Nanuod lang ako sa kanilang dalawa. Hindi ako makagalaw. Hindi ko rin maalis ang tingin ko sa kanilang dalawa. Nakangiti sya. Nakangiti sya. Mukhang ang saya nya. Ang saya nya kay Amarie. Silang dalawa. Nakangiti sa isat-isa. Bakit sya nakangiti? Nakangiti sa ibang babae. Hindi ko pa sya nakikitang ngumingiti nang ganyan sa iba. Sa akin lang. Ako lang ang nginingitian nya nang ganyan. Pati ang tingin nya kay Amarie ganon ang tingin nya sa'kin. Sa akin lang. Pero ngayon bakit pati sa iba? May humatak sa'kin patalikod sa dalawa.
"Hwag mo silang pansinin," seryosong sabi sa'kin ni Gabby.
"Sammy.."
"OMG!"
"S-Sila...?"
"Okay lang ako," bulong ko. Tumingin ulit ako kina Amarie at Timothy.
Pero ang totoo hindi naman talaga. Ang sakit. Nagwawala sa sakit ang puso ko. Ang sikip huminga. Iba pala ang pakiramdam na alam mo na naging sila, ang kaibigan at ex mo. Masakit 'yon. Iba rin pala ang pakiramdam na makita mo silang dalawa na magkasama. Mas masakit. Ang sakit sakit.
Huli na ba? Bakit? Bakit ang bilis naman. But it's been a month. A month and week to be exact nang naghiwalay kami. Since ng araw na inamin nya sa'kin na totoo nga ang sinabi ni Kuya Lee. Ang hindi ko maintindihan. Bakit magkasama sila? Magkasama sila ngayon. Magkasama parin sila hanggang ngayon. Ganon ba kadali para kay Amarie na magpatawad? Ganon din ba kadali makalimot si TOP? Makalimutan na sinabi nyang mahal nya ako. Na ako lang at wala nang iba?
Eh ano 'to? Itong nasa harap ko ngayon? Ilusyon ko lang ba ito? O nananaginip lang ako? Isang bangungot. Kahit ano pa man ito. Iisa lang ang alam ko. Na nasasaktan ako ngayon. Nasasaktan sa nakita ko.
I'm pathetic! I'm pathetic for hurting so much like this! More pathetic because I'm still watching them right now. Ito na siguro ang pinaka-sinusumpa kong araw. Araw ko yata talaga ngayon para masaktan.
Lumapit pa silang dalawa sa amin. Hawak ni Amarie ang isang kamay ni TOP habang hinihila papunta sa amin. Si TOP naman parang wala lang at nagpapahila naman.
Pigil ko ang hininga ko kahit na parang sasabog na ang dibdib ko sa kaba. Natatakot ako. Ayokong makita si Timothy na may katabing ibang babae bukod sa akin. Nagsalubong ang tingin namin ni Timothy. Umiwas ako agad ng tingin.
"Unnie! Meet my Oppa! TOP-Oppa meet Sam-Unnie!" masayang pakilala sa amin ni Amarie.
"Amarie darling, kilala na namin si TOP," sabi ni Maggie.
"Moe? Is it true Oppa?"
"Yeah," tipid na sagot ni Timothy.
Naramdaman ko ang tingin sa akin ni Timothy.
"Long time no see TOP," narinig kong sabi ni Gabby.
"Too soon to see you, again," sabi ni TOP na halatang hindi nya gustong makita ito.
"Still the same Pendleton. You and Anya now? Wow! Goodluck with that!"
Kailangan pang itanong? Bitter na kung bitter! Ang sakit eh. Gusto ko nang lamunin ako ng lupa. Mas pipiliin ko yung tipong Drag Me To Hell kaysa tumayo rito kaharap silang dalawa. O tumalon sa building. The fastest way of killing myself is to just jump off a building. Sarap pakamatay ah. But nooo. Instead of doing those things. I just had to stand here looking like an idiot, hurting because of these lovebirds. Shit!
"Gabby," hinawakan ko sya sa braso. "Let's go."
"Okay," he nodded.
"Bye Unnie!"
"Yeah. See you tomorrow guys," sabay talikod sa lahat.
Di ko tinignan si Timothy. Di ko na kasi kaya pa na pigilan ang luha ko eh. Ang sakit sakit na talaga. Sobrang sakit na. Pinaandar na ni Gabby ang kotse. Nakatungo lang ako buong byahe. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang laki kong tanga. Galit ako.
Hindi ko alam kung kanino. Galit ako kay TOP. Galit ako kay Amarie. Galit ako kay Kuya Lee. Galit ako sa sarili ko. Mas galit ako sa sarili ko. Somehow I know na may kasalanan ako kay Timothy. Iniwan ko sya di'ba? Kasalanan ko. Hindi nya kasalanan kung gusto na nyang mag-move on. Sinaktan ko sya. Natural lang naman na mag-move on na sya. Pero bakit ang bilis?! Wala pang three months ah.
Ang tanga ko para masaktan. Masyado nang masakit. Panay lang ang punas ko sa pisngi ko. Kung sana lang.. Kung kaya ko lang sanang ilabas ang sakit na 'to sa isang iyakan lang. Kung kaya lang. Ang kaso hindi.. Sa tuwing pag-gising ko palagi ko parin syang iniiyakan. At ngayon dumagdag pa ito sa sakit na nararamdaman ko. Masyadong masakit yung nalaman ko. Yung nakita ko.
"Sam," tawag ni Gabby.
Huminto ang kotse sa isang park. Walang tao sa paligid. Nasa labas na si Gabby at nakabukas ang pinto ng kotse sa side ko, hawak nya. Lumabas na rin ako.
"Mahangin dito, kailangan mo 'yon."
Umupo ako sa swing. Mahangin nga. Mahabang katahimikan ang sumunod. Alam ko na nakatingin sya sakin.
"Hwag mong pigilan. Iiyak mo lang yan lahat."
"Gabby.."
"Di mo kailangan itago. Nasasaktan ka."
"Hwag," huminga ako nang malalim "Hwag mo naman akong paiyakin."
"Alam mo ba na nakamamatay ang pagpigil ng iyak?"
"Niloloko mo naman ako," tumulo na naman ang luha ko, pinunasan ko kaagad
"Umiyak ka na. Iiyak mo na lahat.."
"Ayaw.." pumatak na naman yung luha ko.
Nung pupunasan ko na, pinigilan nya ako.
"Hwag mong punasan, hayaan mo lang."
"Kasi naman eeeh!" hinampas ko sya.
Umiyak na ako nang tuluyan. Iniyak ko yung sakit. Bakit nya ginawa 'yon?! Madali lang ba akong kalimutan? Ganon ba 'yon? Bakit? Bakit?! Nakakainis naman! Nakakaasar! Ang daya naman nya eh! Sobrang daya! Hindi man lang nya ako binigyan ng time?! Hindi nya man lang ako hinintay na makapag-isip sandali?! Hindi man lang nya inisip ang mararamdaman ko?! Kinalimutan nya ako nang ganon kadali? Langya naman oh!
Sabi nya mahal nya ako! Sabi nya ako lang! Ang sinungaling nya! Nakakainis sya! Bakit si Amarie pa?! Kaibigan ko yun eh! Ayokong magalit sa kaibigan ko. Wala naman syang alam eh! Di nya sinasadyang masaktan ako. Pero ikaw Timothy? Nakakainis ka! Ang sama mo! Ang sama sama mo. Pero kahit ganito at nasasaktan ako.. Gusto ko parin na makita sya. Gustong gusto.. Pakiramdam ko mamamatay ako kapag nawala sya sakin.
Bakit ba kasi ang daya nila? Di ba pwedeng kami nalang ulit? Di ba pwedeng i-balik sa dati ang lahat? Hindi na? Huli na? Bakit? Dahil may iba na sya. Mas masaya sya sa piling nya? Ang daya mo naman eh! Ang daya daya mo Timothy! Pabalik na ako sa'yo eh!
"Nakakinis! Ang daya daya nya naman! Wala pang three months ah! Lahat ng nakikipag-break alam na dapat maghintay muna ng three months bago makipag-relasyon ulit!"
Patuloy sa pag-agos ang luha ko.
"I hate him! I hate myself more!"
Kahit anong iyak ko di parin nawawala yung sakit.
"Bakit ganon Gabby? Bakit ang bilis nyang makahanap ng iba?" iyak ko.
Niyakap lang ako ni Gabby.
"Ang sakit pala no? Ang sakit sakit! Sobra!"
Umiyak lang ako sa dibdib nya.
"Tama pala yung—yung term na broken-hearted, kasi parang nahati nga sa dalawa yung puso mo."
Ganon ang pakiramdam.
"Di ko kayang mawala sya sa'kin Gabby..." mas lalo akong umiyak.
Knowing na di ko kayang mawala sya..
"But it's too late now!"
Wala akong magagawa kung hindi tanggapin na di ko na sya makukuha ulit.
"Because he's now with someone new."
Someone worth loving..
"At sa lahat ng makakarelasyon nya, kaibigan ko pa!"
And it kills me..