Chapter 23. Sorry
IPINAGKATIWALA ni Romano si Glaze sa mga kasamahan niya at nagpasyang maiwan doon dahil bukod sa balak niyang mag-imbestiga pa tungkol sa nangyari sa babae, ay gusto nga rin niyang masigurong may kasama si Nami.
Nang magising ito ay taranta itong bumangon para hanapin si Glaze pero pinigilan niya.
Dahil nagpumilit ay inasikaso na niya ang bill nito at umalis na roon. She was determined to go to the police station and report to them personally kahit na ginawa na iyon ng ospital.
"Let's go back in Manila," anyaya niya pero umiling ito. Balak sana niyang ihatid na muna ito bago bumalik doon.
"I'll go to the freaking Jacobs. Baka nandoon ang kakambal ko't tinitikis nila dahil sa pagkamatay ng Victor na iyon."
He sighed heavily and decided to let her. Hindi niya ito hinayaang lumakad mag-isa, pero pagkarating nila ay wala na pala roon ang pakay nila. Caretaker na lamang ang nasa bahay ng mga Jacobs, at sa pinangyarihan naman ng krimen ay walang tao.
Bumaling siya kay Nami at mukhang maiiyak na naman sa sobrang frustrations.
"Mag-check in na muna tayo. Mukhang pagod ka na."
Hindi ulit ito pumayag. "Wala pang lead kung nasaan si Glaze. I should call Stone and ask for help."
"You don't have to."
"Huh? I think I have to. Wala akong mapapala rito kung iaasa ko lang—"
"I'm here. Why would you call him?" he interrupted.
Natigilan ito at napakurap-kurap. Maging siya ay natigilan sa sinabi.
Mabilis na nagdahilan siya. "I'm the one who's here. Stone is in Manila, or probably, he's not there."
Napatango-tango naman ito. "But what I mean is he can help us find Glaze in other places too."
Hindi siya kumibo.
Pumayag si Glaze na mag-check in sila dahil alas otso na rin naman ng gabi. Sa rami ng nilakad nila sa araw na iyon ay siguradong pagod na ito. Siya nga'y nakaramdam na ng pagod, eh.
They checked in to two single bedrooms. Hinatid niya muna ito sa tapat ng silid nito tutal ay magkatabi lamang ang inookupa nilang silid.
"You should take a shower before we eat dinner. I'll take a shower, too. Just send me a message once you're done so we can get to eat."
"Sige." She opened the door using her card key and went in. Before she could close it, she uttered, "Thank you pala sa pagsama sa 'kin. I know you're still, uh, hurting..." Mabilis itong huminto sa pagsasalita, bahagyang umiling. Mukhang hindi na alam ang kasunod na sasabihin.
"Sige na," tugon niya at umalis na. He perfectly knew what did she want to say. Oo, nasaktan siya, pero bakit parang hindi katulad ng kaniyang inaasahan ang nararamdaman niya ngayon?
He shook his head and headed on the bathroom to take a quick cold shower.
Pagkatapos ay nagsuot siya ng pantalon. They also brought some clothes before going to the hotel so they could wear those that night. They bought spares, too, to wear the next day.
Nang tingnan naman niya ang cellphone ay wala pa ring text si Nami. Maybe she's still showering.
Napansin niya ring may missed call si Stone kaya tinawagan niya ito. Ilang ring lang ay sumagot ang huli.
"Nami just called, she was crying. She's asking for my help to look for her twin," bungad nito.
Parang may dumamba sa dibdib niya. Hindi niya sigurado kung dahil ba iyon sa kaba na maaaring malaman ni Nami na siya ang dumukot kay Glaze, o dahil ba sa nalaman niyang umiiyak ito. "What did you say?"
Stone just grunted. "I lied. Told her I'm in the middle of a mission."
"Okay." Pinatay niya ang tawag sala nagsuot ng dark teal na rounded neck t-shirt.
Hindi nag-atubiling lumabas siya para makalipat sa kwarto ni Nami. Kumatok siya pero walang sumasagot. He called her number and after a few, she picked it up.
"Can you open the door?" he said.
