(Flashback)
"Saan ka nanggaling at ginabi ka? Hindi ka man lang nagtext o tumawag para alam kong okay ka," malumanay kong tanong sa kanya.
He just looked at me but his face is too blurry. Kahit ganon ay alam kong ang kanyang mga mata ay puno ng galit. Ganyan naman siya simula nang magsama na kami. Sobrang nag-iba na siya. Ang lalaking nasa aking harapan ay hindi ko na kilala.
"Wala ka ng pakialam, Eevie. You have no right to ask me questions."
Sobrang lamig. Puno ng galit at ng hinanakit. Hinanakit para saan? Dahil ba sa aking ginawa? Siyempre iyon pala ang puno't-dulo ng lahat kung bakit nangyayari ito. He never tried to forget and forgive. Ganon katigas ang kanyang puso sa akin. Na para bang wala kaming pinagsamahan. Na parang hindi ako naging parte ng kanyang buhay.
"But I'm your wife.." Sobrang hina na bulong ko sa hangin. Wala akong lakas ng loob na sabihin iyan sa kanyang harapan. Ayaw na ayaw niya iyon marinig mula sa akin. Na para bang diring-diri siya. And that fucking hurts.
"Ano?!" he gripped my hand forcefully. Sa sobrang higpit nun ay alam kong mag-iiwan iyon ng marka.
Umiling ako at saka nag-iwas ng tingin sa kanya. Ayaw na ayaw ko kapag ganito siya. Mas maganda na lang yung hindi niya ako kinakausap kaysa ganito. Ngayon lang naman siya ganito. At natatakot ako. Afraid that this situation will get out of hand. Lalo at lasing siya.
"Tama na. Nasasaktan mo na ako!" Hinila ko ang aking braso palayo sa kanya at marahang minasahe ang parteng masakit.
"Do you think I will love you like you want me to?" puno ng disgusto na sabi ng lalaki sa akin. "Kahit anong gawin mo, I will never even like you. Mas gusto ko pang mambabae kaysa makita ang pagmumukha mo! You ruined my life, alam mo ba iyon?"
"Stop it. Oo ako na ang may kasalanan. Kaya please, tapusin na natin itong away na ito," makaawa ko. Hindi ba niya nakikitang nasasaktan na ako? Ganun na ba siya kasama at wala man lang siyang pakialam sa aking nararamdaman? I made one mistake, not for me but for him, and he'll treat me like this?
He sarcastically laughed. "Bakit? Bakit ako titigil? Nasasaktan ka ba? Serve you right. I told you many times to back out but you didn't. Ano masaya ka na?"
"Bago tayo naging ganito ay sana maalala mong magkaibigan muna tayo," paalala ko sa kanya.
I bit my lower lip to stop my tears from falling ngunit trinaydor lang ako ng aking mga mata. Tinanong ko lang naman siya kung saan siya nanggaling at bakit lasing na naman siyang umuwi. I'm not the type of woman that nags. Nag-aalala lang naman ako para sa kanya. At ngayon naalala ko kung paano kami nagsimula. Iyon ang masakit para sa akin. Nawala iyon ng parang isang bula dahil sa isang pagkakamali.
Hindi na ako sumagot. Pakiramdam ko ay sasabog na ang aking dibdib dahil sa sobrang sakit. I could feel like I'm having an asthma attack in a moment dahil parang sumisikip ang aking dibdib kaya tinalikuran ko na lang siya. I badly need my inhaler. As seconds pass by ay parang lumiliit ang aking mundo.
Agad niyang hinigit ang aking braso at pinaharap ako. "Wag na wag mo akong tatalikuran! Now, you're acting like you're the victim again. Ang galing mong magpaikot din, noh? Dahil sa iyo kaya ako naging ganito!" Then, he slapped me.
He fucking slapped me.
I froze where I stood at wala sa sariling hinaplos ang aking nasampal na pisngi. I tried to calm myself. I tried to breathe in and to breathe out. Gusto kong kumawala sa kanyang pagkakahawak ngunit ayaw niya akong pakawalan. "M-my inhaler," mahinang pakiusap ko sa kanya. Napaupo na lang ako sa sahig because I feel like oxygen on my veins is getting thinner and thinner. Binitiwan niya ang aking kamay. Akala ko ay kukunin niya ang aking inhaler but he just stared me at hindi man lang siya gumalaw.
Kung pwede lang ako tumakbo ngunit pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng lakas. Akala katapusan ko na ngunit may isang lalaking lumapit sa akin. "Eevie, please calm down. Hey, open your eyes. Dude, get her fucking inhaler!" nag-aalalang sigaw nito.
He just stood there.
"Shit! Ano pang ginagawa mo diyan. Gusto mo ba talaga siyang mamatay?!"
"Hindi ko alam kung nasaan..."
He cursed and held my hand. "Can you tell me where is it, Eevie? Please? I'm here to help you."
Huminghap-singhap ako pero nilakasan ko ang aking loob para makapagsalita. "B-bedside t-table," mahinang bulong ko sa kanya. I tried to open my eyes and when I saw Trev ay alam kong ligtas na ako.
Rinig ko ang mabilis na yabag palayo sa akin.
After some time, he gave me my inhaler. At nang maramdaman kong gumanda ng kaunting ginahawa sa aking paghinga ay hinayaan ko na lang na lamunin ako ng kadiliman. Kadiliman na walang katiyakan. Kadiliman na para bang mas magandang puntahan na lang.
***
I was snapped back from reality when I felt Alexus hand on mine. "Babe, are you okay?"
Akmang tatango ako nang bigla akong nakaramdam ng hilo at hindi ko na alam kung ano ang mga sumunod na nangyari.