Tải xuống ứng dụng
30.61% The Casanova’s Queen / Chapter 15: Chapter 14

Chương 15: Chapter 14

"Bru, kumain ka ng gulay. Ito pa oh."

"Prutas gusto mo?"

"Bru subuan na kaya kita?"

Hindi ko na naiwasang mapa irap. Akala yata ng bestfriend ko baldado na ako at pati pag subo ng pagkain gusto niya siya na ang gumawa.

"Bru, may kamay ako. Nakikita mo ito?"

"E kasi bru, ang bagal mo kumain! Kailangan mong maging malakas."

"Ikaw na kaya ngumuya? Ipasa mo nalang sa akin para lunukin."

"Ang baboy mo, bru. Wala kang manners."

Nandito na ako sa unit ko at nalaman niya ang nangyari sa akin. Tinawagan daw siya ni Luke at sinabing alagaan ako. Wow lang talaga.

"Bru, huwag kang oa. Ilang araw na rin ang lumipas. Hindi na kumikirot ang tiyan ko kaya okay na ako."

"Bru. Bakit hindi mo pa kasi iwan yang mundo na iyan? Napaka delikado. Hihintayin mo pa bang mamatay ka bago ka matauhan? Kapag namatay ka bru wala na. Hindi ka na makaka alis kasi nga patay ka na. Kaya dapat ngayong buhay ka ikaw umalis."

"Alam mo naman diba na hindi ako maka alis dahil naging parte na nga ito ng buhay ko."

"Hindi naman porket naging parte na ng buhay mo hindi mo na iiwan e. Kita mo nga si Luke at Papa mo. Naging parte sila ng buhay mo at parte sila ng buhay mo pero anong ginawa mo? Inaalis mo sila. Iniiwan mo sila."

Para naman akong sinampal ng katotohanan. Punyemas kaya ayaw ko nakikipag usap ng seryoso sa taong to. Madalas para siyang engot kausap pero kapag seryoso na tagos ang mga salita niya.

"Haaay! Ang sarap ng ubas!" Pag iiba ko ng topic.

"Bahala ka bru. Sige buhay mo naman yan. Pero sana matauhan ka. Buti pa ako matalino kaya walang problema."

"Perfect ka na non?"

"Oo. Pinagpala ako sa lahat e."

Napatingin ako sa may pinto ng may nag buzz ng doorbell sa labas ng unit ko. Sino kaya yun?

"Bru, buksan mo naman ang pinto oh."

"Masusunod po." Tumayo siya at pumunta sa may pintuan.

VGT! /Very good talaga/

Bumalik dito sa living room si Kennedy na nakabusangot ang mukha kasama si Elektrikpan. Ang aga naman bumisita ng Engot na 'to dito.

"Bru, totoo ba ang sinasabi niya?"

"Na ano?"

Umupo si Edible sa may sofa dito sa tabi ko. May dala dala nanaman siyang grocery items. Jusko. Nagiging sponsor ko na siya. This is the third time na may dala dala siyang grocery. And this time it's too many!

Ganito ba manligaw ang mga Casanova? Grocery items ang dala? Masyadong praktikal.

"Na nililigawan ka raw niya! Talaga namang ako'y nangangamba para saiyo bru."

"Bakit ka naman nangangamba Kennedy? Wala namang dapat pangambahan don." Sagot ni Eficacent.

"Anong wala? E ang dami dami mong babae! Balita nga sa SWU na isa kang pokpok. Isa kang bayarang lalaki! Kaya ayaw kong makipag kaibigan sa'yo!"

"What the fuck? I'm rich. Hindi ko kailangan magpabayad."

"Ahh! Edi inaamin mong pokpok ka nga?! At anong sabi mo? Hindi ka nagpapabayad? Edi libre lang?"

Nasapo ko ang noo ko sa dalawang to. Parehas silang abnormal.

"What are you talking about? You're crazy."

"Huwag mo akong pagsalitaan ng ganiyan. Manliligaw ka lang ni Lucia. Bestfriend ako! Baka gusto mo ipa basted kita sakaniya?"

"Even if she  says no, I won't stop Kennedy. Just so you know."

"Talaga? E sagutin mo na pala ito Lucia. Hindi raw titigil e."

"Manahimik ka nalang, bru. Nastress lang ako sa iyo."

Ejaculate is courting me now. Talagang niligawan niya ako simula nang gabing yun. Everyday may natatanggap akong bulaklak sa labas ng unit ko even in my school. Para na tuloy akong magtatayo ng flower shop sa dami ng bulaklak na natatanggap ko araw araw. Pero ang plot twist, kada bulaklak na binibigay niya ay may condom sa gitna. Minsan iniisip ko na parang engagement ring yung condom e. Yung kapag nag say yes ako, isusuot ko sa alaga niya para rakrakan na. Dagdag mo pa ang pa grocery items na dala dala niya na kulang nalang maging sari sari store dito.

Madalas sinusundo niya rin ako sa school at ihahatid sa unit ko. Sumasabay din siya sa akin mag lunch sometimes. I don't know kung hanggang kailan siya magiging ganito. Bahala siya diyan.

"Lucia, my family will go to Batangas next weekend. They want me to invite you that's why I'm here."

It's so funny that his family knows na kami na but in fact he's still courting me.

"Okay sure. No problem. I'll go with you."

"Uy bru. Sama mo naman ako. Evan sama ako."

"Pagkatapos mo akong sabihan ng pokpok at bayarang lalaki?"

"Marunong ka dapat magpatawad. Kaya patawarin mo na ako. Kung ayaw mo tetext ko nanay mo. Sakaniya na mismo ako magsasabi."

Pakapalan nalang talaga ng mukha minsan.

"Oo na sige na. Sumama ka na. Baka sabihin mo masama ugali ko."

"Hindi masama ugali mo. Malandi ka lang. Magka iba yon."

Hindi ko na sila pinakinggan pa at inenjoy ko nalang kumain nang kumain.

"Lucia, ang takaw mo naman. Baka tumaba ka niyan." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ang takaw ko? Pero yang grocery items na dala mo napaka dami!"

"Syempre para hindi ka magutom. Ayaw ko yatang magutom ang future misis ko."

"Misis? Nililigawan mo pa nga lang siya. Misis agad?"

"Ganon talaga Kennedy. Sabi nga nila, claim it."

"Talaga? Hindi ko alam yan ah. Edi dapat i claim ko na rin na magiging asawa ko yung crush ko?"

"May crush ka? Sino?"

"Ayan bru. Sakaniya ka na magpaturo paano manligaw. Hindi ba nagtatanong ka noong minsan?"

"Oo nga no? Babaero ang isang to tapos malandi pa. Malamang sa malamang maraming alam na tips to."

"Hindi ko alam kung matutuwa ako na nagpapatulong ka sa akin o maiinis dahil sinasabihan mo ako nang salitang babaero at malandi sa harap mismo ng nililigawan ko."

"Totoo naman yun ah."

"Sino ba crush mo? Sige bigyan kita ng tips. Lumapit ka dito."

At nag bigayan na po sila ng tips.

"Nga pala Evan, diba may laban tayo bukas?"

"Oo nga pala. Nakalimutan ko. Nagtext sa akin kanina si Hong."

Magka team sila basketball. It's SWU Cheetah. Kaya siguro maraming babaeng nagkakagusto kay Ewan dahil isa siyang basketball player. And I heard he's good at it too. As for Kennedy, magaling din naman siya at madaming nagkakagusto at naghahabol sakaniyang babae. Ang kaso nga lang ayaw niya dahil strict daw ang parents niya. Kaya swerte yung babaeng gusto niya ngayon. Dahil ito ang unang pagkakataon na magka crush siya.

"Sino kalaban niyo?"

"Ewan. Taga ibang school e."

"Nood ka bukas bru? Para makita mo kung gaano kami kagaling."

"Oo nga. Cheer for me."

"Okay. Siguraduhin niyong hindi kayo matatalo ha."

"Syampre hindi!" Sabay nilang sagot. Natawa ako sakanila.

Let's see kung mananalo nga sila.

Halos mabingi ako sa tilian ng mga babae dito sa loob ng gymnasium. Nandito ako ngayon kasama si Lancie at manonood kami ng laban nila Kennedy. Wala pa sila Kennedy at nasa may boys' locker room pa raw sila at nagbibihis.

"Grabe naman tong mga bababe na ito kung makasigaw!"

"Oo nga. Nabibingi na ako. Sino bang makakalaban nila?"

"Hindi ko alam. Basta ang sabi grupo raw na pinagsama sama from other school. I know kasama rin ang dalawang best player ng school niyo."

"Huh? Bakit naman ganon?"

"Gusto raw nilang talunin ang mga players dito sa SWU. Kaya ginawa nila ito."

Ay bongga naman pala!

"Teka nga! Kung dalawang best players na manlalaro sa school namin ang kasama edi si B at D na iyon?"

"Yes. Ano pa nga ba? Kasama yang dalawang alipores mo. Kaya hindi ko alam sa'yo kung sinong kakampihan mo. Magpaka balimbing ka nalang siguro?"

I'm not aware na may ganito silang ginawa. SWU ang laging champion when it comes to basketball. Grabe rin kasi ang training na ginagawa nila kaya hindi na ako magtataka kung bakit hindi sila matalo talo. Kai Shin-Woo is their team captain. And he's very strict when it comes to trining. Nabawasan na nga ng dalawa ang members nila which is Patricio and I don't know who's the other one. Kilala ko lang si Patricio dahil patay na patay tong si Lancie doon sa lalaking walang abs na yun.

"Ang saya siguro bakla kung nandito si Patricio ano? Hays. Kahit mawalan ako ng boses e isisigaw ko pa rin ang pangalan niya!"

"Sigaw sigaw ka pa. E hindi ka naman gusto nun."

"Magugustuhan niya rin ako soon. Punyetang lalaki kasing yun! Masyadong inlove sa bestfriend niyang hindi naman siya pansin!"

"Talaga? Pero naawa ako doon sa bestfriend niya dahil doon sa kwento mo. Yung nangyari kamo sakaniya."

"Ah oo. Pero naiinis ako sa bestfriend niya dahil hindi mapasakin ang Patricio ko dahil sakaniya! Isa siyang malaking hadlang sa pagmamahalan namin!"

Patay na patay si Lancie kay Patricio Abellano. Ilang taon na rin siyang naghahabol sa lalaki'ng yun pero hindi siya pinapansin nito. Minsan naawa nalang ako sa kaibigan ko dahil talagang go lang siya ng go. Madalas nagmumukha na siyang desperada at tanga. I talked to her many times na maghanap nalang ng iba pero ayaw ni gaga. Hindi ko alam kung anong nakita niya sa lalaking yun. Maraming nagkakagusto kay Lancie dahil maganda ito at sexy. Mayaman tapos matalino pa. E ang kaso si Patricio lang daw talaga ang tinitibok ng puso niya. Kawawang babae.

"Gaga ka. E ikaw na nga may sabi na walang gusto sakaniya yung bestfriend niya kaya okay lang yan. One sided lang sila. Mahirap kung pati best friend niya may nararamdaman para sakaniya."

"Sabagay may point ka. Ay basta! Mapapasakin din yun. Tiwala lang."

"Ilang beses ko nang narinig sayo yan pero hanggang ngayon wala pa ring kayo. Nganga."

"Support ka lang. Okay? Kakalbuhin kita diyan. Oh ayan na pala si Kai oh! Langya ang gwapo!"

Napatingin ako kay Kai na naglalakad sa gitna ng court. Tama nga si Lancie. Jusko! Ang gwapo niya. Huhu. Maka laglag panty rin ang isang to.

"Kai." Tawag ko sakaniya. Lumapit naman ito sa amin. At halos mabingi ulit ako dahil nagtilian ang mga babae dito sa tabi namin pati sa may likuran.

"Hey. Good to see the both of you here."

"Syempre! Support support pa rin kahit wala ang Patricio ko."

"Actually he's here. He'll play with us."

"What?! Totoo ba iyang sinasabi mo?!"

"Yes. When did I say a joke?" Seryosong tanong niya.

"Ohmygod!!! Bakla! Maganda ba ako ngayon?!"

Napairap ako sa reaksyon ni Lancie. Para siyang aligaga ngayon at hindi mapakali. Kinuha niya ang make up at salamin sa bag niya tsaka siya nag retouch.

"Lucia, I heard Luke will be joining the other team."

"You're kidding me right?"

At bakit naman sasali dito ang pabibong lalaki na yun?!

"Ah nevermind. Kada sasabihin ko parang hindi kayo naniniwala. Gotta go. Need to warm up."

Umalis na si Kai sa harap namin at nagpunta na sa court para mag warm up. Pumasok na ang kabilang team dito sa gym at halos mabingi nanaman ako ng marinig ko ang tilian ng mga babae dito.

Natanaw ko dito sa may pwesto ko si B at D. They are wearing black jersey. B has a number 12 jersey with his last name on the back. Mondragon ang last name niya. Halos matumba naman ako sa kinauupuan ko nang makita ko si D na naka black mask pa rin at tinatakpan ng bangs niya ang mga mata niya. Yung totoo? How can he play kung naka ganiyan siya? Abnormal talaga ang isang to. He has number 28 jersey with his family name na Lopez on the back.

Lumapit rin sila dito sa may pwesto ko.

"Lucia." Bati sa akin ni B. I don't want them calling me Queen kapag nasa public kami.

"Jwin, bakit hindi mo naman sinabihan itong si Deo na alisin ang mask niya at itali ang bangs niya?"

"Ewan ko ba diyan."

"Weird mo naman, Deo! May tali ako dito gusto mo?" Tanong sakaniya ni Lancie.

Kumuha ng tali si Lancie sa bag niya at lumapit kay D. Tinalian niya ang bangs nito at inalis ang mask na soot niya.

"See?! Ang gwapo mo pala! You should do this more often. Or just cut your hair."

Namula naman ang tenga ni D at nagkatinginan kami ni B.

"Queen, may gusto yata tong si D sa kaibigan mo." Bulong sa akin ni B.

"Palagay ko nga." Pag sang ayon ko sakaniya.

"Hey." Sabay sabay kaming nagtinginan sa lalaking bumati sa amin ngayon. I rolled my eyes.

"Yow, Luke! Kamusta?"

"Ayos naman. Long time no see."

"Lucia." Bigla niya akong sinalubong ng yakap at hindi ako nakapalag pa.

"Huwag mo nga ako mayakap yakap na dimunyu ka."

"Masarap ba yung niluto ko sayong sinigang?"

"Woah! You guys are okay?"

"No!" Mabilis kong sagot. "Okay niya mukha niya."

"Sweet talaga. Kiss nga kita dito. Namiss kita e."

"Madapa ka sana mamaya. Hayop ka." Umayos ako ng upo dito sa may bleacher. Nasa likuran lang kami ng mga players ng SWU.

Bakit pa ba sumali sali yang bwisit na Luke na yan? Hindi naman siya nag aaral dahil graduate na siya! Saling pusa siya ganon?

"Infairness Lucia, ang hot ni Luke ha."

"Ha?"

"Sabi ko ang hot ni Luke."

"Hotdog." Hot niya mama niya.

Mas lalong lumakas ang tilian nang lumabas na ang buong members ng SWU Team. At halos mabingi nanaman ako for the nth time dahil itong katabi ko ay parang bulateng nangingisay sa kilig. Daig niya pa ang naka microphone!

"OHMYGOD!!! ABELLANO!!! TAKE ME!! I LOVE YOU!! WAAAH!"

Binatukan ko siya dahil para na akong mabibingi talaga.

"Ano ba naman yan Lancie! Sasabunutan kita. Ang kerengkeng mo!"

"Mygod! Bakla! Tignan mo ang future mister ko ang gwapo! Woooh! Kahit walang abs ang yummy!"

Natawa nalang ako sakaniya. Baliw talaga ang isang to. Nag warm up naman sila bago nag umpisa. It took them 2 minutes to warm up.

Nag announce na ang MC ng game at may performace chuchu pa na magaganap. I think Dancers ng mga SWU 'to.

I just focus myself watching them dancing. They are all great at ang sexy nilang sumayaw at umindak specially those girls. Para gusto ko rin tuloy sumayaw. Pisteng yawa inggitera!

Nag hiyawan naman ang mga lalaki sa loob ng gym nang sumayaw at maiwan ang tatlong babae sa may gitna. Mga manyak na 'to.

"Bakla, ang sexy nilang sumayaw. Sana tayo rin ganyan!"

Nang matapos ang performance nila ay nag sipag palakpakan ang mga studyante sa loob ng gym. They all bow their heads and left the center.

Pumasok ang referee at cue na iyon na magi start na ang game. First five sina Kennedy, Kai, Evaporation, Alex at Javier. Habang sa kabilang team naman ay si B, D, Luke at hindi ko kilala yung dalawa pa. Sila lang ang kilala ko sa kabilang team.

"Pwede maki upo?" Tanong nang isang babae sa amin.

"Uy Helena! Ikaw pala. Buti nanood ka?" Tanong ni Lancie sakaniya.

Magka kilala sila?

"Si Alex kasi! Pinilit ako. Binlockmail ako kaya napunta ako dito ngayon."

"Hahaha. Support ka nalang. By the way, kaibigan ko pala. Si Lucia. Lucia si Helena."

"Hi." Bati ko sakaniya. She's pretty.

"Hello."

Naka upo ngayon sa harap namin sila Hong at Abellano. Panay ang pagpapa charming ng maharot na Lancie kay Patricio at halatang asar na asar na si Patricio sakaniya.

"Hoy babae. Tigilan mo na. Halatang badtrip na oh." Saway ko sakaniya.

Hindi siya pinapansin ni Patricio at bilib na bilib na talaga ako sa fighting spirit ng friend kong ito.

Nag focus nalang ako sa game at nanood kaysa pansinin ang panghaharot ni Lancie.

Mainit ang laban nang magkabilang team. Lamang ng 2 points sina Kai. Kada makaka shoot ang mga ito ay panay ang tili ng mga kababaehan dito. MGMPE! /My gosh my precious eardrums/

Ibinaling ko ulit ang atensyon ko sa court. Naagaw ni Luke ang bola kay Embarass sabay takbo sa ring nila. Halatang nainis si Embudo sa pag agaw sakaniya ng bola. Isu shoot na sana ni Luke ang bola ngunit huminto ito at tinignan ako sabay lagay ng kamay niya sa dibdib niya at tinuro ako bago niya shinoot ang bola. Papansin!

Nagtilian ang mga tao dito sa court dahil sa ginawa niyang yun. KSSBY? /Ka sigaw sigaw ba yun/

"Waaah! Ang swerte naman niya!"

"Ang gwapo pamandin nung guy! Huhu."

"Sana ako rin!"

"Boyfriend mo ba yun, Lucia?" Tanong sa akin ni Hena.

"Hindi ah!"

Binaling ko ulit ang tingin ko sa court at nakatingin sa akin ng masama si Emergency. O bakit siya ganyan makatingin?

"Looks like someone is jealous, Lucia." Sabi sa akin ni Hong habang nakaharap dito sa akin.

"We don't know if he really is." Sagot ko sakaniya.

Nagrequest naman ng time out ang kabilang team. Lumapit dito ang mga players at puro na sila pawisan pero omg ha. Ang hot lang nila.

"Bru! Ipag cheer mo naman ako!"

"Sumisigaw naman ako ah." Sagot ko sakaniya.

"Hindi ko marinig! Lakasan mo pa."

Tinignan ko si Ebidensya. Pawis na pawis siya at hingal na hingal. Hindi niya ako pinapansin o tinignan man lang. Naka focus lang siya sa coach nila at nakikinig.

Bakit hindi niya ako pinapansin? Nag iinarte ba siya? Hindi niya bagay.

Pumito na ulit ang referee at bumalik na sila sa court. Pinalitan ni Hong at Patricio si Javier at Alex. Gusto ko nang mag headset dahil pakiramdam ko basag na talaga ang eardrums ko sa punyemas na bibig nitong si Lancie.

"GO ABELLANO!! I LOVE YOU!! WAAAH!! I SHOOT MO YAN!! KAPAG NAKA SHOOT KA, MAKAKA SHOOT KA RIN SA AKIN!!! KYAAAH!"

Ay bastos!

Nagtawanan ang mga tao dito sa loob ng gym at pulang pula sa hiya ang mukha ni Patricio. Inis na inis siyang tumingin kay Lancie.

Lumipas ang ilang minuto at last quarter na. Hindi na alis sa pagkakadikit ang score nila pero lamang pa rin ang SWU ng 2 points. 2 minutes nalang ang natitira. Banaman tong mga ka member ko sa gang. Gangster sila, malalakas at asintado pero bakit hindi sila makalamang? Idagdag mo pa itong Luke na to na mafia member pa noon pero wala ding magawa. Bash kayo sa akin akala niyo ha. Nakakahiya.

"Mondragon! Lopez at Adams! Ano na?!" Sigaw ko sakanila.

Hindi sa kumakampi ako sakanila pero mygosh. Kapag kinwento ko ito kina A at C malamang kukutyain sila nito.

"Hoy Lucia! Sa amin ka dapat kampi!"Sigaw sa akin ni Kennedy pabalik. Inirapan ko nalang siya.

"Hala sana manalo SWU. Patricio ko. Huhu."

"Pagod na pagod na si Alex. Kawawa naman."

"Ano ba naman kayo. Basta kahit sinong manalo okay lang sa akin."

Naka shoot ng three points si Luke at nag flying kiss siya sa akin. Yuck! Kadiri!

Lamang na sila ng 1 point at napa palakpak naman ako dahil doon. Ayan ganyan nga. Itayo nila ang bandera namin.

"Lucia, crush ka ba nun?" Tanong nanaman ni Hamburger.

"Hindi!" Tsismosa nito ha.

30 seconds nalang ang meron at wala ng time out ang both teams. Nakina Kennedy ang bola. Hay nako wala naman akong pakialam kung sino ang manalo sakanila. Pero nakaka tense.

Pinasa ni Kennedy ang bola kay Hong at dinrible niya ito pero mabilis niyang pinasa kay Alex ang bola. Napatayo pa si Helena pero pinasa ni Alex ang bola kay Ecobag. Hala! 7 seconds nalang.

Nakabantay si Luke kay Epic. Seryosong seryoso ang mukha niya ngayon at hindi mo mababakasan nang kahit na ano mang kalibugan. Iba! Marunong din palang mag seryoso.

Umikot siya pakaliwa at shinoot ang bola. Napasabunot ako kay Lancie dahil sa tensyon at napasigaw si Lancie at Helena nang mashoot ito.

"Waaaah! Nanalo sila! Yes!"

112-111 ang score nila. Badtrip. Isang puntos lang ang lamang. Nagsiglapitan naman ang mga babae pati sina Lancie at Helena sa team ng SWU pero hindi na ako sumama. Sinalubong ko sina B, D at Luke para batiin at kantsawan sila.

"Jwin, Deo, Luke? Anyare? Hahahaha."

"Huwag mo kaming asarin. Napagod ako. Manlibre ka naman diyan."

"Dapat nga kayo manlibre e!"

"Talo nga diba? Pang asar ka." Sagot ni Luke. Hinubad niya ang jersey na soot niya at kinuskos iyon sa mukha ko. Napatili ang ibang kababaehan dito malapit sa amin.

Sino ba namang hindi mapapatili sa lalaking to? Gwapo siya at maganda rin ang pangangatawan.

"Putangina! Dugyot! Layuan mo ako! Hayop ka! Huwag kang feeling close!"

Basang basa ang jersey niya dahil sa pawis. Hindi naman mabaho iyon. Actually ang bango nga pero pawis niya iyon! Atsaka bakit siya gumaganyan? Bati na ba kami? Hindi pa!

"Hahahaha" tawang tawa si B at inisnob ko si D dahil tumatawa rin siya. Luh? Himala.

Inakbayan ako ni B at Luke habang nasa harap namin si D at naglalakad palabas ng gym.

"Tara libre ko kayo. Kahit saan niyo pa gusto. Masaya ako ngayon." Sabi ni Luke at hinalikan ako sa ulo.

"Luke hindi ako sasama. You know we're not yet okay." Seryoso kong sabi sakaniya.

Baka akala niya nadala niya na ako sa pa sinigang sa hipon niya?

Napahinto siya sa paglalakad at para akong nakonsensya dahil sa lungkot sa mga mata niya.

"Queen, kahit ngayon lang." bulong ni B sa akin.

"Sige na nga! Tara na!" Hinila ko ang kamay ni Luke at naglakad na ulit.

"Lucia, hindi mo pa yata nabati ang kabilang team tapos sumama ka na sa amin?"

"Nanalo naman sila. Kayo talo. Kaya okay lang yan."

"Lucia huwag mo sasabihin sa dalawa na natalo kami."

"Gago kahit hindi niya sabihin nakita ko silang dalawa kanina sa taas nanonood at panay ang tawa." Sagot ni Luke.

Last quarter na ata yun nang mapatingin din ako sa may bandang taas ng bleachers at nakita ko silang nagtatawanan.

Speaking of the devil. Heto sila sa harap namin.

"Anyare? HAHAHAHAHA." Sabay nilang sabi habang tawa ng tawa.

"Mga gago."

"Ulol."

"Fuck you. Wala kayong libre sa akin."

Tinawanan ko nalamang sila. Tinignan ko si Luke at masaya siyang naka akbay sa akin ngayon. Kitang kita ngayon ang tuwa sa mga mata niya. Siguro natutuwa siya dahil hinahayaan ko siyang makalapit sa akin ngayon.

Kumirot naman ang puso ko. Miss na miss ko ang ganito. Yung ganito kami dati. Puro tawanan. Asaran. Sana hindi nalang nagbago. Sana walang nagbago.

Pero kahit may nagbago, pwede kaya naming maibalik ang dati? Galit ako oo. Pero hindi ko lubos maisip na sa pagbabalik niya mamimiss ko siya nang ganito. Na kaya ko pala siyang harapin at pakisamahan. Buong akala ko galit lang ang mangingibabaw.

Sana pwede pa. Sana matanggap ko na talaga.


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C15
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập