Tải xuống ứng dụng
40.72% arnie sa mundo ng tikbalang / Chapter 79: CHAPTER 57 : PANIBAGONG ENGKWENTRO 4;

Chương 79: CHAPTER 57 : PANIBAGONG ENGKWENTRO 4;

Maagang gumayak ang grupo ni Arnie at Prinsipe Borjo Patungo sa kaharian, kasama ang amang si Peter at kapatid na si Jr at ilang mga kawal ng palasyo...

Masayang masaya si Jr, excited na muling makita si Prinsesa Usana, maaga pa lang ay handa ang kanyang isusuot na damit.....

JR : prinsipe Borjo.... Malayo pa ba tayo sa kaharian ng mga enkantadong usa? ang maya't maya ay tanong ni Jr kay Borjo

PRINSIPE BORJO : malapit lapit na tayo, huwag kang mag alala mamaya lang ay makikita mo na ang prinsesa ang nakangiti at may pag unawang sagot ni Borjo dito....

PETER : Jr anak..... mano bang tigilan mo ang pa ulit ulit na kaka tanong?

aba'y mag mula ng umalis tayo ng palasyo nila Borjo ay maka ilang ulit mo nang itinanong iyan ah?!!?

ang sita ni Peter sa anak na nag umpisa ng tubuan ng pag sintang pururot....

ARNIE : hayaan ninyo na si Jr itay, pasasaan ba at mag sawa din iyan sa kakukulit mag tanong ,ang natatawang sawata naman ni Arnie sa ama....

Nang bigla na lamang may bumagsak sa kanilang harapan, laking gulat nang lahat at hindi agad sila nakakilos....

Nang mahimasmasan sa pagkabigla si Arnie nakita niyang hila hila sa magkabilang braso ng dalawang itim na nilalang ang kanyang tatay.

si Jr naman ay hatak sa kamay at paa ni prinsipe Matuling at nang isang balakyot

tatlong itim na nilalang naman ang pilit na humihila sa kanya, ngunit hindi siya magawang tinagin ng mga ito sa kanyang kinatatayuan,...

habang si Prinsipe Borjo at ang mga kawal ng palasyo na tikbalang ay nakikipaglaban din sa mga itim na nilalang at balakyot.

Laking galit ni Arnie ng makita ang ginagawang paghila ng mga nakaka takot at naka didiring nilalang sa kanyang kapatid at ama.

ARNIE : HOY!!! Ang sigaw niya sabay turo sa dalawang nilalang na humihila sa kanyang tatay...

sukat doon ay may lumabas na liwanag sa kanyang mga daliri na ipinang turo sa mga ito

sabay na tinamaan sa dibdib ang dalawang itim na nilalang na agad binawian ng buhay at naging dalawang tumpok ng abo sa may paanan ni Peter.

JR : WOW!!!! RAY GUN!!!! ANG GALING MO ATE!!! ang sigaw naman ni Jr na nawala ang takot ng makita ang nangyari.

Maging si Borjo at ang mga kawal na tikbalang ay gulat na gulat sa nakita, habang

si Peter ay gulat na gulat at nanlalaking parang munting platito ang mga mata, hindi maka paniwala sa nasaksihan na kinusot pa nito ang dalawang namimilog na mata.

Si Prinsipe Matuling ay dagling nahin takutan sa nakita at nag madali itong hinila sa kamay si Jr habang ang balakyot naman ay nanginginig na pilit hinihila ang dalawang paa ni Jr

JR : ATE!!!! ang sigaw ni Jr na pilit sinisipa ang balakyot na nakakapit sa kanyang mga paa.

Mabilis na tumakbo si Arnie sa kinaroroonan ng ama bago malakas na sinipa ang dalawang tumpok ng abo, dahilan upang tuluyan itong maglaho.


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C79
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập