Tải xuống ứng dụng
50% PHOENIX SERIES / Chapter 183: Lead

Chương 183: Lead

Chapter 1. Lead

    

     

"ITO na nga ba ang sinasabi ko sa iyong bata ka. Kaya noong una pa lang ay sinabi ko nang ibuhos mo ang lahat ng pagmamahal mo kay Luella. Ngayon, ano? E, 'di iniwan ka rin ng pinagmamalaki mong boyfriend."

Kanina pa tinatalakan si Jinny ng kanyang nanay dahil ipinaalam niya ritong hiwalay na sila ng lalaki, pero hindi niya sinabing siya ang nakipaghiwalay.

"Tama na iyan, baka magising pa si Luella sa ingay ninyo," saway ng tatay niya sa kanyang inay. Nasa sala kasi sila at nakatulog ang kanyang anak habang kinakarga ng kanyang ama.

"Dalhin mo na sa kwarto't hindi pa ako tapos na pagsabihan itong anak mo. Makapaghihintay naman ang pag-ibig, kusang dumarating iyan. Ewan ko ba, bakit kasi kaagad na sinagot, por que natipuhan lang noon..."

Napanguso siya't tinanggap ng lahat ng sinasabi ng kanyang ina. Iiling-iling na umalis ang itay niya't ipinasok na sa silid ang kanyang anak para makatulog nang mahimbing.

Gusto niyang mangatwiran na hindi lang dahil sa natipuhan niya ang papasikat na news anchor noon, kundi dahil umusbong din kaagad ang damdamin niya para rito. She never believed in love at first sight but when she first saw him, she started believing so.

      

       

(Six Years Ago...)

"OH, my God! Totoo na talaga ito!" bulalas kay Jinny ng isang ka-miyembro niya sa Sunshine na si Lana Amelia, she's their drummer, maiksi ang buhok nito at may kapayatan ang katawan pero sapat lang naman kung titingnan.

Nagkasabay kasi silang dalawa sa lift papanhik sa isang conference room ng Montreal kung saan sila magmi-meeting.

"Can you believe na we were just practicing a few months ago, but now, we already have our debut album!"

Napangiti siya sa sobrang tuwa. Months ago, she's still busy taking care of Luella and practicing for the band, too.

"At magkaka-debut tour din tayo! Nakaka-excite!"

Lumapad lalo ang ngiti niya. This was indeed a dream coming true. Para sa kanyang sarili; para na rin sa anak niya.

"Bakit ang tahimik mo?"

"Naisip ko lang si Wella," aniya, tinutukoy ang palayaw ng anak niya.

"Miss mo na, 'no?"

Tumango siya.

"Kapag lumaki-laki na, isama mo sa gig. Sa ngayon, huwag muna. Sensitive daw ang pandinig ng mga babies, eh."

"Kaya nga."

Tumunog ang lift, tanda na magbubukas ito. May pumasok na isang lalaki, familiar sa kanya pero hindi niya matandaan. Binati ito ni Lana at doon niya naalalang ka-banda nito ang lalaki noong kolehiyo pa ang mga ito.

"Pupuntahan mo ba si Acel?" tanong ni Lana sa lalaki.

Ah, now she remembered Acel was also part of Lana's band in college. Now, Acel was Sunshine's keyboardist. Sabay na c-in-ast ng manager nila sina Acel at Lana na maging parte ng banda.

"Hi," bati sa kanya ng lalaki. "You must be Jinny?"

She nodded. "Baaxter, right?"

"It's Baxter," pagtatama nito.

"Ah," nahihiyang tugon niya. Mali kasi ang pronunciation niya sa ngalan nito.

Tumunog ulit ang lift, may lumulan na namang isang lalaki. Hindi pamilyar sa kanya pero binati ni Baxter. The latter was taller than the other guy, he wasn't lean and he's muscular—hindi iyong bato-bato, more like, fit. Just enough for girls at her age go frenzy over his built. Napayuko siya dahil siya mismo ay nagulat sa pamumuring ginawa niya rito sa kanyang isipan. Naisip pa nga niyang yumakap sa braso nitong nag-uumigting ang muscles.

Why did he wear a nice fitting army green plain t-shirt and since she's looking down, she noticed he's wearing a bit ragged expensive running shoes and his faded jeans. His only accessory was a genuine watch for men.

"Estacio, may interview?"

"Oo, eh. Magsi-set kami ng schedule para sa interview ng Sunshine," sagot ng bagong lulan na lalaki sa lift. Doon nakuha ang atensyon niya hindi dahil sa pagbanggit nito sa banda nila, kundi dahil sa kakaibang kiliting dulot ng malalim na boses nito sa kanyang tainga.

What am I thinking?

"O, sakto, nandito ang dalawang member—ang gitarista at ang tambulero."

As if on cue, the latter glanced at Lana, then, at her. Wala sa sariling inipit niya ang buhok sa gilid ng kaliwa niyang tainga. He was standing on her left side while Baxter's in front of them. Si Lana nama'y ay nasa kanan ni Baxter.

Nang mag-angat siya ng tingin ay napamaang si Lana sa kanya, mukhang napansin nito ang kakatwang kilos niya. She cleared her throat and the lift saved her embarrass moment when the door had opened.

"N-nandito na tayo..." aniya sa maliit na tinig at nag-excuse para mauna nang lumabas.

Kaagad namang nakasunod si Lana at bahagya siyang tinulak-tulak sa braso kaya bahagya rin siyang natatalisod habang naglalakad sila.

"Ano iyon!? Bakit may paipit-ipit ka pa ng buhok? Pa-cute ka, bhe?"

"Heh!" saway niya. "Nagkataon lang na tumabing ang buhok ko sa mukha ko, 'no!"

"O, e, ano namang bago?"

Naramdaman naman niyang may tao sa likuran nila at malakas ang kutob niyang isa sa mga nakasabay nila sa lift iyon. "Tara na nga! Baka tayo na lang ang hinihintay. Nakakahiya."

Hindi na siya ginulo pa ni Lana pero nang makarating sa conference room at napansing maaga pa ay nagdaldal ito. Ayaw siyang tantanan sa panunukso.

"Alam niyo ba, itong si Jinny, dalaga na—"

Isinubo niya rito ang chewy caramel candy na kanyang binalatan para matigil ito sa pagsasalita.

"What's that?" kuryosong tanong ni Milka, ang kanilang bass guitarist. Malayo ang kutis nito sa ngalan dahil morena ang huli, hanggang ilalim ng balikat ang tuwid na buhok, at may katangkaran.

Ngumuya si Lana at nagpatuloy sa pagkukwento. Kuntodo naman ang pagtanggi niya.

"Namalik-mata lang itong si Lana, at kayo naman, mga funny. Funny-walain." Pun intended.

"So it's true?" it was Acel, their keyboardist. Kakatwang wala pa ang bokalista nilang si Bree, na kung may Miss Punctual lang ay ito ang kokoronahan dahil palaging maaga kung dumating sa mga meetings o schedules, pwera na lamang ngayon.

"Hindi nga iyon totoo. Siya nga pala, nakasabay rin namin si Baxter, ah," pag-iiba niya sa usapan at kapansin-pansin ang pamumula ng huli.

"Pinapaalala ko lang sa inyo na may dating ban kayo ng dalawang taon, ah. Focus on your career first."

Napanguso silang lahat sa paalalang iyon ng kanilang manager na si Rachel Gozo. A petite woman in her early twenties, too. She's the same person who contacted her while she's still in the province and persuaded her to join Sunshine.

"Makapag-aaral ka pa rin kahit tumutugtog kayo," Rachel said.

Isa iyon sa dahilan kung bakit pumayag siya. Matutuloy ang naudlot niyang pag-aaral via online classes, at maiaahon na rin niya nang husto ang kanyang pamilya.

And, she'd be able to fulfill her dream—to become a band's lead guitarist.


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C183
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập