Tải xuống ứng dụng
12.67% Broken Trust | Completed / Chapter 9: Chapter 7

Chương 9: Chapter 7

Chapter 7: Rules

"Class, meron general meeting ang mga subject teachers niyo, so that means, cut na ng klase niyo for this afternoon," biglang bungad sa amin ni Ma'am Melina nang pagkapasok nito sa room. Bilang isang tamad na estudyante, ito ang pinakamasarap na marinig sa tainga. "Okay, class, you may go now," pagkasabi niya niyan ay lumabas na rin agad ito. Tuwang-tuwa ang mga kaklase ko at sumunod na rin kay ma'am na umalis.

I was about to walk away when I felt Oliver pulled my arm again. Napapitlag ako ngunit sinamaan ko agad siya ng tingin. Heto na naman siya, siguradong may kalokohan na naman siyang ipapagawa sa akin.

"Ano na naman bang problema mo? Gusto ko nang umuwi! Lubayan mo na ako!"

"Hindi ka muna uuwi."

"At bakit, aber?!"

"Because I said so," Pa-cool niyang sabi. Humugot ako ng malalim na hininga para kontrolin ang emosyon ko. Nagsimula na siyang maglakad kaya nagpatangay na lang muli ako sa hila niya. Akala ko, makakapagpahinga na ako sa bahay pero mukhang sasakit pala muna ang ulo ko. Hays.

-

Kanina, sabi ko gustong-gusto ko nang umuwi, but now binabawi ko na iyon, dahil nandito kami sa McDo. But I'm gonna make sure first kung kakain ba talaga kami rito, malay ko ba na baka mag-te-take-out lang siya ng food for his family.

"What are we doing here?"

"Tatae lang ako," tipid niyang sagot. Napakunot ako ng noo at nagtatakang tiningnan siya nang deretso. Nakakahiya naman sa cashier na kaharap namin ngayon, baka narinig 'yong sinabi ni Oliver pero parang hindi naman yata kasi busy siya sa pag-cocompute.

"Sigurado ka? Hindi mo na talaga mapigilan? Bakit dito pa?"

"Psh. Slow," he whispered. Kinuha niya na 'yong tray na may laman na pagkain na ibinigay sa kanya no'n kahera at nagsimula nang maglakad, sumunod naman ako sa kanya.

Agad din kaming nakahanap ng mauupuan. Bahagya akong napangiti nang suriin ko 'yong mga pagkain na inilalapag niya sa lamesa mula sa tray. Ito pa lang 'yong nakikita kong advantage mula sa kanya, kaka-lunch lang namin pero heto kami, magtatakaw ulit.

"What do you prefer, float or ice cream?" tanong niya sa akin.

"Hmm.. ice cream na lang," sagot ko at hindi ko napigilan ang sarili para kunin iyon, para kasing tinatawag ako no'n at sinasabing kainin ko na raw siya. "Pero Oliver, akala ko ba ay tatae ka?"

"Paniwalain ka pala, ano? Hindi ako tatae. Binibiro lang kita." Napakunot ako nang noo.

"Eh, bakit nandito tayo?"

"Bawal ka bang isama rito?"

"Hindi naman. Actually, puwedeng-puwede pa nga. Lalo na kapag libre mo." Ningitian ko siya pero iniwas ko ang tingin ko nang ngumiti rin siya. Sinimulan ko na lang lantakan 'yong ice cream na hawak ko.

Napatingin ako sa kanya nang napansin kong nagpipigil siya ng tawa. "Isusubo mo na lamang 'yan kutsarita sa bunganga mo, kumakalat pa rin sa tabi ng labi mo," matawa-tawa niyang sabi.

Uminit ang pisngi ko dahil sa hiya pero naghintay pa ako ng ilan sandali kung kukuha ba siya ng tissue para sa akin. This is like what I have always read in cliché stories, pupunasan ni boy ang tabi ng labi girl, then magtititigan sila.

"Kumuha ka nga ng tissue at punasan mo nga 'yan," utos niya sa akin sabay higop sa float niya. Napabagsak ako ng balikat at dismayadong kumuha ng tissue. Sabi na nga, huwag mag-expect.

"So, nandito na naman tayo, let's talk about my rules for you." Walang ano-ano ay lumingon agad ako sa kanya, nilakihan ko siya ng mga mata.

Anong sumanib sa kanya at kailangan niya pang gumawa ng rules? Para lang sa isang linggong pagsisilbi ay kailangan may paganoon pa? No need na iyon.

"Are you insane? Hindi na iyon kailangan."

"Kailangan iyon," sabi niya. "I'm gonna start with rule no. 1." Kinabahan ako bigla nang hindi ko alam kung bakit. "Do not complain about whatever I want you to do or else pabayaran mo 'ko ng tatlong piso." Napakunot ako ng noo dahil sa huling sinabi niya. Talagang nilagyan niya ng presyo? 

"Should I really pay you if ever I did not follow your rules? Niloloko mo ba ako?!"

"Can you please lower your voice? Nakakahiya ka." Napatingin ako sa ibang kumakain, at napakagat ako ng labi nang makitang nakuha ko na pala ng atensiyon nila. "At 'wag ka munang mag-rereact, konting respeto," pakiusap niya. Bahagya akong napairap, hindi nababagay ang salitang respeto sa ugali niya.

"Rule no. 2, you will always smile when you are with me or else babayaran mo 'ko ng piso." Napakuyom ako ng kamao dahil sa gigil.

"Pwede ba? Tanggal—"

"'Wag ka ngang mag-interrupt, my decision is always my decision, okay? Let's proceed with rule no. 3," pagpapatuloy niya. "Respect me." Napahilamos naman ako ng mukha. Naririnig niya ba ang mga sinasabi niya? Hindi madali ang mga pinapagawa niya. "Or else, babayaran mo 'ko ng five pesos." Pakiramdam ko mamumulubi ako dahil sa mga rules niya. 

"Rule no. 4 don't you even seduce me or else babayaran mo 'ko ng 10 pesos. Lagi kitang nahuhuling ginagawa mo ito sa akin kaya itigil mo na."

"Pinagpipilitan mo talagang manyak ako, ano? Ang kapal talaga ng mukha mo."

"I didn't say that. Huwag defensive."

"Paanong hindi magmumukhang defensive ku—"

"Huwag kang magsasalita hangga't hindi kita binibigyang permiso." Hinintay ko na lang ang sunod niya pang sasabihin. "And lastly, do not fall in love with me or else, ibabayad mo sa akin 'yan sarili mo."

"Ikaw pala itong manya—"

"Did I already allow you to speak?" Napairap na lang ulit ako. "Joke lang iyon. Depende na lang kung ibabayad mo talaga, hindi naman ako tatanggi." Sinamaan ko siya ng tingin pero tumawa lang siya nang nakakainis. "Biro lang. Besides, bawas-bawasan mo iyang pag-irap mo sa akin. Dudukutin ko iyang mga mata mo."

Tumingin na lang ako sa bintana para mahalata niyang hindi ako interesado sa mga pinagsasabi niya. Hayaan ko siyang magsalita nang magsalita nang hindi ako nakikinig. Just for five days left ay gagawa pa siya ng rules? Maiintindihan ko pa kung aabot ng isang buwan.

"I know that you are wondering why because I make a rules for you. Gusto ko lang kasing maging maayos 'yong pakikitungo natin sa isa't isa. Puro na lang tayo bangayan," rinig kong sabi niya pero hindi ko siya pinansin. "You may speak now."

Hindi ko sinunod ang sinabi niya at umaktong walang naririnig.

-

Fb account: Nick Black


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C9
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập