Tải xuống ứng dụng
80.95% Loving My Monster Boss (Tagalog Romance) / Chapter 17: Chapter Seventeen: Family Issues

Chương 17: Chapter Seventeen: Family Issues

SA Flavors of Asia kami humantong ni Ryan kung saan pagmaay-ari ni Dan. Sa buong durasyon ng byahe ay walang usapan na nangyari sa pagitan namin, Halata ko pa rin kasi na masama ang timpla nito na kagagawa ng katid kaya hindi ko magawang makapagtanong.

Marami sa loob ng restaurant palibhasa ay lunch break at dahil naabisuhan ko naman si Dan ay mabilis siyang nakapag-reserve ng upuan. Kahit nan aka-order na sila ay halata pa rin na malalim ang iniisip ng amo niya.

Huminga ako ng malalim saka ginagap ang kamay nito. "Are you okay?

Hindi ako sanay na makita nag anon si Ryan, Oo at madalas na tahimik lang ito pero kahit na kailan hindi ko siya nakitang balisa na parang galit at kung anuman ang dahilan kaya nagkakaganon ito.

"Sorry." Hinging paumanhin nito pero halata ko namang pilit nitong hinahamig ang sarili.

"Bakit ka naman nagso-sorry? May ginawa ka bang mali?" hindi ko maiwasang itanong at nang nag-iwas ito ng tingin ay napabuntong-hininga ako. "Okay lang naman kahit hindi mo sabihin eh, take your time handa akong makinig kung sa tingin mo ready ka na."

Pinagsiklop nito ang kamay nila at mahigpit na hinawakan. "Okay naman ako beside aware naman ang lahat ng mga taong malapit sa`kin ang estado ng pamilya ko."

Ano nga bang ikakatwiran ko? Bukod sa ilang personal na bagay tungkol kayRyan ay wala siyang kaide-ideya pagdating sa pamilya nito dhail in the first place ay hindi naman ako usisera sa mga bagay na wala namang bbalak na sabihin sa`kin

Huminga ito ng malalim. "My family is not a normal one."

Nagtaka ako sa sinabi nito "Bakit ano bang depinisyon mo sa pagkakaroon ng normal na pamilya?"

"`Yung katulad nang pamilya mo loving parents playful yet supportive siblings a close knit family. Ang sakin kasi my parent got together because of an arrange marriage practically they had kids just for the purpose na ipakita sa lahat na mayroon silang perpektong pamilya kahit ang totoo `ni minsan ata hindi kami nagsabay-sabay na kumain sa hapagkainan. Naalala ko pinapansin lang ako nila Mama kapag may achievements ako siguro iyon na rin ang naging dahilan kung bakit masyado akong naging over achiever at sa huli sunod ko na lang namalayan wala na, kaaway ko na pala ang kapatid ko."

Pinisil ko ang kamay niya tahimik na nabigay ng comfort sa sasabihin nito. Hindi ko ma-imagine kung anong klaseng childhood ang meron si Ryan dahil sa nakalakhan nitong pamilya.

"Back then naging masyado kaming competitive sa isa't-isa hanggang sa magkasakitan na kami. He was hailed as the black sheep ng pamilya namin habang ako? I'm the prodigal son. Rey became obsessed na kilalanin ng mga magulang namin kahit na ba sa pangalan na lang sila nagsasama kahit na pareho na silang kanya-kanyang buhay."

Kaya hindi na ko magtataka kung bakit hindi ito nagku-kwento tungkol sa mga magulang dahil wala rin naman itong masasabi.

"Kaya ba ganon na lang ang reaksyon mo kay Rey kanina?"

"Yeah, pasensya ka na rin sa inasal ko kanina, kilala ko ang kapatid ko lahat ng meron ako it's either aagawin niya o ihihiwalay niya sa`kin. Kaya lang naman napunta sakin ang kompanya dahil na rin sa mga magulang namin kasi ako ang panganay. So I can't help but feel threaten in his mere presence."

"Pero kahit na ganon sana hindi mo pa rin kalimutan na kapatid niyo siya," tumingin ito sa`kin. "Kita mo naman siguro kaming magkakapatid hindi ba? Pamilya kayo, oras na may mangyaring masama sa isa sa inyo wala kayong magagawa kung hindi ang sandalan ang bawat isa. Sana Ryan kung hindi man ngayon sana magkaayos kayo kasi sa huli kahit na pagbalik-balikbaliktarin niyo pa ang mundo magkadugo pa rin kayo.."

"Okay, I'll keep that in mind."

Napangiti na lang ako nang kahit papaano ay nagawa kong pagaanin ang loob ni Ryan.

Sakto namang dumating ang order naming kaya nagbukas ako ng magaan na topic sa pagitan namin kaya nang bumalik na kami sa trabaho ay maayos na ang mood nito.

NAALIMPUNGATAN ako nang makarinig ng katok, pagkamulat ko ng mata ay medyo disoriented pa ko nang bumungad sa`kin ang pamilyar na interior ng kotse ni Ryan, umayos kao ng upo para lang mapansin na kung anong nahuliog sa`kin.

Doon ko lang napagtanto na coat pala `yon kaya bumalikng ako sa driver seat para lang makita si Ryan nakatulog din pala, nakatukod ang siko nito sa may bintana ng kotse at nakapatong ang kamay sa ulo habang patuloy lang na umaandar ang aircon sa loob.

Napangiti na lang ako kasi siguradong kaya hindi pa nito pinapatay ang makina ng kotse dahil na rin gusto nitong maging komportable ako sa pagtulog.

Isang katok pa ang narinig ko sa tabi ko mga istorbo talaga nagmo-moment kami ng boyfriend ko eh! Hindi ko maiwasang magreklamo at nang makita ko na ang dalawang nakakatandang kapatid ko alng pala ang kumakatok para gusto ko na lang pasibadin ang kotse.

Heavily tinted ang sasakyan kaya siguro ay hindi nila kami makita, mukhang kakarating lang ng mga ito dahil nakapambihis pa at may bitbit na duffel bag.

Binalingan ko si Ryan saka marahang ginising siguradong napagod ito dahil sa tambak na trabaho pero hindi ko naman kasi maatim na iwan ito doon.

Nagising naman ito at para bang hindi man lang ito na-disorient at tumingin sa`kin. "Have you had a nice nap?"

Hindi ko kayang i-explain kung gaano kalagkit ang tingin nito sa kanya kulang na nga lang siguro ng langgam sa sobrang sweet nito sa`kin pero sino naman ba ako para magreklamo `di ba? Tumikhim ako bago pa kung saan-saan makarating ang imagination ko at hindi rin maganda na napipikon na ang mga kapatid ko at nasa akto na tatawagan na ang barangay para magreklamo.

Itinago ko na lang sa isnag matamis na ngiti kay Ryan ang init ng ulo ko sa mga istorbo kong mga kapatid. "Baba na tayo."

Mabilis naman itong tumalima saka binuksan ang lock, hidni ko na inanatay pa na ito ang magbukas ng pinto dahil siguradong maguunahang magtaasan ang kilay ng dalawa niyang kapatid kapag nagkataon.

Marahas kong binuksan ang pinto dahil sa nakaharang ang Kuya Ronan ko.

"What the— Rizza?"

Nameywang ako. "Makakatok ka wagas, ano kotse mo?"

"Malay ko ba kung anong milagro ginagawa ng mga tao dyan sa loob? Saka kung bakit ditto pa sa harap ng bahay naka park." Nakangising sabi nito.

"Gusto mo bang mabigwasan?" napipikang sabi ko saka napakunot ng noo. "Teka nga lang anong ginagawa niyong dalawa ditto?"

"Bakit masama na bang dumalaw sa bahay natin?" Singit ni Ruel.

"Bakit pinagbabawalan ko ba kayo?" ganting tanong ko.

Napailing na lang ako sa mga kapatid kong sira-ulo saka ako napalingon kay Ryan na nakatayo di kalayuan sa`men.

"Sino `yan?" bruskong tanong ni Ronan, eto na naman po ang over protective kong kapatid para naman kasing hindi nito nakilala ang boss ko noong nakaraang linggo. Saka ano pa ang magagawa nito kapag nagkataon? Eh boyfriend ko na si Ryan, napangisi ako sa naisip.

Hindi naman nagpatinag si Ryan sa kapatid ko, hello matataas nga na tao sa business world kaya nitong pakiharapan si Ronan pa kaya?

Lumapit ito sa tabi ko. "I'm Ryan, Rizza's boyfriend." Nnapasinghap na lang ako sa sinabi niya Oo at marami nang nakakaalam ng status nilang dalawa pero hindi ang pamilya ko! Naghahanap pa ako ng magandang tiyempo pambihira talaga, siguradong katakot-takot na interrogation ang aabutin ko mamaya sa kuko ng mga kapatid kong kulang-kulang.

"Kailan pa?" nakakunot noong tanong ni Ruel.

"Teka pinatulan mo `to?" inis na kinutusan ko ang nakakatandang kapatid. "Aray naman Riz! Parang nagtatanong lang eh." Angal nito. Inambaan ko pa ito ng isang beses pero ang loko nagtago lang sa likod ni Ruel.

"Nakita kong sasagutin ni Ryan ang tanong nito nang labasin sila ng Ina. ""Aba't anong ginagawa niyo dyan at lahat kayo nakaharang sa daanan? Pumasok na kayo."

Binigyan muna ng nagbabalang tingin ng mga kapatid ko si Ryan bago ito pumasok sa bahay.

"Pasensya na maypagka overprotective lang talaga ang mga kapatid ko."

"I understang kung may kapattid akong babae na kasing ganda mo baka mas malala pa ang ginawa ko." Anito habang nakatingin sa`kin.

Naramdaman ko agad ang pagiinit ng pisngi dahi sa simpleng banat nito. "Teka anong boyfriend kita? Hindi ka naman nanligaw ahhh." Biro ko kailangan ko ng ibang topic kung hindi baka bigla na lang kaong matunaw on the spot sa tabi ng kalsada.

"Hindi nga pero sinagot na naman kita `di ba?" nanunuksong sabi nito. Aba't isa ring loko itong amo ko pero nawalan na ko ng pagkataon na mangatwiran nang makita ko ang mga kapatid niya na nakasilip sa mga siwang ng bintana. Mukha ba kaming trespasser ng lahay na `to?

Pero syempre ay hindi ko nakalimutan ang panunukso ni Ryan kaya hanggang sa makapasok sa bahhay ay masama pa rin ang tingin ko sa kanya.


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C17
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập