Tải xuống ứng dụng
14.78% UNDEAD: Dawn of the Damned 1 (Tagalog) / Chapter 17: Chapter 15

Chương 17: Chapter 15

Crissa Harris' POV

Bigla naman akong kinilig ng palihim. Ano ba naman to si Sedrick. Nakuha pang gumanto. May pahawak-hawak pa sa braso ko. Kagatin ko to e. Huhuhu.

Ngumiti nalang ako ng pilit tapos naglakad nako papuntang kitchen. Naramdaman ko naman na sumunod sya sakin.

"Laki talaga ng bahay nyo no?" tanong nya habang pinagmamasdan yung mga nadadaanan namin.

"Di naman. Sakto lang naman para saming pamilya. Hehe." kumuha ako ng dalawang glass na pitcher tas isinalok ko yung isa sa gripo.

"Eh kayong magkakapatid lang daw ang nandito ah? Kasi yung parents nyo, nasa Japan daw."

"Nako, ano ka ba! Syempre yung mga maids and securities namin, kapamilya na rin ang turing namin. Hehe."

"Hmm.. That's very nice. Ang laki ng pamilya nyo." nginitian nya ko.

Yung isang pitcher naman ang isinalok ko nung mapuno yung isa.

"Oo. Malaking pamilya. Kaso, dalawa nalang kami ni Christian ngayon na nandito. Sila mommy at daddy, pati yung mga kapatid ko, di ko alam kung okay sila." nagpilit ako ng ngiti. Kumuha ako ng sampung baso tapos nilagay ko sa magkaibang tray.

"Let's hope for the best, Crissa. Saka kaming lahat, kapamilya nyo na rin kami, right? Hmm.. Tulungan na kita dyan."

"Ay, oo nga. Pwedeng-pwede. Hehe. Sige, salamat. Ito nalang mga baso sayo." inabot ko sa kanya yung mga tray.

"Okay ka na ba dyan sa mga pitsel? Kaya mo na?"

"Oo naman. Saka hindi mo naman mabubuhat na to e. Dalawa lang kaya kamay mo. Hehehe."

"Oo nga no? Pero babalikan ko nalang yang isa. Isa nalang dalhin mo dun. Mabigat yan e." sabi nya habang nagkakamot ng batok tapos ngingiti-ngiti pa.

Nako naman talaga Sedrick. That's illegal. Nakakahimatay ang mga galawan mo. Haler? Ang pogi mo kaya. Tapos magpapacute ka pa sakin? Sumosobra ka na ata!

Napakamot nalang din ako ng batok.

"Hindi na Sed. Hehe. Kaya ko na to. Mauna ka na dun."

"Sure ka ha?"

"Oo naman. Saka wawalisin ko pa muna tong mga bubog sa sahig. Di pa pala nalinis after nung may napatay tayong undead dito nung isang araw. Hehe."

"Sige. Pero babalikan nalang pala kita. Wait ha?" ngumiti muna sya bago umalis.

Para namang natunaw bigla ang puso ko. Bakit ba napakabait nito ni Sed? Hindi na talaga ako magtataka kung bakit napakaraming babae sa school na halos ibenta na ang mga kaluluwa nila sa maligno para magustuhan lang nya. Baka nga pati undead e, ma-inlove pa sa kanya.

Hmm. Kung hindi kaya nangyari ito, magiging close pa rin kaya kami ni Sed ng ganito? Mapapansin nya ba ako? Nakakalungkot. Posibleng hindi.

Pero teka. Nangyari na nga diba? Medyo close na mga kami e. Bakit pa ko malulungkot? Hehehe. Mukhang tanga talaga ko minsan.

"Lakas makapag-daydream. Umaapaw na yung tubig sa pitsel oh."

"Ay pakialamerong sama ng loob!" halos mapatalon ako sa gulat. Sinamaan ko ng tingin si Tyron na bigla nalang sumulpot. Pinatay ko din yung gripo na kanina pa pala nag-o-overflow.

"Ano bang problema mo!? Bakit ka nanggugulat!?" sigaw ko.

"Nanggugulat? Sinabi ko lang naman na umaapaw na yung tubig e."

"Tse!" inirapan ko sya tapos kinuha ko na yung pitcher sa lababo. Pinagmasdan ko naman sya dahil parang may hinahanap sya. "Anong hinahanap mo!?"

"Pengeng baso. Nauuhaw ako e."

Di ko nalang sya pinansin pagkatapos ko syang hagisan ng baso. Nasalo nya naman yun. Sumalok din sya sa gripo tapos uminom sya. Hinugasan nya yung baso tapos inilagay nya dun sa may lalagyan nung makainom sya. Tinitigan ko syang mabuti dahil hindi pa rin sya umaalis pagkatapos nun.

"Hoy! Ano pang tinatambay-tambay mo dyan!?"

"Bakit masama ba? Inaantay lang kita."

Inaantay?..

Kumunot naman ang noo ko. Ewan ko pero bigla ring bumilis yung tibok ng puso ko. Pero hindi ko naman pinansin yun at sinamaan ko sya agad ng tingin.

"At bakit mo ko inaantay, aber!?"

"Tss. Tinatanong pa ba yan? Habulin ka kaya ng undead. Tignan mo nga oh. Wala ka nanamang dalang weapon."

"Weapon weapon. Ihampas ko kaya sayo tong pitcher? Lilinisin ko lang tong mga kalat sa sahig tapos babalik nako dun. Alam mo, mas mabuti pang dalhin mo nalang tong mga tubig dahil sigurado akong nabibilaukan na sa katakawan yung mga lalaking timawa don." inabot ko sa kanya yung dalawang pitcher. Kinuha nya naman yun.

Hinanap ko naman agad yung walis at dustpan tapos winalisan ko yung mga bubog sa sahig. Buti walang nasusugatan dito. Isang araw natiwang-wang nang ganito to ha?

Nung matapos ko yun, iginilid ko lang yung dustpan sa may likod ng pinto. Yung mga kalat, iniwan ko nalang din dun sa dustpan.

"WAAA!! ANAK NG PAKIALAMERONG SAMA NG LOOB! BAKIT NANDITO KA PA RIN!?" sigaw ko. Pano ba naman kasi, pagharap ko nakatayo sya doon sa may pinto. E dun ko rin kaya saktong nakita yung undead nung isang gabi.

"Wala naman akong sinabi na mauuna na ko e." pokerface na sabi nya.

Napahawak nalang ako sa sentido ko at kinaladkad ko na sya pabalik sa may living room. Sakto namang pagpasok namin ay nagkakandarapa na agad si Renzo na uminom dahil nabulunan daw.

Hmp. Yan ang napapala ng nagpupuslit ng pagkain. Hahaha.

Nung mahimasmasan na kaming lahat sa pagkain, nagrequest na agad sila Harriette, Alessandra at Renzy na ipagpatuloy na raw namin yung getting-to-know-each-other portion. Hindi naman na kami nag-inarte pa dahil ayaw naming maputol yung excitement nila. Maganda na nga to na nagkakasiyahan kami sa gitna ng mga masamang nangyayari e.

Bumalik na kami sa pagkakaupo dun sa sahig. Pero para mas madali, isang bunutan nalang gagawin namin. Yun nga lang, kung ano yung order kanina, yun pa rin daw hanggang ngayon. Kaya una si Renzo tapos huli yung lalaking pakailamero.

Pero okay lang, magkasunod naman kami ni Sed e. Hihihi.

Sabay-sabay kaming bumunot sa may ashtray. Nakakainis lang dahil nung saktong pagbunot ko, nakipagsabayan naman yung lalaking pakialamero na bumunot. Nahawakan nya tuloy yung kamay ko.

"Epal ka nanaman!" tinabig ko yung kamay nya.

"Ikaw nga tong sumabay e." bulong nya.

Ako pa raw ba!? Ayos din tong isa na to e. Akala ko napakatahimik nyang tao. Akala ko, tahimik pa sya sa ipis. Yun pala, may itinatago rin pala syang daldal. At malakas din pala syang makapang-bsiwit. Tsk. Sarap tahiin ng bibig.

"Okay ka lang, Crissa?" tanong nung lalaki sa kaliwa ko. Automatic naman akong naging okay pagkatanong nya nun.

"Ha? Syempre! Bakit naman ako hindi magiging okay, Sedrick? Hehe."

"Haha. Para ka kasing hindi e. Nakakunot yung noo mo tapos parang namumula pa yung pisngi mo sa galit."

Napahawak naman ako sa pisngi ko. "Oh, namumula? Nako. Natural na blush lang yan. Hehe."

"Natural lang na mamula ang mukha kapag kinikilig." bulong nung nasa kanan ko. Pasimple ko naman syang kinurot.

"Oh Tyron, kausap ka ba namin? Manahimik ka ha." sabi ko sabay ngiti ng pilit dun kay Sed na parang naguguluhan na.

Pesteng Tyron to. Alam nya bang may gusto ako kay Sedrick kaya para bang ininubuking nya ko!? Jusko. Malaman ko lang kung sino dun sa tatlo ang gusto nya, yari talaga sya sakin.

"BWAHAHAHA!!"

Pare-parehas kaming napatingin kay Renzo na biglang humagalpak ng tawa habang binabasa yung nasa papel na nabunot nya.

"Hala. Nabaliw na oh." - Harriette

"Kuya dali nga! Umaarte pa e." - Renzy

"Go, Renzo!" - ako

Nagpunas naman sya ng gilid ng mata nya tapos umayos na sya.

"Hahaha! Oo eto na. What would you change about your appearance? Nako naman talaga! Ako pa tinanong ng ganito. Sa gwapo kong to, may babaguhin pa ba ako? Bwahahahaha!"

Okay. Umiral nanaman ang kahanginan nya. Bakit naman kasi parang sakto palagi sa kanya yung mga tanong e? Tss.

Napatingin naman ako may Harriette at Renzy na parang masuka-suka na sa inis.

"Sed, kalabitin mo nga si Alessa, sabihin mo sumunod na sya. Baka hindi na kasi makapagtimpi yung dalawa kay Renzo e. Haha." bulong ko kay Sed sabay turo sa dalawa.

Kinalabit naman nya si Alessa tas binulungan din. Tumango nalang si Alessa bilang pagsagot.

"Okay. Haha. Sumunod na raw ako sabi ni Sed." - Alessa

"Mabuti pa nga. Baka kidlatan na yung isa dyan sa sobrang kayabangan." - Harriette

"Sige, sige. Ito yung nabunot ko. Who is the best friend you have at this point in your life? Psh. Tinatanong pa ba yan? Edi syempre, si Crissa! Hahaha!" sigaw ni Alessa. Napaitlag naman ako.

"Ako? E diba si Ren--"

"Nako Crissa. Ikaw na raw e. Hayaan mo na." nakangusong sabi ni Renzy na parang magwo-walkout na. Mabilis naman syang hinabol ni Alessa.

"Joke lang, bes! Hahaha. Ikaw naman oh." niyakap nya si Renzy tapos umupo na sila uli. Pero mukha namang mag-iinarte pa silang dalawa kaya hindi na lang namin sila pinansin.

"Sino na sunod?" - ako

Nagtaas naman bigla ng kamay si Elvis.

"Ako, ako! Haha. What compliment do people give you the most? Easy. Ang palagi kong naririnig sa ibang tao, ma--"

"Malaswa." - Alex

"Malandi." - Harriette

"Mabaho." - Christian

"Matalino." sabi ko naman. Pinuntahan ko si Elvis tapos inakbayan ko sya. "Ang sama ng ugali nyong tatlo ha? E nung highschool nga tayo, kaming dalawa lang ni Elvis ang nagsasalba sa grades nyo. Tsk."

"Oo nga. Lalo ka na Harriette. Hilig mo ngang mang-blackmail e." - Elvis

"Anong ako? Si Christian kaya yun!" - Harriette

"What? Paano ako nasali dito? Magkasing-talino lang kami ni Crissa dahil kambal kami no. Si Alex kamo yun. Taga-tanim ng kamote." - Christian

Bigla namang nag-whistle si Alex tapos dumeretso nang upo.

"Okay. Eto tanong sakin." - sya

"Hugas kamay." bulong ko habang bumabalik sa pwesto ko. Ganyan yan si Alex e. Pag na-corner, magaling tumakas.

Pero joke lang yon. Walang bobo saming magkakaibigan. Sadyang angat lang talaga yung talino ni Elvis. Chinese kasi e.

"Alessandra oh. Inaaway ako ni Crissa." - sya

"Sus kuya. Wala akong pake." - Alessa

Panes. Pahiya si Alex. Pinagtawanan tuloy namin sya.

"Tsk. What is the meaning of your name? Defender of men ang meaning ng Alexander. Kaya yung mga nang-aaway sakin dyan, dadating ang araw na ako pa magde-defend sa inyo."

Lalo kaming natawa sa sinabi ni Alex.

"Christian, bigyan mo nga ng tissue. Iiyak na oh." - Elvis

"Tissue? Wala e. Eto nalang carpet." - Christian

"Gago nyo." - Alex

At yun. Nagsapakan na silang tatlo sa may gilid. Natira nalang kaming apat na babae tapos si Sed, Renzo at yung pakialamerong lalaki. Natatawa na lang sila habang pinagmamasdan yung tatlo na naghahabulan habang may hawak na mga baril.


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C17
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập