Tải xuống ứng dụng
8.73% Talk Back and You're Dead! / Chapter 10: Chapter Ten

Chương 10: Chapter Ten

Lumabas ako ng campus nang bandang tanghali na. Napag-utusan kasi ako ng isa sa mga instructors na magpa-photocopy sa labas dahil nasira ang photocopier ng school. Syempre bilang isang mabait na estudyante, pumayag ako, may extra points din kasi 'yon. Ha! Beat that, Audrey! Sa tapat lang naman ng school ang shop eh. Hohoho! Extra points! Extra points!

"Miss!" may tumawag na lalaki.

Agad akong napalingon. Ewan ko ba, bakit kaya ganoon? Mapapalingon ka nalang basta kapag may naririnig kang tumatawag. Mabuti nalang at hindi ako nag-kamali. Ako nga ang tinatawag ng lalaki. Nakita ko ang tatlong lalaki na naka-uniporme. Charleston Academy sila base sa seal ng blue coat nila. Lumapit silang tatlo sa akin. Malapit lang sila sa height ko, mga mukhang mas bata kaysa sa akin.

"Sa St Celestine ka ba nag-aaral?" tanong ng isa sa kanila na may band-aid sa ilong.

"Oo."

"Kung ganon, kilala mo naman siguro kung sino ang girlfriend ni TOP sa school mo?" usisa ng isa pa sa kanila na may malaking mata.

"Bakit?" tanong ko. Medyo umatras ako mula sa kanila. "Ano ang kailangan nyo sa kanya?"

"Kung ganon, kilala mo nga sya?" tanong ng lalaking kalbo.

"Anak ng tinapa! Sikat talaga kahit saan ang gagong 'yon ah," sabi ni totoy band-aid sa mga kasama nya.

"Ate, hindi ka namin sasaktan kung sasabihin mo sa'min kung sino ang girlfriend ni TOP," sabi ni momoja na malaki ang mata.

"S-sasaktan nyo ako?" di makapaniwalang tanong ko. Tinignan ko silang tatlo. Mga payat naman sila, mukhang mahihina at lampa. Marunong naman ako ng self defense, kaya ko sila. Pero hindi ako makapaniwala na malakas silang mag-banta kahit payatot silang tatlo. Hay, mga totoy.

"Hindi, masyado kang maganda eh," sabi ni totoy band-aid.

"Tumahimik ka nga dyan. Malalagot tayo kay boss kapag di natin nahanap yung babae. Baka di tayo makapasok sa gang nila," kontra ni totoy kalbo.

"Gang? Ang bata nyo pa ah." Nainis ako bigla. Mga lalaki talaga!

"Sabihin mo na ate, sino ang girlfriend ng TOP na 'yon?" kulit sa akin ni totoy mata.

Tinignan ko silang tatlo nang mabuti. Mukha talaga silang mahina. Patulan ko kaya? Hmm. Hwag nalang pala. Pero sino ba sa mga girlfriends ni TOP ang hanap nila? Ako o si Audrey? Hindi naman kasi dito napasok si Hershey eh.

"Si Audrey siguro ang sinasabi ninyo. Kaklase ko siya."

"Ano'ng hitsura niya?" interesadong tanong ni Momoja. Mas lumaki tuloy mata niya.

"Pangit."

Nagkatinginan silang tatlo.

"Sigurado ka ate?" tanong ni totoy band-aid.

"Nerd si Audrey, nakasuot siya ng salamin sa mata. Kapag nakakita kayo ng babaeng naka-salamin, may Gucci na bag at maraming kasamang babae, siya na 'yon," sabi ko bago ko sila iwan na nakatayo roon.

Hindi ko alam kung bakit ko sinabi 'yon. Siguro dahil naiinis ako kina TOP at Audrey? Plano ba nila na isahan ako? Magkakilala pala silang dalawa, ang karibal ko at ang lalaking sinusumpa ko ay nag-sama. Bahala nga sila sa buhay nila.


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C10
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập