Nakaramdam ng takot si Flora Amor nang dalhin siya ng Chairman sa labas ng MOA at ipasok sa loob ng kotse nito.
Bago pa siya nagawang tumakas mula rito'y nakapasok na ito sa loob at nailock na lahat ng mga pinto ng sasakyan.
"S-sir, kasama ko po ang--ang fiance ko sa loob. Pakibukas po ng pinto, baka hinahanap na niya ako," wika niya, pilit pinapakalma ang sarili.
Isang matalim na titig ang ipinukol sa kanya, halata na namang galit.
"Amor-- do you really hate me that much?" gigil na wika, halata ang pait sa boses nito, o mas tamang sabihing pagpipigil ng galit.
"No, sir. I don't hate you. Why don't you believe me? Hindi kita kilala. Kung hindi ikaw ang may-ari ng kompanya, hindi ko malalaman ang pangalan mo. Bakit ba ayaw mong maniwala sakin?" giit niya, pilit ipinapaliwanag ang kanyang side.
Tikom ang bibig na sinuntok nito ang manibela dahilan upang mapakapit siya sa gilid ng upuan sa kaba na baka may gawin itong masama.
Nang muling bumaling ay hinawakan siya sa magkabilang braso pero kahit na nagulat sa ginawa nito'y 'di siya nagpahalata. Kailangan niyang maging matapang sa pagkakataong iyon. Mamaya kung anong gawin ng lalaki sa kanya.
"Amor, it's okay for me if you'll just say you hated me for all those seven years na hindi kita natagpuan. Pero 'yong idi-deny mo ako bilang asawa mo sa harap ng mga tao at ipaggigiitan mo saking hindi mo ako kilala, that's too much!" mahina ngunit mariin ang mga salitang binibigkas nito.
"Let me go! Ni hindi kita kilala, pano kitang magiging asawa?!" pahiyaw niyang sagot, gustong iparamdam dito na hindi siya basta-basta natatakot sa mga matitigas na salita lang.
"What about this, kahit ito hindi mo rin alam?" Itinaas nito ang kamay kung saan nakasuot ang wedding ring.
Blangko ang mukhang tiningnan niya ang singsing saka siya umiling.
"Hindi ko alam yan," tipid niyang sagot.
"Fuck---!" Napamura ito sa galit ngunit hindi itinuloy nang mapansing napayuko siya.
The next thing, he did, akala niya'y sisigaw na naman ito at ipagdidiinang galit lang siya kaya ayaw niyang amining kilala niya ito, but he just hugged her.
"Sir--" angal niya at gustong kumawala mula sa pagkakayakap nito subalit 'di niya magawa pagkat mahigpit ang hawak sa kanya.
"Amor, why are you so cruel? I just wanted to hug my wife, to caress her and make her feel that I missed her, I really missed her."
Natigilan siya sa narinig. Isinusumpa niyang hindi niya kilala ang lalaking ito pero bakit tumatagos ang mga salita nito sa kanyang puso, pakiramdam niya, siya ang higit na nasasaktan sa paghihirap ng damdamin nito ngayon lang?
Ngunit paano kung magaling lang ito magkunwari at binibiro-biro lang siya upang mapasunod sa gusto nitong mangyari? Alam niyang may fiancee at asawa ito. Kung hindi ito manlolokong tao, bakit hihiwalayan ito ng asawa tapos ando'n pa 'yong fiancee. Hindi kontento ang lalaki sa isang babae lang.
'Pa'no kung ikaw nga ang asawa?' nagulat siya sa biglang bulong ng maliit na bahagi ng kanyang isip.
What if siya nga ang asawa at hindi ito nagbibiro lang basta? What if hinanap nga siya pero nabigo ito dahil nga wala na siyang matandaan kaya hindi rin siya gumawa ng paraan para magkita sila?
"Amor, I didn't stop loving you. I didn't break all those promises that I made. But why are you this cruel that you even forgot my name?"
garalgal ang boses na sambit nito habang nakayakap sa kanya.
Nalilito na siya sa sariling damdamin. Bakit siya nasasaktan sa mga sinasabi nito kung totoong hindi nga niya ito kilala?
Napapikit siya, ah bahala na. Hahayaan na lang muna niyang ilabas nito ang sama ng loob na nararamdaman. Bakit hindi niya ito tulungang maka move-on kung 'yon ang kinakailangan?
"How can I stay away from you when I'm madly in love with you."
Biglang umalingawngaw sa kanyang pandinig ang boses na 'yon kasabay ng pagliwanag ng isang pangyayari sa kanyang utak. Nakikita niya ang lalaki, nakasubsob sa kanyang dibdib habang ang mga kamay ay hawak niya sa pagitan ng kanyang mga hita at ramdam niya ang pagyugyog ng mga balikat nito.
"Dixal, bakit ka umiiyak?" dinig niya ang sariling nagsalita.
Napamulagat siya at malakas itong itinulak.
Ano 'yon? Bakit nakaupo siya sa mga hita nito? May intimate silang relasyon ng lalaki? Naguguluhan siyang napatitig dito habang ito'y tumatango-tango.
"Okay, fine," tila sumusuko nitong sambit.
"I'll play on your damn game this time."
Dismayadong napasandal siya sa upuan. Kailangan ba talaga niyang ulit-ulitin ditong hindi niya ito kilala? Bakit ang hirap nitong umintindi?
"Be my wife for a week at patunayan mo saking totoo ang sinasabi mong di mo nga ako kilala."
Gulat siyang napatingin uli dito.
"What? Hey! I heard you said you're playing on my game when in fact it's the other way around," reklamo niya.
"Okay, just play on my game and make sure you'll win! If you did, hindi na kita gagambalain pa!" determinado nitong sagot.
Natahimik siya at tinitigan itong mabuti, sinusuri kung totoo nga ang sinasabi nito.
"Hindi mo na ako guguluhin kahit sa kompanya mo pa ako nagtatrabaho?" 'di makapaniwalang tanong niya.
Tumago ito ngunit makulimlim ang mukha.
"If I win, 'di mo na uli ako lalapitan hanggat di-related sa work ko?" paniniguro niya.
Tumango uli ito.
"But in one condition."
'Ano ba 'yan? Bakit may kondisyon na naman?'
gusto niyang magreklamo rolling her eyes in dismay. Bakit 'di na lang siya nito tantanan?
"Okay, I agree. Ano ba 'yun?" Pero 'di na siya makatanggi sa kondisyon nito.
"Gusto kong balot ang katawan mo sa damit when going to work. Not like that, halos lantad na ang hita mo sa ikli ng damit mo."
"Ano?!" bulalas niya.
Hindi siya makapaniwala sa sinabi nitong kondisyon. Pakialaman ba naman ang paraan ng pananamit niya, eh 'yon ang nakasanayan niyang isuot. Ayaw niya ng balot ang katawan at ang init ng panahon. Gusto nitong maging manang siya tignan?
"Just wear slacks and long sleeve blouses with turtle neck," anitong seryoso ang mukha.
"Hey, kung ayaw mo sa paraan ng pananamit ko, 'wag mo. But don't just command me of what to wear. This is me. If you really want me to recognize you, accept the real me. Pangalan ko lang ang makaluma, pero hindi ang pananamit ko. If you don't want my style of clothing, problema mo na 'yun! Why are you making things hard for me---" walang gatol ang bibig niya sa pagsasalita subalit natigil din nang bigla na lang siya nitong kabigin at siilin ng halik.
'No! Let me go!' sigaw ng kanyang isip kasabay nang pagpumiglas niya at pilit pagkawala sa mapangahas nitong mga kamay at labi ngunit sadyang malakas ang lalaki na kahit anong gawin niya'y tila hindi man lang ito apektado, hanggang sa sumuko na siya, giving him access on her lips.
Ahh, sadyang naguguluhan na siya sa nangyayari sa kanyang katawang madalas siyang ipagkanulo sa lalaking ito.
