Pinigilan ko ang sarili kong mapangiti. Pumasok muna ako sa bahay upang halikan si pisngi si Mama. Syempre ayokong mapansin niya na nakangiti ako, alam niyo namang manager ng lovelife ko 'yan, tsk... Bago na ako dumiretsong kwarto upang basahin muli ang text niya.
Nico: Ako 'yung pinag-ingat mo pero parang ikaw 'yung gusto kong ingatan.
Kainis!
Kaagad akong umirap na para bang kaharap ko siya, pero hindi ko rin maiwasan ang mapakagat sa labi habang tinatype 'yong sagot sa text niya. Sumandal ako sa kasasara lang na pintuan ng kwarto ko.
Via: Wow, lakas mo ah!
Shet, okay lang ba 'tong sagot ko? Hindi niya kaya ako mahalata doon? Kainis, sa tanang buhay ko ngayon lang ako nag-overthink sa kung anong isasagot ko sa isang tao.
Dati naman ay wala akong pakialam sa nararamdaman nila kahit matarayan ko pa sila.
Muling nagbeep ang cellphone ko, akala ko si Nico ulit, pero hindi pala.
Jared: Nakauwi ka na Via? Please reply, para hindi ako mag-alala. :)
Kumunot ang noo ko sa text niya. Wow, lakad ha! Masyado nang lumalakas ang loob nito ha, hindi na rin nahihiyang iexpress ang sarili niya.
At dahil ako si Via, syempre hindi ako nagreply. Ibinaba ko na ang mga gamit ko sa kama, muli ay nagbeep ang cellphone ko.
Nico: Ang lakas ko sa 'yo?
SHEEET! Kainis ka!
Muli akong nagtipa ng sagot.
Via: Ang sabi ko, lakas mo mambola.
Ilang minuto lang ang nakalipas ay sumagot siya agad.
Nico: Hahahahaha.
Napasimangot ako dahil tawa lang ang sinagot niya. Ano namang sasabihin ko diyan? Kapag sinagot ko 'yan ay halatang gusto ko siya makaus--
Halos mapatalon ako sa kaba noong biglang magring ang phone ko dahil may tumatawag. Talaga namang gumapang ang boltahe ng kaba sa dibdib ko noong makita kong si Nico ang tumatawag na iyon.
OMG! OMG! ANONG GAGAWIN KO?!
I bit my lower lip saka napagpasyahang sagutin iyon. Dahan-dahan kong inilagay sa tenga ko ang cellphone. Doon ay narinig ko na ang napakapamilyar na tinig.
"Hmm, hi..." aniya. Tinakpan ko ang bibig ko saka inipit ang labi upang hindi ako mapangiti.
"Why did you call?" masungit na tanong ko.
"Ouch," umarte siyang parang nasaktan. Natawa naman ako na ewan. "Wala lang. Nagustuhan mo ba 'yung kantang I've Been Waiting For You?"
"Yep, 'yung kantang nakalimutan mo ang title 'til you got my number?" Narinig ko ang malakas na halakhak niya.
"Hindi ko 'yon sinadya. Nakalimutan ko talaga 'yung title, tapos naalala ko lang bigla."
I also smiled and let my eyeballs rolled saka kinutinting ang pader sa gilid ng kama ko. Lol.
"Whatever." I said.
"May nalaman kasi akong bagong kanta..." aniya sa kabilang linya. "Gusto mo marinig?"
I bit my lower lip.
"Hmmkay,"
Nagkaroon ng short silence saka ko narinig ang pag-clear throat niya. Is he going to sing?
"Mahal kita, mahal kita
Hindi ito bola..."
Halos tumindig ang balahibo ko sa ganda ng boses niya. Yes, Nico's singing! And he's goddamn soo good at it!
"Ngumiti ka man lang sana
Ako'y nasa langit na,
Mahal kita, mahal kita
Hindi ito bola
Ngumiti ka man lang sana
Wag lang... ewan."
Parang sasabog na ang puso ko dahil sa hindi ko maipaliwanag na pakiramdam. Ano bang ginagawa mo sa akin Nico?
"Ano, naintindihan mo ba?" tanong niya dahil hindi ako nakapagsalita agad matapos niya kumanta.
"Anong naintindihan?" tanong ko. "Saka hindi naman bagong kanta 'yon e." I laugh.
"Hahahaha, oo nga luma na 'yon." sagot niya.
"At anong naintindihan ko ba? 'Yung kanta?" binalik ko yung una kong tanong.
Mahinahon siyang tumawa. "Naintindihan mo ba, kasi diba ang sabi mo kanina ang lakas ko mambola."