Tải xuống ứng dụng
79.78% PHOENIX SERIES / Chapter 292: Rumor

Chương 292: Rumor

Chapter 21. Rumor

    

     

PAGKARATING nina Nami at Idy sa convenience store ay sa labas—sa may pinakadulong mesa sila pumwesto. Idy was the one who bought coffee for both of them. Hindi na ito nagpatumpik-tumpik pa pagkabalik nito sa pwesto nila, at pagkaabot sa kaniyang kape.

"Do you know why did she marry that old man?" tanong kaagad nito at nakuha niya kaagad na ang kakambal niya ang pag-uusapan nila. Just as what she kind of expected, they're not just going to catch up. Napansin naman kasi niyang may vending machine sa ospital at may pwesto naman kung saan pwedeng magkwentuhan, pero mas pinili nitong dalhin siya roon, kung saan walang gaanong tao.

Umiling siya. Pahapyaw lang ang nasabi nitong impormasyon kung saan nagpakasal si Glaze gamit ang ngalan niya, at nabuntis nga.

"It's to get your properties back. Alam ng mga taga-San Lorenzo na kayo ang tunay na nagmamay-ari sa Hacienda de Guerrero..." Iyon ang dating ngalan ng ancestral house nila sa probinsya. "Na naloko lang kayo pero wala nang magawa dahil sa batas ay wala na kayong karapatan." Marahas na bumuntong hininga muna ito, saka nagpatuloy, "And the old man offered that he'd give her your old properties, and would let her inherit everything. Pero hindi totoo ang lahat ng iyon. I'm telling you these because I trust you, and you deserve to know what happened."

Naningkit ang mga mata niya. "How did you know that?"

Nagtagis ang bagang nito. "That's exactly what he did to Auntie."

Tumahimik siya, tanda na handa siyang makinig dito. At nalaman nga niyang bago si Glaze ay ang auntie ni Idy ang pinakasalan ni Atty. Jacobs noon. Na namatay ang nakatatandang babae dahil inatake sa puso nang naggo-golf ito, kaya naiwan ang lahat ng properties sa asawa. At kaya umuwi si Idy kahit pa nga ba ang ganda na ng buhay nito sa ibang bansa ay kinasabwat ito ng pinsan nitong bawiin ang lahat ng yaman ng mga Altamonte. But that's not her priority right now so she went back to what happened to her twin.

"Do you know what exactly happened to Glaze?"

Umiling ito. "The first time I checked her was she's in good shape. Really. Then, yesterday, it was supposed to be her follow-up checkup but she didn't go to the hospital. I called Uncle—that old man and asked why didn't they go, but he only told me that she's too lazy to get up. Kaya nga ba nag-presinta akong ako na lang ang pupunta sa bahay." She sighed. "If only I knew..."

Napaisip siya. So the beatings only started the past few weeks, or days.

"I called again to say that I was already on my way, but he cut me off, saying that they'd go to Manila tonight. At doon na nga lang daw magpapatuloy ang checkup ni Nami." Hindi na niya pinansin ang pagkakamali nito. Mukhang nasanay nga na si Nami ang kakambal niya. Then, the doctor went on, "That's why I was really shocked when I saw her at the emergency room. I immediately attended her but it was already too late. She lost lots of blood—the blood was all over her body, and it wasn't just hers."

Pumikit siya para pakalmahin ang sarili. Iyon mismo ang dahilan kung bakit may nakaaligid na mga pulis sa ospital, tinuturing na primary suspect si Glaze sa pagkamatay ng matanda. And her motive? The inheritance.

"Thanks, Idy. I think I need to go back. Baka malingat si Glaze," paalam niya nang magmulat.

Tumango ito at sinabing sasamahan siyang makabalik sa silid, pero tumanggi siya. Nangangalummata ito, at hula niya ay lagpas bente-quatro oras na rin itong mulat at walang pahinga. Oo nga't doktor ito at kailangan sa ospital, pero tao rin naman na nangangailangan ng sapat na pahinga.

She thanked her once again and they parted ways.

Habang naglalakad pabalik sa silid ay masama ang tingin niya sa ilang mga pulis na nakatanod doon. Parang gusto na lang niyang magwala at sigawan ang mga ito na umalis na doon dahil hindi kriminal ang kapatid niya. However, she didn't want to cause any scene. Hindi naman dahil sa artista siya at baka umabot pa iyon sa balita, pero parang iyon na rin ang isa sa mga dahilan niya kung bakit hindi niya magawang paalisin ang mga ito. Dahil baka maungkat at pagpiyestahan sila ng madla. Hindi iyon makatutulong sa recovery ng kakambal niya.

"They're just doing their jobs," aniya na lamang sa sarili para mapigilang paalisin ang mga nakaaligid na pulis.

Her phone rang and she answered it when she saw it was her friend, Kanon, who was calling. Nasa lobby pa rin siya't naglakad na papuntang dulo ng hallway kung nasaan ang dalawang elevator ng ospital.

"Are you alright?" bungad ni Kanon pagkasagot niya ng tawag.

"Oo naman. Bakit?" Then, she remembered that scene she had caused at the shooting yesterday. She still didn't check her phone since she turned it off. Ring kasi nang ring kahapon. Ngayon na lang niya binuksan dahil balak niyang tawagan si Stone para magpahanda ng silid sa Romualdez Medical Center.

"There are lots of blind items. Nagmaldita ka raw, 'tapos ngayon, may lumabas na namang blind item na isang rising star ang buntis."

Idinaan niya sa tawa iyon kahit medyo kinabahan siya. Paano kung naungkat na ang nangyari sa San Lorenzo Ruiz? "Ang aga namang tsismis niyan."

"I'm serious, Nami! Where are you now? May pictures pa na nasa Bicol ka raw. Blurred pero usap-usapang ikaw iyon."

"It's true though. I'm in Bicol—"

"Then, are you really, really pregnant?! Naglabas ng statement si Wilson kagabi. He said that he will take responsibility. Iyon lang. Kaya nga ba mas lalong umingay ang rumor na buntis ka at siya ang ama!"

"Can you please calm down first?" Lumayo siya sa hallway, may mga nakaririnig kasi sa pagsasalita niya. She went to the emergency exit instead. Naglakbay naman kaagad ang diwa niya sa nangyari kagabi. Kumusta na kaya si Romano?

"Totoo bang si Wilson ang ama?"

Napangiwi siya. Wilson Evans was her current fling, they're in the same industry. "I said calm down, Kan. Neither of those rumors are true. I am a virgin, so how would I get pregnant?"

"What do you mean?"

"I'm not pregnant," she clarified. "For sure, ginagamit lang ng Wilson na iyan ang pagkakataon para mas pag-usapan kami. Para umingay ang pangalan niya. After all, a bad publicity is still a publicity."

"No, I'm pertaining about your virginity. Is it true?" Mahinhin man ito ay mahimigan pa rin ang pagkagulat sa malamyos na tinig.

Natigilan siya saglit, at saka humalakhak. Halos maluha na nga siya sa sobrang lakas ng kaniyang pagtawa. "Why, dear? Is it that unbelievable to know that I'm still a virgin? Nalamas ang suso ko, oo, pero—"

"I don't want to hear more about it!" agap nito kaya natawa ulit siya nang malakas.

Nagpasya siyang lumakad na pabalik para mabantayan na si Glaze, balak sana niyang maghagdan na lang pero medyo pagod na rin kasi siya kaya lumabas siya roon para mag-elevator na. She was still talking to Kanon, to ensure her friend that she's just fine. Saka na siya magkukwento rito kung ano ang mga nangyari.

She's thankful that she talked with her at that moment because she felt a bit lighter that earlier.

"Don't worry, I'll get in touch with you..."

Natigil siya sa pagsasalita nang bumukas ang pinto ng elevator, tanda ng nasa tamang palapag na siya. Nang lumabas siya ay tumabi siya dahil may tina-transport na pasyenteng nakahiga sa kama. The medical staffs who were transferring the patient were even wearing full PPE o personal protective equipments. Awtomatikong lumayo siya dahil baka mamaya ay nakahahawa pala ang sakit ng pasyenteng iyon. Maya-maya ay maliligo siya sa banyo ng silid na pinaglipatan kay Glaze, at hihiram na muna ng hospital gown habang pinatutuyo niya ang mga damit na kaniyang lalabhan pagkatapos maligo. She's also planning to call her personal assistant and manager to explain the situation. Pero hindi niya sasabihin ang lahat.

Habang iniisip ang mga gagawin ay nahagip ng kaniyang paningin ang hospital bed, at bago magsara ang pinto ay napansin niyang inayos ng isa sa mga staffs ang kumot kung saan lumilis iyon at lumitaw ang mga paa ng pasyente. Napangiwi pa siya nang mapansing tila may sugat ang mga iyon. Malubha siguro ang kalagayan ng pasyente kaya kinailangang ilipat sa ibang ward or kaya'y ospital.

Nagkibit-balikat na lamang siya, saka dumiretso na kung nasaan si Glaze. At... nanlaki ang kaniyang mga mata sa naabutan doon.


SUY NGHĨ CỦA NGƯỜI SÁNG TẠO
jadeatienza jadeatienza

Ano kaya ang naabutan ni Nami sa silid?

Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C292
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập