Tải xuống ứng dụng
88.46% Platonic Hearts / Chapter 46: Caleb's Route X - Absorb 

Chương 46: Caleb's Route X - Absorb 

Chapter 46: Caleb's Route X - Absorb 

Haley's Point of View 

  "Kumbaga may ginagawa siya sa 'yo pero hindi niya ginagawa kaya ang tingin mo, pinagti-trip-an ka niya?" Tanong ni Claire sa akin na tinanguan ko. 

  "I see, ganoon pala ang nangyari." Paghalukipkip ni Rose matapos kong maikwento 'yung mga kilos na ginagawa ni Caleb sa akin for the past few weeks. 

Hindi naman sa hindi ako nagtitiwala sa mga efforts na ginagawa ng lalaking 'yon sa akin pero minsan kasi hindi ko rin mawari kung totoo pa ba 'yung iba. Like iniisip ko na baka mamaya, dahil alam niyang sinimulan na niya akong effort-an kaya parang no choice siya kundi ang ituloy. Paano kung napapagod na pala talaga siya at hindi lang niya sinasabi sa akin? 

  Nandito sila sa kwarto ko ni Claire, they decided na makipag sleepover tutal ay wala namang pasok kinabukasan. Eh, balak din nilang gumimik bukas. Pero hindi ko pa alam kung saan, bukas na lang daw namin isipin para matuloy. 

  Kumuha ng chips si Claire at inayos ang pagkaka upo niya sa kama ko. Nandito ako sa lapag, doon sila ni Rose sa kama ko. Ang galing, ano? Partida, na sa bahay ko sila. 

 

  "Baka paraan lang niya iyon ng panlalandi?" Patanong niyang sagot at muling sumubo ng chips. "Like alam mo na? Sumisimple siya para ma in love ka? Ganoon? Pero pwede rin niyang gawin 'yon ta's I-ghost ka." 

  "Wala talagang filter 'yang bibig mo, ano?" Natatawang sabi ni Rose na ikinakibit balikat lang niya. Samantalang umiwas naman ako nang tingin at hindi napansin na napanguso. 

  "Wala namang problema sa akin, para hindi na siya masyadong mag expect sa akin masyado." 

  Nakatitig lang silang dalawa sa akin nang maramdaman ko ang pagtinginan nilang dalawa. Bumalik na lang din ang tingin ko sa dalawa nang bigla silang tumalon dito sa nilatag kong higaan. Napaurong din ang ulo ko noong ilapit ni Rose ang mukha niya sa akin.

 

  Animo'y para ring inaamoy niya ako kaya tinulak ko ang mukha niya palayo sa akin. "Parang tanga 'to, ano ba?" Iritable kong sabi. 

  "Girl. Ano 'yang naaamoy ko?" Taka niyang sabi na nagpataas sa kilay ko bago ko amuyin ang damit ko. 

 

  "Ano?" Naiintriga kong tanong. Mabango naman ako, kaliligo ko lang kanina, eh. 

  "Haley, tanong ko lang. Sumagi ba sa isip mo na baka in love ka na kay Jin?" Tanong ni Claire sa akin kaya natulala ako bago ako mamula. 

  "Ha?! Bakit mo nasabi?!" Hindi makapaniwala kong reaksiyon dahilan para muli silang matulala sa akin sandali bago nila muling tingnan ang isa't isa. 

Napa-bored look tuloy ako. "Ano nanaman 'yang tinginan na 'yan?" Walang gana kong tanong. 

  Pareho nila akong inilingan nang hindi inaalis ang ngiti sa labi nila. "Matalino ka pero nakaka amaze pa rin talaga minsan 'yung pagiging tanga tanga mo sa mga ganyang bagay. Ang funny." Namamanghang sabi ni Rose kaya asar ko siyang tiningnan. 

  "What does supposed to mean?!" 

  "Pero Haley," Inilipat ko ang tingin kay Claire. "Sometimes, it's okay kung sa sarili mo lang I-admit 'yung nararamdamna mo. Kasi the more na ide-deny mo, mas lalong magkakaroon ng conflict most especially sa kung ano talaga ang gusto mong mangyari." Advice niya sa akin dahilan para hindi ako makasagot kaagad. 

  "Hindi, teh. Ang problema kasi kay Haley, masyadong malaki ang trust issue kaya pati sarili niya, binibigyan na niya ng doubts." Punto ni Rose at tsaka niya hinawakan ang magkabilaan kong pisngi para iharap ang mukha ko sa kanya. "O baka naman mamaya babae pala talaga ang gusto mo, ah?! Aminin mo!" At pinisil niya ang pisngi ko dahilan para mapanguso ang labi ko. 

