Buhay, buhay, buhay,
Ano nga ba talaga ang iyong kabuluhan,
Ano nga ba talaga ang iyong silbi,
Oh buhay, gaano ka nga ba kahalaga?
Ang mabuhay sa mundong ito,
Mayroon nga bang magandang maidudulot,
Tanong ko sa isip ko,
Na di ko masagot-sagot.
Mayroong mga nagsasabi na ang mabuhay sa mundong ito,
Tila isang pulut pukyutan kung iyong matitikman,
Tila isang magandang imahe kung iyong mamasdan,
Pero ito ang yong pakatandaan, iyan lang ang pinakikita sa iyo ng mundo.
Ngunit hindi iyan ang tunay na mundo,
Para itong isang produktong ikinukumersyal,
Nakakapanghalina, nakakaakit,
Ngunit ito'y parang ahas na tuso bastabasta ka na lang tutuklawin.
Ang mabuhay sa mundong ito ay mayroong maganda at di magandang resulta,
Maganda: Ipinanganak ka sa mundong ito ayon sa kagustuhan ng Panginoon at maeenjoy mo ang mga bagay rito,
Di Maganda: Maaari tayong maging mayaman o mahirap, masipag o tamad, mabuti o masama, kailangan pa nating magtrabaho upang makakain, o mag-aral upang magkatrabaho at para rin naman sa kinabukasan natin,
Bunga ito ng pagsuway nina Eva at Adan sa Diyos.
Gusto man o ayaw nating mabuhay sa mundong ito,
Ipagpasalamat nalang natin ito sa Panginoon,
Sapagkat nabukay ka dahil iyon ang nais nya at dahil din sa kanya,
At nabubuhay para sa kanya.
Dahil ayun naman talaga ang nais ng Diyos,
Iyon ang misyon natin bakit tayo ginawa ng Diyos,
Binuhay tayo ng Diyos para papurihan sya at tagabantay ng kanyang nilikha,
Magalak ka, purihin mo sya, awitan at sambahin.
Di ka isang kasalanan kung bakit ka narito kundi isang pagpapala,
Maaaring mabuo ka mula sa isang pagkakasala,
Ngunit kung mamumuhay ka ayon sa kagustuhan ng Panginoon,
At alam mo ang tama sa mali, isa kang biyaya hindi sumpa.
Ngunit kung mamumuhay ka taliwas sa nais ng Diyos
At magpapakariwa ka,
Wag mong iisipin na ika'y katutuwaan at tunay ngang ika'y mapapahamak,
Ngunit kung ika'y magbabalik loob sa Diyos at pagsisihan ang yong kasalanan tatanggapin ka nya bilang kanyang anak at magkakaroon ka ng buhay na walang hanggang.