Maganda ang ambience sa may verandah ng mansyon. Sa labas niyon ay may family-sized swimming pool at tipikal na maasul nang bahagya ang kulay ng tubig dahil sa chlorine. Eye-pleasing din ang mga dwarf trees na berdeng-berde ang mga dahon at mga orchids na namumukadkad sa kagandahan ang mga bulaklak. On its center was an oak bench at sa gilid ay may mini-fish pond na may mga Koi fish. A perfect spot for picture taking.
Naaalala pa ni Rafael, noong mga bata pa silang dalawa ni Eris ay madalas silang maglatag ng kumot sa may bermuda grass, malapit sa swipping pool, upang mag-star gazing lalo na tuwing biyernes. May telescope din sa may verandah.
Bukod sa maganda ang tanawin, tahimik ang buong lugar. Tanging ang ingay ng hangin at mga kuliglig ang maririnig. Well, sa isang high-class subdivision nakatayo ang mansyon at malayo sa pinaka-centro ng Makati City kaya payapa ang paligid. Sariwa at presko rin ang hangin lalo na sa gabi.
Dahil doon ay sa lugar na iyon madalas kumain ang mga Del Vista. At gaya ng inaasahan ni Rafael, pagkarating niya sa mansyon ay naroon ang mga magulang niya. Nauna nang kumain si Alexandre habang ang kanyang ina ay hindi pa rin naglalagay ng pagkain sa pinggan.
Huminga nang malalim si Rafael at naglakad papasok sa may verandah.
"Good evening, 'Ma." Nakangiting hinalikan ni Rafael sa pisngi ang ina. "Dad... 'Ma, ba't 'di pa po kayo kumakain?"
"Good evening too, Raffy." Kiming ngumiti ang ginang. "Gusto kitang sabayan sa pagkain. Anyway, how are you?"
Tumango lang din si Alexandre at kinumusta rin siya.
Rafael sat next to his mother. "Everything's just fine, 'Ma, Dad. Kayo po?" tanong niya at sinimulang lagyan ng pagkain ang nakahandang pinggan.
The usual dinner, nagkaroon ng kaunting usapan ang mga Del Vista. Pero sa tuwing binabanggit ng kanyang ina ang pagka-miss nito sa kapatid ay napapansin niyang tumatahimik ang ama. Kung hindi naman ay bumubuntonghininga ito.
Matapos ang pag-uusap nila noon ng ama sa office nito ay minabuti na niyang huwag nang gatungan pa ang kanyang ina. Ngumingiti at tumatango na lang siya sa mga sinasabi ni Agnes.
"Anyway, Raffy, I got an update from the agency an hour ago," pag-iiba sa usapan ni Agnes. She caught his attention. "Mayroon na silang nahanap na papalit kay Linda."
Napatango si Rafael. Si Linda ang kasambahay na kinompronta ng kapatid nang mga nakaraang araw. Dahil sa pagkatakot sa banta ni Eris ay mas pinili nitong umalis na lang sa mansyon. Sa katunayan, hindi pa nito naaabot ang two-year contract pero para sa sariling kapakanan ay pinabayaan na lamang nila ito.
"I know you should take a rest tomorrow...but could you at least entertain her habang wala kami ng Papa mo? As long as we wanted to go home early, we couldn't. After the mass, balak naming pumunta ng Papa mo sa foundation para bisitahin ang mga batang may cancer. Alexandre and I both agreed na magsasama kami ng ilang kasambahay to assist us sa feeding program namin. If that's okay to you?"
"Sige po, 'Ma. No worries."
~•~
TANGHALING TAPAT na nang magising si Rafael. Minabuti muna niyang manatili sa pagkakahiga dahil pakiramdam niya ay hindi niya maigalaw ang buong katawad dahil sa sobrang pagkapagod. Dumagdag pa sa sama ng pakiramdam niya ang matinding pangingirot ng ulo. Para iyong isang bomba na malapit nang sumabog. Para rin siyang nasusuka na hindi. Nararamdaman din niyang mainit ang kanyang katawan.
"Argh!" He closed his eyes firmly while tweaking his hair.
Kumuha siya ng unan at idinagan sa ulo. Kung wala lang sana siyang gagawin ngayon ay babalik ulit siya sa pagtulog.
Huminga siya nang malalim at mas lalong dinagdagan ang lamig ng aircon nang makaramdam siya ng pagkainit. Hinubad niya ang suot na itim na sando at nalantad ang maganda niyang pangangatawan. The dark spot under his eyes only made him more perfect. Kung tingnan si Rafael sa malayo, para siyang isang model ng isang brand ng shampoo dahil kahit na magulo ang buhok nito, ang ganda pa ring tingnan. Nakakaakit.
Sumandal siya sa headboard at tumingala sa kisame. Napalunok siya at humikab.
Saglit ay napalingon siya sa may bedside table nang mag-ring ang kanyang cellphone. Tumatawag ang kanyang ina. He picked up his phone and answered the call.
He cleared his throat. "'Ma? Good day too. I'm not feeling good but I can handle myself. Yes, 'Ma, iinom ako ng gamot. Sige po. Ako nang bahala sa kanya. Wala pong problema. Sige po. Mag-ingat din po kayo nina Pap. Opo. Opo. Bye."
Sinikap niyang tumayo at pumunta sa banyo. He just took a quick shower at tanging above-the-knee short na halos hapit sa mga binti lang ang suot niya nang pumunta sa kusina sa unang palapag upang kumain.
Habang wala pa ang hinihintay ni Rafael, muli niyang binigyan ng atensyon ang hawak na kaso. Nakalapag sa ibabaw ng kama ang mga ebidensya at muling pinanood sa laptop ang CCTV footage sa naging pagdukot kay Friea. Nagbabakasali siya na may makuha siyang ibang ebidensya na makakatulong sa pagresolba sa kaso. Pero ilang oras na ang nakalipas ay wala siyang napala. Mas lalo lang naragdagan ang sakit ng ulo na nararamdaman niya.
He returned the files on the envelope and left his room. Saktong pagkababa niya sa hagdan ay tumunog ang doorbell sa may lagpas-taong gate ng mansyon. Lumabas siya at nakitang binuksan ng kanilang security guard ang gate at isang babae ang nakita niyang nakatayo roon sa labas. Dahil tirik ang araw at may mga dwarf trees na nakatanim sa bawat gilid ng pakurbang daanan papunta sa mansyon ay hindi niya maaninag ang mukha ng babaeng iyon.
Tinulungan ng security guard na dalhin papasok sa loob ang dalawang malalaking maleta ng babae.
Pero bakit kakaiba ang pakiramdam ni Rafael? Bakit parang may milyun-milyong karayom ang tumutusok sa puso niya at mabilis ang pagtibok niyon? Bakit pakiramdam niya ay malalaglag ang panga niya?
He was moved by her presence. Habang palapit ito sa kanya ay mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso niya. He was amazed with her natural beauty. Para siyang nakakita ng isang anghel na nakasuot ng second-hand yellow sunday dress dahil kupas na ang kulay nito. Her ebony hair was dancing behind her back. Nakikita niya ang kainosentehan sa mukha nito na ni kailanman ay hindi niya nakita sa isang babae. But beyond that angelic face, pansin niya ang kalungkutan sa mga mata nito.
Nahawa yata si Rafael at lumungkot din ang mga mata niya. Kung ano man ang dinaramdam ng babae, gusto niyang siya ang lumutas niyon.
He shook his head to remove the thought. He wanted to pinch his cheeks to get back his senses. Hindi siya puwedeng magpabihag sa kagandahan ng babae at baka hindi na siya makaahon kapag tuluyan nang nahulog ang puso niya rito.
"Magandang hapon po, Sir." Her voice was soft and comforting. Nakatitig lang ito sa mga mata niya. Ngumiti ang babae at inilahad ang kamay. "Ako po si Hannah Dale Flores. Ako po ang ipinadala ng agency dito para maging kasambahay ninyo."
Hinawakan ni Rafael ang kamay ni Hannah. Napalunok siya nang maramdaman ang tila isang kuryenteng dumaloy sa mga ugat niya sa katawan. Pilit niyang pinigil ang sarili. "Rafael Del Vista."