Romeo D'Arrez
Nasabi ko na ang dapat ko'ng sabihin sa kanya, nasa kanya nalang ang desisyon kung ano ang gagawin nya. Kitang kita ko ang naging reaksyon nya, alam nyang tama ako. Pero kilala ko si Red, alam kong hindi sya nagpapatalo. Kung ano ang gusto nya, ginagawa nya. Kung ano sa tingin nya ang tama, iyon ang susundin nya. Wala syang pakialam sa opinyon ng ibang tao. Isa syang kilalang gambler, mahilig syang sumugal. Lahat isinusugal nya, hindi sya takot na matalo. Sa bandang huli, lagi syang nananalo. Sana lang hindi nya 'yon gawin ngayon, dahil ibang sugal na 'to. Lahat pwedeng mawala sa kanya, hindi materyal na bagay kundi isang pagkakaibigan.
"Alamin mo kung ano ba talaga ang gusto mo Red, hindi habang buhay pwede kang maglagay ng babae sa sideline."
"Tangn* hindi ko sila babae sa sideline!!"
"Kung ganon pumili ka ng isa sa kanila! Sino ang pipiliin mo ngayon Red?"
Hindi sya nakasagot. Tumingin lang sya sa dagat. Nag-vibrate ang cellphone ko. Tumatawag si Audrey. Tumingin ulit ako kay Red.
"Kailangan ko nang bumalik sa hotel," paalam ko. "Ang tungkol sa amin ni Audrey, hwag kang mag-alala hindi ko sya gagawan nang kahit na anong bagay na makakasama sa kanya. Mahal ko sya."
Umalis na ako nang wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. Lumingon ulit ako.
"Oo nga pala Red, bukas na ang balik namin. Nasa iyo kung magpapaiwan ka rito." Lumakad na ulit ako pero muli akong huminto. "Nga pala, aalis si Samantha kasama si Angelo. Magbabakasyon sila sa ibang lugar, mabuti na rin 'yon hindi ba? Para magkalayo naman kayo sa isa't-isa malay mo, mawala yang nararamdaman mo. Good luck Dude."
Hindi dahil pinili ko si Audrey ay ibig sabihin na pinili ko'ng sirain ang pagkakaibigan natin Red. Dumaan din ako sa sitwasyon mo. Alam ko'ng kaya pa nating ibalik ang pagkakaibigan natin. Pero iba si Audrey kay Samantha. Girlfriend sya ng kaibigan natin at hindi kapatid. Maaaring mawasak nang husto ang pagkakaibigan nyo ni TOP. Sana makapili ka. Mas pipiliin mo parin kaya ang kaibigan natin kaysa sa babaeng gusto mo? Katulad ng ginawa mo noon kay Aril?