>Sheloah's POV<
Nakarating kami sa isang open space at nag set camp kami doon. Yung pinuntahan namin parang grass field lang, pero pumunta kami sa medyo malayo-layo na place, out of reach sa mga zombies. But still we will not let our guard down dahil kung tumagal kami rito, baka makita kami. Hidni naman kami sure kung wala talagang zombies na naglalakad sa lugar na ito kahit medyo malayo sa main road.
Nilapitan ako ni Isobel at niyakap ako. "Wala na ang iba nating classmates, babes…" sabi niya sa akin at umiiyak din siya. Ngayon niya lang alam ang news sobrang pagka busy niya at niyakap ko siya for comfort.
"Sorry, Isobel… hindi namin sinabi sa'yo agad dahil inaasikaso mo yung iba nating injured classmates. Baka 'di ka maka-focus." Sabi ko na lang sa kanya at patuloy parin siyang umiiyak. "Let's just pray and avenge for them." Dagdag sabi ko pa at pinunasan ko yung mga luha niy at nginitian ko siya ng unti. "You will be the best healer for all of us." I said finally at tumango siya habang nakangiti.
"Oo, Sheloah. 'Di ako susuko. Para sa ating lahat ang ginagawa kong ito." Sagot ni Isobel sa sinabi ko at nginitian namin ang isa't-isa.
Bumalik si Isobel sa iba naming kaklase at tumulong ako sa pag treat sa iba. Si Shannara in-assist niya kami at yung mga parents, nagluto ng simpleng dinner over the bonfire para sa aming lahat. Simpleng sopas lang daw ang gagawin nila, pero okay na 'yon. Sina Veon naman makikimeeting with my tito, Sir Erick, at ibang drivers. Si Josh, sinasamahan si Tyler. Na-injure ang right arm ni Josh dahil sa kakaprotekta ng iba naming kaklase pero alright naman daw siya. That's good to know.
Na-treat namin ni Isobel, Shannara at Glenda ang ibang patients at nag pahinga kami ng saglit. Nung natapos na ang lahat, kumakain kami ng sopas. Yung mga nag mi-meeting, kumakain habang nag uusap. Wala na raw time para umupo lang at mag relax. 'Yan ang sinabi nila kaya pinagbigyan na lang namin.
Natapos na akong kumain ng sopas at bigla akong tinawag. "Sheloah!" sigaw ni Veon at tiningnan ko siya habang iniinom ko yung tubig na hawak ko. He motioned me to get to them at binaba ko yung glass ko at pinuntahan ko sila.
"What's up?" tanong ko at patuloy parin silang kumakain at umupo ako sa isang box of hay at tiningnan ako ni tito, Sir Erick, Veon at ibang drivers. May isa kaming parent na kasama at tinabihan niya ako.
"Sheloah, ito kasi ang plano…" mag e-explain yung parent kaya tumahimik ako para pakinggan yung plano. "May bahay kami rito sa Tarlac. Yung bahay namin na 'yon, malaking cabin. Byahe tayo papunta roon para mas omfortable for the injured people, at gagawa nanaman tayo ng panibagong plano paalis dito once we get there." Explain niya at napatango ako. Ang nag volunteer ay tatay ni Dannie.
"Sige po. Kailan po ang alis?" tanong ko at tinabihan ako ni Veon.
"As soon as possible. Aalis tayo rito after an hour." Sagot ni Veon sa tanong ko at tumayo ako.
"Sige. I will inform the others. Kain lang po kayo. Kailangan natin ng lakas." Sabi ko sa kanilang lahat at nginitian ko sila and they nodded at me as they went back to eating their soup.
Thanks for reading my story! Please do rate my chapters, leave a comment or a review, send power stones, and add my story to your library. Recommending my story to your friends is appreciated, too! ^^