It's still seven in the morning pero nakapaligo na ako at nakapag ayos. Ngayon naman ay kasalukuyan na akong nag a-almusal. Napaka-unusual na bagay nito para sa akin.
Ang aga pa! For sure pag umalis ako ng bahay ng 7:30, makakarating ako sa office ng 8-8:30 kahit pa ang traffic. Pero keri lang. Nangako ako sa boss ko na magiging mabuting empleyado na ako.
"Wow naman, ang aga ha!"
Napatingin ako kay Cupid na sumulpot na naman out of nowhere at ngayon ay paupo na sa harapan ko. Hindi na siya pormang porma ngayon at wala na rin siyang suot na shades. Buti naman at simpleng shirt at pants na lang ang suot niya.
Kumuha siya ng pandesal at pancit canton na kinakain ko.
"Wala ka bang bahay? Wala ka bang pera? Pansin ko lang, madalas kang makikain dito!"
"Huwag kang madamot binibini. Ang mga biyayang ibinibigay sa'yo katulad ng pagkain na ito ay dapat ibinabahagi rin sa iba," pangaral niya sa akin sabay kagat ng pandesal.
"Ewan ko sa'yo. Ano na naman ang ginagawa mo rito?"
"Wala naman. Kakamustahin ko lang ang pag porma sa'yo ng boss mo. May pa-Jollibee-Jollibee pa siyang nalalaman!" pang-aasar ni Cupid.
I just glared at him. Masyadong maganda ang umaga ko para patulan ko siya.
"Nga pala, nag date si Luke at Elise kagabi," naka-simangot kong sabi kay Cupid.
Oo, ipinapakita ko talaga na naiinggit ako sa pag-alis ni Luke at ni Elise dahil dapat ako ang kasama ni Luke. Hindi na talaga ako nag-abala pang itago ang inis ko dahil wala rin naming saysay. Alam na rin naman ni Cupid 'yun, itatago ko pa ba?
"Hindi pa considered as date 'yun."
"Pero umpisa na. Lumabas na silang dalawa. Alam kong mag e-enjoy si Luke sa company ni Elise. Masaya naman kasi kasama si Elise eh. Pala-tawa siya, mahilig mag biro, magaan kausap, ang dali niyang nakakaisip ng topic na pwedeng pag-usapan, mabait pa siya at maganda---"
"---at mag lilista ka pa nang pagkahaba-habang magagandang bagay about kay Elise habang iniisa-isa mo rin ang panget na bagay sa sarili mo."
Napa-tikom ako ng bibig. Totoo naman ang sinasabi ni Cupid eh. Nag sisimula nang lumabas ang mga insecurity ko kay Elise. At gusto kong pigilan 'to.
"Ang mga tao talaga ang hilig mag self-pity, ang hilig mainggit. Marami silang bagay na gusto na hindi naman para sa kanila. At pag hindi nila nakuha, kung sinu-sino ang sisishin. Hindi nila naisip na may darating naman na bagay na nakalaan sa kanila. Sadyang ang impatient lang nila mag-antay."
Hindi ko magawang sumagot kay Cupid. Natameme na naman ako sa kanya. Kadalasan ay wala siyang sense kausap pero pag bumanat siya ng ganyan, hindi ko na magawang kontrahin pa. Tama naman kasi siya. Sapul na sapul ang sinasabi niya.
Lahat ng tao nag mamadali sa happy ending nila.
"Siguro dapat bilisan mo na rin mag emote diyan kasi kanina pa nag-aantay ang sundo mo sa labas."
Nagtaka ako bigla sa sinabi ni Cupid, "sundo? Anong sundo?"
Tumingin siya sa bintana, "ayun oh."
Agad akong napatayo at sumilip sa bintana. Laking gulat ko nang may makita akong kotse na nakaparada sa tapat ng apartment namin at doon ay nakasandal si Sir West at mukhang may iniintay.
"What the hell is he doing here?!"
"Malamang eh dumadamoves sa'yo."
Nag-madali ako bigla sa pag-aayos ng gamit ko.
Anong oras pa kaya siya nandiyan sa tapat ng apartment ko? At ba't niya ako sinusundo?!
"Cupid, ikaw na mag hugas ng pinggan ha!"
"Ba't ako?!"
"Nang may silbi ka naman!"
"Wow lang! Wala ba akong silbi? Samantalang kung wala ako, edi lahat na nang tao eh tuluyan nang hindi naniwala sa forever."
"Ewan ko sa'yo!"
Basta ko na lang isinaksak ang mga kagamitan ko sa bag. Ni hindi ko na nakuha pang ayusin sa pouch ko ang mga make-up ko.
"Sige bye!" paalam ko kay Cupid nang hindi siya tinitignan dahil busy ako sa pag check ng bag ko kung lahat na ba ng gamit na kailangan ko ay nailagay ko.
"Ah, saglit Jillian."
Inangat ko ang tingin ko kay Cupid at nagulat ako na nasa tabi ko na pala siya.
"Wag na wag mong aalisin ang compass sa leeg mo ha?"
"Alam ko."
"At... kung may mapansin ka mang kakaiba, sabihin mo agad sa akin ha?"
Tumingin ako sa bintana ng kitchen ko at nandoon pa rin si Sir West at nag-aantay. Itinuro ko siya kay Cupid.
"Siya. Siya ang kakaiba sa buhay ko ngayon."
"Hindi ganyang kakaiba! Given na siyang maging kakaiba kasi na-pana mo siya eh. Basta trust your instinct. Pag may napansin kang hindi tama, sabihin mo agad sa akin."
"Okay fine."
"At mananalangin na lang akong katiwa-tiwala ang instinct mo."
Sinimangutan ko lang si Cupid pero 'di ko na kinontra. Mamaya eh hindi pa mag hugas ng pinggan 'yan.
"Aalis na ako," paalam ko ulit sa kanya.
"Bye! Ingat! Enjoy kayo ng boss mo!" pahabol niya habang palabas na ako ng pinto.
Dali-dali kong nilapitan si Sir West. Akala ko maaga ako! Pero mukhang mas maaga ata siya! 7:20am pa lang. Anong oras kaya 'to kung bumangon?
"Sir West!"
Napalingon siya sa akin at agad na ngumiti.
"Oh, Jillian."
"What are you doing here?"
"Hmm, g-gusto ko lang siguraduhin na ano, n-na h-hindi ka uhmm ma-l-late," naka-ngiti niyang sabi sa akin at yung expression ng mukha niya ay parang cool lang. Kaso yung tenga niya namumula na naman.
Anak ng isda naman oh! Bakit ba ang transparent ng taong 'to? Ang dali-dali niyang mabasa.
Nginitian ko rin siya, "ganun po ba? Naku nag promise na ako sa'yo. Naka-ready na nga ako oh."
"O-oo nga hehe. So uhmm, so... ah, kasi nandito na lang din ako, s-sabay ka na?"
Gusto kong humindi kasi naawa ako sa kanya. Pero hindi ako maka-hindi kasi naawa ako sa kanya.
Wait, what?
Ang gulo ko. At ang gulo na nang nangyayaring 'to!
"Ah... Jillian?"
"S-sige! Tara nang pumasok."
Bigla siyang napa-ngiti ng malawak. Yung ngiting parang nakamtan na niya ang Nirvana. Ngiting parang nanalo siya sa lotto.
Oh my gulay. What have I done to him?
Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse at pumasok naman agad ako. Kinabit ko na rin agad ang seatbelt ko bago pa niya maisipang siya ang magkabit sa akin nito. Ang awkward lang pag nagkataon.
Hindi kami halos nag uusap habang nag mamaneho siya. Ewan kung bakit biglang naging awkward kami sa isa't-isa samantalang kahapon eh parang close na close na kami. Hindi ako makapag simula ng conversation samantalang siya naman eh mukhang tinatamaan ng hiya.
Buti na lang naisipan niyang buksan ang radio kaya naman hindi masyadong tahimik.
"K-kamusta ang sugat mo sa tuhod?" tanong niya sa akin.
Oo nga pala, kagabi nung mabangga ako ng isang lalaki habang pasakay ako sa jeep, nadapa ako sa kalsada kaya naman nagkasugat ako sa tuhod.
Hindi naman kalakihan at kayang tapalan ng bandaid, yun nga lang, medyo makirot.
"Okay naman. Nalinis ko na kagabi. Sana lang wag magkapeklat 'no? Ayokong mag goodbye sa skirt at shorts!" pagbibiro ko sa kanya.
Nilingon ako ni Sir West at nginitian, "maganda ka pa rin kahit simple lang ang i-suot mo."
I blinked. Hindi nag sink-in agad sa utak ko ang sinabi niya. Nawala rin ang ngiti sa labi niya dahil mukhang pati siya ay nagulat din sa pag banat niya ng ganun.
Halos maalog ang utak ko nang bigla siyang mag emergency break.
"S-sorry. Akala ko may dumaang pusa," sabi niya at muli niyang pinaandar ang kanyang sasakyan.
The whole ride, wala nang nag salita sa amin. Gusto kong mag thank you sa kanya sa pag sabi niya ng maganda ako pero tinamaan ako ng hiya. At alam ko naming maganda ako sa paningin niya ngayon dahil sa pana ni Cupid at hindi dahil sa maganda talaga ako---which is kind of depressing.
8:15am pa lang nang makarating kami sa office samantalang 9am pa ang pasok ko. Pero okay na rin naman para marami akong trabaho na matapos ngayon.
Pag-akyat naming sa office, kaming dalawa pa lang ang nandoon.
"S-sige, doon na ako sa office ko ah?" sabi niya at nagmadali siya sa pagpasok sa opisina niya.
Naupo ako doon sa pwesto ko at ipinatong ko ang ulo ko sa desk.
Ngayon lang nag s-sink-in sa akin ang mga nangyayari.
Kahit na sabihin nating aayusin din ni Cupid ang nagawa kong kapalpakan kay Sir West, hindi ko maalis ang fact na may gusto siya sa akin ngayon at 99.9% na masasaktan siya.
At isa pang problema---boss ko siya.
Paano na lang kung maisipan niyang pumorma sa akin? Paano kung manliligaw na siya? Eh bawal yun sa company rules.
Paano kung mag resign siya para sa akin? Edi masasaktan na siya, nawalan pa siya ng trabaho! Edi sinira ko pa ang buhay niya?
Kung hindi ko man kayang pigilan na masaktan siya, at least man lang wag kong hayaan na mawalan siya ng trabaho.
Dapat pala simula sa araw na 'to, dedmahin ko na siya ng tuluyan para wag na siyang umasa sa akin.
'Wag kang mag-alala West, ipapakilala rin ni Cupid sa'yo ang babaeng para talaga sa'yo.