Tải xuống ứng dụng
53.17% Talk Back and You're Dead! / Chapter 66: Chapter Sixty-Six

Chương 66: Chapter Sixty-Six

Ang daming tao sa mall as usual. At as usual maingat kaming namasyal ni Gabby. Tingin-tingin ng mga kung anu-ano sa mga tindahan. Shopping. Kain. Nuod ng sine. Mag-laro ng mga games.

AY BUTIKI!

"Sam, okay ka lang?" tanong ni JG habang hawak ang braso ko.

"Hehe! Oo, okay lang ako. Ang dulas kasi ng sahig." Nadulas ang isang paa ko, buti nahawakan nya ako.

"Madudulas ka talaga kung 'yan ang susuotin mong sapatos," sabi nya habang nakatingin sa sapatos ko.

"Ano'ng masama sa sapatos ko?"

"Yung ilalim, hindi goma"

"Ahh.. Oo nga 'no."

"Tara." Hinila nya ako.

"Saan?"

"Basta" ngumiti sya at naglakad na ulit kami.

Pumasok kami sa isang sikat na local shoe shop.

"Ito? Gusto mo ba 'to?" tanong ni Gabby habang hawak ang isang kulay green na doll shoes. "Sa tingin ko bagay sa'yo 'to."

"Green? Hindi kaya magmukha akong elf dyan?"

"Elf? Oo, mukha nga..." napa-isip sya. "Pero mas mukhang fairy, just like ten years ago nang gumanap kang fairy sa isang play."

"Huh? fairy? Why not Princess?" wala yata akong matandaan na play.

"Because you punched your Prince—" bigla syang napatigil sa pagke-kwento.

Bigla syang tumalikod at ibinalik ang sapatos sa lalagyan.

"Hey! Akala ko ba yan ang bibilhin natin?"

"Hindi na. Humanap nalang tayo ng iba na mas bagay sa'yo."

"Nah. Sabi mo bagay sa'kin yan, kaya 'yan nalang."

"Hwag na yan."

"Bakit? Diba sabi mo—"

"Bagay sa'yo ten years ago."

"Wala akong maalala nung ten years ago na 'yon."

"Nakaraan na yon. Hindi na dapat balikan," naglakad na sya palabas ng store.

Ano'ng nangyari dun? Biglang na-badtrip.

"Ma'am kukunin nyo po ba?" tanong ng sales lady habang hawak ang box ng green doll shoes.

"Ahh..." tinignan ko ang sapatos. "Hindi na siguro."

"Okay po Ma'am, sayang naman po. Last pair na kasi ito," sabi nya at umalis kasama ang sapatos.

"Teka Miss! Kukunin ko na pala!"

"P1,159 lang po Ma'am, cash po ba or credit card?" biglang lumapit ang sales lady dala ang sapatos.

"Ahh. Credit card nalang."

"Sige po Ma'am."

Weird ng sales lady na ito ah. Gusto lang pala makabenta. Hinanap ko si JG pagkatapos kong bayaran at makuha ang sapatos ko. Nakita ko sya na nakatayo sa labas at nakatingin sa malayo, mukhang malalim ang iniisip.

"Wuy! Ang lalim ng iniisip mo ah!"

Tumingin sya sakin at umiling tapos bahagya syang tumawa.

"May naalala lang ako. Let's go?"

"Okie! San na tayo?"

"Hmm..." tumingin-tingin kami sa paligid.

"Ano'ng meron don?" turo ko sa corner na madaming tao.

Nilapitan namin at nakita ang stage. Star Of The Night Singing Contest.

"Oohh... Singing Contest pala. Manuod tayo!" masayang sabi ko sa kanya.

"Sige."

Umupo kami sa bandang gitna dahil marami na din tao sa unahan. Ang daming nagpapalista.

"Gabby, sumali ka kaya?" bigla kong naisip.

"Ano?"

"Sige na, matagal na rin kasi kitang hindi napapanuod ng live kumanta."

"Ganon ba?" tumawa sya. "Sige, game!"

"Yehey!" pumalakpak ako.

"Para ka parin talagang bata."

"Bata pa naman talaga ako."

"Kung pwede nga lang sana habangbuhay ka nalang bata..." bumulong sya. "Para hindi ka na naaagaw ng kung sino-sino dyan."

"Ano 'yon?"

"Sabi ko," tumayo sya at ginulo ang buhok ko. "Magpapalista na ako," at umalis na sya.

*tweet-tweet-text-message*

Message: Hey.

KYAAA! Nag-text si TOP. Ma-call nga. After one ring may sumagot.

[F*ck! I told you not to bother me!] Wow! Ang ganda ng greeting nya.

"Hubby! Miss mo na ako?"

[What? Oh it's you. Where are you?]

"Nasa mall."

[Mall? You're not cheating on me with some other douche, right?]

"Uh.. No."

[Wifey, you paused.]

"Huh?"

[It means you lied.]

"Hindi ah!"

[Sino'ng kasama mo?]

"Sam! Nakapagpa-lista na ako!" bumalik si Gabby sa tabi ko.

[WHO'S THAT?!] sigaw ni TOP.

"Ahehehe..."

[Miracle] Uh-oh ayan na ang warning tone nya.

"Si..."

[Sino?]

"Si JG."

[Shit!] he hung up.

Lagot ako!

"Sam, sino 'yon?" tanong ni Gabby nang makita niya na namumutla ang mukha ko.

"Huh? Ah wala sina Michie lang tinatanong kung nasaan ako. Hehehe!"

"Pupunta ba sila dito?"

"Hindi... may lakad din kasi silang tatlo."

Tumango siya at tumingin sa paligid. Haay. Lagot na naman ako. Ano na kayang iniisip ni TOP ngayon?

"Sam"

"Oh? Bakit?"

"Ang tagal na rin pala simula nang makapunta ako sa mall nang hindi dinudumog ng mga tao. Salamat sa pagsama ha."

"Basta ikaw Gabby, alam mo naman na malakas ka sakin eh. Hohoho!"

Tumawa sya.

"Aalis na nga pala si Lee sa isang araw," sabi nya sa'kin.

"Hmm. Masyado syang busy. Sa Christmas na ulit ang balik nya."

"Sam bukas may-" naputol ang sasabihin nya nang pumunta ang emcee sa stage.

Hindi ko na naintindihan pa ang sinabi ng emcee dahil lumilipad ang isip ko. Nag-aalala ako kay TOP. Masyado pa naman kung mag-selos 'yun. Nagiging monster.


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C66
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập