"Gussion, Gussion.. Mag-almusal ka na para gumaling kana" utos at pakiusap ni Gin skay Gussion habang nakataklob ito ng kumot sa buong katawan niya.
Makalisap ang ilang minutong paggising ni Gin kay Gussion ay ginulat siya nito. "Ha!!" at nagulat si Gin sa kanya't natuwa.
"Haha, maayos na ba pakiramdam mo, Gussion?" nakangiting tanong ni Gin sa kanya.
Biglang tumayo si Gussion sa harapan niya at umatras ng ka-unti, sinipa niya ito sa mukha pero ng straight pero 'di umilag si Gin dahil sinadyang 'di talaga patamaan ito ni Gussion.
"Woah, haha malakas ka na pala ahhh" pambobola nito sa kanya at pikit mata niya itong sinagot.
"Syempre naman kuya, ako pa?" pikit matang sagot nito sa kanya.
"Kumain ka na muna, may pupuntahan lang ako. Tsaka bukas ka nalang pumasok, late ka na rin naman eh" dagdag sabi pa ng kuya niya.
Agad na kinain ni Gussion ang lugaw at agad niya rin itong inubos. Ilang minuto na ang nakalipas pero 'di pa rin bumabalik ang kuya nito. At biglang may kumatok sa gate nila.
Si kuya ba 'yon? O si kuya Lann? Ahh, bahala na. Sabi pa nito sa isipan niya at agad siyang lumabas.
"Sino po sila!" sabi ni Gussion sa gate pero hindi sumagot ang tao na nasa labas.
'Di yata siya sasagot, 'wag na nga lang, mga bata lang siguro 'yun. dagdag sabi pa nito sa isipan niya.
Ng pabalik na sa loob ng bahay si Gussion ay biglang sumulpot sa kanya ang Hooded na tao at pinatulog ito.
"Kuyaaa—" sigaw ni Gussion bago ito nawalan ng malay.
Pag-uwi ni Gin ay agad niyang hinanap si Gussion. "Gussion.. Gussion.. Hayyy naglalaro nanaman siguro 'yun, kakagaling lang sa sakit ehhh." hindi na nito pinansin ni Gin at nagluto nalang. Ng matapos nitong mag-luto ay muli niyang hinanap si Gussion hanggang sa may nakita siyang papel na walang ibang nakasulat kun'di ay letter 'D' lang.
"Darkkk!" bulong ni Gin sa sarili niya at naalala niya na nilagyan pala niya ng letter O si Gussion bago pa siya umalis.
Nag-bihis villain si Gin at agad na nag-teleport kay Gussion.
Grrrr, kakagaling lang sa sakit ni Gussion. Ang sama' mo talaga!. Sabi ni Gin sa isipan niya habang nakatingin sa bantay at sa isang clone ni Dark habang si Gussion naman nakakulong sa isang malaking kulungan at walang malay.
Agad na nag-clone ng lima si Gin at kinalaban nila isa-isa ang bantay. Hanggang ang totoong Gin at clone ni Dark ang naglaban. Sinaglit lang ni Gin, ginamit niya lang ang mata niya at tiningnan ito ng diretso at naglaho.
"Gussion, aalis na tayo!" paggising ni Gin sa kapatid niya at pinakawalan niya ito.
"Kuyaa" ng nakawala na si Gussion ay nakita nila ang totoong Dark.
"Gin, sa'n ka pupunta? Ayaw mo bang mapapawis sa'kin?" payabang na sinabi ni Dark sa kanila. "Tutal, nung bata pa tayo huling naglaban? Muntik mo na nga ako mapatay nun 'di ba?" dagdag sabi pa nito.
Nakatingin lang ng seryoso si Gussion at Gin kay Dark. "Kuya, sino ba siya? Ba't ka niya kilala?" tanong ni Gussion sa kanya at hindi ito pinansin ni Gin na parang wala lang.
"Gin, kaibigan ko, ba't 'di mo kase sinabi sa kanya ang tungkol sa atin? Kung anong klaseng pagkakaibigan ang meron tayo dati?" dagdag pagmamayabang pa nito. "Gussion, hayaan mong ako ang magkwento sa'yo ng tungkol sa'ming dalawa—" 'di naipagpatuloy ni Dark ang pagsasalita niya ng sinigawan siya ni Gin.
"TAMA NA! 'Wag mong dumihin ang utak ng kapatid ko!" sigaw ni Gin sa kanya at agad niyang inatake ito.
Mag-kasing lakas silang dalawa lahat walang tinatamaan ng atake, hanggang sa natamaan na si Dark at tumalsik ito.
"Agh!" sigaw ni Dark at tumama ito sa pader. Ginamitan ng kapangyarihan ni Dark si Gin na asul na apoy, nakakailag ito kahit papa'no. Walang daplis, walang galos, lahat naiilagan. Hanggang sa lumaban ng patas si Gin at nilabanan niya ito gamit ang itim na apoy at napaatras si Dark sa mga ginagawa nito sa kanya.
Hanggang sa natrap na ito sa illusion ni Gin, hindi makagalaw si Dark na halos nangangatog na, habang si Gussion naman ay nanonood lang sa kanila at namamangha sa kuya niya. Hindi ginamit ni Gin ang zone states sapagkat ang ginamit nito ay ang Own Eye States nito. Nang na-trap na si Dark ay agad niyang hinawakan si Gussion at nag-teleport ulit sa bahay nila, nawala agad ang epekto ng illusion ng umalis ito.
"Gin!" sigaw nito at hinawakan siya ng master niya.
"Dark, 'wag ka magpadalos-dalos, 'di mo parin siya kaya hanggang ngayon. Kailangan mo pa ng maraming kapangyarihan."
"... Opo, master!" maamong sagot nito sa master niya.
"Gussion, ok ka lang? Wala ba silang ginawang masama sa'yo? Sinaktan ka ba nila? Ano?! Sumagot ka?!" sunod-sunod na tanong ni Gin kay Gussion.
"Ehem, kuyaaa, wala naman silang ginawa sakin na masama eh. Sandali! Sino ba yung lalaking 'yun, kuya?" seryosong tanong nito sa kanya at napatulala ito.
Dapat ko na bang sabihin sa kanya? Siguro ito na 'yung tamang panahon para sabihin ko sa kanya. Sabi ni Gin sa isip niya habang nakatingin sa mga mata ni Gussion na nagmamaka-awa sa kanya.