Crissa Harris' POV
Day 6 of zombie apocalypse..
* tok tok tok..
Pinilit kong dumilat dahil sa narinig kong sunud-sunod na katok na yun. Inis din akong pumunta sa may pintuan at nang buksan ko yun, tumambad na agad sakin ang pagmumukha ng magaling kong kakambal.
"Hurry up. In 10 minutes, kailangan nasa baba na kayong apat." deretsong sabi ni Christian. Nung madako ang tingin ko kay Renzy at Alessa, kapwa pa sila naghihikab at nagkukusot ng mata.
"WTF, Christian. Anong oras lang, bakit ang aga naman?"
"Ang aga mo rin namang makalimot, tandang Crissa. Diba unang araw ng training natin ngayon? Dali. Wag nang madami pang satsat. Magsuot kayo ng komprotableng damit ah? Sige." at sabay lumayas na sya. Naiwan nalang kami dun na nakatulala pa din. Syempre naman, mga ganitong oras, lumulutang pa sa alapaap ang mga kaisipan namin.
Kinusot ko ang mata ko at bumalik ako sa kama namin. Tulog pa si Harriette. Pagkatingin ko sa phone ko, wala pa palang 5am.
Ginising ko si Harriette tapos sunud-sunod naman na kaming nagsipunta sa banyo. Naghilamos at nagtoothbrush na kami kahit hindi pa man din kami nag-aalmusal.
"Crissa, anong isusuot natin?" tanong ni Renzy pagkalabas nya ng banyo.
"Sabi ni Christian, komportableng damit daw e. Kaya mag tight clothes na din tayo. Ang sagwa naman kapag nag palda at dress tayo diba? Mamaya, paakyatin tayo ng puno ni Christian. Edi mukhang tanga lang tayo?" natatawang sabi ko at pumunta nako dun sa walk-in closet ko.
"At ang laking tuwa din nung isa kapag nasilipan nya tayo. Fiestang-fiesta ang mga mata nya." pahabol ni Harriette at sumunod sya sakin. Pati sila Alessandra at Renzy ay sumunod na din sa walk-in closet ko.
Kumuha ako ng apat na black jeggings tapos inabot ko sa kanila yung tatlo. Di naman kami nagkakalayo ng size e. Kumuha din ako ng mga fitted na long sleeves. Nung makapagbihis na kami, hinayaan ko naman silang mamili ng kung anong gusto nilang suotin na running shoes.
"Ito nalang akin. Hehe. Pink." nakangiting sabi ni Alessandra habang kinukuha yung pink na fly knit lunar ko.
"Crissa, yung violet ang isusuot ko ha? Hehe. Ang cute." nakangiting sabi ni Renzy tapos kinuha na nya yung violet na roshe run.
Si Harriette, yung kulay yellow green na roshe run ang kinuha tapos ako yung, black and white oreo roshe run.
"Komportable tong mga suot natin. Pero syempre, hindi lang mahalaga na dapat komportable. Dapat safe din. Mas safe kung naka jeans, jacket at combat boots tayo e. Pero okay na muna yung ganito sa ngayon. Training palang naman." sabi ko sa kanila habang nagsusuot kami ng sapatos. Sumang-ayon naman sila sa sinabi ko.
Nung matapos kaming magbihis, bumaba na kaming apat dala yung mga weapons namin. Inabot pa rin kami ng halos 30 minutes kahit na nagmamadali pa kami ng lagay na iyon. Well, babae kami at hindi nyo kami masisisi. Common na samin ang pagiging pagong lalo na kapag involve ang girly things namin.
But anyway, dumeretso na nga kami sa sa pinakababa ng grand staircase. Andun na yung mga lalaki at halatang tinubuan na sila ng mga talaba sa kili-kili kakaintay samin.
Napako naman ang atensyon ko sa itsura nilang anim. Jusko lang. Panahon na ng taggutom at taghirap, bakit ganito pa rin ang itsura nila? Napakagagwapo pa rin. Walang pangit sa kanila. Lahat sila kaaya-ayang pagmasdan. Para silang magandang tanawin na kawili-wiling tignan. Grabe yung aura na tinataglay ng katawang-lupa nila. Para silang miyembro ng isang sikat na boy band. Sexy and sizzling hot. At hindi talaga sapat yung word na astig, cool, pogi at heavenly body para i-describe sila.
Jusko talaga. Siguro kung wala lang apocalypse ngayon at nagsama-sama ang anim na to sa isang lugar na punung-puno ng mga kababaihan, 100% sure ako na sandamakmak din ang magliliparan na panty sa himpapawid. Look at them naman kasi. Napakaswerte lang namin nila Harriette, Alessa at Renzy na mapaligiran kami ng mga gwapo, matatalino, at malalakas na lalaking tulad nito. At 100% sure din ako na kung normal lang ang paligid ngayon, sandamakmak din ang mga kababaihan na magdadasal na sana sila ang nasa katayuan namin. Malamang nga e, kulamin na nila kami sa sobrang inggit.
"What took you so long!?" bumalik ako sa sarili ko nang dahil sa sigaw na yun ng magaling kong kakambal. Isinantabi ko muna saglit yung pagde-daydream ko kanina.
"Oh, wag masyadong OA ang reaction. 20 minutes late lang kami ah.." pagpapaliwanag ko.
"Okay, whatever. Tara na sa labas." sabi nya na may hint ng pagkairita sabay alis.
Hmm. Minsan talaga ang harap i-spellingin nitong kakambal ko. Daig pa ako sa pagiging moody e. Minsan masaya, minsan parang matandang dalaga.
Sumunod na nga lang kami sa kanya sa labas. Dumeretso sya dun sa may entrance ng mansyon. Medyo sumisilip na yung ginintuang araw kaya hindi na masyadong madilim. Bigla ko namang napansin sa sulok ng mata ko na parang may nakatingin sakin.
"Anong tinitingin-tingin mo lalake?" nag-iwas bigla ng tingin si Tyron at sa iba tumingin.
"Crissa Mantikilya.."
"Aba, aba! Anong binubulong-bulong mo ha!?"
"Crissa Mantikilya.."
Inirapan ko nalang ng buong giting yung pakialamerong lalaki na yun. Baka di ko lang kasi matantsa at mahataw ko sya ng di oras. Pati ba naman kulay ng buhok ko papakialamanan? Tss.
Napatingin naman ako sa suot na damit nilang mga lalaki. Naka hoodie at fitted sweatpants sila. Tapos naka running shoes din silang lahat. Ano bang balak ipagawang training nito ni Christian sa amin? Pang olympics? Sasali ba kami sa Rio Olympics? E sino nang mga kalaban namin don, mga undead? Tss. Minsan talaga sinasapian ng espirito ng katangahan tong kakambal ko e.
"Dapat nag leggings nalang kayo para mas komportable e. Pero okay na yan. At least naka running shoes kayo." sabi ni Christian na nakatingin sa suot naming mga babae.
"Baket? Ano bang balak mo, Christian? Magma-marathon tayo dito?" naguguluhang tanong ko.
"Sort of. Tatakbuhin natin tong front yard ng mansion. 5 rounds. Dito rin sa entrance ang start at finish line.."
"Eh pero bak---"
Hindi nako nagkaroon pa ng time para magreklamo dahil bigla na syang tumakbo.
"Game. Ang mahuli, dadagdagan ng another 5 rounds." sabi nya bago tuluyang makalayo. Yung iba naman e, mabilis na sumunod sa kanya. Bwiset talaga kahit kelan. Binitawan ko muna yung hawak kong club.
Wala na nga akong nagawa kundi tumakbo nalang. Kesa naman madagdagan ako ng another 5 rounds diba? Pero punyemas lang. Hindi ko pa nakukumpleto yung unang ikot, hingal na hingal na agad ako. Sa laki ba naman nitong bakuran nang mansyon e, kahit kabayo mapapagod magtatakbo dito.
Pero teka. Bakit nga kaya kami pinatakbo ni Christian? Parte ba to ng stretching? O parte ng pagbuhay sa dugo at utak namin na natutulog pa? Parang hindi e. Parang may iba pang mas malalim na dahilan.
Nauuna si Christian at kasunod nya si Elvis pati si Alex at Renzo. Hindi naman nalalayo si Harriette. Tapos kasunod nya ako. Paglingon ko sa likod ko, kasunod ko na si Sedrick at Tyron. Nahuhuli naman si Alessa at Renzy.
Pero teka, bakit parang pigil ata yung pagtakbo nila Sed at Ty? Hindi ako naniniwalang ganto lang sila kabagal. May ibibilis pa to e.
Hindi kaya sinasadya talaga nilang magmabagal para masabayan nila ako?
Nasapok ko bigla yung ulo ko. At bakit naman nila gagawin yun aber? Assuming lang, Crissa? Maniniwala ako kung si Tyron. Hinahayaan nya na mauna ka para pag nadapa ka, kitang-kita nya. At mapagtatawanan ka nya. Pero si Sed, wag ka talagang assuming Crissa.
Tama. Mas pinagbuti ko nalang ang pagtakbo ko. Paminsan-minsan, binabagalan ko para makahinga ako at para makapag-ipon din ako ng lakas. At nung panglimang ikot ko na at malapit na ko sa entrance ng mansyon, napangiti na ako. Sa wakas naman jusko. Hindi ko na maramdaman yung paa at binti ko e. Manhid na manhid na. Para ngang humiwalay na sa torso ko e.
Hmm.. Hindi kaya naiwanan ko na yun sa dinaanan ko tapos lumulutang nalang ako na parang manananggal ngayon?
Waaaa.. Lumingon ako sa likod ko at.
*blaaagg!
Nadapa ako at nasubsob sa sahig. Pagkatingin ko sa sapatos ko, tanggal ang sintas. Shete naman oh. Nakalagpas na tuloy si Alessandra at Renzy. Another 5 rounds tuloy ako.
Mangiyak-ngiyak ako habang itinatali yung sintas ng sapatos ko. Tatayo na sana ako pero biglang may kamay na sumulpot sa harapan ko.
Kay James Reid..
Joke lang! Kay Tyron na kamay yun!
Hindi na ako nagtatlong isip pa at kinuha ko na yung kamay niya. Mamaya e, bigla nalang nyang bawiin edi habambuhay nakong nakaupo dito sa sahig.
Ang oa no? Wag na kayong mag-inarte. Joke lang yun.
"Magkuwanri kang masakit ang paa mo." bulong sakin ni Tyron.
"Ha? Bakit? E hindi naman masakit ang paa ko ah?"
"Tss. Stupid. Kaya nga magkukunwari ka diba? Wag ka nang magtanong kung bakit, basta gawin mo nalang." authoritative na pagkakasabi nya. Bigla naman akong natakot kaya sinunod ko nalang.
Parang biglang layo naman tong entrance ng mansion. Mahigit 10 meters nalang to mula sa pinagdapaan ko ah? Bakit parang biglang naging 5 miles?
Dahil ba to sa lalaking katabi ko ngayon at umaakay sa akin?
Istupida. Anong kinalaman nya dyan sa hallucination mo, Crissa? Maglubay ka nga.
Siguro mga apat na oras ang nakalipas bago kami nakarating sa entrance. Joke lang. Mga wala pang isang minuto siguro. In fairness, ang hirap ding magpanggap na masakit ang paa kahit hindi naman talaga.
Nandun na silang lahat kaya ibig sabihin ako nga talaga yung nahuli. Nadako naman ang tingin ko kay Christian dahil nakisamangot sya habang nakatingin sa akin. Pati nga rin si Sedrick e.
"Anong nangyari dyan?" tanong ni Christian. Sasagot na sana ako nang unahan na ako ni Tyron.
"Cramps. Sa kagustuhang hindi madagdagan ng another 5 rounds, pwinersa yung sarili." binitawan ako ni Tyron tapos nagstretching sya.
"Ako na gagawa ng another 5 rounds nya." sabi nya uli.
Gulat na napatingin sa kanya ang lahat. Pero mas nagulat ako. Sasapuhin nya yung parusa na para sa akin? Pero bakit naman?
"No need, Ty. Joke lang naman yung parusa na yun para mabuhay yung mga dugo natin. Saka alam nyo ba kung bakit tayo tumakbo?" tanong sa amin ni Christian. Walang sumagot samin kaya nagsalita sya uli.
"Because that's our advantage over them. Our speed. Kayang-kaya nating tumakbo, sila hindi. Oo mas marami sila kaysa satin. Pero mas mabilis tayo. Kaya mahalaga na ma-enhance pa natin yung bilis natin. Dapat masanay tayo sa takbuhan. Hindi madaling mapagod. At hindi madaling pulikatin yung muscles. Walang silbi yung armas natin kung lalampa-lampa naman tayo." sabi nya sabay tingin ng makahulugan sa akin.
Hindi ko alam pero bigla nalang akong nainis at hindi ko na rin napigilan yung sarili ko na sagutin sya.
"Oo na, oo na. Ano namang laban ng isang nursing student na gaya ko, sa iyo na isang sports science major? Baka nakakalimutan mong sa course namin, hindi kami ganyang kumilos? Dapat palaging pino ang galaw namin. Makakapag-adjust naman ako e. Ikaw lang naman tong may gusto na makapag-adjust ako agad-agad." sabi ko sabay layas.