Ika labing dalawa na ng kami'y dumating sa aming bayan. magmula sa terminal ng bus kailangan pa namin sumakay ng tricycle papunta sa bahay. tulog na siguro ang aking mga magulang at kapatid di naman nila batid na ako'y uuwi ngayon hindi kona ipina Alam dahil nais ko silang supresahin.
agad kaming pumunta sa paradahan ng tricycle saktong iisa na lamang ang nakaparadang tricycle sa oras na to.
"manong sa purok singko ho" tumango naman ang driver ngunit diko makita ang mukha nito dahil bukod sa nakayuko ito naka takip pa ng face mask, ipinag sawalang bahala Kona lamang ito.
"mahal malayo pa ba tayo sa inyo?" tanong niya bakas sa mukha ang pag ka kaba niya ngayon lamang kasi siya makakaharap ang aking pamilya mag mula kasi ng naging kami hindi na ako nakauwi dito.
"medyo malayo lang ng kaunti ang bahay namin mula sa terminal kailangan pa natin dumaan ng tulay dahil tawid ilog kami" napasandal na lamang ako sa kanya pilit inaaninag ang mukha ng tricycle driver, ako'y kinakabahan sa di mapaliwanag na dahilan. nakakapag pakagabag naman kasi ang kinikilos ng tricycle driver mabuti nalang at kasama ko ang aking nobyo sa pag uwi. kahit kinakabahan alam kong ligtas ako sa piling ng aking mahal.
nararamdaman ko nanaman ang kanyang katawan sobrang nakaka paso, Hindi naman siya mukhang may sakit.
"bakit sobrang init mo na naman?" tanong ko habang nakasandal sa kanya
"Hindi ko alam mahal marahil ay masyado lang akong kinakabahan ito ang unang beses na makakasama ko ang iyong pamilya kahit na ba nakakausap ko sila minsan sa telepono" lalong bumakas ang kaba sa kanyang mukha, natawa na lamang ako. ang matipuno at matapang na lalaking laging pumoprotekta sa akin ngayon ay naduduwag dahil unang beses niyang makikita ang aking pamilya.
"mahal matagal ka ng kakilala ng aking pamilya, Wala kang dapat ikabahala isang pormal na pagkikita lamang ang mang yayari ngayon" pag papagaan ko ng kanyang kalooban , nginitian naman niya ako at hinalikan sa aking labi.
nabigla ako ng bumisina ng tatlong beses ang driver, marahil ay isa itong tanda ng pag galang sa nadaanan naming lugar. napatingin ako sa kanya bumalik na naman ang kabang aking nadarama dahil nakabaling ang ulo niya sakin ngunit hindi ko talaga ma aninag ang kanyang mukha. napakapit nalang ako sa aking nobyo ng mahigpit
"may problema ba?" nag aalalang tanong niya sakin
"Wala naman mahal medyo nilalamig lang ako " inakbayan niya ako at pinasandal sa kanyang balikat napaka sweet talaga ng lalaking ito nawala na sa isip ko ang tingin ng driver sa akin kanina.
"manong dyan lang ho sa tapat ng tindahan" pa alala ko sa driver ng mapansing malapit na pala kami, kitang kita ko na ang tindahan ng aking inay bukod sa pag tatanim ng kung ano ano sa aming taniman ito ang isa pang bagay na pinag kakakitaan ng aming pamilya.
huminto na ang driver agad naman kaming bumaba. habang kumukuha ako ng pambayad sa aking bulsa bigla na lamang umandar at mabilis na nag patakbo ang driver ng tricycle. pilit pa itong hinabol ng aking nobyo dahil Hindi pa nga kami nakakapag bayad ngunit hindi niya na talaga na abutan dahil sa bilis nitong mag patakbo.
nakakapag taka bakit naman hindi niya kukuhanin ang bayad namin. siguro'y nagmamadali ito di bale hahanapin konalang ang tricycle niya pag pumunta kami sa bayan.
kumatok ako sa aming bahay
"Nay? Tay?" patuloy pa din ang aking pagkatok malamang ay nasa mahimbing na pag kakatulog ang aking mga magulang at kapatid kaya hindi ako marinig.
"Nay? Tay?" naramdaman kong may naglalakad na patungo sa aming pintuan marahil ay narinig na nila ang pagkatok ko.
bumukas ang pintuan ng aming bahay bumungad sa akin ang aking ina na walang kupas ang kagandahan kahit nasa edad na apatnaput isa na.
"nay" Dali dali ko siyang hinagkan sobra ang aking pangungulila sa kanila. nagmano ako pagkatapos ko siyang yakapin nagmano din ang aking nobyo, ngunit ang aking inay ay nakatulala pa din sa akin
"anak? ikaw bayan? Ang laki na ng iyong pinag bago. hindi ako makapaniwalang ikaw ay umuwi, pumasok muna kayo! sa loob tayo mag usap gigisingin kona din ang iyong ama" bakas pa din ang pagka bigla sa mukha ng aking ina hindi makapaniwalang andito ako sa kanyang harapan.
"nay si Garen po pala kilala niyo naman ho siya diba?"
"oo naman napaka gwapo naman pala ng iyong nobyo van mabuti't umuwi ka kasama siya ng makilala naman namin ang magiging Asawa ng aming anak" nakangiting tugon ng aking ina habang pinapasadahan ng tingin ang aking nobyo halos pamulahan naman ng mukha ang lalaking nasa aking tabi marahil ay masyado nanaman itong natuwa sa pag Kakapuri sa kanya ng aking ina.
"nay wag mo ng bolahin ang aking nobyo baka lumaki Ang ulo niyan, gigisingin paba natin si itay? baka mahimbing na ang kanyang pag kakatulog" nakaupo na kami sa sofa sa aming sala napakaganda ang laki ng pinag bago ng aming bahay kitang kita din na halos lahat ng kagamitan ay bago.
"mabuti panga wag na natin gisingin para supresahin natin sila bukas ng umaga, kumain naba kayo? ipagluluto ko kayo ng makakain" alok ng aking ina tumingin ako sa aking nobyo. umiling naman ito sa akin malamang ay mas gusto nitong mag pahinga nalang din katulad ko
"nay siguro ay mag papahinga na lamang kami sa aking silid napaka tagal din ng aming naging biyahe at madami din kaming inasikaso buong araw"
"osya wag kang mag alala kakalinis ko lamang ng silid mo at lagi ko naman yang nililinis sa kadahilanang baka biglaan kang umuwi at di nga ako nag kamali andito na sa harap ko ang aking napaka gandang panganay kasama Ang kanyang napaka gwapong nobyo" yumakap na naman ang aking inay napangiti na lamang ako eto ang pinaka masarap sa lahat ang yakap ng nag iisang ina.