Makalipas lang ang ilang araw balik na ulit sa normal ang lahat na parang walang nangyaring ano man, tulad pa rin ng dati.
Napakiusapan niya si Joaquin na h'wag na lang palakihin ang problema. Kahit batid niya ang pagkadisgusto nito sa naging desisyon niya na basta na lang kalimutan ang nangyari.
Sinabi naman niya kay Liandro at Joseph na aksidente lang na nadulas siya sa pool habang nag-uusap sila ni Mandy.
Ganu'n lang kasimple at agad namang naniwala ang mga ito at hindi na rin nag-usisa pa.
Naging sobrang abala na rin siya ng mga sumunod na araw. Para sa Grand opening day ng shop na gaganapin ngayong araw mismo.
Maaga siyang gumising upang makapaghanda. May konti man siyang kaba na nadarama, ngunit mas higit ang nararamdaman niyang excitement sa mga magaganap.
Ang ribbon cutting na gagawin sa ganap na ika-sampo ng umaga. Pero ang programa ay nagsimula kanina pang alas otso ng umaga.
Ito ang unang araw na bubuksan na ang Angelle's Food Shop Cakes and pastry supplies.
Bukod sa Dine-in at Take-out, nagsu-supply din sila in any occasions ng Cakes at iba't-ibang klase ng Pastry products.
Actually, marami na silang tanggap na order slips hindi pa man nagbubukas ang shop.
Open din kasi sila online nagpamigay na rin sila ng mga polyeto o pamphlets at nagkabit ng mga streamers at banner sa iba't-ibang lugar para ipromote ang shop. Bago pa man ang takdang araw ng pagbubukas nito.
Hanggang sa dumating na nga ang araw na kanilang hinihintay.
Narito na rin ang lahat ng miyembro ng pamilya, maging si Maru' na hindi n'ya napapansin lately. Ngayon tila ba gusto rin yata siyang suportahan.
Ang totoo gusto rin naman niya itong makasundo at maging kaibigan. Ito lang naman talaga ang tila napakalayo sa kanya.
Pero kahit paano masaya s'ya na kasama n'ya ito ngayon sa isang mahalagang araw na ito sa buhay niya.
Kung minsan hindi rin n'ya talaga maintindihan ang sarili. Dahil kahit pa hindi talaga sila magkasundo hinahanap-hanap pa rin niya palagi ang presensya nito.
Magmula nang makita at makilala niya si Maru'. May mga pagkakataon pa nga na parang nais n'ya itong yakapin. Kapag matagal na hindi n'ya ito nakita.
Ngunit palagi n'yang pinipigilan ang sariling gawin iyon. Dahil hindi n'ya gustong mabigyan ng malisya ng ibang makakakita.
Lalo na at lalaki pa rin ito bukod pa sa napaka misteryoso nito sa kanyang pakiramdam.
Saglit muna n'ya itong nginitian at ngumiti rin naman ito sa kanya at bahagyang tumango. Pero tulad pa rin ng dati paiwas at nanatiling mailap pa rin sa kanya.
Kahit pa ilang buwan na rin naman mula ng dumating siya at nanatiling magkasama sila sa iisang bahay. Dapat sana kahit paano relax na sila sa isa't-isa pero iba ang isang ito. Bulong pa niya sa sarili.
"Hey! What is that, face for?" Si Dorin na kadarating lang ng mga oras na iyon. Kasama nito ang amang si Dr. Darren at asawang si Aaron na kausap na ngayon ni Liandro at ng magkapatid at magpipinsan.
Hindi pa naman ito huli may tatlumpong minuto pa naman bago pasimulan ang ribbon cutting ceremony.
Saka kasalukuyang nagsasalita pa ang emcee para i-announce na magsisimula na ang blessings ceremony ng shop.
Kanina s'ya ang unang nagbigay ng speech at nagpasalamat sa lahat ng dumalo. Buti na lang naitawid naman n'ya ng maayos ang pagsasalita sa harap ng lahat kahit puno s'ya ng kaba. Pero ngayon kahit paano panatag na siya.
Nag-imbita rin kasi sila ng Guest speaker na katatapos lang ding magsalita. Isang babaing politiko na kilala rin bilang magaling at matagumpay na negosyante.
Kinalabit pa siya ni Dorin sa pag-aakala na hindi n'ya ito narinig o naintindihan. Dahil na rin sa hindi n'ya pagpansin sa sinabi nito.
Bahagya lang kasi n'ya itong nginitian at nagpatuloy lang s'ya sa pagtingin sa paligid at pagtutok sa nagsasalita sa stage.
Patapos na rin kasi ang maikling programa sa ginawa nilang stage sa mismong harap ng shop.
Ito sana ang p'wedeng gawing parking space ng mga sasakyan ng mga pupunta sa shop.
Pero pansamantala muna nilang ginamit para sa maikling programang ito ngayong unang araw ng pagbubukas ng shop.
"Ang layo na yata ng lipad ng isip mo ah'?"
"Hindi naman medyo na-oover whelmed lang ako sa paligid. Hindi ko akalain na narito na ako ngayon. Para akong kinakabahan na excited pero ang sarap at ang saya sa pakiramdam. Tingnan mo lahat kayo nandito."
"S'yempre naman dahil sa libreng milk tea ano ka ba ang sarap kaya!" Natatawang saad nito sabay sipsip nito sa hawak na frappé na kinuha nito sa nagseserve kanina bago pa ito lumapit sa kanya. Habang kape naman ang iniinom ng iba.
Napangiti na lang s'ya dahil sa sinabi nito. Hanggang sa sabay pa silang napatingin sa gawi ng stage. Dahil sa announcement ng emcee para sa lahat.
"Okay, Ladies and Gentlemen may I have your attention please? I would like to announce to all of you na patapos na po ang ating programa upang bigyan naman ng daan ang oras na pinakahihintay ng lahat sa araw na ito. Ngunit bago ang lahat, maaari po ba na tayo muna ay pumikit at mag-usal ng isang maikling panalangin. Let's pray..."
Nagsimulang pumikit ang lahat at umusal ng panalangin.
Makalipas lang ang ilang saglit sinimulan na nila ang cutting ceremony. Hudyat na bubuksan na ang food shop para sa lahat.
Walang pagsidlan ang kanyang tuwa ng mga sandaling iyon. Maraming mga customers ang dumating sa shop. Kahit pa may mga customers na nakiusyoso lang at tumingin-tingin lang sa shop marami pa rin ang talagang bumili.
Halos maubos ang stock nila sa buong maghapon. Maganda ito para sa nagsisimula pa lamang nilang negosyo.
Naging sobrang abala sila sa buong maghapon kaya hindi na nila namalayan ang pag-usad ng mga oras.
Kanina matapos ang official na pagbubukas ng shop.
Sunod-sunod ng nagpaalam ang lahat ng dumalo at sumoporta sa kanya kasama na ang kanyang pamilya.
Naging matagumpay ang lahat dahil sa tulong ng mga kaibigan at pamilya niya. Pero dahil may kanya-kanya ring obligasyon ang bawat isa kaya iniwan na rin s'ya ng mga ito. Matapos na masiguro na kaya na niyang mag-isa.
Lumipas nga ang maghapon na hindi na n'ya namalayan. Gabi na pala at kailangan na rin nilang maghanda sa pag-uwi.
Kahit paano gamay na niya ang pagma-manage ng shop kaya mas kakayanin na niya sa mga susunod pang mga araw.
Nariyan din sila Alyana at Diane na malaking tulong rin talaga sa kanya. Dahil nagkakatuwang sila sa lahat ng gawain sa shop.
S'yempre sa tulong na rin ng mga staff at crew. Mukha namang magkakasundo silang lahat wala s'yang masabi. Sinabihan na rin n'ya ang lahat na magmemeeting muna sila bago magsiuwi. Gusto muna kasi niyang personal na pasalamatan ang mga ito.
_
Gaya ng ipinagbilin niya naroon pa rin silang lahat kahit sarado na ang shop. Eksaktong alas siyete ng gabi nagsara na sila.
"Okay guys, lapit na kayo dito. Alam kong pagod na tayong lahat at maaaring gusto ng makauwi at makapagpahinga. Konti lang naman ang sasabihin ko. Una sa lahat gusto kong pasalamatan kayong lahat. Dahil naging maganda at maayos ang unang araw natin dito sa shop. Maraming salamat sa inyo guys at s'yempre umaasa ako na ipagpapatuloy n'yo kung ano ang ating nasimulan. Kailangan nating magtulungan para sa mas ikagaganda pa at ikabubuti ng shop. Ipagpatuloy n'yo lang ang maganda n'yong gawain at sigudong wala tayong magiging problema. At kung magkakaroon naman ng problema h'wag kayong mag-atubiling sabihin sa'kin at nang mapag-usapan natin agad. Nagkakaintindihan ba tayo?"
"Ma'am yes, ma'am!" Iisang sagot ng lahat.
"Okay! May gusto ba kayong sabihin any suggestions, request or what else?" Tanong niya.
"Ma'am?" Sagot ni Alyana ng walang ibang gustong magsalita itinaas pa nito ang kanang kamay.
"Yes Alyana?"
"Yun nga palang requested nila kanina, another stand sa pantry at saka ekstrang tray at oven."
"Oo nag-order na ako baka bukas na 'yun ideliver. Baka meron pa tayong kulang na gamit? Basta ipaalala n'yo lang sa akin para hindi ko makalimutan. Okay?"
Itinuloy na n'ya ang pagsasalita ng walang kumibo.
"Paano? Bukas na lang ulit siguradong pagod kayo ngayon. Yung mga papasok ng maaga bukas ha? May mga stock pa naman tayong magagamit bukas no? Baka kasi medyo tanghali na 'yun delivery ng goods. Dapat bago maubos ang stock may delivery na tayo. Okay?"
"Opo ma'am ako na bahalang magcheck palagi!" Sagot naman ni Diane.
"Okay na uwi na tayo!"
"Si ma'am nagmamadali umuwi siguro may date?" Biro pa sa kanya ni Diane.
"Baka nga ah?" Dugtong pa ni Alyana.
"Ano bang date? Hindi pa ba kayo pagod, ako pagod na kaya wala nang date-date kayo d'yan!"
Hanggang sa isa-isa na silang lumabas at tuluyan ng isinara ang shop.
Paglabas nila ng shop lalong lumakas ang ugong ng mga kantyaw at katuwaan ng lahat...
Nagulat na lang s'ya sa biglaang pagsulpot ng kanyang anak na si VJ sa kanyang harapan.
Habang hawak nito sa dalawang kamay ang isang pumpon ng napakagandang bulaklak. Isang pumpon ng pulang rosas ang patingkayad na iniaabot nito sa kanya.
Dahil dito tila ba bigla na lang napawi ang pagod niyang pakiramdam.
"Good evening, Mama! For you po, pinabibigay ni Daddy." Nakangiting wika nito.
"Uy! Si ma'am wala daw date..." Biro ng isa sa mga staff. Dahilan kung kaya't lalong umugong ang tawanan.
"Huuuu!" Iisang kantyaw ng mga ito.
Lalo na nang dahan-dahan lumakad palapit ang lalaking kanina pa pala nakatayo at prenteng nakasandal lang sa sasakyan habang nakatingin sa kanila.
Hanggang sa nagpasya na nga itong lumapit na, na lalo pang nagpalakas ng hiyaw at kantyaw ng mga tao niya.
Napaawang na lang ang kanyang bibig at walang ano mang salita ang namutawi sa kanyang labi.
Habang lumalapit si Joaquin sa kanila na naka-plaster na yata ang ngiti sa labi. Idagdag pa ang napakagwapo nitong aura ng gabing iyon.
Kahit pa sa simple lang nitong suot na gray v-neck shirt na hakab sa katawan na pinatungan nito ng off white hoody jacket at tinernuhan ng slash jeans.
Kaya naman nagmukha na naman itong teenager sa suot nito ngayon. Hindi naman kaya magmukha naman s'yang sugar Mommy nito. Dahil para namang dalawang bata ang kasama n'ya ngayon? Bulong niya sa sarili.
Hindi tuloy niya namalayan na napasimangot na pala s'ya...
Biglang pagpindot ni Joaquin sa kanyang ilong ang gumising sa kanyang diwa. Lalo pa tuloy s'yang kinantiyawan ng mga tao niya.
"Hep! Hindi ba uuwi na kayo? Uwi na kayo gabi na, sige na bukas na lang ulit!"
Pagtataboy na niya sa mga ito baka kasi kung saan pa mapunta ang usapan, mahirap na! Naisip niya.
"Si Ate Gelay talaga pa-secret pa halata namang in love." Si Diane na sinabayan ng pagtawa.
Pinandilatan naman n'ya ito ng mata. Kaya sabay-sabay ulit nagtawanan ang lahat. Pero sa huli sunod-sunod na rin ang mga itong nagpaalam.
"Sige na uwi na kami para wala ng istorbo. Enjoy your date ma'am, sir! Bye boss VJ..."
"Ba-bye ingat po kayo!"
Tanging tango naman ang isinagot ni Joaquin sa mga ito. Maya maya s'ya naman ang hinarap nito.
"Hey! Bakit ba nakasimangot ka kanina ha? Hindi ba ako gwapo sa paningin mo ngayon? Naligo naman ako ah', hindi naman ako mabaho kaliligo ko nga lang... Pero bakit dumating lang ako sumimangot ka na, parang hindi yata ako ang inaasahan mong makita?!"
Bagama't halatang may tampo pero nakangiti pa rin naman ito sa kanya.
"Hmmm, kaya nagtatampo ka? Pindutin mo ba naman ang ilong ko sa harap ng mga tao ko, kainis ka ha!" Sabay irap niya dito.
"Buti nga hindi pa kita hinalikan sa harap nila mas gusto ko nga 'yung gawin."
"Eh' bakit hindi mo ginawa 'yun pala ang gusto mo?"
Hamon niya sa binata, na nakapagpataas ng kilay nito.
"Gusto mo ngayon na lang oh' p'wede pa namang ihabol madali naman akong kausap." Sabay kindat pa nito sa kanya.
"Hay! Naku Joaquin umuwi na nga tayo gabi na. Bakit pala kayo ang sumundo sa'kin?"
"Sabi ko na nga ba hindi kami ang gusto mong sumundo sa'yo at hindi 'yun dahil sa ilong mo. Nakasimangot ka na talaga!"
"Ang arte ng Daddy mo, halika na nga anak umuwi na tayo iwan na lang natin 'yang Daddy mo!"
"H'wag Mommy kawawa naman si Daddy binigyan ka nga niya ng flowers eh'..."
Saka lang n'ya naalala ang hawak niyang bulaklak na kanina pa niya kipkip sa kanang kamay.
Naenganyo pa s'yang bahagyang ilapit sa ilong ang bulaklak. Nang bigla na lang s'yang napangiti. Kilala n'ya ang amoy nito ang paborito nilang cologne.
"Mabango ba?"
"Mukhang pinagsamantalahan n'yo 'yun pabango sa bahay ah'?"
"Hihihi! Konti lang po Mama para magustuhan mo! Kasi para kasing bango na namin 'yan ni Daddy. Pareho na kami ng pabango ni Daddy." Pagmamalaki pa nito.
"Mukha nga, teka uuwi na ba tayo o ano?"
"S'yempre uuwi na, ano bang akala mo yayain pa kitang magdate? Ayoko nga binigyan na kita ng bulaklak kaya okay na 'yan, let's go na!" Saglit pa nitong kinindatan ang anak.
Medyo nakaramdam s'ya ng pagkapahiya. Eksakto kasing 'yun talaga ang naisip niya kanina ng makita niya itong naghihintay sa kanya.
Pero dagli rin naman niyang pinalis ang pagkabigo sa kanyang isip... Eh' ano naman kung hindi sila magdate?
Kinuha naman nito ang mga bitbit niyang gamit pati na ang kanyang bag. Maliban lang sa bulaklak niyang hawak at iginiya na sila nito pasakay ng dala nitong sasakyan.
_
Eksaktong 7:30 ng gabi ng dumating sila sa bahay. Maikli man ang byahe dahil malapit lang mas naging komportable naman sila at masaya. Dahil sa pagiging makwento ni VJ sa sandaling lumipas.
Halatang nalilibang ito ng husto at kita rin sa mukha nito ang saya na kasama silang dalawa. Parang isang pamilya.
Parang hindi ito nakakaramdam ng antok? Masigla pa rin ito hanggang sa mga oras na iyon.
Nang nasa harap na sila ng bahay parang nag-atubili pa siya sa pagbaba. Bigla niyang naalala ang sitwasyon nila. Nakahalata naman agad si Joaquin sa kilos niya.
"H'wag kang mag-alala wala naman silang lahat. Kahit ang Papa kasama ni Ninong Darren. Baka bukas na daw ang uwi nila si Kuya Joseph naman at si Maru' alam mo na nagsisimula na project nila kaya next week na ulit ang uwi nu'n! Kaya ibinilin sana ni Papa na du'n na lang kayo matulog ni VJ kila Dorin. Pero tinawagan ko na siya na dito na lang kayo matutulog kasi nandito naman ako. Kaya sabi ni Dorina s'ya na lang daw ang bahala kapag tumawag si Daddy du'n!"
"Ganu'n ba?"
"Oo kaya bumaba ka na, o gusto mong buhatin kita..."
"Bababà na ako!" Nagmadali na nga siya sa pagbaba. Baka kasi totohanin nga nito ang sinabi.
"Pambihira naman natatakot ka bang buhatin nga kita?"
Nakangising saad pa nito sabay akbay nito sa kanya habang akay niya si VJ.
"Narito na pala kayo!" Bati ni Nanay Sol ng makita silang lumabas na nang sasakyan.
"Good evening po Kuya, Ate!" Si Didang na kusang kinuha ang mga bitbit ni Joaquin at ito na ang nagdala.
Kapansin-pansin na hindi man lang nagulat o nagtanong ang mga ito. Kahit pa halatang very close sila ngayon.
Kahit pa nakakaramdam na siya ng pagkailang. Tila ba natutuwa pa ang mga ito sa nakikita sa kanila. Alam ba ng mga ito ang tungkol sa kanila?
Naguguluhang tanong ng kanyang isip. Saglit pa s'yang napatingin kay Joaquin sa nagtatanong na mga mata.
Ngumiti lang ito bilang sagot...
"Mommy halika na gutom na'ko!"
"Alam ko na kung paano tayo mabibilis sa pagpanhik anak!"
"Paano po Daddy?"
"Ganito... Ooops!"
_
Nahigit niya ang kanyang paghinga kasunod ng kanyang pagtili. Dahil sa gulat ng walang kahirap hirap ng bigla na lang s'yang buhatin ni Joaquin.
"Yes!" Dinig pa niya ang naging reaksyon ng kanyang anak.
Nang nahamig na niya ang sarili.
"Joaquin ano ba? Ibaba mo nga ako, Joaquin!" Sigaw niya dito.
"Ang arte naman ni Mommy pero gusto naman n'yang magpabuhat hindi ba anak?"
"Mommy, behave ka na!"
"Ano?"
"HAHAHAHa" Malakas na napatawa si Joaquin dahil sa sinabi ng anak.
Hanggang sa makarating sila sa itaas at deretso sila sa Veranda.
Ibinabà lang s'ya nito ng nasa bungad na sila ng Veranda.
Ang buong akala n'ya tapos na ang panggulat nito may kasunod pa pala...
Namangha siya sa tanawing bumungad sa kanyang kaharapan.
May nakikita s'yang lamesa na may tatlong upuan. Naliliman itong ng isang manipis na tela na ginawang tent.
Sa bawat poste nito may mga nakapaikot na bulaklak na mukhang matiyagang inayos kung kaya't nagmistula itong isang magandang arko.
May mga bulaklak ding sadyang inayos at ikinalat sa paligid.
Biglang gumaan ang kanyang pakiramdam dahil sa nasilayan ng kanyang mga mata.
Maya maya inakay s'ya ng mag-ama sa tabi ng table at inalalayan na makaupo.
"Mama, d'yan ka lang ha!"
"Hmmm, ano naman kaya ang pakulo n'yo ha?"
"Basta relax ka lang d'yan Hon, kami na ang bahala! Siguradong napagod ka sa buong maghapon kaya kami naman ang magsisilbi sa'yo ngayon, okay?"
"Sige nga, pero teka sandali may kakainin naman ba tayo?"
Tanong niya na mababakas sa mukha ang saya sa sandaling iyon.
"S'yempre naman po Mama, nagluto kasi kami ni Papa..."
"Ow, talaga?"
"Maghintay ka lang... okay narito na pala sila!"
Napalingon s'ya sa direksyong tinitingnan nito. Si Nanay Sol at Didang na tulak tulak ang isang Cart na sa hinuha niya ay mga pagkain.
"Bakit hindi na lang tayo sa ibaba kumain para hindi na napagod sila Nanay na magpanhik."
"Naku, ang batang ito ayos lang 'yun!"
"Nakakatuwa nga po ang mag-ama Ate eh' kung nakita mo lang sila kanina." Sabat naman ni Didang na hindi na napigilan ang sariling hindi magsalita.
"Pambihira na-spoil n'yo na ang sorpresa namin ng anak ko ah'!"
"Ay! Oo nga, sorry po Kuya."
"Oh' s'ya mabuti pa maiwan na namin kayo at nang makakain na kayo. Baka hindi pa mapigilan ang kadaldalan ng isang ito."
"Sige po Nay, salamat!"
"Tutulungan ko na kayo nagugutom na rin ako."
"D'yan ka lang maupo ka lang kami na bahala dito."
"Hihihi, relax ka lang po Mama. Kami bahala ni Papa!"
"Oh' s'ya sige na nga!"
Isa-isang inayos ng mag-ama ang mga pagkain sa mesa. Hindi pa niya natitikman pero langhap na niya ang mabangong amoy nito.
Bigla tuloy s'yang nakaramdam ng gutom kahit kanina pa s'ya walang gana sa pagkain. Simple lang ang niluto ng mag-ama pero nasasabik na s'yang matikman.
"Ito 'yung gusto ko sanang gawin noon sa first date natin noong nasa Venice pa tayo. Pero hindi ko nagawa dahil nahirapan talaga ako. Kailangan lang pala na ang anak mo ang maging katuwang ko para magawa ko ito. Mukhang marami ka nang naituro sa kanya kahit sa napakabata pa niyang idad."
"Sadyang matalino lang talaga 'yang anak mo. Saka s'ya kaya ang audience ko at No.1 fan ko sa tuwing ako ay magluluto. Kaya alam mo na kung kanino s'ya magmamana someday? Hindi sa'yo sa'kin no!"
"P'wede naman s'yang maging accountant chef basta h'wag lang architect." Makahulugang salita nito.
"Hmmm, ayaw mong magmana s'ya sa Lolo n'ya?"
"Si Papa nagtapos lang ng Architecture pero mas nahilig s'ya sa pagpapayaman ng lupa at negosyo. Pero hindi pa s'ya nakabuo ng bahay!"
"So ano naman ang problema kung maging Architect s'ya?"
"Dahil ako ang ama n'ya at saka basta ayoko!"
"Hmmm!"
"Mama, Papa ang gusto ko po maging Doctor!"
"ANO?!"
Sabay silang napalingon at sabay ring nagtanong...
"Hihihi! Joke lang..." Wika nito habang naka-sign peace ang daliri. "Nag-aaway kasi kayo eh' kaya kay Lolo Darren at Tita Dorin na lang ako magmamana."
Tila bigla namang natauhan ang dalawa. Napahinga na lang ng malalim si Joaquin sabay gulo ng buhok ng anak.
"Saka na lang natin isipin 'yun anak bata ka pa naman. Kung anong gusto paglaki mo ikaw pa rin ang masusunod anak. Basta kung saan ka masaya?"
Ngumiti lang ito at tumango kahit pa hindi nito nauunawaan ang lahat ng sinabi ng ama.
"Basta mag-aaral kang mabuti anak ha? kahit totoo gusto mong maging Doctor kailangan gagalingan mo ang pag-aaral. Naiintindihan mo ba?"
"Opo, Mama mag-aaral po akong mabuti para maging matalino ako katulad ni Daddy at saka gagalingan ko para katulad mo din mo din ako Mama."
"Tama 'yan anak! Ngayon pwede na ba tayong kumain. Bago pa lumamig itong niluto n'yo mukhang masarap pa naman."
"Okay kain na tayo!" Saad ni Joaquin.
"Yehey! Kainan na..."
Masaya silang nagsalo-salo sa pagkain ng gabing iyon na parang isang pamilya. Saglit muna nilang kinalimutan ang tunay nilang sitwasyon.
Masayang-masaya si Angela ng gabing iyon at alam niyang ganu'n din si Joaquin at higit sa lahat ang kanilang anak. Bakas sa mukha nito at sa masigla at matutunog nitong pagtawa.
Hindi tuloy niya naiwasang isipin na kung ganito lang sana kasimple ang lahat.
Kung p'wede nga lang hihilingin niya, na sana h'wag ng matapos pa ang lahat?
Kahit pa, wala nang dumating na bukas...
*****
By: LadyGem25
"GOD BLESS AND BE SAFE EVERYONE"
❤️ ❤️ ❤️