Marahil ay napansin nitong 'di na siya pumiglas kaya ang kanina'y mapusok at masakit na halik ay naging marahan na tila pa nanunudyo.
"Kiss me, sweetie. I want to feel you again," anas nito nang bahgyang ilayo ang mga labi sa kanya.
Ang mabangong hininga nito, ang amoy ng pabango nitong gamit at ang baritono nitong boses na tila musika sa kanyang pandinig kung hindi lang ito laging galit, combining those all, made her no choice but to obey.
"Amor, kiss me please..."
And to her surprise, she found herself kissing him back reciprocating of what he was doing.
Napakipikit siya. Noon lang niya nalasahan ang matamis nitong laway at ang sarap ng halik nito. She didn't kiss anyone before subalit bakit parang alam niya kung pa'no gumanti ng halik sa lalaki at hindi niya mapigilang ipulupot ang mga kamay sa leeg nito.
"Amor, Amor..." he kept whispering her name that made her go wild, opening her mouth and giving her access over her.
Napaungol siya nang ilabas nito ang dila at ipasipsip sa kanya while holding her tight na tila gigil na gigil habang ramdam niya ang isang kamay nitong pumipisil sa kanyang dibdib, pressing it hard that made her moan even more. Napaliyad siya involuntary while kissing him back.
Ang mga halik nito, ang paraan ng paghagod ng kamay nito sa kanyang dibdib, tila siya nalalasing sa mga 'yon at 'di mapigilang gantihan ng isa uling malakas na ungol ang ginagawa nito.
Subalit bigla itong huminto at inilayo ang mukha sa kanya. Why?
"See, kung palagi kitang nakikita sa ganyang ayos, this is what you will always get from me," anito sa paraang nanunudyo.
Para siyang binuhusan ng magkahalong yelo at mainit na tubig. Gusto niyang magreklamo kung bakit ito huminto ngunit namumula ang pisnging tinanggal niya ang mga kamay mula sa pagkakapulupot dito at nangangatog ang mga tuhod na umayos ng upo.
Ano ba'ng ginawa niya? Bakit 'di siya paulit-ulit na nagresist? Gusto niyang pagalitan ang sarili sa naging reaksyon ng katawan kanina pero bakit nakaramdam siya ng 'di maipaliwanag na pagkairita nang bigla itong huminto sa ginagawa?
"Okay-okay, it's a deal. You'll never see me tomorrow wearing like this again. P-pero sa loob lang ng isang linggo," pagpayag niyang 'di pa rin mapigil ang abot-abot na paghinga sa nangyari ngayon lang.
Iniwas niya ang tingin kaya 'di niya nakita ang pagsilay ng nakakalokong ngiti sa mga labi nito.
"Just open the door and I'll leave," inis na sagot niya.
"Why are you upset again? Do you want me to continue?" nanunudyo nitong sambit.
"Hell, no!" hiyaw niyang napatingin dito ngunit 'di kayang itago ang pamumula ng mukha.
"Just open the door and I'll leave!" mariin niyang utos giving him a fierce glare.
Hindi siya makapaniwala sa sariling naisahan siya ng lalaking ito taking away her inhibitions and giving him a sweet kiss, and even moaning loud. Hindi niya matanggap na gano'n siyang klaseng babae. And here he was, teasing her with brilliant almond eyes na tila humahalakhak sa tuwa dahil nakaisa ito sa kanya.
Ang alam niya'y kontrolado niya ang sitwasyon, pero bakit biglang bumaligtad ang lahat at sa halip ay siya ang napasunod nito? Her pride couldn't take it.
"We'll go back together," anito sa baritonong boses.
Gusto niyang magreklamo ngunit sa tono ng pananalita nito, hindi ito papayag na tumanggi siya.
At bago binuksan ang pinto, hinubad muna nito ang suot na coat at ipinatong sa suot siyang bodycon dress.
'This damn man knows how to tame a hard-to-get woman,' pag-amin niya sa sarili.