Tải xuống ứng dụng
87.82% Dear Future Boyfriend / Chapter 137: Kayleen's POV

Chương 137: Kayleen's POV

Patuloy ang pananahimik ni Ashton sa tabi ko habang nanunuod kami ng movie. Ni hindi nya ako kinukulit. Hindi ako makapag-concentrate sa movie dahil gusto kong malaman kung bakit nga ba sila magkasama ni Trisha kahapon. Nilingon ko na si Ashton nang di na ako nakatiis. Itatanong ko nalang sa kanya para matapos na ang pag-iisip ko.

Kaso nang lingunin ko sya nakita ko ang ulo nyang nakaharap sa gawi ko. Nakasandal iyon sa inuupuan nya. Nakapikit sya at mukhang nakatulog na. Mukhang napaka-uncomfortable ng pwesto nya kaya naman umayos ako ng upo.

Muli akong umisod sa gilid ng upuan ko palapit sa kanya. Ipinatong ko nalang sa balikat ko ang ulo nya para hindi sya masyadong mangawit. Baka sumakit pa ang leeg nya pagka-gising nya. Kawawa naman, mukhang napagod yata sya sa practice nila.

Di bale na nga lang. Ang mahalaga nandito si Ashton sa tabi ko at hindi sa tabi ni Trisha. Kami ang nagde-date ngayon at hindi sila. Naisip ko lang na baka naman nag-over react ako sa naisip ko tungkol sa kanila. Baka naman may binibili lang sila na magkasama. Pero ano kaya?

Na-distract ako sa naamoy ko nang huminga ako nang malalim. Yung shampoo ni Ashton naaamoy ko. Hindi ko maipaliwanag ang bango ng shampoo nya. Magka-iba sila ng gamit ni Ashleen. Ang bango bango talaga ng buhok nya. Hindi man lang sya amoy pawis bakit ganon? Hindi ba ang mga lalaki natural na pawisin? Kasi yung mga lalaki kong kaklase palagi silang pinagpapawisan. Tumakbo pa naman sya kanina dito sa mall. Bakit nga ba sya tumatakbo kanina sa mall? Ni hindi man lang sya nabigatan sa dala nyang electric guitar. Masakit siguro ang balikat nya.

Naramdaman ko syang nagising bago pa man sya gumalaw kaya pinigilan kong alisin nya ang ulo nya sa balikat ko.

"N-Nakatulog ako."

"Matulog ka pa."

"Hindi na ako makakatulog."

"Nakatulog ka nga kanina. Matulog ka pa. Mamaya pa matatapos 'tong movie."

"S-Sorry. Okay na ako. Hindi na ako makakatulog talaga." Inalis na nya ang ulo nya sa balikat ko.

"Okay lang. Mukhang napagod ka."

"Napuyat lang ako kagabi." Umayos sya ng upo.

"Bakit ka napuyat kagabi?" Pareho pala kaming di nakatulog kagabi.

"May hinihintay kasi akong reply pero hindi dumating."

Bigla akong nilamig. Kasi naman hindi ko nireplyan ang text sa akin ni Mr Creeper kagabi. Nainis kasi ako sa kanya kahapon sa nakita ko kaya di ko pinansin yung mga texts nya.

"Kayleen?"

"Bakit?"

"G-Galit ka ba sa'kin?"

Huminga ako nang malalim bago sumagot.

"Hindi."

"Naiinis?" hula nya.

Hindi ako umimik. Hindi ko rin sya nililingon.

"Bakit?" tanong nya.

"Wala."

"Kayleen, ano ba ang nagawa ko?" Tinitigan nya ako.

"Wala. Basta."

"Kayleen."

"Ashton."

"Hahalikan kita."

Gulat akong napatingin sa kanya. "Ashton!" muntik ko nang mai-sigaw. Nakakahiya kung mag-ingay ako rito, nasa cinema pa naman kaming dalawa.

"Sabihin mo sakin kung ano ba ang kasalanan ko."

Bumuntong hininga ako. Ayokong sabihin sa kanya kasi lalabas na nagseselos ako. Kapag lumabas na nagseselos ako ibig sabihin gusto ko sya. Iisipin nya na gusto ko sya. Okay lang ba na isipin nya yon kung hindi ko naman alam kung ano ba kami?

Teka meron nga bang KAMI? Pano kung laro lang pala sa kanya to at ako lang ang nag-iisip na seseryosohin nya ako? Bestfrien ko ang Ate nya. Mas matanda ako sa kanya. Hindi kaya iniisip nya na challenge lang to kasi magandang magka-girlfriend ng mas matanda?

Napa-ayos ulit ako ng upo palayo sa side nya. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko. Nawala na yung inis ko sa kanya kanina kaso ngayon naman sa sarili ko ako naiinis. Nagpa-uto ba ako? Nagpadala ba ako kasi cute sya? Nagustuhan ko ba sya kasi gusto nya ako?

"Hwag kang lumayo Kayleen," bulong nya. Ramdam ko ang nakakatunaw na titig nya sa akin kahit di ko sya lingunin. "Mahihirapan na naman ako na maabot ka."

Nilingon ko sya at sandaling tinitigan. Natatakot ako sa titig nya sa akin dahil masyado iyong intense para sa isang lalaking sixteen years old palang na lalaki. Masyado iyong seryoso at matured para sa edad nya.

"Gusto mo ba ako Ashton?"

Hindi man lang sya kumurap at mabilis syang sumagot. "Oo."

Parang may kumurot sa puso ko. Sinabi nya bang gusto nya ako?

"G-Gusto mo ako?"

"Oo Kayleen, gusto kita."


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C137
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập