Tải xuống ứng dụng
64.15% Marrying The Vampire Prince / Chapter 34: Chapter 32 | Confused

Chương 34: Chapter 32 | Confused

Chapter 32 | Confused

Reiri's POV

Bumaba ang tingin ko sa magkahawak naming kamay. Sa isang iglap, pakiramdam ko ay tila idinuduyan ako sa alapaap. Ang saya lang sa pakiramdam. Matagal ko ng hinihiling na mangyari ang ganitong klase ng pagkakataon at hindi ko akalain na matutupad 'yon ngayon.

Natauhan lang ako nang bigla siyang tumigil sa pagkaladkad sa 'kin at siya na rin mismo ang kusang bumitiw. I felt a hint of disappointment because it felt so good to hold those hands of his, that is perfectly fit into mine. I can feel the security and an assurance that everything will be okay.

Grabe. Nahawakan ko pa lang ang kamay niya pero iba na ang epekto sa 'kin.

"Ang akala ko ba walang laglagan? Rei naman, eh. Gusto ko lang ipaalala sa 'yo na malapit ng matapos ang one month deal natin. Kaya tumupad ka sa pangako mo sa 'kin."

His eyes looked straight into mine. Those eyes that made me drown in my own thoughts every time it meets mine.

"Rei? Okay ka lang ba? Wag mo sabihing natulala ka na sa kagwapuhan ko?" He wiggled his eyebrows and even made a pogi sign.

That made me back to my senses and to the reality that it wasn't my hand that he wants to hold. That I wasn't the one who he wants to be with.

Napairap na lang ako para mapagtakpan ang kahihiyang dulot ng pagkakatulala ko sa kanya.

"Asa ka pa. Isa pa ay hindi ko naman nakakalimutang malapit ng matapos ang deal natin kaya wag kang mag-alala. Wala naman talaga kong balak sabihin ang tungkol do'n kanina. Ikaw lang 'tong obvious masyado riyan." I crossed my arms and looked away. Iniiwasan ko ang mapanuri niyang mga titig dahil hindi ko 'yon magawang tagalan.

Pakiramdam ko ay nanlalambot na rin ang mga binti ko. Pero kailangan kong tatagan ang loob ko at wag magpaapekto sa presensya nya.

After a split of seconds, I saw in my peripheral vision that he grinned.

Ang saya lang pagsusuntukin at pagsasampalin ng mukha niya. Okay lang naman siguro kung gawin ko 'yon. Tutal ay mukhang manhid naman ang buong sistema niya at hindi niya magawang pansinin at intindihin ang nararamdaman ko.

"Good. Mabuti na ang sigurado. For now, let's go to the dining hall first and I was already starving!" Napahawak pa siya sa tiyan niya.

Napailing na lang ako.

Nagsimula na ulit siyang maglakad at napasunod na lang ako sa kanya nang maalalang nagugutom na nga rin pala ko. Pagdating namin sa dining hall ay halos kaunti na lang ang mga estudyante. Patapos na rin kasi ang break time.

"Hi, Prince Hiro! Ang gwapo mo talaga!"

"Waahh! Si Prince Hiro my loves!"

"Oh my akin ka na lang! Please be my hero!"

Napairap na lang ako sa kawalan nang magsimula na kaming maglakad papasok. Hindi naman ako mataray o maldita. Ang totoo niyan ay wala naman akong gaanong pakielam sa mga taong papansin sa paligid.

Pero ewan ko ba at kung bakit nang dahil sa ugok na kasama ko ngayon ay mabilis na napapatid ang pasensya ko.

Oo nga at kakaunti na lang ang mga estudyante rito. Pero kahit gano'n akala mo ay ang dami-rami nila dahil sa mga malalanding kung makasigaw ay wagas. Most especially those common vampirettes!

Mas lalo naman akong nakaramdam ng inis nang magsimulang kumaway 'tong kasama ko na may kasama pang kindat. Kaya maraming babae ang umaasa nang dahil sa lalaking katulad niya na paasa. Ang babaero talaga kahit kailan.

Well. Babaero pa nga rin ba?

"Hiro! Rei! Nandiyan pala kayo. Tapos na ba kayong mag-asikaso sa student council office?"

Natigilan ako nang marinig ang boses ni Mikan. Nakangiti siyang nakatayo sa harap namin ngayon.

Nilingon ko si Hiro na ngayon ay dedma na sa mga babaeng nagpapapansin sa kanya at tila biglang nagliwanag ang mukha.

"Ang totoo niyan ay hindi pa. Kakain lang kami. Sumabay ka na sa 'min para may kasama ka." Hiro flashed a sweet smile. Tipong ngiti ng isang good boy. A smile that can make every girl fall for him.

Including me.

Hindi ko na hinintay pa ang isasagot ni Mikan. Nagsimula na kong maglakad at iniwan silang dalawa. Nauna na rin akong dumiretso papunta sa counter. Papalapit na sana ko ng bigla kong may nakabangga.

"Shit!" I shouted out of the blue. Nanlalaki ang mga mata ko habang pinapasadahan ng tingin ang ngayon ay basang-basa ko ng uniform.

"S-Sorry po, Princess R-Reiri. H-Hindi ko po sinasadya. Patawad po!"

Napaangat ako ng tingin pero wala naman akong nakitang kung sino sa harap ko. Kaya halos mapatalon na lang ako sa gulat nang may bigla na lang nagsalita mula sa baba kaya unti-unting bumaba ang tingin ko.

Doon ay nakita ko ang isang common vampire na todo ang pagkakayuko habang nakaluhod!

Oh, poor boy. He doesn't need to do that!

"Rei! Are you okay? Gusto mo bang ipatawag natin sa guidance office ang isang 'to?"

Hiro's face was too serious. Masama ang tinging ipinukol niya sa kawawang estudyante na nakaluhod pa rin sa harap ko ngayon.

I shot Hiro a murderous glare. Kahit kailan ay hindi ko magagawang abusuhin ang posisyon ko rito sa academy, sa kaharian at kahit saan pa.

"No need. Alam ko namang hindi niya sinasadya kaya wag na nating palakihin pa ang nangyari. Besides, it's just a water. It will not leave a stain."

Biglang natahimik ang paligid. Ramdam ko ang tensyon sa bawat isang nandito. Tila ba isang malaking kasalanan para sa kanila ang makagawa ng kahit maliit na pagkakamali sa 'ming mga royalties. Tipong kailangan mo agad mapatawan ng parusa.

I smiled to the guy in front of me, even though he's not looking at me. "I'm fine. Nagulat lang ako kaya gano'n na lang ang naging reaksyon ko. Get up. Mas lalo akong magagalit sa 'yo kung hindi ka pa tatayo riyan."

He looked up at me with so much fear. Kaya naman ay mas nilawakan ko pa ang ngiti ko hanggang sa unti-unti na siyang tumayo. Halos matumba pa nga siya nang dahil sa sobrang panginginig, kaya naman ay inalalayan ko na siyang makatayo.

"P-Patawad po talaga, mahal na Prinsesa."

Nanginginig pa rin siya at napabuntong hininga na lang ako. I may be a Princess. But I'm not one of those bratty Princesses out there that will scold and belittle the others.

"It's okay. You can go now. Just watch where you're going next time." I gave him an assuring smile.

I looked back to Hiro and Mikan whose both standing like a statue. "I'll just go to the restroom. Mauna na kayo kumain." I didn't wait for their response and walk away.

Pagkarating ko sa restroom ay nagulat pa ko nang makitang kasunod ko pala si Mikan.

"Oh, Mikan. What are you doing here?"

Bumuka ang bibig niya para magsalita. But there's no even a single word that comes out of it. Napaiwas siya ng tingin at alam ko na may gusto talaga siyang sabihin. But she looked hesitant and I know that something is stopping her from doing so.

"Mikan, what is it? May problema ba?" Itinapat ko na sa dryer na nandito ang parte ng uniform ko na nabasa.

"Ano kasi... Ano..."

I sighed and closed my eyes. Controlling myself not to be irritated. "Ano nga 'yon? You know you can tell me."

Medyo napangiwi pa ko dahil pakiramdam ko ay ang plastik ko pakinggan. This is so not me!

Nanatili lang akong nakatalikod sa kanya. Waiting for her to say something.

Hanggang sa marinig ko ang tanong na pinakaiiwasan ko.

"Galit ka ba sa 'kin? Galit ba kayo ni Miley sa 'kin? May nagawa ba kong mali?"

Oh, hell. How should I suppose to answer that question?

-----

Hiro's POV

"What are you doing there? Are you peeking over the girls now inside the restroom?"

Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang boses ng best friend ko. Kung bakit naman kasi sa dinami-rami ng pwedeng makakita sa 'kin dito ay siya pa!

Dahan-dahan akong napatingin sa kanya at ngumiti. Kaya lang parang ngiwi ata ang kinalabasan no'n.

"Hindi, ah! Napadaan lang ako best friend. Grabe ka talaga sa 'kin. Hindi naman ako aabot sa gano'n."

Nagsalubong ang kilay niya. It seems like he wasn't convinced at all.

Napalunok ako. Malalagot talaga ko kapag nagkataon. Isa pa naman ang kapatid niya na nasa loob at baka kung ano-anu ang isipin niya bigla.

"Are you sure? But it looks like you're eavesdropping or something. Who is inside anyway?"

Magsasalita pa sana ko ng bigla na lang siyang sumilip sa pinto. Natampal ko na lang ang noo.

Marahas siyang napatingin sa 'kin habang naniningkit ang kanyang mga mata.

"What do you think you're doing? Are you after my sister? I warned you, Hiro. You're my best friend. You can play whoever girl you want. Just do not mess around with my sister. I thought I already made that thing clear to you?"

Mahina pero may riin ang bawat pagkakabigkas niya ng mga salitang 'yon. Sanay naman ako na beast mode siya palagi. Pero sadyang iba lang ang aura niya ngayon.

"Hindi ko naman nakakalimutan ang sinabi mo sa 'kin no'n. Maniwala ka wala kong masamang intensyon. I'm just waiting for the two of them here. I'm just curious what took them so long. 'Yon lang."

Diretso ko siyang tiningnan sa mga mata. 'Yon naman kasi talaga ang totoo. Nagulat kasi ako nang bigla na lang sumunod si Mikan kay Rei. Nag-alala lang din ako at baka biglang may masabi si Rei kaya agad na napasunod rin ako sa kanila.

Saglit niya pa kong tinititigan na tila ba kinukumpirma niya kung nagsasabi ba ko ng totoo. Hanggang sa unti-unti siyang tumango.

"Okay. Mabuti na 'yong nagkakaintindihan tayo."

Yayayain ko na sana siyang paalis ng may maunang magsalita sa 'kin.

"Kuya? Hiro? What are the two of you doing there?"

Unang nahagip ng paningin ko si Mikan. I smiled to her and so she did.

Hanggang sa magtama ang paningin namin ni Rei. Hindi ko alam pero halo-halong emosyon ang nakikita ko ngayon sa mga mata niya. Ang mga matang gustong-gusto at tuwang-tuwa akong titigan dati.

Dati.

My heart started to get wild again. And for this time, I was too confused on whom does it beat for.

Is it for the one I love now?

Or is it on the one that I used to like?


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C34
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập