Tải xuống ứng dụng
12.5% TRITON VENTURA [TAGALOG NOVEL] / Chapter 5: Chapter 4

Chương 5: Chapter 4

Lei's Point of View

"Hoy, may pangalan ako at hindi coffee girl!" I hissed pero bago pa ako tuluyang makapasok sa loob ng mansion ay binangga ko siya sa balikat niya. Narinig ko naman siyang tumawa ng mahina dahilan para mainis ako lalo sa kanya.

Ano bang problema niya?

"I have a name also, young lady. I'm Damon not Hoy." wika nito at talagang pinagdiinan niya ang salitang hoy.

I just rolled my eyes on him at dire-diretso na akong umakyat papunta sa kwarto ko.

Pabagsak naman akong naupo sa kama at napatingin sa saradong pintuan ng kwarto ko. Naalala ko na naman iyong pagmumukha ng Chinese na iyon. Ang sarap niyang sakalin. Hihiga na dapat ako sa kama ko nang marinig kong may kumatok sa kwarto ko kaya napatayo ako at lumapit dito para pagbuksan ito.

"Miss Lei, pinapatawag po kayo ng Lola niyo sa may sala." wika ni manang Felly.

Si manang Felly ay isa sa mga katulong na nagsisilbi rito sa mansion. Simula pagkabata pa lang ako ay nandito na siya. Kung titingnan mo nasa edad singkwenta na ito pataas.

"Meron na po si Lola?" tanong ko. Akala ko late uuwi iyong witch na iyon dahil sa daming papeles na kanyang kaharap kanina sa opisina niya?

"Kararating lang niya, hija." sagot naman ni manang Felly.

"Ah, sige po manang sunod po ako. Magpapalit lang po ako ng damit." tumango lang naman ito bago umalis. Pumasok naman ako sa kwarto ko at nagpalit. Agad kong tinanggal ang suot kong uniporme at iniwan ang suot kong cycling na kulay itim. Naghanap naman ako ng isang kulay puting t-shirt na hanggang tuhod ko sa damitan ko at saka ito sinuot bago ako lumabas ng kwarto.

Pagkababa ko sa may hagdan ay nadatnan ko si Lola at Damon sa may sala. Meron pa rin pala itong Chinese na 'to? Akala ko umuwi na siya.

"O, iyan na pala iyong apo ko e." saad ni Lola nang makita niya akong naglalakad palapit sa kanila.

Lumingon naman sa gawi ko si Damon at saka ito ngumisi. Inirapan ko lang naman siya.

Bwisit talaga itong chinese na 'to!

"Coffee—" Hindi ko siya pinatapos magsalita at ako na mismo ang tumapos sa sasabihin niya.

"My name is Lei." I glared at him before I sit beside him.

Nakita ko naman siyang napatikhim at saka umupo ng maayos.

"Okay." rinig kong sagot niya sa akin.

"What is your plan on your eighteenth birthday, Francheska?" napatingin naman ako kay Lola sa biglaang pagtatanong niya tungkol sa birthday ko.

"Nothing. I just want to celebrate it with my friends. No more parties." sagot ko.

"What?" Hindi makapaniwala ang mga mata ni Lola na nakatingin sa akin ngayon. "Binabalak ko pa naman sanang ipakilala si Damon sa debut mo na siya ang fiancé mo." anito at saka uminom ito ng tsaa na nasa harap niya at muli itong nagsalita. "But don't worry, I will prepare a party for you. Whether you like it or not mag-d-debut ka at ang escort mo ay si Damon."

"But—" napatigil naman ako nang tumunog ang cellphone ko na nasa bulsa ko kaya kinuha ko ito. Nakita ko sa caller ID na si Triton ang tumatawag kaya nagpaalam na muna ako sa kanila. "Excuse me."

Pagkaalis ko sa sala ay agad ko namang sinagot ang tawag ni Triton.

"Sorry, I'm busy right now, Triton. I'll call you later." pagkasabi ko iyon ay handa ko na sanang patayin ang tawag niya nang marinig ko ang sinabi niya.

"Nasa labas ako ngayon ng mansion niyo." napamura naman ako nang marinig ko iyon kaya agad akong lumabas ng kusina at mabilis na tinungo ang pintuan palabas ng mansion. What the hell is he doing here?

Nang madaanan ko sila Lola at Damon sa sama ay tinanong nila ako kung saan ako pupunta pero hindi ko na lamang sila sinagot at dire-diretso akong lumabas sa pintuan ng mansion at tinungo ang malaking gate kung nasaan ngayon si Triton.

Minsan talaga gusto ko ng sakalin iyong lalaking iyon dahil sa sobrang inis sa kanya. Para siyang bata. Walang isang salita sa kanya. I already told him na hindi siya pwedeng pumunta rito sa mansion pero hindi siya nakikinig sa akin.

"What the hell are you doing here?" inis ang makikita mo ngayon sa mukha ko nang tanungin ko siya.

Imbes na sagutin niya ako ay kumaway lang siya sa akin at nagawa pa niyang mag-hi sa akin kaya naman inirapan ko lang siya. Pagkalabas na pagkalabas ko sa gate ay hinila ko agad siya sa may gilid kung nasaan iyong motor niya.

"Hindi ba sinabi ko na sa'yo Triton na bawal kang pumunta rito sa mansion dahil baka makita tayo ni Lola at pagalitan niya ako?" inis na tanong ko sa kanya pero hindi niya ako sinagot. Lalo tuloy akong nainis sa kanya. Bwisit talaga! "Kung wala kang sasabihin please, umuwi ka na Triton." nagulat naman ako sa sumunod na nangyari. Bigla niya akong niyakap.

"Triton..." tawag ko sa pangalan niya.

"I'm sorry, Lei." iyon lamang ang narinig ko.

Bakit siya nag-s-sorry?

Tinapik ko naman ang balikat niya kaya naman lumayo siya sa pagkakayakap sa akin at tiningnan niya ako sa mga mata ko.

"I'm really sorry."

Napairap na naman ako. Bakit ba siya nag-so-sorry? Babatukan ko talaga itong lalaking 'to.

"Sorry for what?" tanong ko.

Nagkibit-balikat lang naman siya.

"I just want to say sorry. Pakiramdam ko kasi may nagawa akong mali lalo na kanina kasi bigla ka na namang nagalit at sinungitan ako." paliwanag nito.

Napabuntong hininga naman ako sa sinabi niya.

"Don't be sorry, wala ka namang ginawa para magalit ako sa'yo." saad ko. "Kung wala ka ng ibang sasabihin mabuti pa siguro kung umuwi ka na kasi may ginagawa pa ako." paalam ko sa kanya at nagsimula na akong naglakad pero nakakatatlong hakbang pa lang ako ay huminto ako at nilingon siya. "Ingat ka sa pag-d-drive mo." tumango lang naman siya. Binuksan ko naman ng gate na nasa harapan ko at saka ako pumasok.

Pagpasok ko ng gate ay hindi ko inaasahan ang taong nasa harapan ko ngayon. Si Damon.

"Who's that guy?" tanong nito at saka napatingin sa motor na papalayo sa amin.

"It's none of your business." sagot ko at nagsimula na akong maglakad palayo sa kanya. Naramdaman ko namang sumunod siya sa akin kaya hinayaan ko na lamang.

"Is he your boyfriend?" napatigil naman ako sa paglalakad. "Am I right, Lei?" hinarap ko naman siya.

"Can you please shut that fucking mouth of yours, will you?"

"Woah~ chill. I'm just asking, okay?" natatawang wika niya at saka lumapit sa kinaroroonan ko. "Does Mrs. Vizconde knows that you have a boyfriend?"

"He's not my boyfriend! So please stop—" Hindi ko natapos iyong sasabihin ko nang hawakan niya ako sa ulo at saka ginulo ang buhok ko.

"I know, I'm just joking around." tumawa ito ng malakas kaya naman sa inis ko sinipa ko siya sa tuhod.

"Fvck! What's your problem?" inis na tanong niya sa akin habang nakahawak siya sa tuhod niya kung saan ko siya sinipa kanina.

"You're my problem, asshole."


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C5
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập