Tải xuống ứng dụng
66.66% Man on a Wire / Chapter 2: Chapter 2

Chương 2: Chapter 2

Inabot sakin ni Javi ang isang jersey shorts at white T-shirt bago pa ako makapasok sa bathroom kina-umagahan.

Gusto niyang magpalit ako ng damit bago lumabas ng kwarto niya para kumain ng agahan sa ibaba.

Tulog pa si kuya sa kama kung saan ako galing. Hindi na nila ako ginising kagabi. Hindi tuloy ako matahimik ng konsensya ko sa isip na nahirapang matulog si Javi sa couch.

"Thanks..." I glanced at him habang tamad na nakaupo sa edge ng kama at nanonood ng TV.

Tumango lang siya kaya dumiretso na ko sa banyo at naligo na rin.

Gising na si Kuya nang natapos ako kaya sabay-sabay na kaming bumaba para magbreakfast.

"Oh! Asan na iyong chics?"

Pinasadahan nila ng tingin ang suot kong damit ni Javi. Sa tangkad niya ay lampas tuhod ko na ang jersey shorts niya. Pati ang shirt ay maluwag. Okay lang para sa akin ang ganitong ayos. Hindi rin kasi ako sanay na nagdadamit ng hapit sa katawan. Para akong nasasakal.

"Tumigil nga kayo sa pagpapantasya kay Cali. Hindi kayo talo!" Ani Kuya na umupo na sa tabi ni Jared at Mike.

"Dito ka Cali." Tita Mabs pointed at the chair beside John. Ang bunso nila Javi.

Bago pa ako makaupo ay tumayo si Tita at nilapitan ako para ayusin ang damit ko. She folded the edge of the shirt until it reached my waist tsaka iyon binuhol sa likod para sumikip at hindi malaglag.

"Better." She smiled at me so I smiled back.

Naupo na ako at nagsimulang kumuha ng pancakes and scrambled eggs.

"Sa gabi lang pala nagiging chic si Morgan. Makitulog nga rin ako sa inyo Mav." Natatawang biro ni Jay na sinang-ayunan ni Mike at Jared.

Nag-init ang pisngi ko. Hindi ba sila titigil sa usaping iyan? Kagabi lang ba sila nakakita ng babaeng nakashorts ng maikli?

"Bakit wala ka bang bahay?" Supladong sagot ng kapatid ko.

"Over protective si Kuya!" Tuya nila sa kanya.

Pati si Tita Mabs ay nakikitawa sa asaran nila.

"Shut up. Si Caliyah ang pinag-uusapan niyo. Not some random girl na nakita niyo sa kanto."

Tinaasan ng kilay ni Tita si Javi sa sinabi nito. Lumulutang na naman ang pakiramdam ko sa pagtatanggol niya sa akin.

"May isa pang over protective na kuya."

Nailing nalang ako sa kanila at pinagpatuloy na ang pagkain. Umuulan pa rin kaya nang matapos ang agahan ay sa living room ulit kami. Nakisali kami sa laro ni Samiel sa kanyang cellphone na parang iyong nilalaro namin sa computer shop. Paunahang makabasag ng base.

Hindi kami pamilyar sa mga heroes dito kaya ang first round ay practice muna. Nang magamay ko ang abilities ng fighter hero ay nagyaya na sila ng totoong laro.

Five versus five iyon at kulang kami ng isa kaya nag-invite si Sam ng online na kakilala niya.

Ka-team ko si Kuya Mav, Jared, Mike at iyong friend ni Sam. Magkalaban kami ni Javi ngayon. Magaling din siya sa Dota kaya challenge para sa akin ito. Lagi kasi kaming kakampi sa Dota.

Noong una ay dehado ang team ko dahil nangangapa pa si Mike sa pagiging support niya. Nakabawi kami ng naging maayos na ang laro niya.

"Shit! Morgan pati ba naman dito?!" Natatawa ako sa pagta-trash talk na naman ni Jay.

"Tangina sinabing back eh!" Sita ni Javi sa mga kagrupo niyang naubos nang in-ambush namin sa may river.

Nanalo kami at panay ang puri sa akin nila Jared at Mike. Pati si Sam ay galing na galing sa akin. I-invite niya na daw ako kapag nakita niyang online ako.

Nakailang game pa kami bago tumila ang ulan at nagpasya na kaming umuwi.

Nang naghapon ng araw na iyon ay nasa labas na naman kami dahil nagdatingan na naman ang barkada. Dahil tumila na ang pag-ulan ay naisipan naming magbasketball naman.

Tig-apat ang bawat team namin. Nag-kompiyang sila maliban sa amin ni Kuya Mav dahil hindi raw kami pwedeng magsama sa isang team. Nasubukan na kasi naming magsama dati at hindi naka-score ang kabilang team kaya natuto na sila. Magaling na basketball player si Dad noong panahon niya kaya kahit babae ako'y naambunan pa rin ako ng galing niya.

Si Troy, Javi at Isaac ang teammates ko. Varsity silang lahat sa Perpetual kaya walang dehado. Varsity rin kasi ako sa women's basketball sa school.

Panay ang fastbreak ko kaya pawis na pawis ako nang magtime-out. Kumuha ako ng gatorade sa bag at nilagok iyon. Ganoon din ang mga kasama ko.

"Cali, cut muna tayo sa fastbreak. You need to rest para sa last quarter." Tumango ako sa utos ni Javi. He stands as our captain and coach.

"Isaac, I need your three this time." Baling niya kay Isaac na katulad ko ay pawis din.

Masyado naming dinidibdib ang game at lahat kami ay agitadong manalo. Walang pusta ito pero iba ang hatid na fulfillment sa amin.

Hindi namin namalayan na may mga nanonood nang taga village sa bleachers ng court ng village. Karamihan ay kabataan. Nagchicheer ang iba para sa kapatid ko na ayaw na kaming paiskorin nang makarating sa last quarter.

Sumenyas si Isaac sa akin at pinasa niya ang bola na agad kong binalik sa kanya nang makapwesto siya sa three point line. Sa bilis ng galaw namin ay hindi iyon napansin ng bantay kong si Mike. Lamang kami ng isang puntos.

Napakamot nalang ito sa ulo nang murahin siya ng kapatid ko. Kagaya namin ay seryoso din sila.

Last one minute na. Sa kanila ang bola. Sinubukang maka-shoot ng three ni Kuya pero supalpal siya ni Javi kaya nakuha ni Isaac ang bola. Mabilis akong tumakbo at tsaka niya pinasa sakin ang bola. Dahil mabilis akong tumakbo ay hindi na nila ako nahabol nang ni-lay up ko ang bola. Pagbagsak ko galing sa pagtalon ay saktong pagtunog ng timer. Tapos na ang game. Panalo kami!

"Nice shot Morgan!" Apir ni Troy sakin nang makalapit sila.

"Nice block Javi." Nag-init ang pisngi ko sa pagpuri sa kanya.

Todo ngiti siya sakin. Ginulo niya ang buhok ko tsaka ako inakbayan.

"Ang galing ng fastbreak mo!" Puri niya sakin.

Naestatwa ako sa ayos namin. Naconscious pa ako dahil pawis na pawis ako at nakaakbay siya sakin. Baka nangangamoy pawis na ako. Samantalang siya ay amoy ko pa rin ang bango kahit basang-basa na siya sa sariling pawis.

"Hands off!"

Hinila ako ni Kuya Mavy mula sa akbay ni Javi. Nagtaas ng mga kamay si Javi na parang sign na wala siyang ginagawang masama.

Asar siguro siya sa pag-block nito sa shot niya sana kanina.

May mga lumapit na babae sa amin at kinongratulate ang mga nanalo. Kahit talo ay marami pa ring chic na na-magnet sina Mike at Jared. Napasimangot ako nang makita ang isang grupong lumapit kay Javi. Yeah, right.

Nagsalubong ang kilay ko nang mapansin ang dalawang babae sa harap ko. Seriously?

"Congrats Morgan! Ang galing mo!" Sabay nilang sambit habang titig na titig sa akin. Ano to?!

"Salamat." Iyon nalang ang nasabi ko at tinalikuran na sila.

Pagpihit ko ay puro makahulugang tingin ng barkada ang sumalubong sa akin. Inirapan ko sila at nauna na akong lumabas ng court patungo sa bahay. Sobrang nanlalagkit na ako sa pawis.

"Si Morgan nagbibinata na!" Naririnig ko sila mula sa likod ko kaya mas lalo ko pang binilisan ang lakad.

Tawa sila ng tawa nang makapasok sa gate namin. Nakaupo ako sa patio habang umiinom ng tubig kasama si Mommy na busy sa kanyang cellphone.

Inirapan ko sila nang maupo sila sa tapat namin ni Mom.

"Anong ginawa mo sa kapatid mo Maverick? Bakit busangot ang mukha?" Napansin pala ni Mommy.

"Wala Mom. Inaasar nila kasi may nagpapa-cute sa kanyang mga girls kanina sa court."

"Opo Tita. Mga chics." Sang-ayon ni Jay. Alaskador talaga ang isang to.

Umangat ang gilid ng labi ni Mom.

"Tapos?"

"Mom! Pati ba naman ikaw?" Baling ko sa kanya.

Tumawa sila. Pero hindi na ako natutuwa. Nag-unahan sa pagbagsak ang mga luha sa aking pisngi. Bakit ba lagi nila akong inaasar na tomboy?!

"I hate you all! I hate you Mom! For naming me a Morgan! I'm a girl for heaven's sake! Sana dinugtong niyo nalang sa pangalan ni Kuya kung gustong gusto niyo ang pangalan na iyan!"

Pinalis ko ang mga luha sa aking pisngi at umalis na doon. I hate them all!

Buong araw akong nagkulong sa kwarto ko. Nang maghahapunan na ay kinatok ako ni Kuya sa kwarto.

"Cali, dinner's ready." He sounded so calm. Maybe still feeling guilty about what they did earlier.

Nagulat pa siya nang binuksan ko ang pinto ko at derecho ang lakad ko pababa ng hagdanan. Hindi na siya nagsalita. Mabuti naman.

"Baby, I'm sorry about earlier. I'm just thrilled about the thought na may mga babae palang nagkakagusto sa iyo." Simula ni Mom nang maka-upo ako sa hapag.

"Mom, I don't want to talk about it." I started scooping a little rice for my plate.

I pouted when Kuya Mavy placed another scoop on my plate. Wala akong gana ngayon kaya inis ako na dinagdagan niya ang kanin ko. Paano ko ito mauubos?

Tinignan ko siya ng masama.

"You need to fill up your used energy kanina sa game. Hindi ka nagmerienda." Depensa niya.

"How's the game by the way?" Dad interrupted.

"I lost to Caliyah's team. She's really good at fastbreak Dad. Why can't I do it just like how she does?"

I rolled my ayes at him. Malamang kasi magaan ako at mabilis tumakbo.

"Well, as you can see she's petite. Madaling igalaw ang katawan niya so she does it flawlessly. You should enroll to a gym to tone your muscles. You'll feel lighter if you'd do it." Dad explained.

He's the head coach of a basketball team at PBA. Sila ang nanalo sa Governor's Cup last season kaya bilib na bilib kami sa kanya.

"Can I enroll too Dad?" I asked although I'm not sure kung anong gagawin ko doon.

"We'll see. I'll check the gym downtown first." He smiled at me. I nodded and started eating. Thank God naubos ko iyong nilagay ni Kuya sa plato ko. Gutom din pala ako.

The next days were boring af. After the little incident that happened, hindi na ako masyadong sumasama sa barkada.

I diverted my attention sa game na nilaro namin sa cellphone last time with Samiel. Mataas na nga ang rank naming dalawa dahil iyon nalang ang pinagkaka-abalahan ko sa ilang araw.

May mga friends din siyang kilala ko na rin by name na sinabi niyang puro taga Perpetual lang din. Excited na tuloy akong mag-pasukan para makilala ang mga ito. Lalo na iyong isang feeder. Walang ginawa kundi magpakamatay sa game.


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C2
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập