Tải xuống ứng dụng
25.64% Saving my Sunshine (tagalog) / Chapter 10: KABANATA 10

Chương 10: KABANATA 10

"PUWEDE BA, SUNSHINE, pakinggan mo naman ako!" madiin at iritang pahayag ko kay Sunshine. Palabas na ako ng pinto ng bahay bitbit ang sombrero, hoody jacket at shades ko. Papunta ako ng bayan para bumili ng igagamot sa mga natamong sugat ko at bibili na rin ng mga pang-ulam. Naubos na ang pang-isang linggong ulam-ulam ko. Akala ko nga aabot pa ng ilang araw ang mga pinamili ko, kaso hindi. Minsan kasi kumakain si Sunshine kasabay ko at 'di ko pa rin alam kung saan napupunta ang kinakain niya. Kanina, matapos kong malinis ang mga sugat ko, kumuha ako ng malunggay sa bakuran para ipanggamot. Naalala ko noong bata pa ako, 'yon ang ginagamot ni mama sa sugat ko tuwing nadadapa ako. Natakot pa akong lumabas kanina para kumuha ng dahon ng malunggay baka kasi nando'n pa ang multo o may iba pang atakehin ako – mabuti't wala na.

"Isama mo na ako, Lukas." May pagmamakaawa sa boses ni Sunshine. Ilang beses na niyang sinabi sa 'kin kanina na 'wag ko siyang iiwan at sasama siya sa 'kin sa labas. At ilang beses ko na rin sinabing hindi siya puwedeng lumabas dahil 'yon ang bilin ni Mang Pedro. Naisip ko tuloy na sana 'di na lang ako nagpaalam. Sa totoo lang kahit puwede pa siyang lumabas, parang ayaw ko talagang kasama muna siya. Siya ang dahilan kung bakit ako nabalot ng takot at nagtamo ng maraming sugat – dahil sa kanya, napahamak ako.

"Hindi nga puwede!" sigaw ko. Pero humakbang pa palapit sa 'kin si Sunshine.

"Hindi pa naman gabi, 'di ba? 'Di ba, nakalabas naman ako kahapon nang maayos? Naligo na nga tayo sa ulan, 'di ba?"

"Sunshine, kanina lang may multong sinaktan ako!" madiing pagpapaintindi ko sa kanya. Suwerte lang sigurong walang multo kahapon kaya walang umatake sa 'min habang naliligo kami sa labas na walang proteksiyong harang.

Natahimik siya saglit bago muling nagsalita. "Kaya nga natatakot akong mag-isa rito. Nagawa ka niyang saktan. Humihina na ang proteksiyon ng bahay na 'to. Pa'no kung makapasok siya? Isama mo na lang ako. Nawawala ang takot ko kapag nand'yan ka, Lukas."

"Pero natatakot ako kapag nad'yan ka. Ikaw ang dahilan no'n," diretsong saad ko kay Sunshine. "Pa'no kung mapahamak na naman ako? Pa'no kung atakehin ako o sugurin na naman ako ng isang multong galit, na ikaw naman talaga ang gustong kunin, pero ako ang napapahamak?! 'Yon ba ang tinatawag mong pagiging 'sinag' ko, ang isakripisyo ko ang sarili ko, ha, Sunshine?!" mas tumaas pa ang boses ko. Napabuntong-hininga ako. Kusa na lang lumabas ang kinikimkim kong inis sa mga pangyayari at ang mga gusto kong isumbat sa kanya. Noong isang gabi, natakot akong baka hindi ko magampanan ang pagiging sinag ko sa kanya at masagip siya. Pero ngayon, sa buhay ko na ako takot. Takot akong mamatay para sa kanya. Ang gulo ng utak ko! Ngayon kasi, may puwang sa puso kong nagsasabing tanggapin ko ang tadhana ko. Pero tadhana ko ba talaga 'to? Ang maranasan ang mga 'to? Kaya ba may iba akong kakayahan para rito?

"Patawarin mo 'ko," muling paghingi niya ng tawad na kanina niya pa ginagawa pagkalabas ko pa lang ng banyo matapos kong malinis ang mga sugat ko.

"Para akong magpapakamatay, para masagip ka lang. Hindi naman ata makatuwiran 'yon," dagdag ko pa.

"Sorry talaga. Patawad, Lukas..." pumatak ang mga luha niya. "Patawad talaga..." iniwas niya ang tingin niya sa 'kin.

Umiwas din ako ng tingin. Hinarap ko ang pinto at isinuot ko ang jacket, sombrero at shades. Lumabas ako nang maihanda ko ang sarili ko. Agad ko ring isinara ang pinto ngunit hindi ko mabitiwan ang doorknob. Malalim akong napabuntong-hininga. Hay, pambihira! Nabulong ko sa sarili ko. Mahinang inuntog ko ang noo ko sa pinto hawak pa rin ang doorknob

Binuksan ko ang pinto. Nanatiling nakatayo si Sunshine sa puwesto niya nang lumabas ako. Walang kibong hinawakan ko ang kamay niya at hinila ko siya palabas ng bahay hanggang palabas sa puwersang harang na proteksiyon ng bahay.

"Tayo na," mahinang sabi ko nang bitiwan ko ang kamay niya.

Humakbang na ako palapit sa gate, pero hindi ko naramdaman ang pagsunod ni Sunshine. Nilingon ko siya. Nahuli kong nakatingin siya sa 'kin tapos napayuko siya. "Sasama ka ba o hindi?" tanong ko.

"Sasama," mahinang sagot niya.

Hindi na ako umimik pa. Tinungo ko na ang gate at binuksan ito at agad ko namang isinara pagkalabas ko. Hindi ko na hinintay makalabas ng gate si Sunshine dahil alam ko namang tatagos siya. Nararamdaman ko ang pagsunod niya at nasulyapan ko siya sa gilid ng aking mga mata na nakasunod siya sa likuran ko sa bandang kaliwa. Inalerto ko ang sarili ko sa posibilidad nang biglang pagsulpot ng mga multo. Pinakiramdaman ko ang paligid, masuwerte namang wala akong maramdamang panganib.

Binagalan ko ang aking paglakad, hanggang sa magkatapat kami ni Sunshine. Nagkatitigan kami habang patuloy sa paghakbang ang aming mga paa. Sa totoo lang, parehas kami ng nararamdaman. Tulad niya, nawawala rin ang takot ko kapag nand'yan siya. Pero napapaiisip pa rin ako, kung tadhana ko ba talagang mapunta sa lugar na 'to at maging sinag niya – tadhana ko bang mapahamak para sa kanya? Hahayaan ko ba ang tadhanang kontrolin ang takbo ng buhay ko?

Sinulyapan ko siya, may pagbabanyang pumatak na mga luha mula sa kanyang mga mata. Alam kong inaalala niya pa rin ang nangyari sa akin. "Ayos na ako, Sunshine," mahinang sabi ko sa kanya at nagpakawala ako ng malalim at mabigat na hininga. Lumuwag ang pakiramdam ko nang masabi ko 'yon sa kanya. Ayaw kong may sino man na nahihirapan ang kalooban dahil sa akin. Mas pipiliin kong ako na lang ang mahirapan kaysa iba. Kaya nga nang nakitira ako sa bahay ng tito ko, pinili ko na lang bumukod dahil napapansin kong nagiging pabigat na ako.

Huminto sa paglalakad si Sunshine at napatigil din ako. Tinitigan niya ako at naramdaman ko ang taos puso niyang pag-aalala para sa kaligtasan ko at naramdaman ko rin sa kanya ang pagpapasalamat na maayos ako. Bigla niya akong niyakap. Naramdaman ko ang katawan niya. Ang init. Ang tila pintig ng puso niya na 'di ko mawari kung totoo o imahinasyon ko lang. "Sorry talaga, Lukas," tuluyan na siyang umiyak sa muli na naman niyang paghingi ng tawad.

"Okay na. Sorry, rin," humingi rin ako ng tawad sa kanya dahil alam kong hindi naman niya ginusto ang mga nangyari sa 'kin at natakot din siya tulad ko, pero sinumbat ko pa rin 'yon sa kanya. Sa totoo lang, nakakaramdam ako ng hiya sa kanya.

Muli kaming naglakad ni Sunshine. Sinabi niya sa 'kin, na kung puwede lang na ilipat sa kanya ang mga sugat ko, gagawin niya para lang wala na akong maramdamang sakit. Pero sabi ko, hindi na kailangan dahil malayo naman sa bituka ang mga sugat at sanay naman akong magalusan, at sisiw lang sa 'kin ang mga 'yon. Biniro ko pa siya na minsan na ngang nawasak ang puso ko, pero kinaya ko. Sabi ko pa, ii-enjoy na lang namin ang paglalakad namin dahil alam kong matagal niyang inasam 'to na makalabas ng bahay at masilayan ang paligid.

"Hindi ba nasasaktan ang paa mo?" tanong ko. Nakayapak lang kasi siya at mabato ang daan.

"Hindi," sagot niya. "Wala akong maramdaman."

Sa pagbagtas namin ng daan, sa bawat paghakbang namin ni Sunshine, may ngiting gumuguhit sa aming mga labi. Tatanggapin ko ang tadhana ko, dahil iyon din ang idinidikta ng puso ko. Pero hindi ko hahayaang ipahamak ako nito. Bawat isa sa atin ay may tadhanang nakalaan. Pero may karapatan din tayong paglaruan 'to at baguhin. Kaya nga may utak tayo para mag-isip sa tadhanang tatahakin natin.

***

NANG MARATING NAMIN ang simbahan na malapit lang sa palengke ng bayan, nagsisilabasan na ang mga nagsimba – hindi na naming naabutan ni Sunshine ang misa. Habang papunta kami rito, manghang-mangha si Sunshine sa mga nakikita niya. Kanina, habang nakasakay sa traysikel, sigaw siya nang sigaw. Mabuti't hindi siya naririnig ng drayber at mga taong nadadaanan namin. Dinadama siya ang pagtama sa kanya ng hangin sa pag-andar ng aming sinasakyan. Sinisigaw niya na para siyang lumilipad sa langit. Napakasarap daw sa pakiramdam. Pasimple naman akong napapangiti at natawa dahil sa kanya. Nang marating namin ang palengke, kasabay ko siya sa paglalakad at tumatagos siya sa mga taong nakakasalubong namin. Halos hindi siya makapaniwalang nakakakita siya ng maraming tao sa isang lugar. Parang isang natupad na panaginip sa kanya ang mga sandaling 'yon.

"Makakapasok kaya ako?" tanong niya na ang tinutukoy ay ang simbahan sa harap namin.

"Siguro naman. Puwera na lang kung demonyo ka," pabirong sabi ko. Sinamaan niya ako ng tingin at bigla pang naging pula ang kanyang mga mata. Pambihira siya. Kanina lang, umiiyak siyang humihingi ng tawad sa 'kin. Tapos ngayon, tinatakot na ako. Napangiti na lang ako at naglakad na papasok ng simbahan. Nilingon ko siya at niyaya bago ako tuluyang makapasok.

Sumunod sa 'kin si Sunshine at sabay kaming naglakad sa gitna papalapit sa altar. Kapwa namin nilibot ang aming tingin sa lumang simbahan na malawak ang loob. Presko at tahimik sa loob ng simbahan, at mararamdaman mo ang kabanalan ng lugar. Lalo na kapag mapapatingin ka sa krus na nasa gitna ng altar kung saan makikita si Hesus, na magpapaalala sa 'yo kung gaano Niya tayo kamahal para isakripisyo ang kanyang sariling buhay para malinis ang ating mga kasalanan, at ang pagmamahal ng Diyos Ama para sa 'tin, para ibigay niya sa atin ang mismong buhay ng kanyang anak para iligtas tayo sa mas malala pang kasamaang umiikot sa mundo at sa kamatayan. Nakakagaan din sa pakiramdam na pagmasdan ang mga naglalakihang santo sa tabi nito, lalo na si Birheng Maria na mararamdaman mo ang kalinisan ng puso. May ilan pang taong naiwan sa simbahan at may ibang kakapasok lang din tulad namin. Ang iba'y nakaupo at ang iba'y nakaluhod, at lahat ay taimtim na nananalangin. Maaring ang iba sa kanila'y humihingi ng tulong, nagpapasalamat at humihingi ng tawad. Kahit ano pa mang dahilan ang meron sila o kung sino man, ang mahalaga'y hindi ka nakakalimot sa Diyos at nakikipag-usap ka sa Kanya. At hindi rin naman mahalagang nasa simbahan ka, dahil kahit saan naman ay puwede mong tawagin Siya at kausapin. Ang mahalaga'y taos 'yon sa puso mo at totoo ka sa nararamdaman mo. Dahil hindi mo naman madadaya ang Diyos. Sarili mo lang no'n ang niloloko mo.

Puwesto kami ni Sunshine sa kanang bahagi sa pangatlong upuan mula sa altar. Hindi ko sinabi sa kanya kung bakit ako nagpasyang pumunta rito bukod sa araw ng Linggo ngayon. Siguro naman may naiisip na siya kung bakit. Lumuhod ako at lumuhod din si Sunshine. Nag-krus ako at nagsimulang madasal. Gusto kong humingi ng tulong sa Diyos sa mga nangyayari sa 'kin. Sa sitwasyong 'to na dinaranas ko, alam kong Siya lang ang puwede kong lapitan. Hindi Niya man masagot at mapaliwanag ang mga 'yon, kinuwento ko pa rin sa kanya ang mga bagay na 'yon. At sana hindi ako magkamali sa pagpili ko ng aking tadhana bilang sinag ni Sunshine. Sana magawa ko ang dapat kong gawin para masagip siya. At sana hindi ko 'yon ikapahamak. Ikinumusta ko na rin sina mama at papa dahil alam kong kasama Niya ang mga ito. At sana, hayaan niyang gabayan din ako nina mama at papa tulad ng paggabay na hinihiling ko sa Kanya.

***

"ANO'NG DINASAL MO, Lukas?" tanong sa 'kin ni Sushine nang naglalakad na kami pabalik ng palengke.

"Ipinagdasal ko na sana masagip kita, bilang sinag mo," diretsong sagot ko. Matamis siyang ngumiti na nagpaguhit din ng ngiti sa labi ko. "Ikaw, ano'ng ipinagdasal mo?" tanong ko.

"Na sana, hindi ka na muling mapahamak, Lukas. Ipinagdasal ko ang kaligtasan mo," sagot niya.

Huminto kami sa paglalakad at nagkatitigan. Parang gusto kong hawakan ngayon ang kamay niya. Kaso maraming tao na makakakita. Baka makita ang biglang pagsulpot niya sa tabi ko kapag nagkaroon siya ng katawang tao. Pero hindi ko alam kung talaga bang makikita siya ng mga tao kapag nangyari 'yon? Hindi ko alam kung multo pa ba siya o may katawang tao na talaga kapag hawak ko siya? Parang gusto kong subukan. Pero ayaw ko namang magbaka-sakali, baka magkagulo pa ang mga tao.

Dumiretso kami sa drug store para bumili ng gamot sa sugat ko at gamot na puwede kong inumin para 'di na maimpeksiyon pa ang mga sugat.

***

PAPASOK KAMI NI Sunshine sa grocery store na dati ko nang binilhan, nakasalubong namin si Jane, anak ng tricycle driver na si Mang Caloy. Hindi ko makalimutan ang mukha niya dahil sa ganda niya. Napakasimple ng ayos niya, isang tipikal na dalagang Pilipina. Hindi tulad ng kasama niya ngayon na makapal ang makeup na sa palagay ko ay katrabaho niya dahil pareho sila ng unipormeng suot.

"Ikaw, si Lukas, 'di ba?" nakangiting bungad sa 'kin ng anak ni Mang Caloy.

"Ha? Ah – oo," medyo umurong ang dila ko. Hindi ko akalaing makikilala niya ako. 'Yong unang pagkikita kasi namin agad lang akong umalis at 'di ko nga siya kinausap sa hiya ko dahil sa hitsura ko no'n, dahil ni hindi pa ako nakapaghilamos at nagmumog man lang. Pero siguro kaya agad niya akong nakilala dahil 'yon na naman ang ayos ko, nakasombrero, naka-hoody, at naka-shades, gaya nang una naming pagkikita. Pero nakaligo na ako ngayon.

"Jane, nga pala," pagpapakilala niya at inabot niya ang kamay niya sa 'kin.

Inalis ko ang shades ko at ang hood sa ulo ko. Medyo nahiya pa akong kunin ang kamay niya. Pero mas nakakahiya naman kung tanggihan ko siya. "Lukas," pormal na pagpapakilala ko nang idinuduyan na ng mga kamay namin ang kamay ng isa't isa sa hangin.

"Tinanong ko na si papa, kaya alam ko na ang pangalan mo," nakangiting sabi niya. "Mamimili ka?"

"Oo," sagot ko. Si Sunshine sa mga oras na 'yon ay nasa likuran ko sa bandang kaliwa ko.

"Hello, ako si Sara," nakangiting pagpapakilala ng kasama ni Jane, inalok niya rin ako ng pakikipagkamay. "BFF, kami ni Jane."

"Lukas," muling pagpapakilala ko nang abutin ko ang kamay ng nagpakilalang si Sara.

"Siya ba 'yong cute na kuwenento mo sa 'kin na bagong nagbabantay sa bahay ng mga Sinag, Jane?"

Pasimple akong napangiti nang makita kong mahinang siniko ni Jane si Sara at pinandilatan ng mga mata. Pumalakpak ang mga tainga ko sa narinig kong papuring sinabi ni Sara na sinabi sa kanya ni Jane.

"Nahiya ka pa, eh, cute naman talaga siya," depensa ni Sara.

"Sara, tumigil ka nga," saway ni Jane.

"Ay, sus." Ngumuso si Sara. "Siya nga pala, Lukas, hindi ka ba natatakot sa bahay na 'yon? Wala bang nagpaparamdam sa 'yo? Wala bang mga pangit na multong nagpapakita sa 'yo?" tanong niya nang lingunin niya ako.

"Pangit talaga?" narinig kong sabi ni Sunshine.

"Wala naman," sagot ko lang. Pinigilan kong matawa sa reaksiyon ni Sunshine. Ang sama ng tingin niya kay Sara.

"Sa tingin ko, hindi mo sila nagagambala, kaya 'di ka rin nila ginagambala," patango-tangong saad ni Sara.

"Siguro nga," pagsang-ayon ko naman sa pahayag niya.

"Nananghalian ka na?" tanong ni Jane.

"Hindi pa," sagot ko.

"Tamang-tama, break namin ngayon at kakain kami. Sabay ka na sa 'min," alok ni Sara.

"Oo, nga naman, Lukas. Tanghali na, gugutumin ka sa pamimili niyan," pagsang-ayon ni Jane sa alok ng kaibigan niya.

"Sige, gutom na rin naman ako," tugon ko.

"Bakit kaninang tinanong kita, sabi mo 'di ka pa gutom?" narinig kong bulong sa 'kin ni Sunshine nang naglalakad na kami papunta sa karenderyang kakainan namin nina Jane.

"Bigla akong nagutom," sagot ko kay Sushine sa pinakamahina kong boses. Naglalakad akong nakasunod kina Jane at Sara.

Nilingon ako ni Sara. "May sinabi ka?" tanong niya.

"W-Wala," sagot ko.

"Baka naman may kausap kang multo d'yan?" tanong ni Jane.

"H-Ha?"

"Joke, lang," natatawang sabi ni Jane. Tumawa rin si Sara at pinilit ko na rin matawa.

"Bilisan mo ngang maglakad," sabi sa 'kin ni Sara at hinila niya ako sabay tulak papunta kay Jane. "Alam mo, bagay kayo," komento niya pa at muling tinulak niya ako kaya nagkabungguan ang aming mga balikat ni Jane. At nagkatitigan kami.

"Ano ka ba, Sara! Nakakahiya ka!" napayukong saad ni Jane. Kahit ako napayuko rin at napalunok.

Nagkatinginan muli kami ni Jane at sabay na napangiti sa biro ni Sara. Naglakad kami ni Jane na magkatabi, at hindi pa nagpaawat si Sara sa tukso sa 'min, nauna siyang maglakad at iniwan kami. Napansin kong wala si Sunshine, kaya pasimple akong lumingon sa likod ko. Nakita kong nakatayo lang si Sunshine at nakatingin sa 'min. Sumenyas ako sa kanya na sumunod siya, at bigla na lang siyang napunta sa tabi ko kaya napagitnaan nila ako ni Jane.


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C10
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập