puwede ba Paige, tama na'ng pa-impres, tanggap na kita bilang kapatid, matagal na, kaya puwede ba, sumulat ka na lang ng pelikula para sa sarili mo, total, artista kana. Sumulat ka pa ng isang pelikula, nawalan ka na ng bestfriend, ayaw mo din naman sigurong mawalan ng kapatid, hindi ba?" sabi pa ng ate ni Dazzle. Kinabahan bigla si Paige sa sinabi ng kapatid. Tumalikod si Daisy at lumakad palabas ng bahay, ngunit napabalik ito at kinausap ulit ang kapatid, "By the way," sabi ni Daisy, sabay tingin sa ulo hanggang paa kay Paige, "Congratulations nga pala ulit, you're a certified actress na, sana maging 'Paige'turner ka." Sabi ng ate sa kapatid at lumakad ulit palabas ng bahay. Napaiyak lalo si Paige, ito pala ang kinalabsan ng pagiging certified actress niya. Nawalan na siya ng bestfriend at parang mawawalan pa ito ng kapatid. Lumakad si Paige papunta sa kanang sulok ng bahay nito at pinuntahan ang picture frame ng pamilya sa isang shelf. Sa family picture, masayang niyayakap ng ina at ama ni Paige si Daisy sa sofa, habang siya ay nakaupo lang sa nasabing upuan at umaarte na parang masaya katabi ang mga magulang. Nasa shelf din ang picture ng namatay na ina, at mga napanalunang mga tropeyo ni Daisy mula sa mga iba't ibang awardings. Lahat ng mga napanalunang mga premyo ni Daisy, nagmula din sa mga sinulat ni Paige na mga pelikula para sa kanya. Napataas ng noo si Paige, hawak-hawak ang picture frame at nagsabi ng, "'Wag kang mag-alala ate, ipapakita ko sa'yo, ang mga makakaya ko, at ipagmamalaki mo rin ako," Sabi ni Dazzle, "at luluhod ang mga tala..." dugtong pa nito. Biglang sumigaw ang lasing na ama ni Paige mula sa kuwarto nito. "Paige!!! Ang alak ko nasaan na?!!!" sigaw ng ama. "Andiyan na po!!!" sigaw din ni Paige sa ama nito at agad na nag-panic si Dazzle papunta ng kusina at kumuha ng alak at tumakbo paakyat ng hagdan.

Lumabas si Paige sa iba't ibang mga TV shows, advertisements, pelikula at kung ano-ano pa. Tinangkilik ang dalaga dahil sa angking ganda, pananalita, at tindig na parang modelo. Isang pelikula na pinagbibidahan ni Paige ang sumikat, ang "Olga", di niya man iyon sinulat, ngunit tinangkilik ng mga tao, dahil sa galing nitong magdala ng karakter ng bidang babae na si Olga, morena at kaakit-akit. "She nailed the character!" sabi pa ng isa sa sa mga libu-libo nitong tagahanga.

Nominado si Paige sa nasabing pelikula sa 'best actress' category sa Ricci Lux Award, na ang makakalaban niya mismo ay ang dating bestfriend nito na si June. Nominado si June sa pelikula nitong "Eres Linda" na ang ibig sabihin sa Spanish ay 'You're beautiful". Tumindig ang balahibo ni Paige. Palaging nananalo si June. Sabi pa ng mga fans at mga critics, "Ikaw na June at wala ng iba." Hindi pa natatalo ang tinatawag ng showbiz world na 'Sparkle'.

"Tatalunin kita..." sabi ni Paige sa loob ng isang banyo. Ngayon ang awarding at nakabihis ang dalaga ng darkish yellow-green na sleeveless gown. Lahat ay handang handa na sa award's night. Biglang may nagsalita sa likuran ni Paige. "Sinong tatalunin mo?" si Daisy lamang pala. Nakasuot ang ate nito ng black tube gown. "Si June?" dugtong pa ng ate ni Dazzle. "Hinding hindi mo matatalo si June. Sinasabi ko lang 'to ngayon sa'yo para di kana masaktan kapag awarding na." sabi pa ng ate ni Dazzle. "Sige ate, salamat." Sabi ni Paige sa kapatid. Lumabas ng banyo si Daisy. Ngayon pa lang, nasasaktan na si Paige dahil kung sino ang kalaban, iyon pa ang binibigyan ng importansiya. "Hindi ate," sabi ni Paige sa sarili, "matatalo ko si June..." dugtong pa nito.

At dumating na ang awarding para sa best actress category. Tinatawag na ng binatang host ang dalawang nominado sa nasabing kategorya. Ibinigay na sa host ang envelope, ang envelope kung saan nakalagay ang mananalo. Kinakabahan na si Paige. Nakapikit ang mga mata nito at taimtim na sinasabi sa sarili, "Ako... Ako... Ako..." Gustong gusto ni Paige na makuha ang award. Ngunit nang tinawag ang pangalan ni June, parang binagsakan si Paige ng malaking elepante. Gulat na gulat si Paige. Nanlaki ang mga mata at bumilis ang tibok ng puso. Doon niya nalaman kung gaano ka galing ang dating bestfriend nito bilang artista. Pumapalakpak lahat kay June at nag standing ovation pa ng tatlong minuto. Kahit si Paige pumalakpak na din dahil alam niya sa sarili kung gaano kagaling si Sparkle noon pa man. Nagtitigan ang dating mag-bestfriend. Umakyat si June ng entablado at tinanggap ang award. Ibinigay ng host ang tropeyo sa dalaga at nagpasalamat si Sparkle sa mga taong tumulong sa kanya. "This has been my seventh time to win an award for best actress," sabi ni June, "I'm going to say this again, nagpapasalamat po ako sa mga taong tumulong sa akin para maabot ko ang mga pangarap ko, kay kuya Ricky, kay Van, at sa kaibigan ko noon, na hindi na ngayon, alam mo kung sino ka,... salamat din sa'yo." Dugtong pa ni Sparkle. Napaluha si Paige sa sinabi ng dating bestfriend nito, dahil alam niyang siya ang tinutukoy ni June. "Miss June!" sigaw ng isang lalaking nasa edad seventy-five ang biglang sumigaw, "Ikanta mo naman sa amin ang kinanta mo na 'Tell Him'sa pelikula, doon kami naantig sa performance mo eh!" dugtong pa ng matanda. At sumang-ayon ang mga tao sa loob ng arena. Hindi naman makatanggi si June dahil sa isang senior citizen. "Sige na nga..." sabi ni June sabay ngiti. Pumalakpak ang crowd kay Sparkle at kahit si Paige pumapalakpak din. Alam ni Paige na magaling talagang umawit si June. Tumunog ang kantang 'Tell Him'. Pumagitna si Sparkle, dala-dala ang wireless microphone. Ibinukas ang mga labi at nagsimulang kumanta ang naka-sleeveless na gray sheath gown. Naeengganyo lahat sa tinig ng dalaga. Feel na feel ni June pagkanta. At sa kalagitnaan ng awitin, nahulog ang dark purle na scarf ni June sa sahig, humangin, at nilipad ng hangin ang nasabing bandana at napunta ito sa mukha ni Paige! Napatigil ang music. Nagulat lahat sa nangyari kahit mismo si June. Alam ni Sparkle na hindi siya ang dapat sisihin sa paglipad ng scarf kundi ang lintik na hangin. Iba ay nagtawanan at iba ay naawa kay Paige. Gustong gusto ni June na bumaba ng stage ngunit ang kuya Ricky nito ay sumesenyas na 'Huwag' mula sa kanyang kinauupuan. Kinuha ni Paige ang scarf sa mukha nito ng hinay-hinay at inilagay sa handbag niya. Nagalit si Paige ngunit umarte ito na okay lang at parang walang nangyari. Ngunit tumayo bigla si Paige, umakyat sa stage, lumakad papunta sa host at inagaw ang mike nito. Biglang kumanta si Paige sa refrain ng nasabing awitin. Nagulat lahat sa morenang dalagita. Napakagaling din ni Paige kumanta. Kung si June ay may tinig na parang si Celine Dion, si Paige naman ay may boses na parang si Whitney Houston. Tumunog ulit ang music. Hindi makaiwas at hindi makapigil, pumalakpak ang lahat sa galing ni Paige sa pag-awit. Tahimik lang at may galit na mukha itong si Daisy habang nakaupo sa isang sulok at hindi sumasali sa palakpakan at tayuan. Impres na impres si June kay Paige at napangiti. Naisipan ni Sparkle na kumanta sa chorus ng kanta at nag-blend ang boses ng dalawa. Lumakas pa lalo ang tunog ng hiyawan at palakpakan. Nang matapos ang kanta naghawakan sina Paige at June ng kamay at sabay nag-bow. Nagyakapan ang dalawang artista. Ngumingiti ang dalawa sa audience. Naisipan si June na kalimutan na ang awayan nila ni Paige at mag-sorry sa 'scarf incident' na nangyari. Ngunit habang nakatitig si June kay Paige, patuloy lang ang naka-duet ni Sparkle sa pag-wave ng kanang kamay nito sa crowd. Biglang kinuha ni Paige ang kaliwang kamay nito sa kanang kamay ni June, at bumaba ng entablado sa kanang hagdan. Nalaman ni Sparkle na hindi pa tapos ang iringan nila ng dati nitong matalik na kaibigan. Ngumiti na lang si June sa crowd at bumaba rin ng stage, sa kabilang hagdan.

Pagkatapos ng awarding, dapat ang mga nanalo ang pinagtutuonan ng pansin ng media, ngunit iba ang pinansin nila,... si Paige. Sobrang gulat na gulat ang press dahil isa rin palang versatile actress si Paige, multi-talented at friendly. Siya mismo ang umakyat ng entablado, hindi para awayin si June kundi samahan lang sa pagkanta.

Lumalabas si Paige ng teyatro at hinaharangan siya ng media. Sinasagot naman agad ni Paige mga tanong sa kanya ngunit isang tanong ang di nito masagot. Napatanong ang isang newscaster na babae kay Paige, "So miss Paige, bale sa inyong pakikipag-duet kay miss June, wala ng alitan?" tanong ng reporter. Nag-pause for a moment. May mahabang katahimikan. Ngumiti si Paige sa media at nagsabi ng, "No comment." Sagot ni Dazzle. Pumasok si Paige sa sasakyan nito at nag-drive papalayo sa coliseum. Hindi makahabol o makatanong ulit ang media kay Paige dahil sa istrikto nitong mukha ngunit ngumingiti. Doon sumikat si Paige sa pagsagot niya ng 'no comment'. Nakita bigla ng media sina June, Ricky at Kitty na lumalabas ng stadium. Biglang tumakbo si June ng mabilisan kahit naka-gown pa ito, at pumasok agad ng sasakyan. Sumama sa pagtakbo si Ricky at si Kitty. Pinipigilan naman ng kuya ni June ang media na makalapit sa kapatid. Nag-we-wave pa ng kamay si Kitty sa press. Hinila siya agad ng amo nito papasok ng sasakyan. "We just need her reactions about what happened!" tanong ng isang lalaking newscaster. "Masaya siguro, okay na ba 'yon? Oh sige na! alis na kami!" sagot ni Ricky sabay pasok ng sasakyan at isinara niya agad ang pintuan nito. "Manong drive!!! Dali!!!" sigaw ni June sa driver ng sasakyan. "Saan po tayo didiretso ma'am?" tanong ng driver. "Sa mall. Buwiset!!! Siyempre sa bahay!!!" sagot ng kuya ni June. Agad na bumyahe papalayo ang sasakyan sa media. Doon din sumikat si June sa pagtakbo papalayo sa media kapag ito ay tinatanong ng sensitive at medyo alanganin na tanong. Napakamot na lang ng ulo at napakagat ng microphone ang mga journalists dahil wala silang may nakuhang sagot, ni isa sa dalawang artista.

Kinaumagahan in-interview si Paige ng isang batikang reporter sa isang morning show. Tinatanong ng interviewer si Paige kung anong masasabi nito na tinatawag na siya ngayon na Dazzle. "Kung si June ay si Spakle, ikaw naman raw ay si Dazzle. Anong masasabi mo dito?" tanong ng binatang repoter. "Masaya dahil binigyan nila ako ng sarili kong pangalan at maipagmamalaki ko sa aking pamilya't mga kaibigan." sagot ng interviewee. Pumalakpak ang audience sa dalagang artista kasama ang mga fans nito.

At doon nagsimula ang pagkinang ni Paige. Naisipan pa nito na huwag ng tanggapin ang ano mang leading role sa mga pelikula dahil si June naman palagi ang nananalo. Puro supporting role na lang ang tintanggap nito at siya rin naman ang nagwa-wagi. Ngunit isa pa rin si Paige sa mga fans ni June. Isang gabi, napasulat si Dazzle ng istorya para sa isang pelikula, at iyon ang 'Protégée. Hinambing ng dalagang writer at actress ang takbo ng kuwento sa buhay nito. Hinambing niya si Lexus sa sarili nito at si Dominique ay hinambing niya sa kapatid niya na si Daisy. Gusto niya sana na siya ang magda-dala ng karakter ni Lexus ngunit alam niyang hindi siya magwawagi sa anumang leading role sa pelikula at sinabihan rin naman siya ng ate Daisy nito na huwag na siyang gawan ng pelikula kaya, naisipan ni Dazzle na ibigay kay June ang pelikula.

Nanunood ng TV si direk Greg Romano sa bahay nito nang may narinig ito na parang katok sa pintuan. Binuksan niya ang front door ng bahay nito, at wala naman siyang nakitang tao. Ngunit isang notebook ang nakita ng director sa floormat. Kinuha iyon ng director at pumasok sa loob ng bahay. Nalaman niyang isa iyong film story at may pamagat na, 'Protégée'. Si 'Seb' ang sumulat ng kuwento, nakasulat sa harap ng nasabing notebook. Binasa iyon ng director buong gabi at nagalingan ito sa misteryosong tao na sumulat ng kuwento. Nakasulat sa likod ng notebook ang utos mula sa writer, "Direk, gusto ko po sanang gawin mo itong pelikula at si Sparkle po ang gusto kong gumanap kay Lexus. Nagpapasalamat po ako sa inyo kung ako po'y inyong susundin." Napaisip ang director na napakagaling nga ng sumulat ng nasabing istorya. At iyon na nga ang nangyari, naging pelikula ang 'Protégée' at nanalo ulit ng best actrtess award si June kahit horror movie pa ang nasabing pelikula.


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C8
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập