Jared Dela Cruz
Ihininto ko ang sasakyan ko at lumabas. Ang boring kaya naman napagdesisyunan ko na umuwi muna sa bahay ng mga magulang ko.
MALAKING KASINUNGALINGAN!
Kahit malapit na akong mamatay dahil sa pagka-inip hinding hindi ako uuwi sa bahay. Kaya naman kung bakit ko nandito ngayon? Ahh.
"Kuya! Himala? Ano naman ang nakain mo at pumunta ka rito?"
Nakasalubong ko si Audrey habang papasok ako ng bahay.
"Saan ang punta mo?" tanong ko, mukhang bihis na bihis sya. "Make-up ba 'yan?"
"I have a date," simpleng sagot nya.
"Hoy mag-ingat kayo ha, gumamit kayo ng proteksyon."
"KUYA!! I'm not like you!"
"Hindi ikaw, si Omi. Lalaki parin 'yon, hwag kang papagabi. Curfew mo eight o'clock!"
"In-extend ni Mama ang curfew ko no, nine pm! Mwahaha!" tawa nya na pang-asar.
"Ampupu, si Samantha?"
Bigla syang naglahad ng kamay sa harapan ko.
"Ano 'yan?"
"Pera."
"Bakit ka nanghihingi ng pera sa'kin? Ililibre ka naman ni Omi sa date nyo."
"Binawasan ni Papa ang allowance ko ng 50% dahil may boyfriend na ako. Kailangan ko ng pera."
"Ayos ka rin manghingi." Kinuha ko ang pitaka ko sa backpocket ng pantalon ko.
Binigyan ko sya ng isang libo.
"One thousand? Kuripot." Nakasimangot pa na bulong nya.
"Sagutin mo na ang tanong ko, sina Samantha at Angelo?"
"Pumunta sila sa Mindanao," sagot nya habang itinatago sa purse nya ang pera.
"MINDANAO?!! TAKTE! ANO'NG GINAGAWA NILA SA MINDANAO?!!"
Naglahad ulit sya ng palad sa harap ko. "Kailangan ko ng bagong haircut, need money."
AMPUPU!! Kinuha ko ulit ang wallet ko at binigyan sya ng isang libo.
"Sinamahan nya ang tatlong baliw na umuwi, mga one week siguro sila don or hanggang sa matapos ang summer vacation."
Hanggang sa matapos ang Summer Vacation? Eh April palang ngayon ah! Mindanao?! Pakshet naman delikado don ah. At isa pa, matagal ko silang hindi makikita!
"Saan sa Mindanao?"
Ngumiti si Audrey. Tsk! Mabuti nanalo ako sa sugal kagabi. Marami rami rin akong nakolekta sa mga panalo ko.
"Oo na, pera," binigyan ko sya ng isang libo.
"Sa Bukidnon daw, sa Hacienda ng mga Dela Vega."
Iyon lang ang kailangan ko'ng marinig bago ako tumakbo papunta sa kotse ko. Kailangan ko silang sundan.