Pagkatapos kong mawalan ng trabaho may isa pang dumating na mabigat na problema ang kinaharap ko. Labis akong nadepres 'non sa sinapit ko. Bumuhos talaga ang kamalasan at pasakit sa'kin. Araw ng linggo, naisipan kong pumila sa Wynn, mga after lunch na 'non ng ako umalis ng bahay. Pumunta ako sa border gate, nilakad ko 'yon mula sa bahay. Nakapila pa ako noon sa border gate ng tatlong pasada ng bus. Nakatatlong ticket ako 'non na balak kong ilaban sana nu'ng gabi sa Wynn. Nang bandang hapon isang text ang nagpabago ng lahat. Hindi ko na matandaan kung si ate Roda ba o si Jay-r ba ang nagtext sa'kin para pabalikin ako ng bahay. Ang pagkakatanda ko, "Axel balik ka ng bahay may nangyari!" Kinabahan ako 'non at kinutuban, ngunit wala pa din akong ideya kung anu nga iyon. Masaya pa ako noon sa bus bago pa ako makatanggap ng text nila.
Noong pag-uwi ko, dinatnan ko nalang sila na nasa labas na ng plot namin. (tapat ng pintuan) Napansin ko din ang mga maletang katabi nila, ang daming maleta 'non na nasa labas na. Tahimik sila noon nu'ng ako'y dumating, may lumapit nalang sa'kin at nagpaliwanag na napodlock ang ating plot. Una kong agad hinanap ang mga gamit ko. "Nasan na ang mga gamit ko?" "Nailabas na namin wika ni kuya Joseph." Noong hinanap ko sa mga maleta wala 'don ang akin, itinuro ni Jay-r na ayon. At ng makita ko, ang nailabas lang nila ay yu'ng dalawang damit ko lang na pantulog at jogging pants din na pantulog. Napamura ako 'non at napasandal sa pader. "Putang Ina!" Gusto ko sanang sumigaw noon o manuntok, nanglambot talaga ako 'non. Mantakin mong ang aking gamit lang ang naiwan sa loob, samantalang sa kanila ay nailabas nila. Ako lang din noon ang wala sa bahay nu'ng mangyari 'yon.
Sa totoo lang naging masama ang loob ko sa kanila noon, dahil pinabayaan nila ang mga gamit ko na maiwan lang sa loob bahay. Sinabi nalang nila sa'kin na akala namin nailabas na ang sa'yo. Tsaka, sinabi din nila na biglaan ang nagyari. Pumunta daw doon ang may ari ng bahay na intsik na babae at galit na galit. Sinabihan sila ng babae na alis na kayo o chaola kayo. Nataranta daw sila noon, kaya dali-dali nilang kinuha at nilabas ang kanilang mga gamit. Wala na 'non si kuya Biong nakauwi na ng 'Pinas. Siguro, kung nandon s'ya baka s'ya ang naglabas ng maleta ko. Wala na din noon sa bahay ang tatlong babaeng kasama namin. Lumipat na sila ng bahay bago pa man mapadlakan kami.
Wala akong kaalam-alam noon na 'di pala nagbabayad ng renta ng bahay si ate Roda. Ilang buwan na kaming may utang sa bahay ng hindi ko man lang nalalaman. Si Randy pa noon ang nakapagsabi sa'kin, na ilang buwan na pala ang utang namin sa bahay. Grabe ang inabot ko 'non! Hindi ko maipaliwanag kong anung damdamin meron ako 'non. Andon yu'ng galit, pagkainis, pagkalungkot, panghihinayang, pagsisisi na sana hindi na lang ako umalis ng bahay noon. Biglang gumuho ang mundo ko! Mangiyak-ngiyak ako 'non! Tulala ako habang naglalakad kami sa paglilipatang bahay. Ang tanging nadala ko lang ang pantulog ko, ang suot kong pantalon at t-shirt at brief ayon lang ang natira sa mga dala kong damit.
Naiwan sa bahay ang mga dala kong mga damit, mga pantalon, mga brief, sapatos, black shoes na versace na nabili ko sa lapsapan, shorts. 'Yung mga damit at pantalon na nilabahan ko at nakasampay pa sa labas ng bintana. Ang jacket kong itim, ang bag ko, ang maleta ko, mga gamit ko sa paggugupit, ang aking mga resume, birth certificate, booklet, diploma, ang isang rim na sigarilyo na ibibigay ko sana sa mga barkada ko pag-uwi ko.
Ilang araw din akong walang maisuot na damit. Ang brief ko wala ng palitan ng ilang araw. Si Marimar noon, binigyan ako ng damit. At pati din si Randy ay nagbigay ng mga masusuot ngunit may kalakihan nga lang. Si ate Taba ay may binigay din sa'king damit, at pati na din si ate na dati din namin nakasama sa plot. (limot ko na ang panglan) Sobrang hirap ng kalagayan ko 'non. Halos araw-araw akong nag-iisip, hindi ako makamove-on. Wala na ngang trabaho, wala pang maisuot na maayos na damit at lalong wala ding kapera-pera.