Bigla nyang kinuha yung picture na hawak ko at nilagay nya sa bulsa nya
"ah sorry kung nangealam ako sa gamit mo nakita kolang naman yan ngayon habang nag lilinis ako"
Sabi ko
"kasalanan korin at teka bakit nag lilinis ka ok naba yung sugat mo?"
Bigla nyang hinila yung kamay ko
"wala na yan magaling nayan nag dadalawang linggo na saka hindi naman malala yan!"
Sabi ko
Binitawan na nya
Habang nag wawalis ako lumapit si ervin sa telepono
Mukang tatawag sya sa cleaning company
Hay natapos ding mag walis
Aba hindi pasya tapos ang tagal naman mukang naiinis nasya
"bakit?"
Tanong ko
"ayaw gumana ng telepono!"
Pasungit nyang sabi
"edi sa cellphone"
Sabi ko
"mahina yung signal ngayon! "
Sabi nya
"ok lang yan ako nalang mag lilinis ay teka ang unfair naman ata nun tulungan mo nalang ako"
Sabi ko
"ihh ayoko nga!"
Sabi nya
Aba arte mo ah
Sabi na eh babalik to sa dating ugali
"sabi na eh babalik kadin sa dati!"
Sabi ko
"aba ako eh wala namang nag bago eh talagang ayaw kolang mag linis no ok pa kung luto o hugas pero pag lalabahin moko aba wala pang taong nag sasabi at nag uutos sakin!"
Sabi nya
"talaga ba? Sige tignan natin sabi mo yan ah!"
Sabi ko
Nag lakad ako
"aray"
Puta nakakainis nadapa pa ako nasa sahig pala yung walis
"ts ts ts hay lampa mo talaga kahit kailan!"
Sabi nya
Biglang may humawak sa braso ko
Umupo ako at nung naka upo na ako wala namang sugat pero masakit
Tinignan ni ervin
"hay ts ts ts hindi ko alam kung malas ka talaga o sinumpa pero kung sino man ang gumawa nun ang galing nya!"
Bigla kong hinampas si ervin
Napatawa nalang
"nakakainis ka halos ikaw nga may dahilan kung bakit ako nag kakasugat o napapahamak"
Sabi ko
Tumayo sya
"hmm? Saan ka pupunta?"
Tanong ko
Galeng nice talking hindi ako pinansin
Lagi naman eh
"bumalik sya may dalang yelo na nakabalot sa tela
Nilagay nya sa tuhod ko
"hay tststs wala nang mag lilinis ng kwarto ko mamaya!"
Sabi nya
"pasalamat ka talaga may pilay ako kung di hmmm nako malalagot ka talaga sakin pumapatol ako sa lalaki!"
Sabi ko
"weh talaga sige nga!?"
Aba talagang nang aasar sya ah
Bigla nya akong binuhat
"hoy ibaba monga ako!"
Sabi ko pero hindi nya paren ako binababa
Binaba nya ako sa sofa
"dyan ka muna mamaya kana gumalaw galaw !"
Sabi nya at umakyat sa kwarto nya
Hay 10mins na ako naka upo ok na ata to
Inalis ko yung yelo sa tuhod ko at ginalaw galaw ko
Hmm ok na to di narin naman masakit
Kinuha kona yung mga labahan at nag laba na ako
Nag lagay muna ako ng sabon sa washing machine at saka ko nilagay yung mga labahan, binasa ko muna
Ok nato huminto na
Kinuha kona yung mga damit at nilagay sa planganang may tubig
teka nga ang daya ako lang mag lalaba eh halos karamihan ng labahan dito mga damit nya tas ako mag lalaba
Tumayo ako at pumunta sa sala
Aba ang galeng nakaupo sa sofa habang nag pps4
" ang galeng ang ganda ng upo oh pa chill chill lang samantalang ako nag lalaba!!"
Sabi ko
"bakit sinabihan ba kita na mag laba ka? Saka hindi kona problema yun mind your own business!"
Takte talagang wala syang balak tumulong ah apat na balde yung labahan at halos tatlo balde yung labahan nya
Hahaha kaya koto ginagawa para makabawi sa mga pang aasar nya
" sige hayaan kong mababad yung mga mamahalin mong damit kasama na yung may pictu-"
"oo na !!!"
Sabi na eh basta pag paguusapan about kay tanya tikop sya eh
"pero hindi ganon kadali yun kailangan matalo moko sa isang bagay!"
Sabi nya
"sige"
Kahit hindi ko alam kung anong gagawin
Nag batobato pic kame
Hala
"ako nanalo bleeeee!!!"
Sabi ko at sya naka poker face lang
"mukang ako ang unang taong uutos sayo!"
Sabi ko
"kainis"
Bulong nya
Tinuro ko sakanya yung mga gagawin
Marunong naman pala to pero kala mo hindi dahil nga prinsepe eh
Nang mag banlaw na kame nung nag lagay ako ng mga damit sa planggana
"ano ba nananadyan kaba?"
Tanong nya
"sorry naman tao lang"
Sabi ko
"weh ikaw talaga ba!?"
Takte yan nanaman sya
Dahil sa inis ko binato ko sakanya yung basang damit
Hala
Napahawak ako sa bibig ko
" ah ganun pala ah !"
Lah anong gagawin neto !?
Tumayo sya at
"woooo ang lamig!!!"
Napatayo nalang ako sa sobrang lamig ibuhos pa naman sakin yung laman na tubig nung maliit na balde
"ahahaha ano masarap ba maligo?!"
Tanong ng bwisit na tukmol nato
Nakakainis pambihira humanda ka sakin maliligo kadin ng di oras
Papasok na sana sya sa bahay kaso kinuha ko yung hos at binasa ko sya
"oh ano masarap din bang maligo!?"
Pang aasar ko sakanya
Kinuha nya rin yung isang hos at nag basaan kame
"hay sawakas natapos din !"
Napa upo nalang ako sa sobrang pagod
Grabe sumakit yung likod ko dun ah kahit dalawa lang kame ang daming labahan
Basang basa tuloy ako dahil dito sa lokong to hhmmpp nakakainis ka talagang loko ka
Mabuti pa maliligo na ako baka mag kasakit pa ako nito
Pag labas ko ng kwarto ko nag luto na ako ng pag kain
Habang nag luluto ako nakita ko si ervin nag lalakad papunta sa sala
"aba himala ata hindi sya nag kasakit di tulad dati nabasa lang ng tubig nilagnat na"
Pang aasar ko
" bat hindi ka mag doctor para malaman mo!"
Bigla nyang salita
Takte narinig nya pala bat ang lakas ng pandinig nito
...
Kainis di ako makatulog
Sumilip ako sa bintana
Hmm? Si ervin? Nasa labas sya ng bahay anong ginagawa nya dun?
Bumaba ako at lumapit sakanya
Dahan dahan lang yung lakad ko
"kung mang gugulat ka wag sa paraang yan!"
Takte ako yung nagulat sakanya
Napakamot nalang ako sa ulot ko
Nakakainis talaga ang kalakas din ng pang dama nito
Lumapit ako sakanya
"ano ba kasing ginagawa mo dito isasara kona yung mga pinto dun kana sa kwarto mo mag drama!"
Sabi ko
Di nalang nag salita kala ko panaman maasar kosya
Mas lumapit ako sakanya
Tumitingin sya sa paligid?
"ano ba kasing ginagawa mo dito?"
Tanong ko
"pambalipas oras!"
Sabi nya
Tumingin ako sa langit
"ang gaganda ng mga bituin oh!"
Sabi ko at umupo ako sa sahig malapit sakanya
Ay sakto dala ko yung cellphone ko
Nag take ako ng picture
"anong ginagawa mo?"
Tanong nya
" kumukuha ako ng litrato ng mga bituin kaso hindi sila makita dito sa phone ko sayang maganda pa naman sana i-painting-"
"sa google ka kumuha ng picture!!!"
Bayan sarap mong sapakin halos tuwing kasama koto ako yung nag mumukang tanga sabagay mahina naman talaga ako kahit sa anong bagay halos ngayon sya nangalang sumasagip sakin tuwing minamalas ako
" ikaw ang pinaka kakaibang taong nakilala ko alam mo dahil sa mga nabasa kong story napaniwala ako na lahat ng mga kayang gawin ng prinsepe ay humawak ng sandata, makipag laban at syempre iligtas yung leading lady nya pero nung nakilala kita mali pala ako"
Sabi ko
Tinignan ko sya medyo natawa sya sa sinabi ko
"kakaiba kadin sakin halos buong buhay ko pag kaka alam ko pangarap ng mga babae maging parang fairy tale at may prince charming sakanilang mag liligtas plus type din daw nila ang mga bad boy pero satingin ko hindi pala lahat!"
Sabi nya
"ano sino naman nag sabi nyan sayo?"
Tanong ko medyo natawa ko dun ah
"wala palagay kolang!"
Sabi nya
"siguro ganun yung iba pero iba iba kameng mga babae pero kahit sino kapa kung mahal ka ng isang babae mamahalin ka't mamahalin kanya ganun kameng mga babae"
Sabi ko
"wow may pinag huhugutan? Bakit nag ka boyfriend kanaba? Kung makapag salita ka ah kala mo limang beses nang nasaktan!"
Bakit kung nag sabi lang ng ganun nasaktan na
"hindi pa ako nag kaka boyfriend no-"
"sabagay sino naman papatol sayo?!"
Tinulak ko sya
"nakakainis ka alam mo yun!?"
Natawa nalang sya
"dati hindi ka naman ganyan ano na kayang nang yari sa dating sayu no?! Halos wala ka ngang pakealam sakin eh!"
Sabi ko
" eh hindi naman kita nun kilala eh ayoko sa mga taong hindi ko kilala saka iba ang pag ka kilala ko sayo nun dahil sa una nating pag kikita "
Sabi nya medyo nag poker face sya ah
"sabagay sa panahon ngayon kung ano na ang una at panlabas na anyo ng tao hinuhusgahan na!"
Sabi ko
"mabuti pa pumasok na tayo masyado nang palamig ng palamig ang hangin!"
Sabi ni ervin
"ah sige!"
Mag papatulong sana ako makatayo loko aba iniwanan ako ok sana kahit hindi ako tinulungan eh pero hindi pa ako hinintay?!
Pasalamat ka nakalayo kana kung di talaga sisipain talaga kita dyan!