Tải xuống ứng dụng
29.68% My Fiancee is a Prostitute (Filipino) / Chapter 19: Not to My Advantage

Chương 19: Not to My Advantage

CHAPTER 19

-=Ram's POV=-

I know it's too good to be true when I found out about the help that was being offered, bilang isang businessman hindi basta basta maglalabas nang pera ang taong iyong unless may makukuha siyang kapalit ang hindi ko lang inasahan na hihinging nitong kapalit ay ang kalayaan ko, at mula noon hanggang ngayon ay ayokong may magmamando sa buhay ko, I value my pride more than anything.

"Please tell them that we don't need their help we can look for some other solution." malamig kong sinabi sa Dad ko at kitang kita ko ang panic sa mga mata nito.

"But Ram think about it, we only have less than two months para makakuha nang ganoong kalaking halaga, at nilapitan ko na ang mga kaibigan ko ngunit hindi nila makayang pahiramin ako." naiiling nitong sinabi dahil mukhang buo na kaisipan nito na iyon na lang ang tanging paraan para maisalba ang lahat nang negosyo namin, ayokong isipin ang bagay na iyon dahil may isang buwan at dalawang linggo pa kami at hinding hindi ako mawawalan nang pag-asang makakahanap nang ibang paraan kaysa hayaan ang kung sinumang tao na patakbuhin ang sarili kong buhay.

"I will find ways Dad, just leave it to me." sinabi ko dito sa hindi na mababaling desisyon at alam nito iyon kaya hindi na ito nagpumilit pa.

Kung kanina sobrang saya ko sa nalaman ko ay agad ko na iyong binura dahil hindi ako papayag na magpakasal sa kahit na sinong tao, oo naniniwala ako sa marriage for convenience but I want it to be with my own term at hindi nang kahit na sinuman.

Agad akong nagpaalam dito at agad na umuwi nang unit ko at tulad nang inaasahan ay nahihimbing na sa pagtulog si Atilla kaya naman tahimik akong humiga sa bandang kanan nito at tahimik lang na nakatingin sa kisame nang kuwarto, trying to think for a solution, sa totoo lang mahirap talagang solusyunan ang problemang kinahaharap ko dahil nga madami sa mga assets namin ang nakafreeze at kahit gusto ko mang magbenta nang mga stocks ay hindi maari.

"I know it's not going to be easy but I will not give up without a fight." and with that in mind I drifted to an uneasy sleep.

I woke up the following day feeling exhausted from all the things that happened yesterday, first is the problem that needed a prompt solution, then having a brawl with Jeffrey and then an unacceptable proposal from someone who I don't give a damn who.

"Baka puwedeng huwag ka na munang pumasok." nagulat na lang ako nang marinig kong magsalita si Atilla, sa sobrang lalim kasi nang iniisip ko ay nakalimutan kong kasama ko itong kumakain nang almusal.

"Kailangan kong pumasok sa opisina dahil madaming mga nakabinbin na trabahong kailangan kong asikasuhin." nakangiti kong sinabi dito, alam kong nag-aalala lang ito sa akin dahil mukhang napapansin nito ang bigla kong pagsspace out.

Ngayong araw kasing ito ay naisipan kong pumunta sa mga bangkong maaring makapagpahiram sa akin nang perang kakailanganin ko at kung walang mangyari doon ay sasadyain ko na ang mga ilang taong alam kong maari akong mapahiram nang kakailanganin kong pera.

Pagkatapos na kumain ay agad akong sumakay ng kotse patungo sa unang bangkong pupuntahan ko, pagkarating sa naturang bangko ay agad naman akong hinarap nang manager ngunit biglang lumaylay ang balikat ko nang makarinig nang panibagong rejection na hindi ko pa nararanasan noon ngunit ngayong may kinahaharap ang negosyo nang kumpanya ay naging sunod sunod ang rejection na iyon, ngunit agad kong tinibayan ang loob ko lalo lalo na't hindi ako dapat mawalan nang loob dahil naniniwala ako na kahit maliit na porsyente lang na chance na makakahanap ako nang tutulong sa akin.

Nagpatuloy ako sa paghahanap nang tulong ngunit katulad sa naunang bangko ay bigo pa din ang ginagawa ko.

Minabuti ko na munang dumiretso sa opisina kung saan kanina pa naghihintay sa akin si Tricia alam nito ang pinagdadaanan ko ngayon kaya naman kitang kita ko ang simpatya sa mga mata nito.

"Kumain ka na ba Ram?" tanong nito sa akin nang pumasok ako sa sarili kong opisina kasunod nito.

"I'm fine Tricia, did I miss any call while I was gone?" tanong ko dito habang tinigtignan ang mga email messages ko ngunit nadidismaya lang ako sa mga nababasa ko kaya naman minabuti ko na lang i turn off ang computer ko.

I know that look that Tricia is giving me, ngunit hindi ko na lang iyon pinansin, alam kong nag-aalala na din ito sa akin pero sa ngayon ang kailangan ko ay makahanap nang pera para sa negosyo namin.

"Kung good news lang sana ang ibabalita ko sayo." malungkot nitong sinabi kaya naman mas lalong bumigat ang nararamdaman ko.

 "Fire it away then." I said while trying to smile but failed miserably, and I know that Tricia knows it to.

"Some of our business partners are complaining about the things that happening in the company and demanding to have a meeting with you." pagtatapos nito.

Isang mahabang buntunghininga ang umalpas sa mga labi ko, I already expected this to happen, the world that we're is like a beehive full of people who like to gossip a lot and a news as big as this tend to spread like wildfire.

"Ram....?" narinig kong tawag sa akin ni Tricia, mukhang nag space out na naman kasi ako dahil sa lalim nang pag-iisip ko.

"Make a schedule meeting for Wednesday next week." I finally said and saw Tricia nodding her head, nagpaalam na din itong maglalunch na tinanguhan ko lang.

Nang mapag-isa sa opisina ay naihilamos ko na lang ang dalawang palad ko sa mukha sa frustration na nararamdaman ko, nothing seems to be going in my way, lahat nang hinihingan ko nang tulong ay walang nangyayari, tapos dumagdag pa ang mga business partners namin.

I tried to make some phone calls, but still the same result, may mga iba nga na feeling ko ay pinagtataguan na ako, nagulat na lang ako nang makabalik na pala si Tricia na may dalang pagkain para sa akin na talaga naman kinagulat at naappreciate ko, Tricia is not just my secretary but also a friend na alam kong maasahan ko kapag kailangan ko nang makakausap, matanda ito sa akin nang sampung taon kaya naman parang naging Ate ko na siya.

"Thank you." totoong ngiti ang lumabas sa bibig ko nang mga oras na iyon.

"You're welcome." she said and then was about to leave nang lumingon uli ito sa akin. "And Ram give yourself a break, kailangan mo din magpahinga at magrelax." and with that ay tumuloy na ito sa paglabas nang opisina ko.

Bigla akong napaisip sa sinabi nito at totoo ang sinabi nito, maybe I need to relax for a bit maybe get my bearing back.

Dali dali kong kinuha ang phone ko na nasa ibabaw nang table ko at dinial ang number ni Atilla, ilang ring ang lumipas bago ko narinig ang boses nang dalaga.

"Maghanda ka nang mga gamit mo, mag aaout of town tayo tomorrow." I said and immediately ended the call without waiting for her response.

Isang ngiti ang gumuhit sa bibig ko habang naiisip ko ang mga gagawin namin bukas ni Atilla, tama si Tricia kailangan kong irelax ang isip ko para makapag isip ako nang tama.

I tried to think of a perfect place na mapuntahan namin at dahil hindi makapagdecide ay agad akong nagsearch sa computer ko at napili kong sa Quezon Province na lang pumunta dahil hindi naman iyon kalayuan sa Manila just in case na may emergency na mangyari ay agad kaming makakabalik, ang balak ko kasi ay mga tatlong araw so dahil Friday bukas ang magiging balik namin ay sa Lunes.

"Three days with Atilla, not bad of a plan." I murmured with a smile on my face.


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C19
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập