CHAPTER 52
-=Atilla's POV=-
"Five minutes is up sleeping beauty." narinig kong tawag nito at halos hindi ako makahinga nang makita ko ang itsura ni Ram, he's standing in front of me at napapalibutan siya nang liwanag mula sa araw and he look like a greed god sa itsura nito ngayon.
I need to clear my mind para makapag-isip nang maayos, inabot ko na ang nag-aantay nitong kamay para alalayan akong makatayo.
Bigla akong napaigtad nang maramdaman ko ang kuryenteng nagmula sa pagkakahawak nang aming mga kamay at nang tignan ko si Ram ay kita kong naramdaman din niya iyon, nahihiya kong binawi ang kamay ko at kinulong iyon sa isa ko pang kamay.
"Tingin mo nasaan na kaya tayo?" bigla na lang lumabas sa bibig ko dahil hindi ko kayang tignan ito sa mga mata lalo na't ramdam na ramdam ko ang tingin nito sa akin.
"Well if my guess is correct ay nasa Pilipinas pa din tayo." seryosong seryoso nitong sinabi ngunit nang makita ko naman ang mga mata nito ay nakikita ko ang pagbibiro nito.
"Wow what a guess Ram, but seriously saan na kaya tayo?" muli kong tanong dito.
"To be honest Atilla, hindi ko alam pero pakiramdan ko naman hindi naman tayo masyadong nalayo sa isla ni Henry kaya ang magagawa natin ngayon ay maghintay, pero kailangan natin makahanap nang pagkain lalo na't hindi natin alam kung ilang araw bago tayo mahanap nang mga rescue team o kung alam ba nila ang nangyari sa atin." bigla akong kinilabutan sa sinabi nito, paano nga ba kung walang makaalam sa nangyari sa amin lalo na't wala naman akong sinabihan tungkol sa pag-alis ko, pero agad kong ipinalis ang kaisipan na iyon lalo na't kailangan kong tibayan ang dibdib ko.
Pero kahit nasa ganito kaming sitwasyon ay bahagyang napapanatag ang kalooban ko nang dahil kay Ram, alam kong hindi tama pero hindi ko maiwasang hindi magtiwala dito na para bang kahit na anong sitwasyon ang kaharapin namin ay malalampasan namin bastat magkasama kaming dalawa, natatakot lang ako kung makakaya ko pa bang pigilan ang anumang damdamin meron ako dito ngayong kami lang ang nasa isla.
Katulad nang napag-usapan ay minabuti naming libutin ang isla para makahanap nang pagkain lalo na't nararamdaman ko na ang pagkalam nang sikmura ko, mabuti na lang ay may mga puno nang saging sa gubat at iyon na muna ang inagahan namin, naglibot libot pa kami at kung ano anong prutas ang nakuha namin sa paligid mga ligaw na berries na sobra ang tamis at sa paglalakad lakad namin ay napadpad kami sa isang kulay asul na lagoon kung saan kitang kita ang ilalim nang tubig kung saan malayang naglalanguyan ang mga isda na mukhang magiging tanghalian namin mamaya.
"What do you think you are doing?" naiiskandalo kong tanong dito nang mapansin kong wala na itong suot na pang-itaas at akma nitong tatanggalin ang pagkakabutones nang suot nitong pantalon.
"I'm going to take a dip, lagkit na lagkit ang pakiramdam ko nang dahil sa tubig sa dagat." paliwanag nito na nagpatuloy sa pagtatanggal nang butones, agad ko namang nilayo ang tingin ko dito at narinig ko na lang ang pagbaba nang zipper nito, at ilang segundo lang ay sinundan iyon nang malakas na splash sa tubig.
"Come on Atilla, the water is fine." tawag nito sa akin at nang finally tumingin ako dito and saw him emerge in the water at kahit paano ay nakahinga ako nang maluwag nang makita kong nakasuot pa din ito nang underwear pero bakit nakakaramdam ako nang dissapointment.
"Woah hold there Ms. Naughty Mcgranger." sawata ko sa naiisip ko nang mga oras na iyon dahil bigla akong nakakaramdam nang pag-iinit nang katawan at walang kinalaman ang panahon sa nararamdaman ko but I need to remind myself that I have a boyfriend who loves me so much and helped me with all the things that happened in my life.
"But do you love him?" narinig kong tanong nang kabilang isip ko ngunit ayokong isipin ang bagay na iyon dahil kailangan kong tatagan ang sarili ko, hindi ko makakayanan na masaktan si Ang ang daming bagay na naitulong niya sa akin.
"Oh tatayo ka na lang ba diyan o sasamahan mo ako dito?" nagulat na lang ako nang biglang magsalita ulit si Ram, sa lalim kasi nang iniisip ko nakalimutan ko ang pag-aya nito sa akin.
I know it's wrong at para akong nakikipaglaro nang apoy ngunit hindi ko mapigilan nang parang kusang kumilos ang mga kamay ko para sana hubarin ang suot kong damit ngunit natigilan ako nang makita ko ang matiim na mga titig ni Ram, mas lalo pa atang umitim ang itim na mga mata nang binata at hindi ko maiwasang hindi mapalunok sa nakikita kong lust sa mga mata nito.
"Can.....can you turn around please." sinabi ko dito, para akong napapaos dahil sa pinipigilan kong emosyon nang dahil sa nakita ko sa mga mata nito, kung kaina nag-iinit lang ako ngayon naman ay nag-aapoy ako, I felt like I'm Katniss Everdeen the girl on fire, well the horny one.
Mariin kong pinikit ang mga mata ko at saka hinubad ang mga suot ko leaving my underwear because there is no way I'm going skinny dipping specially with Ram around.
Mabilis akong tumakbo patalon sa tubig at agad kong naramdaman ang lamig mula sa tubig at biglang napawi ang nararamdaman kong pangangati nang katawan ko mula sa tubig dagat.
"Hindi ba sinabi ko sayong masarap sa pakiramdam eh." ang natatawang sinabi sa akin ni Ram sabay saboy sa akin ng tubig at dahil hindi ko iyon napaghandaan ay nakainom ako nang kaunting tubig na naging dahilan para maubo ako.
"You really are crazy Romano Santiago!" inis kong sinabi dito na tinawanan lang naman nito, hindi ko mapigilan ang sarili kong pagmasdan ang maamong mukha nito lalo na ngayon na nakikita ko ang kasiyahan sa mukha nito, agad ko namang pinilig ang ulo ko palayo dito dahil ayokong makita nito ang emosyon na maaring nakaguhit sa mukha ko ngayon.
Pinili kong lumangoy malayo dito dahil na din sa takot sa maaring mangyari at mabuti na lang at hindi ako nito ginugulo at tahimik lang ito sa paglalangoy ngunit ilang minuto na ang nakakalipas ngunit wala pa din akong naririnig mula dito kaya naman bigla akong nagtaka.
"Ra..... Ram!" kinakabahan kong tawag dito lalo na't hindi ko pa din ito makita, bigla akong sinalakay nang takot sa kaisipan na maaring nalunod ito kaya naman dali dali akong lumangoy sa puwesto kung saan ito lumalangoy kanina.
Sisisid na sana ako nang sakto naman ang pag-ahon nito mula sa ilalim nang tubig kaya naman nawala ang takot na nararamdaman ko ngunit napalitan naman iyon nang sobrang lakas na kabog ng dibdib ko nang mapansin kong ilang pulgada na lang ang layo nang katawan nito sa katawan ko gayon din ang mga labi namin na kung igagalaw ko lang ang mukha ko ay siguradong magdadampi na.
"Atilla." ang namamaos nitong sinabi na nagdulot nang kakaibang kilabot sa kaloob-looban ko kasabay pa ang nag-aapoy nitong pagnanasa sa mga mata nito.
"Ram..." ang tanging nasabi ko, sa totoo lang hindi na ako nakakapag-isip nang tama ng mga oras na iyon dahil ramdam na ramdam ko ang init ng katawan nito at amoy na amoy ko ang mabangong hininga nito, a part of my mind is trying to tell me to swim away from him ngunit mas malaking bahagi nang isip at puso ko ang nagsasabing ilapit ko ang mukha ko mula dito para matikman kong muli ang matatamis nitong mga halik, lahat nang sense na meron ako ay parang naglaho nang mga oras na iyon, ang mahalaga ay si Ram lang at ako, nararamdaman ko ang pag-iinit nang kaibuturan ko sa pagnanasang mapag-isa kami ni Ram.
Naramdaman ko na lang ang banayad na kamay nito na humahaplos sa mukha ko, gently caressing the side of my face hindi ko na napigilan ang sarili kong mapapikit dahil lang sa simpleng paghawak nito sa mukha ko, how I longed to feel his touch once again, I thought nang nasa Australia ako ay hindi ko na mararamdaman ito ngunit ngayon ay parang nagbabalik sa akin ang lahat.
I opened my eyes at tumingin dito nang diretso not caring even one bit kung makita nito ang pag-aapoy sa mga mata ko nang dahil sa sitwasyon namin.
I can almost taste his mouth sa paglalapit nang aming mga labi, too close but not yet, I'm willing to throw all inhibitions in me and I'm already willing to take whatever Ram will give me nang biglang makarinig ako nang splash mula sa tubig at para akong biglang binuhusan nang malamig na tubig nang marealize ko ang muntik nang mangyari.
Dali dali akong lumayo dito at tumalikod dito, ang lakas pa din nang tibok nang dibdib ko nang dahil sa nangyari at nagagalit ako sa sarili ko dahil muntik ko nang ibigay ang sarili ko dito na hindi tama dahil hindi ko dapat lokohin si Ang, si Ang na naging napakabuti sa akin.
"I..... guess it's time na maghanap na tayo nang pagkain ulit at paraan para makaalis sa islang ito." I told him without even looking at him dahil alam kong nakaguhit pa din sa mga mata ko ang nararamdaman ko kani-kanina lang.
Dahil sa nangyari ay mas lalo namin kailangan makahanap nang paraan pala makaalis sa islang ito bago pa mahuli ang lahat, bago ko pa tuluyang kalimutan ang lahat.