"Xander, may ibibigay ako." tumango lang ito bilang pagtugon habang busy ito sa mobile legends niya.
Nakakaba pero kinakailangan niyang malaman. Kung ano ang magiging desisyon niya ay ang katapusan.
"ito o..." Sabay abot ko sa pregnancy test.
Itinigil niya ang kakalaro at kunot noong tinignan ang pregnancy test.
"Dalawang linya. Positive." dagdag ko pero nanatili siyang walang imik at ngayo'y nakatingin na sa akin.
Dalawang minuto siyang walang imik at nakatingin sa pregnancy test at sa akin.
"Sino ang ama? Si Vince ba? Si Joey? Si Nathan? o si Amando? hahaha O baka si Jonathan." Pagbasag niya sa katahimikan.
Nanlumo ako sa narinig ko. Napaupo at napabuntong hininga. Di ko inakala na ganon ang magiging tugon niya.
"Bat ka nagpabuntis? O paano na yan. Di ka papanagutan ng mga yon. Kaya—"
"Paano kung ikaw yung ama." pagputol ko sa sinabi niya at hinarap siya.
Napatitig ito sa akin pero binawi niya agad at tinawanan ako.
"HAHAHA grabi yong joke mo ngayon Yeulie. Tawang tawa ako don. The best joker talaga tong best friend ko." naiyak na siya sa kakatawa at ako'y napaiyak narin sa sobrang sikip na ng puso ko.
"Tangina, naiputok mo sa loob ko yon Xander tapos sasabihin mong joke lang ito? Tangina ka pala e. Pareho nating alam na ginawa natin—"
"Sa dami ng lalaki mo. Sa dami ng nilalandi mo Yeulie. Sa tingin mo maniniwala ako?"
Ngayon ay sinabunutan ko ang aking sarili sa sinabi niya.
"Oo hindi na ako virgin. Pero puta Xander, ikaw yung sumunod nung kumuha ng virginity ko. Ikaw yung unang pumutok sa sinapupunan ko. Alam mo yun—"
"HINDI KO NA ALAM. Hindi ko na alam yung katotohanan Yeul." Pagputol niya sa akin.
Umiyak na ako ng umiyak. Humagulhol na ako dito samantalang hindi na din siya mapakali sa mga nangyayari.
"Yeul, bata pa tayo. Bata pa ako. 16 ka lang tas 17 ako. Hindi pa tayo handa." sabay hawak niya sa mukha ko at tinitigan ako.
"So ayaw mo. Sige." Tinanggal ko ang kamay niya sa pagkakahawak sa mukha ko.
Tumayo na ako at naglakad papuntang pintuan. Nanatili siyang nakaupo at nakatitig sa kawalan.
"Friendship over na tayo Xander. Pagiging ama nga di mo kayang panindigan, pagkakaibigan pa kaya natin?"
Binuksan ko ang pintuan at umalis ng umiiyak. Hindi ko inaasahan ang naging desisyon niya. Since Elementary namin best friend ko na siya. He promised to protect me and be with me sa mga decisions in life ko. Pero ngayon ay di niya ako sinamahan sa desisyong ito.
Hinimas himas ko ang paglalagyan ng anak ko. Baby, magpapatuloy pa ba tayo sa buhay nato? o sabay nating iwanan ang mundong huhusgahan tayo.
🥀