"T-tapos ka na ba? Sorry, hindi pa ako nakapag-shower." Napabuga siya ng hangin mamg mapagtantong iba ang tinig nito, mukhang kanina pa nga umiiyak dahil namamaos at parang pagod.
"It's alright. Open the door, I have something to tell you."
He heard him sigh heavily on the other line. Few seconds after, the door was slightly opened. Tinulak niya iyon saka siya pumasok nang hindi inaalis ang tingin sa namumulang mukha nito. Her nose was reddish, too, and so were her eyes. Naniningkit na nga sa kaiiyak.
"You cried." And she looked she's still crying when he knocked. Bahagya pa kasi itong sinisinok-sinok.
Nag-angat ito ng tingin at napakagat-labi, tila pinipiglang tumulo ang nagbabadyang pagpatak ng mga luha. "I'm really worrying for Glaze..."
Muli siyang napabuga ng hangin bago sinara ang pinto. He went straight to where the mini-ref was and got her some water to drink. Nang maisalin ang tubig sa isang baso ay ibinigay niya iyon dito. Nakita niya rin ang tissue box sa ibabaw ng mesa kaya kinuha niya iyon para maiabot din sa babae. Pagkatapos ay umupo siya sa couch.
"Don't cry, Nam. Glaze is safe." Bumuntong-hininga siya matapos sabihin iyon.
"What did you say?" Lumingon ito sa kaniya, lumapit sa tapat niya at bahagyang yumuko. "Did you find her already?"
Umiling siya.
"But you said she's safe!" Napaluhod ito kaya nagpantay ang tingin nila. She looked so hopeful—no, more like, she's desperate to know what was he implying to when he said that her twin was just fine.
"Get up. Y-you can sit beside me."
"Where is Glaze?"
Napalunok siya at nag-iwas ng tingin. "Wala sa plano 'to," he muttered under his breath.
"Anong plano? Damn it, Romano, ginugulo mo lalo ang isip ko!"
Napapikit siya nang mariin at pagkamulat ay iginiya niyang maupo ito sa couch saka siya umupo sa gilid.
"Ano na?"
"I..." Shit! Bakit ba siya kinakabahan?
"You what?"
"I planned the kidnapping... She's already in Manila, at RM Center..."
Napamaang ito, tila pinoproseso ang kaniyang isiniwalat.
"I'm sorry if I didn't tell you. It's a sudden decision and—"
"You mean, you're the one who's behind the kidnapping, but you still made me do all those things earlier? Ginagago mo ba ako?"
Kung kanina ay hapong-hapo ito, ngayo'y nababakas na ang matinding pagkainsulto at galit sa mukha nito. Mas lalo siyang kinabahan at napagtantong iyon pala ang rason kung bakit kinakabahan siyang umamin dito kani-kanina lang—na magagalit ito sa kaniya.
"Tuwang-tuwa ka siguro na pinanood mo akong nagmukhang tanga, 'no?"
"Nami, no—"
"You should've just told me you wanted to transfer her! Hindi naman ako magagalit!"
Fuck, she's unstoppable.
"Tapos, ngayong nasayang ang araw sa paninisi ko sa ibang tao, sa paninisi ko rin sa ospital dahil sa akala kong kapabayaan nila, saka mo sasabihin sa 'king ligtas siya dahil ikaw ang dumukot?"
"Hindi ganoon—"
"Kung ganoon, ano? Should I thank you, then?"
"No. I didn't even have any plans on telling you that I got her."
"You didn't have because?" She raised an eyebrow.
Pakiramdam niya ay gumaralgal ang buong katawan niya at hindi makaapuhap ng sasabihin. Dahil alam niyang kahit na anong paliwanag ang mayroon siya, hindi sapat na rason iyon para magawa niya ang bagay na iyon.
"Now you're treating me this way?" She meant about his silence. She misunderstood him that he didn't want to tell her anything anymore.
"I'm sorry..." ang tanging nasambit na lamang niya.
I miss y'all! Don't worry, kaunting tiis na lang, magkaka-cellphone na ako. Kumusta naman ang February ninyo? Grabe, ang bilis! Parang kumurap lang ako, tapos na kaagad. How 'bout the beginning of March? Ako, heto, bagong gupit. New hair, new... update? Ha-ha! I really miss you!