  "Knock it off, dummy." Pagpapatigil ko. 

  "Why don't you try na gawin 'yung ginagawa ni Jin?" Suhestiyon ni Claire kaya pareho kaming napatingin ni Rose sa kanya. 

 

  "You mean lalandi sabay hindi itutuloy, ganoon?" Patanong na sabi ko. 

  Binitawan na ni Rose ang mga pisngi ko para mabilis na lapitan si Claire. "You mean pabitin na s*x?!" Sa sobrang lakas ng boses ni Rose, nasipa ko 'yung pwet niya dahilan para masubsob siya sa dibdib ni Claire na tinulak din naman niya kaya ngayon ay nakahiga na siya sa sahig. 

  Napatayo ako nang hindi inaalis ang tingin kay Rose. "NANDIYAN NANAY KO!" Pabulyaw kong suway sa kanya. 

  Inangat ni Rose ang ulo niya para tawanan ako. "How pure can you be?" 

  Hinampas ko siya ng unan sa paahan niya. "Manyak ka talaga, eh 'no?!" Inis kong sabi habang napabuntong-hininga lang si Claire. 

  Umupo na nga sa pagkakahiga si Rose. "But kidding aside, hindi ba't parang hindi rin okay na sabayan ni Haley 'yong ginagawa ni Jin?" Tanong niya. "Baka kasi mamaya, magkaroon ng maling ideya si Jin. Mai-stress lang din si Haley lalo na't hindi niya alam-- este wala naman siyang gusto kamo kay Jin." 

  Suspetsa kong tiningnan si Rose dahil sa paraan ng pagkakasabi niya. Bakit parang ayaw niyang maniwala na wala naman talaga akong something kay Jin? 

  Ibinalik ko ang tingin kay Claire. "Tama ka, pero doon malalaman ni Haley kung ano talaga 'yung nararamdamna niya," Sabay tingin niya sa akin na hindi ko lang ma-gets lalo na noong bigyan niya ako ng kakaibang tingin.

*** 

 

  INUMAGA na kami ng tulog ng mga bruha. Uminum kami nang kaunti bilang night party. Alam naman ni Mama kaya wala namang problema, pero hindi ibig sabihin ay uminum ako nang marami. 

 

  Tipsy lang ako kasi madali nga akong malasing. At ayoko nang maulit 'yung paglalasing dahil baka mamaya, iba na magawa ko. 

  Tumayo ako at isa-isa tiningnan ang dalawa na mahimbing ng natutulog. 

Hindi ko lang din talaga ine-expect 'yung dalawa kapag lasing. 

  Si Claire, sobrang daldal. Mura diyan, mura ro'n. Pati 'yung mga bagay-bagay na hindi naman nagsasalita, kinakausap niya. Ta's may sisisihin siya na hindi ko na masyadong pinagtuunan ng pansin pero hula ko ro'n ay tungkol iyon sa isyu niya sa bahay. 

  Si Rose naman, kabaliktaran kapag hindi nalalasing. Ang tahimik, hindi makabasag pinggan. Sisinok lang ta's titingnan ka pero mayamaya, biglang iiyak. 

  Kaya kanina, hindi ko napigilang hindi sila kunan ng litrato. 

  Lumakad ako papunta sa kama ko, doon na ako natulog tutal inagawan naman nila ako ng matutulugan. 

Si Chummy pala, nandoon sa kwarto ni Mama dahil nga may bisita ako. Nilaro laro ni Claire kanina. 

  Relax kong inihiga ang katawan ko sa malambot kong kama tsaka ako tumitig sa madilim na kisame. Wala akong iniisip pero hindi naman ako makatulog. 

Sinubukan kong ipikit ang mata ko ngunit bigla ko ring nakita ang litrato ni Caleb sa utak ko kaya napamulat din ako. 

  "You won't know the result if you don't take an action. Ikaw rin naman ang may sabi, gusto mo rin matutunan na magustuhan si Jin kaya masasabi kong this is the right time to do it." 

  Naalala kong sabi ni Claire kanina kaya huminga ako nang malalim bago ko iyon ibinuga. 

  "Really, what's that supposed to mean?" Tanong sa sarili bago ako tumagilid para humarap sa pader para ituloy ang aking pagtulog, pero the more na makakatulog ako ay wala ng ibang pumapasok sa isip ko kundi 'yung mga bagay na gusto kong gawin kay Caleb tulad ng paghawak ko sa kamay niya, yakapin siya, 

  …at halikan siya. 

  Kinuha ko ang unan ko't niyakap iyon. "Lasing na yata ako." 

*** 

  DALAWANG ARAW ang lumipas. Ito ang araw na nag desisyon ako na gawin 'yung advice nung dalawa kong kaibigan. 

Kaya ngayon, hinihintay ko si Caleb dito sa labas ng bahay. Medyo maaga-aga ako para hindi na siya maghintay tulad ng ginagawa niya madalas. 

  Subalit 30 minutes ng nakakalipas ay wala siya. Usually da't kanina pa siya nakarating. 

  Tiningnan ko ang wrist watch ko at napatingin sa papaakyat na araw. "Mauna na kaya ako?" Tanong ko sa sarili at ibinaba ang tingin sa lupa. "30 minutes lang naman, mas matagal pa nga 'yon maghintay sa akin, eh." Tumayo ako nang maayos. "Maghintay pa ako ng 10 minutes. Kapag wala siya, mauna na ako." 

  At naghintay nga ako ng 10 minutes, wala pa ring Caleb ang dumating. 

  Lumingon ako sa kaliwa't kanan ko. "Himala, wala siya ah?" 

  "Good morning, Haley." 

  Napatingin ako sa bumati sa akin. Si Reed. 

"Wala pa ba si Jin? Gusto mo sabay na tayo pumasok? Anong oras na rin, oh?" Alok niya kaya pasimple kong tiningnan ang wrist watch ko. Kung magtatagal pa ako rito, baka mamaya ma-late na ako. 

Baka naman nandoon na iyon sa school. Pero bakit hindi man lang niya ako chinat o iniwanan man lang ng text message. 

  Ngiti kong tinanguan si Reed. "Mmh. Let's go." 

  Hindi kami gumamit ng sasakyan ni Reed. Nag commute lang kami dahil coding. 

"May assignment ba tayong ipapasa ngayon?" Tanong ni Reed nang makaupo na kami sa upuan ng jeep. 

  Binigyan ko siya ng walang ganang tingin. "Hoy, don't tell me wala kang nagawa? May tatlo tayong ipapasa ngayon." 

  Humawak siya sa likurang ulo niya. Awkward din siyang natawa. "Wala talaga akong nagawa kaya kung pwede sana," Ipinagdikit niya ang mga palad niya na tila parang nagmamakaawa. "Pa-kopya sana ako! Palitan ko na lang 'yung iba para hindi halata." 

  Taas-kilay ko siyang tiningnan. "Kaya mo siguro ako inaalok na sumabay sa'yo?" 

  "Hoy, hindi ah! Ngayon lang kasi kita nakitang nakatayo ro'n at naghihintay kaya inaya na kita dahil aalis na rin naman ako." Wika niya. 

  Pinaharap ko ang ulo ko nang hindi inaalis ang tingin sa kanya. "Hmm… Hindi mo naman ako sinisimplehan?" 

  "Wow, kailan ka pa natutong magsalita ng ganyan sa akin, ha?" Natatawa niyang sabi na paismid kong nginisihan. 

  "Nagsisisi ka na ba na tinulak mo ako palayo?" Direktang tanong ko sa kanay dahilan para mapahawak siya sa batok niya. Oops, hindi ko naman intention na mambull's eye. Tumingala ako. "But seriously, tapos naman na. Okay naman na tayo, 'di ba?" Tanong ko at lumingon sa kanya. "And I hope you're okay na rin." 

  Sandali siyang hindi nagsalita bago siya ngumiti at marahan na tumangu-tango. "Yeah," Lumingon di siya pabalik sa akin. "Okay na tayo." Muli niyang pag ngiti. Wala na talaga siyang balak na bawiin mga sinabi niya dati kaya masasabi kong kuntento na siya. 

  Nakikita ko naman siya minsan na nakikipag hangout kay Irish. 

*** 

  PUMASOK NA kami ni Reed sa classroom at si Caleb kaagad ang nahagip ng mata ko nandoon sa kalayuan at nakikipagtawanan sa mga kaklase namin. 

Napahinto ako ng hindi inaalis ang tingin sa kanya na pati ang pagkuyom ko ng kamao ay hindi ko na napansin. 

  Nakakaramdam ako ng inis. 

But this time, alam ko may rason ako. Nainis ako kasi wala man lang siyang sinabi sa akin na mauuna na nga talaga siya. 

  Kung hindi pa siguro ako sumama kay Reed, nagmukha akong tanga kahihintay. 

  "Okay ka lang?" Tanong ni Reed kaya napatingin ako sa kanya. Hinampas ko siya sa braso niya. 

  "Oo naman, bakit hindi?" Tanong ko tsaka ko siya nilagpasan. "Kunin mo na 'yung notebook ko, palitan mo lahat, ah!" 

  "Luh! Mangongopya nga ako, eh!" Hinabol niya ako. 

Narating ko na ang pinili kong pwesto, kinukuha ko iyong notebook pero pasimple rin akong nakatingin kay Caleb. 

*** 

  MATAPOS ANG klase, tumayo na ako para sana lapitan si Caleb pero mabilis at patakbo siyang umalis sa classroom. Kaya 'yung tangka kong paglapit sa kanya ay hindi na natuloy. 

 

  "Haley! Gusto mong sumama sa karaoke?" Aya sa akin ng isa sa mga kaklase ko. "Kasama raw sila Rose, sama ka na!" 

  "Ahm…" Tiningnan ko ang pinto kung saan lumabas si Ayato bago ko ibinalik ang tingin sa kaklase ko para pumayag. "O-Okay." Ngiti kong sagot. 

 

  Karamihan pala sa mga kaklase ko ay sumama rito sa isang resto bar. 

Dito kami sa loob ng karaokehan room, malawak at malaki rito kaya kahit marami kami ay hindi kami ganoon siksikan. 

 

  Kinuha ni Floyd ang mic. Siya raw kasi iyong dahilan kaya nag-iimbita sila rito sa karaoke. "Hindi ko nasabi pero libre ko 'yong mga kukunin n'yong pagkain kaya kumuha lang kayo ng gusto n'yo!" 

  "Nakakatakot talaga minsan maging mayaman." Natatawa kong sabi na sinang-ayunan ng katabi ko. 

  "I know, right?! Parang naghahagis lang ng pera, eh." Humahagikhik na sabi nito, sa pagkakaalala ko kasi scholar din siya sa E.U kaya ingat din talaga siya sa pag gastos ng pagkain. 

  Mabilis na kinuha ni Rose ang menu na nandoon sa lamesa. "Iyan ang gusto ko!" 

 

  "Grabe, hindi ka talaga nag-alanganing kunin, ha?" Sabi nung kaklase namin na tinawanan ni Rose. 

  "Libre niya raw, bakit pa ako mahihiya?" 

  "Pero ano'ng mayroon at manlilibre ka? Birthday mo?" Tanong ng isa kong kaklase. 

 

  Malakas na humalakhak si Floyd. "Hindi!" Sagot niya at nag pogi sign. "Sinagot lang talaga ako ng girlfriend ko. Kaya nagse-celebrate ako with you guys! Congratulate me naman!" 

 

  "Congrats!" Isa-isang bati namin.

  "Iputok mo na ang dapat na iputok!" Biro ng isa na naging dahilan para lumakas ang tawanan ng mga kaklase ko sa kwartong ito. 

 

  Iling na lang akong napangiti bago ko tingnan si Jasper na katabi ko sa kaliwa ko. Kinalabit kasi niya ako. "Wala si Claire?" Tanong niya sa akin. 

  Umiling ako bilang sagot. "Kailangan niyang mag practice with her players…" dahan-dahan kong sabi nang may ma-realize. 

  Kaya siguro nagmamadali si Caleb kanina na umalis sa classroom? 

  "Eh, nakapagpaalam ka na kay Tita na gagabihin ka?" Tanong pa niya sa akin kaya kinunutan ko siya kilay. 

  "Siyempre, matic na 'yan." Sagot ko at tinuro si Reed gamit ang aking nguso. "Sasabay na lang ako sa kanya mamaya." Tukoy ko kay Reed na nakikipag  arm wrestling sa kaklase pa namin. 

  "Hmm, ayaw mo kay bayaw?" Tukoy niya kay Caleb kaya umayos ako ng upo. 

  "Baka busy, tsaka hindi naman pwedeng siya palagi maghahatid sundo sa akin, 'no? Wala namang kami." Paliwanag ko at pumaharap ang tingin nang biglang bumirit si Rose pagkaagaw niya sa mic ni Floyd. 

  Samantalang dumating na 'yung waiter para bigyan kami ng tubig lahat. 

  May kanya-kanyang trip ang lahat habang nagsisimula na kaming mamili ni Jasper ng kakainin namin. 

  Pero kahit na busy si Caleb ngayon, naba-bother ako. Hindi ko kasi maintindihan 'yung parte na wala siyang sinasabi sa akin. Sinanay niya ako na ina-update palagi pero ngayon… 

Pasimple kong iniiling ang ulo ko. Sinabi ko na rin kay Jasper 'yung gusto ko dahil siya na magsasabi nung sa akin. 

 

  Kausapin ko na lang si Caleb bukas.


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C46
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập