Blood XXXVII: The Memories that must not FORGET.
Hades' Point of View
I want to believe there isn't a single memory that is okay to forget. I want to keep on believing by embracing these memories. But there are things that I can't even explain-- Sadness, including emptiness. Ba't nga ba natin 'to nararanasan kung hindi naman natin alam kung ano ang dahilan?
"Good-bye." those words echoed in to my head. It keeps on repeating all the time whenever I'm thinking of something that I'm not sure if it actually exists.
Tila para bang may importanteng bagay akong nakakalimutan na kailangan kong ibalik pero hindi malaman kung ano iyon. Bakit parang may kulang sa akin? For that kind of reason, I keep on smiling. Looking crazy and wacky on the outside to protect who I am on the inside.
I'm lost but I'm using all my strength to live everyday.
Pinalo ng kaklase ko ang kamay ko nang makitang wala akong ginagawa. Tapos na kaming maglinis pero sa ngayon ay may kaunting activity na pinagawa ang subject teacher namin bago mag dismissal. "Hey, you summarize the table." Kinuha ni Vermione ang ballpen ko't nagsulat.
"Ah! Vermione took my pen!" Kukunin ko iyon sa kanya nang iiiwas niya ito habang nanatili lang itong nakatutok sa papel. "Don't touch it, I'm writing now." Wika nito saka tatango-tango na animo'y may nakuhang ideya sa sinusulat. Wala ka bang ballpen at pati ballpen ko hinihiram mo?
Lumingon ako kay Savannah na ngayon ay nakadikit ang baba (chin) sa ballpen. "Savannah!" Tawag ko sa kanya na kaagad namang napatingin sa akin. Bumuntong-hininga si Zedrick.
"Can you guys just be quiet?" Suway ni Zedrick.
Hanggang kailan ko ba 'to gagawin? When will I find those missing pieces?
Inakbayan ko naman ang katabi kong si Zedrick. "Ano'ng problema, dude? Dinaig mo pa si Savannah kung magsungit ngayon, ha?" Saka ko pabirong hinimas himas 'yung dibdib niya. Pero nagulat ako nang malakas niya akong kotongan.
"H-h'wag mo ngang hinahawakan!" Namumula nitong bulyaw habang humawak ako sa ulo ko't nag pogi sign. "Bru, you have nothing to worry about, wala ka namang dibdib." Napasinghap siya't nanlaki ang mata kasabay ang paglingon niya kay Savannah. Tiningnan niya 'yung dibdib nito ng malapitan kaya siya naman ang kinotongan ko't pasakal na inakbayan. "Gag* ka! Ba't mo tinitingnan 'yong lemon niya?!"
"F*ck you, Hades!" Mura naman sa akin ni Zedrick samantalang napatayo si Savannah na tila parang nag-alala habang pareho naman kaming hinampas ng isa naming kaklase na si Charlotte gamit ang ni-roll na filler notebook.
"Aalisin ko talaga kayo sa grupo, bakit ba kasi nagsama pa kayong dalawa?" nakukunsume nitong tanong at nagpameywang. Natawa sila Vermione at Savannah samantalang sumalong-baba naman si Zedrick na sumimangot.
Tumunog na ang bell kaya nagpaalam na 'yung subject teacher namin at ipagpatuloy na lang daw namin sa next meeting.
Ibinalik na namin ang mga upuan sa dapat nitong pwesto. "Uuwi na ba kaagad kayo?" Tanong ko kina Zedrick. Tiningnan ako ni Vermione para sagutin ang tanong ko. Wala sa mood si buddy ngayon kaya si Vermione na ang nagkusa.
"Yeah, uuwi na ako pero sila Savannah hindi pa. Sila ang mag-aayos ng book shelves natin" Sabay sulyap sa mga librong nakakalat doon sa shelves, hindi pa pala 'yan naaayos. Hinawakan ko ang mga kamay niya't inilapit sa akin na mayroong pagniningning ang mga mata. "Sabay tayo, bini-bini."
Natawa naman ito at matamis akong nginitian. "Sige." Hahh... Nagliliwanag siya sa sobrang kagandahan. Ang bait bait pa niya, wala akong masabi.
Ibinaling ko ang tingin ko kay Zedrick tapos hinawakan ang balikat niya bago pa man siya makaalis. "Oy, 'yung promise mo, ha?" Bulong ko sa kanya.
Tumaas ang kaliwang kilay niya. "P-Promise?" Parang walang ideya na tanong ni Zedrick. Hoy! Nakalimutan ba niya?! Inakbayan ko nga.
Inilapit ko iyong mukha ko sa mukha niya kaya halos magkadikit na ang pisng naming dalawa. "Iyong nakita nating sexy magazine kahapon! Sasamahan mo 'ko bukas, 'di ba?! May latest volume din 'yon ngayon, pwede kitang pahiramon pagkatapos." Sabay layo nang kaunti sa kanya. Titig na titig lang siyang nakatingin sa akin nang ngitian niya ako. Eh? Bakit parang nag-iba 'yung aura niya? Nao-awkward-an ba siya?
"I guess iyan na ang mga nagugustuhan ng mga teenagers nowadays, huh?" Tatango tango nitong sabi na parang may nage-gets na sa mundo.
Binigyan ko siya ng walang ganang tingin. "What are you talking about? Para kang babae." Humiwalay na nga lang ako ng tuluyan sa kanya at kinuha na ang bag ko para makauwi na. Nakakahiya na kay Vermione na naghihintay. "Oh, siya. Ingatan mo si Savannah, ah?" Ngiti kong bilin at tiningnan si Savannah na kalalapit lang sa amin, nginitian niya ako tapos kumaway. First time! "Ciao!" Paalam ko sa dalawa at lumabas na ng classroom kasabay si Vermione.
"Gusto mo rin si Savannah?" Tanong niya at hinawi ang hibla ng kanyang buhok para iipit iyon sa tainga niya. Nakaharap lang ang tingin ko nang ngitian ko rin siya.
"Siyempre! Pero gusto rin naman kita!" proud kong sabi kasabay ang pagbigay ng malaking thumbs up. Tiningnan niya ako mula sa peripheral eye view at muling ngumiti.
"Hindi ka ba napapagod na ngumiti nang ngumiti?" Tanong pa niya na medyo nagpalaho sa ngiting nakalinya sa labi ko. "Hindi ba nakakangawit? Buong araw kang nakangiti sa harapan ng ibang tao?" Dugtong niya na nginitian ko pa rin.
Kung aalisin ko 'yong gano'ng pag-arte, sino na lang ang magiging kalinga ko? Masasabi ko pa bang ako si Hades? Ano nga ba'ng dapat kong iarte sa harapan ng ibang tao kung ito na ang nakasanayan ko? At isa pa, ayokong makaramdam na ako lang ang mag-isa. Ayokong makaramdam ng kahit na anong lungkot.
A long time ago, they told me that my parents abandoned me when I was still a child. I have no memories of my past, all I know is I've been living all alone although I have a feeling that I'm not.
"Nam." Tawag ng kung sino mula sa utak ko na nagpapikit sa akin. She had the gentle smile on her lips while looking at me. She's with a guy, I know him that I don't. Kind of familiar but I can't remember.
"Hindi naman. Mas maganda kasi 'yung pinipili mong maging masaya para iwas stress. Ang dami na nga nating problema sa mundong 'to, dadagdagan mo pa ba sa pamamagitan ng pag o-overthink?" Tanong ko na nagpalingon sa kanya.
"May point ka diyan." Parang mangha nitong wika.
Nagku-kwentuhan lang kami ni Vermione ng kung anu-ano habang naglalakad hanggang sa makalabas kami ng campus, magkaiba kami ng daan kaya naghiwalay na kami't pareho ng naglakad. Huminto lang din ako noong makita si Curtis sa hindi kalayuan. Nagda-drive talaga siya pauwi dahil nakikita ko kaya nakakapanibago na naglalakad lang siya ngayon.
"Curtis!" Tawag ko rito kaya lumingon ito sa akin na siyang kasabay sa muling paglitaw ng litrato sa utak ko. Tulad niya, ganito rin ang paraan ng pagtingin ng taong iyon. Nababaliw na siguro talaga ako.
Umiling ako't nilapitan siya. "Hindi ka pa uuwi?" Tanong ko pagkahinto ko sa harapan niya.
Humarap siya sa akin. "Hades! Why? Wanna hangout somewhere? Free naman ako." Pag-aaya niya na may pagsiko sa braso ko. I get what I want but a family that I longing to have is too impossible for me. But is that the reason why I'm looking for something that can fill my emptiness?
"Oo, maaga pa naman." Wala namang naghihintay sa akin. "Pero wala ka nanamang kasama?" Tanong ko kaya bumaba ang parehong mga balikat ni Curtis. Mukhang nalungkot sa tanong ko.
She let out a sigh. "Wala, gusto lang nilang mag-aral nang mag-aral. Nagtataka tuloy ako kung paano ako napunta sa section na 'yon. They are no fun at all." She said as she shook her head.
Tumawa lang ako at tinuro ang sarili ko gamit ang hinlalaki ko. "No worries! Nandito naman kami kung wala kang ibang makakasama, eh." Masigla kong pagpapagaan sa loob niya at binigyan siya ng thumbs up. Pumaharap ako ng tingin at ngumiti. "But why is it that when you hates someone, you're trying to get closer to them?" Mapanghinala kong tanong, hindi ko pa rin inaalis ang ngiti sa labi ko.
Nilingon niya ako't binigyan ng bahagyang ngiti."Now, what are you trying to say?" Tanong naman niya at umaarteng pa-inosente. Nagpamulsa akong naglakad para mauna.
Tumawid kami sa pedestrial lane para makarating sa kabila. Hindi ko talaga alam kung saan kami pupunta pero kung saan na lang kami dadalhin ng mga paa namin ay doon na lang. "Gusto mong mag milktea?" Yaya niya sa akin, hindi na niya binalikan 'yung sinabi ko kanina.
"Treat ko." Wika ko.
Pumunta nga kami sa Milktea shop n malapit, subalit sa kalagitnaan ng paglalakad namin ay umangat ang tingin ko nang mapansin kong kumukulimlim nanaman. Magiging okay lang kaya sina Savannah pag-uwi? Mukhang malakas ang ulan ngayon, ah?
Pumatak ang ambon sa mukha ko kaya pareho kaming tumigil ni Curtis, "Tuloy pa ba tayo?" Nag-aalanganin niyang tanong habang hindi lang ako sumasagot. Dumadalas na talaga ang pag-ulan ngayon pero hindi ako nakakapagdala ng payong dahil sa palagi kong nakakalimutan.
"Mas maganda pa nga--" Biglang bumuhos ang ulan kaya tumakbo kaagad kaming pareho para manatili sandali sa waiting shed. Pinaharap ko ang bag ko para hindi ganoon mabasa.
Sa pagdating namin sa kalapit na waiting shed ay naabutan namin na marami ng tao para magpatila ng ulan. "Basa na talaga ako, men!" Reklamo ko pero hinila ako ni Curtis at dinala sa isang store na 'di naman lalayo mula rito. Sarado ito at pwedeng sumilong kaya nagpasya na muna kami na rito muna maghintay habang hindi pa tumitigil ang malakas na ulan.
Hingal na hingal kaming parehong tumigil doon. "Basa na rin naman tayo, bakit hindi na lang tayo umuwi?" Tanong ko habang kumukuha ng maraming hangin. Naka-recover na kaagad si Curtis sa pagkahingal at isinuklay lang ang buhok gamit ang mga daliri. Piniga din niya 'yung skirt niya para alisin ang tubig.
"Wala namang problema pero ayoko namang mabasa 'yung mga notebook ko." Kibit-balikat nitong sabi.
Tiningnan ko siya mula sa peripheral eye view. "Hindi ka naman nagdadala ng notebook." Gaya ko ay tiningnan din niya ako mula peripheral eye view at umayos ng tayo.
Tumawa siya nang kaunti. "Stalker ba kita at alam na alam mo?" tanong nito nang lingunin niya ako. Bumungisngis naman ako saka humarap sa kanya.
"Of course, no--" Nang makita ko na bumabakat ang panloob ng blouse niya dahil nga sa nabasa kami ng ulan at puti pa ang uniform namin ay kaagad akong tumalikod.
"May kahit na ano ka bang extra shirt diyan?" Tanong niya. Ang alam ko mayroon kaya tiningnan ko naman ang loob ng bag para masigurong dala ko nga iyon. Tumango ako kaya naramdaman ko ang pag ngiti niya. "Pwede kong hiramin? I'll wash it and return it to you. I want to change out of this"
Napanganga ako nang hindi pa rin siya nililingunan. Baka iba pa makita ko, eh, lalaki pa naman ako. "Huh? To my shirt? Dito mismo?" Tukoy ko sa lugar na kinatatayuan namin.
"It's just you and me, Hades. My shirt's also wet, nakakadiri lang sa feeling."
Tumungo ako. "Wala namang problema, pero…" Tiningnan ko ang paligid. Na sa labas pa rin kami. Pa'no kung may biglang dumaan?
"Besides, it seems like you're having trouble deciding where to look" Sabi niya na akala mo'y nang-aasar. Humawak ako sa batok ko't natawa. May kilala rin akong tao na mahilig akong asarin ng ganito, eh. But I wonder who it was?
Sinadya ko bang kalimutan ang nakaraan? O may nag-udyok sa akin para kalimutan ang mga bagay na hindi dapat mawala sa aking isipan?
Inabot ko sa kanya ang shirt ng hindi siya tinitingnan. "Wala na 'kong kasalanan kung may manilip sa 'yo."
Naramdaman ko ang pag ngisi niya. "Kung ikaw lang din naman ang sisilip, walang problema." At tinapik pa niya 'yung braso ko. May kung ano akong naramdaman sa paraan ng paghawak niya.
May bigat, 'di ko lang sigurado kung ano ba 'yung pakiramdam na iyon.
Tumingin ako sa kanang bahagi nang hindi inaangat ang tingin.
"Boys are going to immediately misunderstood that sort of nonchalant touching, Curtis."
Narinig ko ang paglabas ng hangin mula sa kanyang ilong. "You're still annoying as ever."
Napalingon na ako sa kanya kasi hindi ko na narinig 'yung sinabi niya pero nanlaki ang mata ko dahil nagsisimula na pala siyang alisin ang blouse niya. Hindi pa naman ako pumapayag na pahiramin siya ng extra shirt ko!
Namula ang pisngi niya kaya mabilis kong pinaharap ang tingin ko. "Ba't ka nagpapalit dito?!" Hindi makapaniwalang tanong pero nakatanggap lang ako ng hampas sa ulo.