CHAPTER 41
-=Ram's POV=-
"So nakabalik ka na pala?" narinig kong may nagsalita sa bandang likuran ko, matapos ko kasing dumating mula sa biyahe ko mula sa US ay dumiretso ako sa mini bar na nasa bahay namin sa Dasma.
"Hello to you too Miranda." sagot ko dito dahil kahit hindi pa ako humarap dito ay kilalang kilala ko ang boses nang bestfriend ko.
Isang malalim na buntung hininga ang narinig ko mula dito at naramdaman ko na lang na umupo ito sa katabing silya na nasa kaliwa ko.
"Hanggang kailan mo hahanapin si Atilla Ram, dalawang taon na ang nakakalipas at sigurado akong nakapagmove on na siya, I think it's time for you to move on." mahinahon nitong sinabi sa akin na sinuklian ko lang nang mapait na ngiti.
Hindi ko akalain na dalawang taon na pala nang mawala sa akin ang taong pinakamamahal ko at nagmamahal sa akin, dahil sa pride kung bakit lumayo sa akin ang babaeng minahal ko simula pa lang pagkabata ko.
"I'm worried about you, your dad is worried about you." punong puno nang pag-aalala ang boses nito habang sinasabi ang bagay na iyon.
"Wala naman dapat ipag-alala sa akin Miranda dahil nagagampanan ko naman ang lahat nang tungkulin ko, sa loob lang ng dalawang taon ay nabayaran ko na ang utang ng kumpanya kay Henry." paliwanag ko dito, thinking about Henry made my blood boil kahit ito ang taong naging dahilan kung bakit naisalba ang kumpanya ay hindi ko pa din maiwasang hindi magalit dito dahil ito ang gumagawa nang paraan para hindi ko mahanap si Atilla, talagang tinotoo nang bilyonaryong iyon ang banta nito na gagamitin nito ang lahat nang meron ito para hindi niya mahanap si Atilla, but it doesn't stop me from trying to look for Atilla kapag meron pagkakataon.
"Hindi iyan ang ibig kong sabihin, halos patayin mo na nga ang sarili mo sa kakatrabaho, ang tinutukoy ko ay ang ginagawa mo sa buhay mo dahil imbes na magmove on ka na, ay pilit mong kinukulong ang sarili mo sa anino ni Atilla na walang kasiguraduhan na babalik pa." matigas nitong sinabi at imbes na sagutin ay inisang lagok ko na lang ang laman na alak sa baso ko.
Sasalinan ko pa sana nang panibagong alak ang baso ko nang marahas itong agawin ni Miranda at ibato iyon sa kung saan na sinundan nang tunog nang pagkabasag nang bote.
"What do you want from me?!" tanong ko dito hindi ko mapigilang hindi mafrustrate sa lahat ng mga nangyayari, yes successful ako sa loob ng dalawang taon naibalik ko ang dati kong buhay ngunit parang lahat iyon ay nabalewala dahil nawala sa akin si Atilla.
"Gusto kong ibalik mo ang dating ikaw, tell me kailan ang huling beses na kinamusta mo ang Daddy mo? Don't you know how hard it is for him to see you like this? Ako kailan mo ba ako kinamusta? Alam mo bang magpapakasal na naman ako?" malungkot nitong tanong.
Bigla naman akong nakaramdam nang pagkaguilty dahil totoo ang sinasabi nito dahil sa ginagawa kong paglulunod sa sarili ko sa trabaho at sa paghahanap kay Atilla ay hindi ko nabibigyan nang atensyon ang mga taong nagpapahalaga sa akin.
"I'm sorry." malungkot kong sagot ko dito.
"So will you please stop looking for Atilla already." nanantiyang tanong nito at kung ganoon lang sana kadali ay ginawa ko na.
"I'm sorry Miranda pero hindi ko kayang pakawalan ang pagmamahal ko kay Atilla lalo na't alam kong ako ang dahilan kung bakit siya mismo ang umalis, pero ang maipapangako ko lang ay mas papahalagahan ko na ang mga taong nagmamahal sa akin, mas bibigyan ko kayo nang importansya." sinabi ko dito.
I know hindi iyon ang gustong marinig ni Miranda pero mukha naman kahit paano ay nasatisfy siya sa narinig mula sa akin.
"And what do you mean magpapakasal ka na naman, I mean Miranda pang apat na beses ka nang magpapakasal, hindi ka pa ba nadala sa huling marriage mo?" naiiling kong tanong dito ngunit alam kong naapektuhan ito sa naging tanong ko dahil ang huling naging asawa nito bago pa sila makapagdivorse ay namatay sa isang aksidente at lahat nang ari-arian nang lalaki ay napunta kay Miranda, she should be harry right pero hindi dahil kasama nang yaman na nakuha nito na hindi naman niya talaga ginusto ay ang masasamang imahe na ibinabato dito na kesyo kasalanan nito kung bakit namatay ang asawa nito at dahil sa pera lang ang habol ng dalaga, hindi nakatulong ang katotohanan na bago pa ang namatay nitong asawa ay may dalawa pa itong pinakasalan at hiniwalayan din, pero kilala ko si Miranda alam kong hindi dahil sa pera kung bakit ito nagpakasal kung bakit ay hindi ko din alam dahil kahit anong pilit ko dito ay hindi nito sinasabi sa akin ang katotohanan.
"Hindi ka pa ba napapagod na magtanong kahit na alam mong hindi ko naman sayo sasabihin ang dahilan?" pilit nitong pinapasigla ang boses nito pero alam ko ang totoo.
"Kasi naman hindi ko maintindihan kung bakit ka ba din nagpapakasal matapos ang tatlong failed marriage mo, bakit hindi mo muna ienjoy ang buhay at subukan mong mas kilalanin kung sino man poncio pilatong taong yan." naiiling kong sinabi.
"I have my reasons Ram." misteryoso nitong sinabi at buti na lang at napigilan ko ang sarili kong mapatingin sa langit.
"Here we go again with your reasons na ayaw mong sabihin sa akin, tinuturing mo ba talaga akong ,matalik mong kaibigan Miranda?" I fake a pained expression ngunit alam ko naman na hindi nito iyon sasakyan, Miranda knows me too well.
"You're the only bestfriend that I have Ram but there are things that better kept as a secret, and I need to go." paalam nito.
"And here we go again with you running away kapag napag-uusapan ang tungkol sa mga naging marriage mo." natatawa kong sinabi dito.
"Goodbye Ram!" narinig ko pang sigaw nito bago nito sinarado ang pinto na nakapagpailing na lang sa akin, someday pipilitin ko talaga siyang sabihin sa akin kung bakit niya ginagawa ang pagpapakasal.
Minabuti ko nang matulog at itigil na ang pag-iinom dahil tama si Miranda dahil sa nangyayari ay napapabayaan ko na ang mga taong malalapit sa akin.
Naisipan kong dumaan sa kuwarto nang Daddy ko na tahimik na natutulog, hindi ko mapigilang hindi maawa dito lalo na't nakikita ko nang tinatalo na ito nang katandaan.
"I'm sorry Dad." malungkot kong sinabi dito kasabay nang banayad na halik sa noo nito, nagiguilt ako dahil alam kong sinisisi pa din nito ang sarili kung bakit ako nagkakaganito kahit ano na nga bang pilit kong sinasabi dito na wala itong kasalanan.
Matapos dumaan sa kuwarto nang Daddy ko ay dumiretso na ako sa kuwarto ko ngunit imbes na matulog ay naisipan ko na munang magpahangin sa terrace ng kuwarto ko kung saan nakatingin ako sa punong puno ng bituin na kalangitan.
Nahagip ng mata ko ang isang falling star at hindi ko napigilang hindi mapapikit kasabay ng pagsambit ng isang wish.
"Please Atilla bumalik ka na." I muttered at pagkatapos makapag wish ay bumalik ang tingin ko sa kalangitan na para bang mahahanap ko ang sagot sa hiling ng puso ko.
"Kamusta ka na ba Atilla?" bulong ko sa hangin.