Tải xuống ứng dụng
20% UNDEAD: Dawn of the Damned 1 (Tagalog) / Chapter 23: Chapter 21

Chương 23: Chapter 21

Crissa Harris' POV

We survived day 4 of zombie apocalypse. And now we're facing day 5..

"Ang ganda ng buhok mo, Crissa. Ang kintab-kintab tapos ang lambot pa. Pano mo napahaba yan ng hanggang bewang tapos ganyan pa kahealthy?" hinaplos-haplos pa ni Renzy yung buhok ko.

"Nako, alaga to nung magaling na bakla sa salon."

"Oh? Anong salon?" - Renzy

"Christian Harris' Salon hahahaha!" - ako

"Kaya pala sanay ding magkulot si kuya, palagi din siguro sya dyan. Hahaha!" - Alessandra

Nagtawanan nalang kaming apat. Buti nalang, wala yung kakambal ko pati yung limang lalaki dito sa living room kaya hindi nila nalalaman yung ginagawa naming pang-ookray simula kanina palang.

At kung nasaan silang mga lalaki? Ewan ko. Baka nagpapagala-gala lang yun sa buong mansyon. We've decided na magrelax muna kahit ngayong araw lang kasi nung binanggit ko kay Christian yung about dun sa sinasabi nyang next plan namin, sinabi nya na hindi raw basta-basta yun. Kailangan daw naming maghanda. At talagang mahirap daw yung paghahanda na gagawin namin. Kaya kung gusto pa raw ba naming magrelax, then better do it now. Dahil bukas, mag-uumpisa na raw kami.

Ewan ko pero imbes na kabahan ako dahil dun sa sinabi nyang mahirap na preparation para sa susunod na plano, mas naexcite pa ako lalo. Gusto ko na ngang magsimula ngayon e, pero inisip ko rin na baka matagal pa bago kami makapagrelax uli. Sa sitwasyon kasi ng paligid ngayon, mukhang once in a blue moon na lang talaga kami magkakaroon ng ganitong libreng oras kaya dapat talaga, grab na agad pag nabigyan.

So ayun nga, today will be a free day for us. At dahil sa free day nga, libre kaming gawin ang kahit na anong gusto naming gawin. Pwede kaming tumalon mula sa bubong, magbasagan ng mukha, magsaksakan, at magpatayan. De joke lang. Hahaha! Free kaming matulog buong araw, magrelax, magmuni-muni or magtambay pogi sa kung saan-saang parte nitong mansyon. Basta ba, wala daw lalabas nitong compound. Yan ang kabilin-bilinan ng magaling kong kakambal. Bongga diba? Leader na leader ang dating. Hahaha!

"Uy, Crissa! Why space out?" pinitik ni Alessa yung noo ko kaya napabalik ako sa sarili ko.

"Hehehe. Wala. Diba free day ngayon? Ano gusto nyong gawin?"

"Ewan, bahay nyo to e. Kami pa ba magdedecide? Hahaha." - Renzy

Hmm. Oo nga no? Ano naman bang malay nila sa kung anong pwedeng magawa nila dito? E hindi naman nga sila taga-dito? Hahaha.

Tumingin ko kay Harriette and I gave her the look. Ngumiti naman sya pabalik sakin nang magets nya kung ano ba yung gusto kong sabihin.

"Punta tayo sa third floor? Hindi pa kayo nakakapunta doon diba?" sabi nya kila Alessa at Renzy. Tumango naman yung dalawa.

"Sige, itu-tour ko kayo doon ngayon. Nandun yung mga kwarto namin e. Saka sinabi naman na ni Christian sakin na simula mamayang gabi, dun na raw tayo matutulog sa third floor." nagliwanag ang itsura nila dahil sa sinabi ko kaya sumunod na sila agad sakin nang tumayo ako.

Hindi na kami nag-abala pang hanapin yung anim na lalaki at deretso na kaming umakyat sa third floor. At dahil family member nga lang ng Harris ang nakakapasok dito at ilang authorized persons, nagawa kong buksan yung malaking pinto through scanning my fingerprint.

Yung first two rooms ay kay mommy at daddy, kaya nilagpasan ko na yun. Ni-lead ko nalang yung way papunta sa kwarto ni Zinnia.

Nako, kung nalalaman lang ni Zinnia na ibinubunyag ko sa iba yung kwarto nya, tiyak babarilin ako nun. Never pang may ibang nakapasok o nakakita ng loob nun bukod saming magkakapatid, kila mommy at daddy, at kay Yaya Nerry, Olga, Jackson at Bud. Kahit nga si Harriette, Elvis at Alex, hindi pa rin.

Oh wait-- Si Alex nga pala, nakapasok na dun. Tapos.. HAHAHAHAHA! Ikekwento ko sa kanila mamaya yung mapait na nangyari kay Alex nung aksidente syang nakapasok dun. HAHAHAHA! Di ko talaga maiwasang maiyak kakatawa pag naaalala ko yun.

"Bakit ka tumatawa? Naalala mo yung kay Alex no?" bulong ni Harriette. Tumango nalang ako at nagpigil ng tawa.

Hinawakan ko yung doorknob at medyo nagulat ako na hindi nakalock yun. Bihirang gawin to ni Zinnia. Na iwanan nyang hindi nakalock yung kwarto nya. Bakit kaya?

Pinihit ko yung knob at..

"Wow.. Bongga ha? Pang prinsesa to." - Alessandra

"Kwarto mo ba to, Crissa?" - Renzy

"No.. This is probably ate Zinnia's." sagot ni Harriette na pinagmamasdan din yung loob ng kwarto.

Pumasok ako pero hindi naman sila sumunod sa akin.

"Pwede rin ba kaming pumasok?"

"Oo naman. Saka wala naman si Zinnia e. Kaya samantalahin na din natin yung pagkakataon. Hahaha!" sagot ko kay Alessandra. Umupo naman ako dun sa kama.

Hindi na rin naman sila nag-inarte pa at pumasok na din sila at nakiupo sakin sa kama. Pagpasok nila, pinagmamasdan pa din nila yung kabuuan ng kwarto. At nung madako naman ang tingin ko dun sa banyo, hindi ko nanaman naiwasang mapahagalpak sa tuwa.

"Hahaha. Pesticide! May ikkwento nga pala ako sa inyo." mangiyak-ngiyak na sabi ko habang umuupo.

"Go, ikwento mo na. Tiyak na hihimatayin sa tuwa to si Alessandra." natatawa na ring sabi ni Harriette. Takha namang tumingin samin si Alessandra pati na rin si Renzy.

"Oy, oy. Bakit naman ako matatawa ha?"

"Kasi, tungkol ito dun sa most memorable at most embarrassing moment ng beloved brother mo, Alessandra." sagot ko.

"Sobrang embarrassing talaga. As in.." pasang-ayon ni Harriette. Bigla namang napangiti at nagliwanag ang mukha ni Alessa at Renzy. Kaya hinanda ko na ang sarili ko sa pagkkwento.

** flashback (10 years ago..)

Nandito kami ngayon sa family room namin. Nagpe-prepare na kami para dun sa dance number namin sa Christmas party. Sabi kasi ni teacher e, kailangan daw na sumayaw kami. Kaya kahit ayaw namin, pinili nya pa rin kami.

Pero okay lang kasi kasama ko rin namang sasayaw yung mga friends ko. Si Harriette, Elvis at Alexander. Pati na rin si Christian. Kaya hindi na ako mahihiya. Hehehe.

Rudolph the red-nosed reindeer ang sasayawin namin. Tapos si Alexander si Rudolph. Kaya lang, bigla nalang syang nawala habang kumakain kami nung binake ni yaya Nerry na brownies. Nasan kaya sya nagpunta?

Hmmm. Hanapin ko na nga sya. Baka kasi di nya makabisado yung steps e. Nakakahiya kay maam.

Pumunta ako sa kwarto ni ate Zinnia para sana hanapin dun si Alexander. Kaya lang nasa labas palang ako, narinig ko na agad yung nakakabingi nyang sigaw.

"Who did this!? Argghhh!! Who did this! Yaya Nerry!!"

Pumasok ako dun sa kwarto ni ate Zinnia tapos nakita ko nalang sya dun na nakatayo sa labas ng bathroom nya. Umiiyak sya tapos pulang-pula yung mukha nya dahil sa galit. Tinignan ko naman yung itinuturo nya dun sa loob ng bathroom. May ano.. may pupu dun sa toilet bowl.. Eeeww!!

Sa sobrang kadiri, tumakbo ako at bumaba ng hagdan para tawagin si yaya Nerry. Kaso, nakita ko naman si Alexander na nakaupo sa may isang gilid. Tapos, umiiyak sya.

"Crissa, w-wag mo s-sasabihin kay ate Z-zinnia ha?"

"Bakit ano ba ginawa mo?"

"Nagpupu ako. D-di ko naman a-alam na kwarto nya y-yun. Ang laki k-kasi ng bahay n-nyo e.. Huhuhu.. Si yaya Nerry kasi e. Ang sarap ng brownies nya.."

** end of flashback..


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C23
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập