Tải xuống ứng dụng
67.21% PHOENIX SERIES / Chapter 246: Together

Chương 246: Together

Chapter 20. Together

   

   

GUMISING si Bree na nangangalay ang mga hita niya't mga braso. Mukhang napagod nga yata siya nang husto. Pero hindi niyon napigilan ang pag-enjoy niya sa beach party ng buong casts. Bukas pa ang balik nila sa Pilipinas, at bukas na rin opisyal na matatapos ang misyon nila. Aalis na rin siya sa Wang Xi dahil hindi na rin naman siya kailangan doon.

She'd be having a real vacation and she'd like to spend it with her family. And... her friends.

"Ang ganda ng gising mo, ah?" bati sa kaniya ng isa nilang kasamahan na artist.

"Oo, ang sarap nga ng tulog ko."

"Buti ka pa. Ako kasi, hindi pinatulog ng mga—"

Tinamaan ito ng bola ng volleyball kaya tumumba ito. Tinulungan naman niyang makatayo.

"I'm sorry," labas sa ilong na hingi ng paumanhin ni Devon, na nakatama ng bola sa babaeng kausap niya.

Naiiritang lumayo sa kanila ang kasamahan nila.

"Hindi ka kasi nag-iingat," kastigo niya rito. "Punta lang akong villa. Magpapalit ako ng dress. Nabasa na iyong suot ko, eh. Giniginaw na ako."

Napakamot lang ito ng batok saka tumango, at bumalik na sa mga kalaro.

Matapos niyon ay bumalik na silang lahat sa tinutuluyan. They'd be packing their things for tomorrow afternoon's flight. Wala sa sariling tinawagan niya si Rexton dahil nasasabik na siyang ipaalam dito na uuwi siya bukas.

Ilang ring lang ay sinagot na nito ang tawag.

"Hmm?" his voice was hoarse.

"Oh, did I wake you up?"

"Bree?" napalakas ang boses na paninigurado nito.

Natawa siya. "Oo, ako nga. Uuwi ako bukas, gagabihin na kasi hapon ang flight. Are you busy?"

"I'm always busy." There's no humor in his low tone.

"Sabagay."

A pause. Then, he asked, "Are we going to bar hop with the two?"

"Uh... I still haven't called 'em—"

"Bree! Pakikuha iyong brief ko, nasa kama lang!" sigaw ni Devon na nakasilip sa siwang ng pinto ng banyo.

"Sandali! May kausap ako, eh."

Binuksan nito ang pinto at lumabas nang walang saplot.

"Fuck, you devil! Mag-towel ka naman!" It's too late because she already saw his thing that's dangling as he walked.

Nagkibit-balikat ito saka na bumalik sa loob ng banyo matapos kunin ang naiwang brief.

"Sorry 'bout that, Rex—"

"Are you still with that old hag?"

"What old hag? I told you, Devon is still in his thirties."

Binabaan lang siya nito ng tawag.

"Bastos!" She then shrieked out of irritation, and grabbed the glass of orange juice.

Bago makainom ulit ay naningkit ang mga mata niya nang mapansing tila may lumulutang-lutang sa kaniyang inumin na s-in-erve ni Devon para sa kaniya kanina lang. It's like some particles of a drug.

Napalunok siya. Ayaw niyang maghinala pero kinabahan siya. Nakainom na siya nang kaunti kanina, pero hindi na niya inubos ang natira. Tinapon niya ang laman niyon sa katabing pot na nasa gilid ng sofa, at pagkuwa'y humiga na dahil nakaramdam na siya ng antok.

She's certain she wasn't sleepy, but her eyelids got heavier.

      

      

KINABUKASAN ng flight ay hindi kinibo ni Bree si Devon hanggang sa makauwi sila. Dumiretso sa mansiyon nila para sorpresahin ang mga magulang, pero siya ang na-surpresa nang nandoon sina Chelin at Rexton, mukhang nasabi na ng lalaki ang pag-uwi niya.

"Happy birthday!" masiglang bati ni Chelin at bumeso sa kaniya.

"Birthday ko?"

"Hindi. Hindi ka kasi laging umuuwi kaya advance celebration na natin ito."

Naiiling na bumaling siya sa mga magulang at nagmano saka bumeso sa pisngi ng mga ito. She kissed her brother's cheeks, too, and Rexton's cheeks. She felt the chills shivered in her spine, but that's not because of that simple gesture. It's the way he silently treated her.

Cold.

"Didn't know you're going home with Devon, anak," pansin ng mama niya.

"Good evening, Ma'am, Sir," magalang na bati ni Devon sa mga magulang. Tinanguan naman nito ang Kuya Brian niya saka sina Chelin.

"I told you, 'Tita Emily' is fine. Matagal ka na rin namang bodyguard ng anak ko."

"It's alright, Ma'am."

"Tss..." Mahina lang iyon pero napansin pa niya si Rexton. Wala sa sariling napalingon siya rito. Banas na banas ang mukha nito pero hindi niyon nabawasan ang kagwapuhan nito.

And, dang it! Kailan pa ito nagpatubo ng balbas? His beard was well-trimmed, and, he's sinfully hot with his new look! Nasanay siyang malinis lagi ang mukha nito pero parang paborito na niya ang ayos nito ngayon.

"Siya nga pala, Bree, kukunin kong driver si Matt. Do you still have his contact number?"

"Why would you need a driver?" sabad ng kuya niya kay Chelin.

"Dad wants me to get one. I'm still considering it though. Pero baka huwag na lang pala."

"Ang gulo mo, 'Te Chelin, ha," biro niya. "OFW na si Matt ngayon."

"Maiwan na namin kayo," paalam ng ama niya.

"Ho? Saan kayo pupunta?"

"We'll be cruising. Tonight, we will stay at the hotel," pagbibigay-alam ng kaniyang ina.

"Ngayon na pala iyon?"

"Oo, Brianna Lei. Sa sobrang abala mo, nakakaligtaan mo na ang petsa."

Nanulis ang nguso niya. Pagkuwa'y nagsalita ang kaniyang ama.

"Don't worry about us, we will enjoy our European Cruise."

"Bon Voyage, Tito Brandon! Tita Emily! Pasalubong!" with feelings na bulalas ni Chelin.

Natatawang iniwan sila ng mga magulang niya.

"Mga anak, kumain na kayo't lumalamig na ang pagkain," si Manang iyon na mayordoma sa mansiyon nila.

"Nagugutom na nga po ako!" si Chelin.

Tahimik namang sumunod si Rexton at si Devon, habang sila ng kuya niya ay nahuli.

"Baby girl," tawag nito at sinundot ang tagiliran niya.

"Eww! Kuya! I told you countless times to stop calling me that. I'm not a baby girl anymore!"

"Alright. I just miss you, li'l sis."

Ngumiti siya kalaunan. "Nasa bagahe iyong pasalubong mo."

"Ayan ang gusto ko!"

"Potek ka talaga kahit kailan, Kuya. Ano na? Nililigawan mo na ba si Ate Chelin?"

Tumahimik ito. "Eh, ikaw, bakit ang tahimik ninyo ni dela Costa? Hindi 'ata kayo nagbabangayan ngayon? Is this a miracle?"

She only rolled her eyes and left him there. Her brother knew about her fascination towards their childhood friend. Pinakialaman nito ang diary niya noong hayskul at nabasa roon ang tungkol sa pagsintang pururot niya noon. Pero wala na iyon. Sinunog na niya para wala nang ebidensya.

"Bree, makikitulog ako, ah? Wala naman akong gagawin bukas. Pahiram na lang din ako ng damit," ani Chelin.

"Sure. Ikaw pa ba?"

Nag-inuman din sila sa malawak na hardin, sa may swimming pool. Nag-swimming na rin sila habang umiinom. Pero nang makarami na ay hindi na sila lumangoy ni Chelin. They only stayed on the poolside while sitting on steps of the stairs.

Devon came towards them, wearing only board shorts. Ganoon din naman ang dalawang lalaki. At pare-parehong nagmumura ang mga muscles ng mga ito. Mas malaki ang katawan ni Devon kaysa kay Rexton, pero mas fit tingnan para sa kaniya ang sa kaniyang Kuya Brian. Biased, siyempre. Kuya niya iyon, eh.

Pero sa totoo lang ay kanina pa niya sinusulyap-sulyapan ang nagmamayabang na six-pack abs ni Rexton.

"Hindi ka pa ba aahon? Baka sipunin ka?"

"Hindi pa..." Naalala niyang galit nga pala siya kay Devon kaya tumahimik siya at nag-iwas ng tingin.

"Devon, matanong ko lang, saan mo nakuha iyang mga peklat mo?" si Chelin na nasa tabi niya.

"These? I forgot already. I was a clumsy kid back then. So..."

"Ah, ganoon ba? Ako kasi, ito—" Bahagyang nag-angat ng tingin ang kaibigan niya para maipakita ang baba. "—nahiwa ng patalim noon."

"Instant cleft chin, 'no, girl?" Idinaan niya sa biro.

Tumiim naman ang bagang ni Rexton nang mahagip ng tingin niya ang lalaki. He was sitting on the sunlounger, holding an in-can beer, beside him was her brother, glaring at Devon.

"Buti nga hindi malalim ang peklat. Natatakpan pa ng makeup. Ikaw namang babae ka, bakit may mga chikinini ka? Na-e-eskandalo ako sa iyo!"

Her eyes widened when she realized that she removed her shirt and only left her ripped shorts and bra! She's not wearing underneath her shorts, too. Kung minsan ay mas komportable kasi siyang walang suot na panloob.

"My God! Ang dami!" pansin pa nito. Paano ba niya lulusutan ito?

Sabay silang napamura ni Devon na nagpasingkit sa mga mata ni Chelin. Nagpalipat-lipat ito ng tingin sa kanilang dalawa.

Suminghap ang kaniyang kaibigan. "Are you two together?!" napalakas ang boses na tanong nito at siguradong narinig ni Rexton at ng kaniyang kuya.


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C246
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập