Chapter 13. Stand
HINANAP ni Kanon si Dice pero hindi niya ito nakita. Nalaman niyang lumiban pala ito sa klase kaya tumuloy na lang siya sa School Clinic para magtanong sa ate nito. Isinugod pala sa ospital ang ama ng mga ito dahil sa iniindang pananakit ng tiyan, at pinilit ni Dice ang magbantay sa ospital.
Tinanong na lang niya kung saang ospital para mapuntahan. Bago mag-uwian ay tumawag siya sa kanila para magpaalam na may dadaanan lang. Hinatid siya ng driver sa ospital 'tsaka nagsabing hintayin siya sa parking lot dahil sandali lang naman siya roon.
Hindi naman siya nahirapan sa paghahanap kung nasaan ang silid ng ama ni binata lalo pa't bukod sa sinabi naman na sa kanya ng ate nito ang eksaktong detalye kanina, ay sinamahan na siya ng isang medical personnel na malapit lang sa VIP ward ang pupuntahan.
Ngayong nasa tapat na ng pinto ay 'tsaka umurong ang mga paa niya. Nakita niya si Dice sa maliit na siwang niyon subalit hindi siya tumuloy. Hanggang sa magpasya na lang siya na huwag nang tumuloy at umalis na ng ospital.
Dalawang araw pa ang nakalipas bago pumasok si Dice, at dahil naging abala na siya pagpa-practice para sa cheering squad battle sa nalalapit na Athletic Meet ay hindi na niya tuluyang naibigay ang sulat sa binata. Hindi na rin sila madalas magkausap gaya noon. Mukhang nakinig ito sa kanya nang sabihin niyang layuan siya nito.
She sighed. Kung ganoon naman pala'y mas pagtutuunan niya ng atensyon ang pag-aaral niya, na siyang pinaka-importante sa katulad niyang mag-aaral.
Hanggang mag-grade twelve sila ay naging pinakaabala siya dahil bukod sa cheering squad ay isinali siya sa mga contest, gaya ng Slogan Making Contest at iba pang related sa Arts.
At katulad nang mga nakaraang Athletic Meet ay parati siyang nali-link sa rati niyang ka-schoolmate na si Ram. She's admitting that she had a crush with him before but that's just it. Hindi umabot sa level na gaya sa iniisip ng iba na magiging sila ng huli lalo pa't parehas normal naman sa edad nila ang magligawan, at matunog ang mga pangalan.
She and Ram became friends. That's all. Kaya nagulat siya nang ang isang estudyante mula lower grade ay umamin sa kanya na nagpanggap ito bilang siya, para mapalapit kay Ram. Mukhang inakala rin nito na totoo ang bali-balitang matindi ang paghanga sa kanya ni Ram.
"Nakakaloka! Laman ka na naman ng social media!" pagbibigay-alam sa kanya ng bago nilang class mayor na si Morissette. Mula nang kumalat kasi ang ginawa sa kanya ni Lovely noon, ay dumalang sa pagpasok ang huli. Kahit pa nga kaagad namang namatay ang mga bali-balita ay nagpabaya pa rin ito sa pag-aaral hanggang sa mawala ito sa top ten at nag-lie low sa lahat ng aktibidades. Pero may naririnig siyang bali-balita na nambu-bully pa rin ito ng lower grades na hindi niya pinaniwalaan. Baka mamaya, paninira lang pala ang mga iyon para rito.
"Nakikinig ka ba?"
Nabaling ang atensyon niya sa kaklase. Wala na kasi siyang social media accounts, noong nakaraang taon pa, kaya hindi siya updated sa mga news o mas tang sabihing tsismis.
"So, I was saying na may kumakalat na pictures, may love triangle daw sa inyo ni Ram?"
"Wala namang kami ni Ram, 'no! Alam mong focus ako sa studies ko."
"Kunsabagay. Kaya nga tinanong kita. Ano ba kasing nangyari?"
Ngumiti lang siya't hindi tumugon. Hindi sa wala siyang tiwala rito kung hindi dahil sa iniiwas niya sa tsismis iyong babae. She'd been there. Baka maging biktima pa ang huli ng mga maling paratang.
At dahil na-busy rin ang lahat lalo na't papalapit na rin ang Foundation Week ay kaagad ding namatay ang balita. Isa pa, hindi rin naman sa kaparehong eskwelahan nag-aaral si Ram kaya kaagad ding nakalimutan ng mga tao ang tungkol doon.
Noong huling taon din niya sa Senior High School ay siya ang piniling maging representative ng mga ka-batch niya na lumaban bilang Miss Gonzales High School. She was tall and slender and everyone adored her. Kahit hindi inaasahan ay nasungkit niya ang korona nang gabing idaos ang pageant.
Ang lahat ay pinuri siya, parang walang nangyari na pambabatikos sa kanya noong mga nakaraang taon. Napagtanto niyang ganoon naman talaga kung minsan. If she's on top and her fruits of hardworks could be seen, many people would congratulate her. But she remembered when she was dragged on the bottom, people judged her and said lots of inappropriate things that'd affected her to the point that her mental health became unstable.
It wasn't because she's bitter about that thing. It's just that, she learned that in life, in the end, it'd always be herself who could fully help herself. Oo, masaya siyang pinapalakpakan at pinupuri, pero hindi na niya idedepende ang pansariling kasiyahan o emosyon sa ibang mga tao.
Lalo pa't hindi palaging nasa tabi niya ang kanyang magulang, kaya hindi tama na iasa niya lang nang iasa ang lahat sa mama niya. She must learn to stand on her own feet. At iyon na nga ang plano niya sa susunod na taong tutuntong na siya ng kolehiyo.
Pero ang lahat ay hindi natupad. Dahil nang tumuntong siya ng kolehiyo ay nanatili pa rin siya sa poder ng kanyang pamilya. Dahil na naman sa maling paratang ay hindi siya hinayaang makalayo ng mama niya. Na kahit mag-aral siya sa ibang lugar ay sasama't sasama ito sa kanya. Kaya kahit na noong makatapos siya ng pag-aaral ay nanatili pa rin siya sa poder nito dahil na rin sa pagiging protective nito sa kanya.
Her mom went back to the fashion industry as well while she was in college, she was introduced in the industry, too, that was why people were expecting she'd follow Katerina del Rio's flowery footsteps, but she did not. She chose to create her own path for her future. And this was just the start of everything—to become independent.
Kung siya ang tatanungin, aaminin niyang hindi pa siya nag-grow as a person. She didn't excel and just continued staying in her comfort zone. Hindi katulad niyong inaasahang mangyari ng iba na mabilis siyang magma-matured dahil alam na niya ang patutunguhan niya.
But, they were wrong. Because only in her later years in college she realized that she wanted to work in their company. To manage it. Malayung-malayo sa in-expect ng lahat para sa kanya. Pero kung doon ba ang tingin niyang makakamtam niya ang tagumpay, ay ipagpapatuloy at ipagpapatuloy niya ang pagtahak sa daang iyon.
(Present Time)
"MA'AM, may naghahanap po sa inyo," pukaw sa atensyon ni Kanon ng empleyadong si Sonia, matagal-tagal na rin itong nagtatrabaho sa FastEx na pagmamay-ari ng mga Pacelo.
"Sino?"
"Sabihin ko raw sa iyo na paboritong nurse mo."
"What?"
Napalunok siya dahil isa lang naman ang nurse na bumibisita sa kanya parati, at parang tukso nang may naalalang eksena. Kaagad na ipiniling niya ang ulo para hindi na maisip pa ang bagay na iyon. Umalis siya sa opisina at iniwan ang mga chine-check na listahan ng mga paparating na parcel nang hapong iyon.
"I'll be right back. Huwag ninyong hahawakan ang mga iyan, hindi pa ako tapos. Saglit lang ako," habilin pa niya. Malapad na ang pagkakangisi nito't halatang nanunudyo.
"Take your time, Ma'am!"