Nagising ako na naka sandal sa puno.. ang dilim ng kalangitan! ang daming alitap-tap ang lumilipad. na sa isang linya sila.. hindi ba sabi ng fairy sundan ko sila? ah?
'Buti naman gising ka na! kanina pa kita ginigising!'
"Ahh.. patawad."
Sinundan ko nga ang mga alitaptap kagaya ng sinabi ng Fairy at inabot ako ng madaling araw bago marating ang isang malawak na lugar na maraming herbs at bulaklak.. sa gitna makikita na may maliit na bahay! kumatok ako. Nang walang sumagot, binuksan ko ang pinto
Wala namang iba, normal lang naman ang loob! may mga bookshelf na puno ng libro.. may kainan, kitchen, sala, bedroom at bathroom! merong din mga potions. nagulat nalang ako nang may pumasok!
"Si-Sino ka!?" Tanong ng lalaki
"Ahh.. ako si Misaki! patawad kung pumasok ako.. wala kasing tao"
"A-ano bang kailangan mo?"
"Kailangan ko pumunta ng Ilog ng kadakilaan! saan ang daan para makapunta ako doon ng diretsyo?"
"Ba-bakit ko naman sasabihin! lahat ng serbisyo ko may kapalit!"
"Ano ba ang gusto mo? ginto?"
"Ahh.. hindi ko kailangan ng ginto! saan ko naman gagamitin yon? kailangan ko ng.. itlog ng level 30 eagle!"
"Ha? saan naman ako makakakuha non!?"
"May alam akong pugad ng eagle! pero sa bundok nga lang.. medyo malayo rin!"
"Hhm?? kung sasamahan mo ako kung na saan ang pugad ng Eagle na yan.. maibibigay ko saiyo ang gusto mo!"
"Sige-sige! Kukuha lang ako ng mga gamit"
Habang hinahanda nya ang mga gamit nya.. sinasummon ko ang lion ko! syempre ayoko ng maglakad.. sa buhay ko dati ehh may mga sasakyan! pero dito wala.
"Hoi! tapos na akong ihanda ang gamit ko"
"Edi halika na!"
Nang makita nya ang lion ko.. agad syang nahulog sa kinakatayuan nya at napasigaw
"Ahhhhhh! Sa-saan mo nakuha ang level 50 beast na iyan!?"
"Hhm?"
"Sa-sabi ko- sandali! ang.. ang necklace na suot mo! isa.. isa kang necromancer!? impossible! kaunti nalang ang ganon sa mundong to.."
Eh? hindi ko napansing may necklace pala ako.. saan ko to nakuha?
"Ayaw mo ba makarating ng mabilis doon? sakay!"
"He-heto na nga! baka naman pwedeng sabihin mo dito sa beast na to na.. mag dahan-dahan! tignan mo ang titig saakin!"
"Ugh.. bilisan mo!"
Nang sumakay ang lalaki.. medyo nag apoy ang balahibo ng lion.. galit yata sakanya ang liong to.
"Ahh.. ano nga palang pangalan mo?"
"Hiroshi"
"Hiroshi?"
"Alam mo bang generous ang ibig sabihin ng pangalang Hiroshi sa Japanese?"
"Share mo lang?"
"Hhmp! pwede bang sabihin mo sa alaga mong bilisan nya!? mas mabilis pa ako mag lakad!"
Biglang tumalon-talon ang lion ko hangang mahulog si Hiroshi! ha.. ayaw nga sakanya ng Lion ko..
"Ahh.. kung bigyan kaya kita ng pangalan mr.Lion?" Tumigil ako sandali at nagsalita ulit "Ahh Hyosuke!"
"Ehh!? Hyosuke! alam mo bang ang ibig sabihin non sa japanese ay 'Helpful soldier'!?" Biglang singit ni Hiroshi
"Eh? alam ko bakit? ahh.. ayos ka lang ba?"
"Satingin mo ayos ako!? kita mong nahulog ako mula dyan sa hayop na yan na mas malaki pa kaysa sa elephant!!"
Humarap si Hyosuke kay Hiroshi at nagliyab ang balat! hindi ako nasusunog.. ang galing!
"Mag ingat ka sa pananalita.. baka mamaya ehh maging abo ka nalang"
"Ah.. okay! okay.. haha.. nag bibiro lang naman ako kanina hahahah.... "
"Ang pangit mong umarte!"
"Pupumunta na nga tayo!"
Ilang oras kaming nandito! para ngang paikot-ikot lang kami.. nagugutom na ako!
"Hoi.. Hiroshi! ano bang pwede kong kainin?"
"Hhmp! hindi mo ba nakikita yang mga prutas na iyan!?"
Aba ang sungit neto ha..
"Hyosuke.. ang sungit yata ng kasama nating Hiroshi dito.. ano kayang gagawin natin?"
"Ahh!. ang ibig kong sabihin, pwede mong kainin yang mga prutas!"
"Hhm.. pwede mo naman palang sabihin ng maayos ang tono ehh"
Pipitas na sana ako ng prutas nang biglang lumitaw ang isang malaking Gorilla! ang laki nito at mukhang na sa level 40!
"Level 35 Gorilla"
eh? level 35 lang pala.. pero mukhang malakas!
"Graahhhhhhhhhhh!!!!!!"
Sumigaw nang sumigaw ang gorilla at dumudugo na ang tenga ko sa sobrang lakas! habang sumisigaw hinahampas nya ang mga puno! babagsak na saamin ang puno! hindi kami makagalaw sa lakas! wala bang magagawa si Hyosuke dito!? ipinikit ko ang mata ko.. Wala na.. mamamatay nanaman ba ako?
Naramdaman ko nalang na wala ng maingay na tunog at walang bumagsak na puno saamin.. nang buksan ko ang mata ko.. nakatumba na ang Gorilla! nahati naman sa dalawa ang pabagsak na puno at ng lumingon ako sa kaliwa