Tải xuống ứng dụng
73.41% My Beast Boss / Chapter 58: 57. Desiring

Chương 58: 57. Desiring

Bumangon ako sa higaan mula sa pagkakahiga ko. Kanina pa ako hindi makatulog. At mukhang anong oras na rin siguro.

Sinulyapan ko si Logan na ngayon ay mahimbing nang natutulog. Napuna kong medyo marami rin ata siyang nainom pero mukhang normal lang ang pag-kilos niya. Dumiretso na siya dito pagkatapos nilang mag-usap ng lolo niya kanina.

Tungkol naman kila mamá at papá, dito muna kami pina-natili, at kinabukasan nalang daw kami umalis. Tutal, gusto pa nilang makasama si Logan, at pati ako.

Oo. At sa totoo lang, maayos ang pakikitungo sa akin ng lolo niya lalo na si mamá Felisha. Parang nakikita ko rin yung sarili ko sa kanya. Marami rin kaming napag-usapan na mga bagay-bagay kanina, at kung tutuusin, halos parang matagal na kaming mag-kakakilala sa isa't-isa, at napapalagay ang loob namin sa isa't-isa.

Itinigil ko muna ang pag-iisip ko nang alisin ko ang paningin ko sa kanya, nang ibaling ko ang paningin ko sa malayo.

Tungkol ulit dito. Sa totoo lang, kanina pa rin talaga gumugulo sa isip ko yung mga nalaman ko kay mamá Felisha at yung mga sinabi niya sa akin.

Hindi talaga ako makapaniwala na ikakasal na pala si Logan kay Stella, at hindi manlang 'yon sinabi sa akin ni Logan. Pero sinabi sa akin ni mamá na hindi niya alam na 'yon ang plano ng mga magulang nila sa kanya dahil kahit sabihin 'yon sa kanya, balewala lang daw 'yon sa kanya. Kaya, nilihim nalang 'yon ng mga magulang niya, na batid nila lolo't lola ni Logan na saksi rin sa bagay na 'yon.

Lintek. Bakit pa kasi sumingit yung Stella na 'yon sa buhay namin ni Logan eh. Saka, bakit pa kasi hinayaan ni Logan na umabot pa sa punto na 'yon, na halos itali na ni Stella si Logan para di maka-wala si Logan sa kanya?

Jusme. Paano naman ako? Hindi pa rin ako mapalagay kahit na ako yung mahal ni Logan at hindi yung Stella na 'yon. Ugh! Sampalin ko kaya siya 'pag nakita ko siya? Ay hindi, ayoko namang nakikipag-away nalang.

Pero naisip ko rin na tama si mamá Felisha. Alam kong masyado siguro akong disperada sa bagay na 'yon kung gagawin ko 'yon, pero naisip ko rin kasi na 'yon rin yung magandang paraan para matigil at hindi na matuloy yung kasal nila Logan at Stella--ang magpa-buntis sa kanya.

Pero, paano at kailan? Hays. Kailangan kong gumawa ng paraan para dito.

Tumayo muna ako sa kinauupuan ko. Naisipan kong tumungo sa kusina para uminom ng tubig.

Sinara ko ang pinto ng kwarto at saka ko binaybay ang daan patungo sa kusina. Nagsalin ako ng tubig sa baso at saka ko iyon ininom. Pagkatapos ay, inilapag ko sa lababo.

Hindi muna ako bumalik sa kwarto ng naisapan ko namang mag-pahangin muna sa may terrace. Inihakbang ko ang mga paa ko patungo 'don, at nang makarating na ako doon ay umupo ako sa duyan na naka-sabit sa gilid.

Inihiga ko ang sarili ko doon at dinuyan ko ang sarili ko. Habang nasa ganoon pa rin akong puwesto, tumatakbo pa rin hanggang ngayon sa isip ko yung mga bagay na kanina pa gumugulo sa akin.

Pero sa halip na mag-isip ng malalim tungkol dito, dinalaw na ako nang antok. Napapikit na ako ng nga mata ko at hanggang sa naka-tulog na ako.

------

Napa-bangon ako sa hinihigaan ko ng mapagtanto kong wala na ako doon sa duyan. Baka siguro dinala ako dito ni Logan sa kwarto.

Napansin ko kasing dito na naging maayos sa kama ang pag-tulog ko, at sa halip na doon sa duyan na natulugan ko kagabi.

Inalis ko ang atensyon ko sa pag-iisip ng mapa-baling ako ng tingin sa tabi ko at napansin kong wala na doon si Logan. Tumayo ako sa kinauupuan ko at kasunod ay lumabas na ako ng kwarto.

Nasaan kaya siya pumunta?

Hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa hapag. At natanaw ko ngayon doon si mamá Felisha. Nakaupo siya at mukhang mag-aalmusal pa lang ata siya.

"Oh iha. Gising ka na pala. Tara dito't mag-almusal ka na.." napa-lingon siya sa akin ng mapansin niya ang presensiya ko. Tumungo kagad doon at sinaluhan siyang mag-almusal. Pagdaka'y, umupo ako doon kaharap niya.

"How's your sleep? Nakatulog ka ba ng maayos?" nakangiti niyang sabi habang nag-sasandok siya ng pagkain sa plato niya. Kumuha naman ako ng makakain ko ng senyasan niya ako.

"Ayos lang po mamá.." kinuha ko yung tinapay na meron nang palaman, at iyon muna ang kinain ko. Napansin ko namang kumakain na si mamá.

"Oh by the way, nagawa mo na ba ang sinabi ko sayo kagabi?" napa-awat muna ako sandali sa pagkain ng tinapay. Napa-tingin ako sa kanya sandali habang iniisip ko kung ano yung tinutukoy niya.

Baka siguro yung tinutukoy niya sa'kin ay yung yung sinabi niya sa akin kagabi? Jusme, hindi ko nga alam kung paano ko sisimulan eh.

Nilunok ko muna yung nginunguya ko. Umiwas sa kanya ng tingin at nagsalita.

"A-ahh hindi pa po mamá..b-bakit po?" Napatingin ako sa magkabilang kamay niya nang dumapo iyon sa kaliwang kamay ko. Sabay tinapunan niya ako ng tingin.

"Iha, Marsha. Alam kong masyadong mabilis para sa'yo, but I just wanted to him if where he'll be happy. And I found it on you.." tumigil siya sandali. Inalis niya ang mga kamay niya sa akin. "Because I know that you're the girl whom he's searching for so long.." napatigagal ako sandali, sabay napakurap-kurap ako ng mga mata ko.

"A-alam niyo po yung tungkol sa nakaraan namin ni Logan?" taka kong tanong. Hindi ko parin inaalis ang tingin ko sa kanya. Napa-buntong hininga muna siya.

"I know everything, iha. But like what I said to you, do it not because I told it to you--but also to yourself and your future with him. Okay?" napansin kong nakahawak na siya ulit siya sa sa'king kamay, sabay nakita kong binigyan niya ako ng ngiti. Ngumiti rin ako sabay napa-tango ako sa kanya.

----

Iginala ko ang mga ko sa paligid. Nakangiti akong pinagmamasdan ang mga natatanaw ko. Sinamahan ko kasi si mamá 'don sa likod ng bahay nila. At nalaman ko na may halos malaking hektarya sila ng lupa doon--marami silang tanim doon at may sarili silang farm. At masasabi ko na, ang yaman talaga ng angkan ni Logan.

"Matagal na po ba kayong nakatira dito?"

"Oo. It's almost three decades na rin simula nung mag-sama kami ni Jackson.." patuloy pa rin kami sa paglalakad.

Pabalik na kasi kami ngayon sa bahay galing sa farm nila. At nandoon rin si papá kanina na nagpapatakbo ng maliit na pabrika doon para sa pag-sasaka.

Hanggang sa makarating na kami sa bahay. Inihakbang ko na ang mga paa ko sa hagdan paakyat sa itaas, habang nasa unahan ko siya.

"Anyway iha, babalik na ba kayo sa maynila after here?" umupo siya sa upuan na nasa gilid, at doon naman ako umupo sa may duyan.

"Sa totoo lang po, gusto ko munang dalawin ang mama ko bago kami bumalik sa maynila.." ipinukol ko ang tingin ko sa malayo. Sinimulan kong iduyan ang sarili ko.

"Oh. If you don't mind, where's your mother?" nakatuon pa rin ang tingin ko sa malayo. Nagbitiw naman ako ng salita.

"Wala na po siya dahil patay na siya..." bahagya kong iniyuko ang ulo ko sandali. Pagdaka'y inangat ko 'yon sa kanya at nginitian ko siya.

"Oh, I'm sorry for asking you about that.." bakas sa kanyang mukha na namanglaw rin ito.

"Okay lang po 'yon." gumuhit naman ang ngiti sa kanyang labi.

"So, are you now alone?" pinagsaklop ko ang mga kamay ko na nasa aking mga hita.

"Hindi po. Kasama ko pa ang kapa--"

"Oh, Logan!" napabaling ako sa kanya ng marinig kong sambitin iyon ni mamá. Natanaw ko naman mula dito na naka-tayo si Logan doon.

Napansin kong naka formal attire siya, umakma sa kanyang kapogian, at pati sa tindig at matipuno nitong pangangatawan. At malamang siguro ay inasikaso niya ang business niya.

Pagdaka'y tumayo ako sa kinauupuan ko nang lumapit ako sa kanya, sabay niyakap ko siya.

"Na miss kita.." naramdaman ko naman ang mainit rin niyang pag-yakap sa akin.

"I missed you too, love.." pagdaka'y humiwalay na ako sa pagkakayakap sa kanya. Tinapunan ko siya ng tingin na may ngiti sa aking mga labi.

Narinig kong napa-ubo si mamá Felisha. Napansin kong naka-tayo na ito ngayon nang napa-baling naman kami ng tingin sa kanya ni Logan.

"Maiwan ko muna kayo dito.." pagkasabi niya niyon, napansin kong napukol ang tingin sa akin ni mamá, at parang may gustong ipahiwatig sa akin ang mga mata niya.

Pagdaka'y, inalis na niya ang tingin niya sa akin ng pumasok na siya sa loob. Ibinalik ko naman ang tingin kay Logan ng magsalita siya.

"How's your day here? Are you feeling well?" masayang mukha niya ang naka-tambad sa akin. Tumango naman ako sabay napa-ngiti.

"Do you ate already your lunch?"

"Oo. Ikaw?" naka-tapon pa rin ang tingin ko sa kanya.

"Not yet." napa-taas ang kilay ko. Napatigagal naman ako ng marinig kong nagsalita siya ulit.

"But now I'm full. Because I see you.." ramdam kong namula ang pisngi ko. Napakagat-labi nalang ako.

"Nah. It's fascinating baby, and it tempting me."

Ano ba yung tinutukoy niya?

"H-ha?" tinignan ko siya ng mabuti. Sumilay naman ang ngisi sa kanyang labi.

"T-tara na sa loob. Kailangan mo nang kumain, b-baka magutom ka.." pag-iiba ko nalang ng usapan. Sinubukan kong tumalikod sa kanya ng ihakbang ko ang mga paa ko papasok sa loob.

Pero sa halip, hindi ko na 'yon naituloy ng bigla niyang hinila ang kamay ko na hawak pala niya.

Pagdaka'y mabilis niyang pinulupot ang kanyang braso sa'king bewang, at kasunod 'non ay idinampi niya ang mainit niyang labi sa akin. Naramdaman kong kinuha niya ang mga kamay ko nang ilagay niya iyon sa kanyang leeg.

"L-logan..n-nakakahiya b-baka m-may m-makakita s-sa'tin d-dito.."sabi ko ng sinubukan kong magsalita habang patuloy pa rin siya sa pag-halik sa akin.

Pero sa halip na pakinggan niya ako, pinag-patuloy pa rin niya iyon. Napansin kong binuhat pa niya ako at sabay ini-upo sa ibabaw ng barandilyang nasa gilid namin. Umawat muna siya sandali ng mag-salita siya.

"You want me to eat right? Then this is what I'm doing now. Eagerly eating you.."

"Logan!" pag-suway ko at hinampas ko siya ng mahina sa kanyang braso. Oo Kinikilig naman ako. Jusme.

Di-nagluwat at itinuloy niya ulit iyon, at sa pagkakataon na 'yon, naramdaman kong naging mapusok na siya. Halo-halo naman ang nararamdaman ko ngayon. Parang siyang nauuhaw.

Tama. Dito ko sisimulang gawin, ang magpa-buntis kay Logan--at mukhang ito ang kahinaan niya. Sabay lihim akong napa-ngisi nang kausapin ko ang sarili ko habang di pa rin siya maawat sa bagay na 'yon.


SUY NGHĨ CỦA NGƯỜI SÁNG TẠO
Maiden_pinkish Maiden_pinkish

hello there!!

hope you like this another chapter!!

ps. sorry if there's some typos, I'll reedit it as soon as possible.

send gifts, votes and comments is my inspiration and pleasure to write up this story ❤️

Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C58
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập