Tải xuống ứng dụng
76.52% UNDEAD: Dawn of the Damned 1 (Tagalog) / Chapter 88: Chapter 86

Chương 88: Chapter 86

Crissa Harris' POV

Pagbalik ko sa kwarto namin, gising na yung tatlo at kinakausap na si Harriette. Inabot ko agad sa kaniya yung inumin at ininom ko na rin yung dinekwat ko sa kakambal ko.

Ang sakit ng balikat ko ha? Ano bang magandang gawin?

Napatingin ako dun sa mga lata na pinagkainan namin at napangisi ako. Makapag bote-bakal nga. Hahahahaha!

"Diyan lang kayo ha? Alagaan niyo si Harriette." sabi ko habang dinadampot yung mga lata.

"Bakit, san ka pupunta Crissa?" tanong ni Renzy.

"Diyan lang sa kabilang kwarto."

"Okay! Bonding muna kami dito!" masiglang sabi ni Alessandra.

Napansin ko naman yung kumikinang na hikaw sa tainga niya. Saming lahat, siya lang yung may suot-suot pang ganon. Napakasinop naman niya. Kung ako yan e, nawaglit ko na agad.

"Diamond ba yang hikaw mo Alessa? Ang laki e." sabi ko habang pinagmamasdan pa rin iyon.

Napahawak naman siya bigla sa tainga niya. "Ah eto ba? Oo. Kaya ang bigat-bigat." bigla siyang napayuko." Pero hindi ko hinuhubad kasi regalo sakin to ni mommy nung graduation ko nung HS. Kabilin-bilinan niya, wag na wag ko raw huhubarin dahil pamana lang din sa kaniya iyon ni lola."

Natahimik kaming lahat after nun. Maya-maya pa, nakita ko nang hinaplos-haplos ni Renzy ang balikat ni Alessa. Alam kong ginawa niya yun para icomfort si Alessa. Siguro dahil naalala nun yung parents niya na napagpasyahan na nila ng kuya niyang wag nang hanapin dati. Hindi na rin kasi sila umasa na buhay pa mga parents nila dahil na rin sa nangyari sa parents nila Renzo.

Iniwan ko nalang sila doon at pumunta na ako sa kabilang kwarto. Pokerface akong dumeretso kila Christian at pabulagsak kong inilapag yung mga latang pinagkainan namin doon sa harapan nila.

"Sino nag-ubos ng stocks natin? Konti na lang yung nandun?" tanong ko.

"Hindi pa ba obvious kung sino?" nakangiwing sabi ni Christian habang pinagmamasdan yung mga lata sa harapan nila na binagsak ko.

"Ah ganon, so sinasabi mong ako ang umubos?" pinagkukurot ko siya nang madiin.

"Aray aray! Shit, kambal! Talangka ka na naman!"

"Oy oy, Crissa. Wala namang sinabi si Christian na ikaw ang umubos nung stocks.." napatingin ako kay Owen na biglang sumabat. "Ang ibig niya lang sabihin, hindi lang kaming mga lalaki ang timawa. Pati ikaw.."

Biglang nagpanting ang tainga ko at siya naman ang pinaulanan ko ng kurot. Inaawat na ko ni Sedrick pero hindi pa rin ako tumitigil. Kaya tuloy yung kakambal ko na ang umaksyon. Tatawa-tawa pa siya nang bigla niya akong ipasan sa balikat niya na parang isang sako ng bigas.

"Ahh!! Putek! Ibaba mo ko kambal!!" pinagkakalabog ko likod niya pero hindi siya natinag.

Ibinaba niya lang ako nung mailayo niya ako kay Owen. Napaupo ako sa sahig dahil nawalan ako ng balanse. Pero teka? Ngayon ko lang napansin na wala si bestfriend Renzo, Russell, Elvis, at Alex dito. Naglalaro lang sila kanina dito ha? Tas si Owen, bat naiwan dito?

Di ko nalang inisip yun dahil napatingin na ko sa kakambal kong nakatayo sa harapan ko. Ngingisi-ngisi kasi. Mukhang pilyong bida sa isang gangster-themed movie.

"Ngumisi ka pa ah at maghahabol ka sa mga ngipin mong magliliparan dahil sa sapak ko."

"Whoaaa! My twin sister is freaking hot again! And I know why.." ngumisi pa siya doon at nagtaas-baba ang kilay sakin.

Mabilis akong tumayo at inagaw sa kaniya yung hawak niyang assault rifle.

"Oh wow! You'll gonna shoot us!" nakataas ang dalawang kamay niya sa ere na animo nagsurrender.

Inirapan ko nalang siya at dere-deretsong naglakad palabas. Hinabol niya naman ako agad.

"Joke lang, kambal. San punta mo?"

"Magrurun ng pagkain at tubig na inubos niyo!" sigaw ko sa mukha niya. Napatigil naman agad ako dahil parang narinig kong may binulong siya. "Ano, timawa ako!?"

Pinaulanan ko pa siya ng kurot kaya naagaw niya sakin yung assault rifle niya.

"Stay here. Si Sedrick, Lennon, at Tyron ang kasama kong magrurun." sabi niya sabay lakad papuntang main door.

Binelatan ko nalang yung likod niya at nakangisi akong naglakad papuntang back door. Akala netong kakambal ko maiisahan niya ako. Tsk.

Pinihit ko yung doorknob pero ayaw bumukas. Pinihit-pihit ko pa ng ilang beses pero ayaw talaga. Mukhang nakalock mula sa labas!

Ibinalik ko ang tingin ko sa kakambal ko at ngingisi-ngisi siyang nakatayo doon. "Better luck next time, twin sis!"

Argggghhhhh!!! Inisahan ako!!

Mabilis ko siyang hinabol at sumampa ako sa likod niya. Masakit ang balikat ko pero hindi ko yun ininda. Binigyan ko ng malakas na kagat ang tainga niya kaya nabitawan niya yung baril. Mabilis akong bumaba at kinuha yon. Tumakbo na rin ako palabas ng main door.

"Sasama ko! Bleh!" pahabol na sigaw ko. Nagtatakbo ako sa may palabas ng gate pero napatigil din agad ako nang mapatingin ako sa playground.

Nasa swing si Russell at tinutulak siya ni bestfriend Renzo. Samantalang si Alexander at Elvis naman ay nasa see-saw. Kapwa sila nag-sasaya at nag-eenjoy. Parang mga batang malayang nakakapamuhay ng matiwasay at maligaya.

Ilang luha ang nag-umpisang tumulo mula sa mata ko. Napaupo rin ako sa damuhan sa sobrang kalungkutan.

Naglaro sila nang hindi ako kasama. Ni hindi man lang nila ako inaya. Anong klase silang kaibigan? Iniwan lang nila ako dun na inaaway ni Christian at Owen. Napaka walang puso nila.

Napahagulgol na ako ng todo. Nakuha ko na rin ang atensyon nung mga walang pusong naglalaro. Pero napansin ko na sinenyasan ni bestfriend Renzo yung iba na siya nalang ang lalapit sakin. Naramdaman ko nalang na umupo siya sa tabi ko at hinaplos-haplos ako sa ulo.

"Ano nangyari Crissa? May masakit ba sayo?" alalang tanong niya.

Bigla ko naman siyang pinagtutulak sa balikat.

"I hate you, bestfriend! Hindi mo ko sinama sa laro nyo! I hate youuu! Waaaah!!" palahaw ko habang hinahampas-hampas siya.

"Sshhh. Tahan na, sali ka na samin ngayon. Bati tayo. Love kita." niyakap niya ako at hinalikan sa noo.

Tumingala ako sa kaniya at kahit nanlalabo ang mga mata ko, hindi yun naging dahilan para hindi ko makita yung gwapo niyang pagmumukha. Napakakinis. Parang sahig na may floorwax. Napakaputi rin. Parang bond paper.

"Love mo ko, bestfriend?"

Deretso niya akong tinignan sa mata.

"Oo, Crissa. Mahal kita.."

Napayakap nalang ako ng mahigpit sa kaniya at naiyak na naman ako. Napakabait talaga nitong bestfriend ko! Mahal na mahal akooo! Huhuhu. Ganito pala kasarap sa pakiramdam kapag love na love ka rin ng bestfriend moooo! Huhuhu.

"Umalis nga kayo sa daan. Diyan pa kayo nagyakapan. Nakaharang kayo. Tsk."

Napatingala ulit ako at nakita ko nalang si Tyron na nilagpasan kami. Bumitaw ako kay bestfriend Renzo at tinignan yun ng masama. Ano ba problema non? Luwag luwag ng daan e, sa tabi pa namin dadaan. Tsk! Madapa sana yun.

Napalingon ako sa kakambal ko na kadarating lang. Kasunod niya si Sedrick at Lennon. Tumayo na rin ako at nagpagpag ng pantalon ko.

"Kaya dito ka nalang, twin sis. You can play at the playground unlimited. Di kita pipigilan." maamong sabi ng kakambal ko. Nang maramdaman kong mabagal niyang hinahablot mula sa akin yung assault rifle, mabilis ko siyang sinabunutan.

"Ano ka, budol-budol!? Di mo ko makukuha sa ganyan!!!!" hinaltak ko pa lalo yung buhok niya.

"Aray! Hindi ka sasama!" sigaw niya.

"Sasama ako!" - ako.

"Dito ka lang!" - siya.

"Sa inyo ako!" - ako.

"Hindi! Matakaw ka!" - siya.

"Salabusab ka!" - ako.

"May kuko ka sa pwet!" - siya.

"Wala kang itlog!" - ako.

"Baka wala. Kesa sayo, amoy septic tank ang utot." bulong niya sabay ngisi.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at dinamba ko na siya. Napahiga siya sa sahig kaya inupuan ko siya sa tiyan. Pinagsasabunutan ko siya pero parang wala lang sa kaniya dahil nakukuha niya pang tumawa.

Si Sedrick at Lennon, ginusto nang umawat samin. Kapwa sila napaatras nang samaan ko sila ng tingin.

"H-hey, Crissa! Russell can't breathe!"

Napalingon ako kay Elvis at nakita ko nalang siyang buhat-buhat si Russell. Nahihirapang huminga. Agad akong lumapit sa kaniya at si Owen naman na kalalabas lang ng pinto ay lumapit din.

"Ako na magbibigay ng first aid, Crissa. Mauubos na yung gamot para sa nebulizer. Kailangang makahanap agad tayo," sabi niya at binuhat yung bata papasok.

Nalintikan na. Mukhang napagod yung bata kakalaro. Bakit ba hindi ko kasi nabanggit sa kanila na may hika to e at bawal mapagod. Tsk. Wala silang kaalam-alam.

Humarap ako kay Christian at binigyan siya ng makahulugang tingin.

"Okay fine. Ako, si Sedrick, at si Lennon ang magrurun ng pagkain. And ikaw, you'll run for medical supplies."

Naexcite ako bigla dahil sa sinabi niya. Lalo pa nung ibinigay niya sakin bigla yung susi ng big bike ni Zinnia.

Nagningning ang mata ko. Matagal ko nang gustong idrive ang motor---

"And Tyron will go with you. Let him drive, may sugat ka pa." pahabol niya.

Napatingin ako kay Tyron. Sabay umiwas siya ng tingin sakin at naglakad palayo.

Hmp. Ang arte.

"Alright. Alis na kami." sabi ko sukbit-sukbit yung assault rifle ni Christian.

Tsk. Naisahan ko rin siya.

Axel Suarez' POV

"Nahanap niyo na ba sila Crissa?" tinapon ko sa sahig yung sigarilyong hinihithit ko at hinarap yung kadarating lang na si Chuck at Nate.

"Hindi pa boss. Pero hindi sila tumitigil sa paghahanap." sagot ni ni Chuck.

Simula nung malaman kong umalis sila Crissa sa bahay ng mga Tiangco, pinasundan ko na agad sila sa mga tauhan ko. Yung nagyayaring pagpapasabog na iyon, alam ko kung sinong gumawa. At sobrang hirap kalaban ng tao na yun. Marami siyang koneksyon at tauhan. Malakas siya at tuso. Ako ang anak niya sa dugo, pero mas minana ng stepsister kong si Jade ang kasamaaan ng ugali ng tao na yun.

Ang magaling kong ama.

Ilang linggo na mula nang iwan at ipagkatiwala niya sa amin itong kampo na ito. Kinailangan niyang umalis para bumuo ng isa pang mas malaking kampo. At habang ginawa niya iyon, alam kong kung ano-ano ring kahayupan ang pinaplano niya para itumba yung mga natitirang Harris.

At alam kong ngayon, nag-uumpisa na siya. Yung mga pagpapasabog na iyon, patikim palang dahil mas marami pa siyang ihinahanda.

Pero hindi ako papayag doon. Konti nalang, sasama na ang grupo ko kila Crissa para labanan ang magaling kong ama. Pati na rin tong anak-anakan niyang babae. Hindi ko hahayaang magawa nila lahat ng kasamaang pinaplano nila.

Hindi ako tulad nila.

"Shit, boss! May problema tayo." humahangos na dumating si Gio. Kasunod niya sa likod si Danna na hinihingal din.

"N-nakatakas si Jade, wala na siya sa container van."

Napahawak ako ng mahigpit sa pistol na nasa bewang ko. Mukhang naisahan ako nung babae na yon. At alam kong hindi niya magagawa yon kung walang tumulong sa kaniya.

"Hanapin niyo yung traydor, at pahirapan niyo bago patayin." ikinasa ko yung pistol na hawak ko. "Ako nang bahala kay Jade. Gusto kong sarili sa kong kamay siya mamatay.."


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C88
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập