Tải xuống ứng dụng
97.46% MY DEMON (When Childish Meets Bad Boy) / Chapter 77: Chapter 77

Chương 77: Chapter 77

My Demon [Ch. 77]

I refused to believe that it could be so,

There's no way that I'm in love with you,

 

He wasn't the typical prom date na magsasabing, "Can I have this dance?". Kinuha nalang niya basta ang mga kamay ko. Ipinulupot niya ang mga braso ko around his neck, habang ang kanya ay nasa bewang ko.

 

 

Nabanggit sa'kin noon ni Tita Juliet na hindi raw mahilig sumama si Demon sa mga prom. Hindi daw kasi ito mahilig sa sayaw. Lalo na kung ganito. Kapag may party silang pinupuntahan, anong klaseng pagpapa-cute man gawin ng mga babae makasayaw lang siya sa dance floor, nananatili itong bato. Walang pakialam.

Pero ngayon . . .

I think I love you

But it must be so, cause I miss you

Napangiti ako. Noong una kumunot ang noo niya. Nagtataka sa biglang pagngiti ko. Later on, ngumiti na rin siya.

 

"Shut the fuck up!" Napaatras ako nang sumigaw sya though hawak nya ang kwelyo ko. "Wag mo nga kong tawaging Demon! Close ba tayo, huh?"

 

"Baliw na ko kapag nakipag-close pa ko sa demonyo."

 

"Anong sabi mo?" Tinulak-hila nya ko habang nakahawak sya sa kwelyo ko. Baka masira uniform ko nito. Ang mahal pa naman ng isang set.

 

"Kasi naman eh! Bitiwan mo na ko! Gawin mo nalang akong slave with in one hour," suggest ko.

 

He was the one leading our slow and romantic dance. Habang nagsasayaw, nagpi-play sa utak ko kung ano kami noon.

But now I can see that

Your presence have delved deeply into my heart.

"Eto'ng sa'yo!" Dinikit ko ang cone na may tirang ice cream sa uniform nya. And it was too late to realize na si Demon ang kaharap ko.

 

Natawa ako. Naalala ko rin kasi kung paano lumukot ang mukha ni Demon that time na pinahiran ko siya ng ice cream sa uniform.

Tinaasan ako ng isang kilay ni Demon. Umiling lang ako. Tumango-tango naman siya saka ako hinila palapit lalo sa kanya.

"Napakaliit mo na nga, napakailusyunada mo pa! Baliw na ko kapag nagustuhan pa kita."

 

"Kaysa naman sa'yo. Mata mo palang, pwede ng isabak sa horror movie. Ano pa kaya kung buong ikaw na, diba?"

 

Humagikgik ako. Masyado kaming naglalaitan noon. Dito rin pala kami mauuwi.

Demon gave me a weird look kasi tumatawa ako mag-isa.

Umiling ulit ako habang pinipigil ang tawa.

"Baliw." He rolled his eyes.

"WHAT DID YOU JUST SAY?!"

 

"ANONG SINABI MO?!"

 

"ISA!"

 

Ang mga paborito kong linya mula sa kanya.

"Hindi ako first dance mo," sabi niya. Nakatingin sa gilid. Hihi. Nagtatampo pa.

"Ikaw naman ang love ko," I mumbled with giggles.

Humarap siya sa'kin. "Anong sabi mo? Di ko narinig. Pakiulit," amused siya.

"Ayoko," paninindigan ko.

Tumaas ang sulok ng labi niya.

Without you,

I cannot do anything,

And you are always on my mind,

So seeing this, it must be,

"I love you." Hinalikan niya ko sa noo habang nagsasayaw pa rin.

We are not meant for each other, and being friends is the best thing for us,

There isn't a single thing we have in common,

"Demon," tawag ko sa pangalan niya.

"Hmm?" He waited for my continuation.

"Sinabi ko sa'yong gusto kita."

So I claimed there's no way we can be lovers,

But I don't want to make excuses anymore.

"Ang totoo niyan, higit pa d'on ang nararamdaman ko sa'yo."

"What is it then?" May nakakalokong ngiti ang naglalaro sa labi niya.

Hinampas ko siya sa dibdib. "Alam mo na yun!"

Tumawa siya. "Gusto kong marinig." Todo ngiti siya ngunit bakas sa mukha niya ang pagiging seryoso.

"I'm falling for you," sabi ko na sinabayan ang kanta.

Lalong lumawak ang ngiti niya. Hinawakan niya ang likod ng ulo ko tapos niyakap ako. Therefore, magkayakap kaming nagsasayaw.

I hugged him back. Naririnig ko ang pagtibok ng puso niya dahil sa sobrang lapit ko sa kanya.

Tumigil na ang kanta. Tumingala ako sa kanya at nagtanong, "Akala ko ba nasa Paris ka?"

"Pft." Una pinipigilan niyang tumawa. Subalit di naglaon, nailabas niya ito ng malakas. Nangingibabaw ang tawa niya. Ang sarap pakinggan.

"Akala mo talaga kasama ako ni Jia sa Paris?"

My eyes widened. Nawala ang ngiti ko dahil sa tawa niya. Nag-march ako palapit sa kanya at kinurot siya sa tagiliran.

"Araaay!" Napasigaw siya.

"Pinaglololoko mo ba ko?" panunuya ko sa kanya.

"Of course not! Bakit naman kita lolokohin?"

"Eh bakit sabi mo─"

"Na-ah-ah!" Winagayway niya ang index finger niya sa harap ng mukha ko. Para akong na-hypnotise nung sinundan ng mga mata ko ang paggalaw nito. "Hindi ko sinabing pupunta ako sa Paris."

"Pero sabi mo sasamahan mo si Jia─"

"Yep. Sasamahan ko siya. Sa airport."

Naalala ko bigla yung sinabi niyang, "Why not? There's nothing to be against of." Kasi sasamahan niya lang naman si Jia hanggang airport. Ugh! Ang slow ko.

Pero ramdam kong sinadya ni Demon na maisip kong kasama siyang lilipad papuntang Paris. Tingnan niyo, tatawa tawa pa. Langya. Halos mangiyak-ngiyak na ako sa pag-aakalang pupunta siya sa Pari tapos hindi naman pala totoo.

"Nakakainis ka! I hate you! I hate you!" Pinagpapapalo ko siya.

Sinasangga niya naman ang mga palo ko gamit ang mga braso niya.

"Wait, umiiyak ka ba?" Tumigil siya sa pagtawa nung mapansing umiiyak na ako. Nilapitan niya ako at umambang pupunasan ang luha ko, ngunit tinaboy ko agad ang kamay niya. Napaatras siya sa ginawa ko.

"Nakakainis ka talaga!" Tinapunan ko siya ng masamang tingin saka pinusan ang luha ko.

Tahimik niya lang akong tiningnan. Hindi siya nagsalita. Pero kita ko sa mga mata niya na gusto niya akong lapitan, at nakukunsensya siya dahil umiiyak ako na siya ang dahilan.

"Umiyak pa 'ko." Tumagilid ako kasi ayaw kong makita niya kong umiiyak. "A-akala ko iniwan mo na ko. N-nakakainis ka!" Ang dami ko pang gustong sabihin sa kanya kaso hindi ko na sinabi. Nahihirapan na kong magsalita dahil sa hikbi.

Through my peripheral vision, nakita ko siyang humakbang palapit sa'kin. Niyakap niya ko mula sa likuran. Nagpumiglas ako kaso ayaw niya kong bitawan. Kaya sa huli, hinayaan ko nalang siyang yakapin ako.

"Alam mo kung ano ang mas mahirap?" Mahina at medyo husky ang boses niya. Pinatong  niya ang baba niya sa ibabaw ng balikat ko. "That's the moment when I heard you crying over the phone─wanna go to your place as soon as I can; to kiss away your tears and get you prisonned with my arms, but I had not to. I really really had not to. You have no idea how hard it was for me."

Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Inalis ko ang braso niyang nakapulupot sa'kin at hinarap siya. "Plano mo talaga siguro na isipin kong kasama ka ni Jia sa Paris, ano?" sambit ko.

"Not really," tugon niya. "Hindi ko expected na ganun ang iisipin mo. But honestly, natuwa ako the time na inakala mong sasamahan ko si Jia hanggang Paris." He chukled.

Pustahan, palihim niya akong pinagtatawanan noong nag-uusap kami sa may acacia tree.

"Obvious kasi na nagseselos ka." Lumakas ang tawa niya. Whatever, dude. "But hey, wala akong sinabi na sasamahan ko si Jia haggang Paris."

Tama naman siya. Wala siyang nabanggit even his family na kasama siya sa Paris. Ako lang talaga ang iba mag-isip. But hey, too! Wala rin naman siyang sinabi na ihahatid niya lang pala hanggang airport si Jia.

"Bakit naman ako sasama kay Jia sa Paris?" Hinawakan niya ko sa mukha at hinarap sa kanya. "E nandito sa Pilipinas ang mahal ko?" Kinurot niya ang isa kong pisngi. Unlike the usual na madiin, this time, magaan lang. Gentle pinch.

(Author's Note: Eepal lang po saglit. Yung mga naka-bold-italic na naka-quote po ay makikita sa past chapters. Bale, memories ni Soyu. Hahaha. Sana na-gets niyo. Sorry for not being good at explaining ^__^)

 

Nag-divert ang parehong atensyon namin dahil sa fireworks display. Sinabayan pa ng music na talaga namang patama sa'kin.

Loving U (by SISTAR eng. ver)

 

Hey it's so strange, really strange

I've never been like this before

Whenever I see you, my heart pounds and trembles

 

"Hindi ngiting nakakaloko o ngiting nakakaasar. A true smile but it really weakened my knees and gave me goosebumps. Weird! Ang ganda ng ngiti nya (na ngayon ko lang nakita), pero bakit ganun? Parang natatakot at kinakabahan ako?"

When I see your face, I imagine things by myself

I can't keep a straight face – I'm going crazy

Because I miss you again

 

Habang pinapanood ang magaganda at makukulay na fireworks, pinapakinggan ko ring maigi ang lyrics. Nakaka-relate ako masyado sa kantang ito. Kung ano ang sinasabi ng lyrics, ayun din ang sinasabi ng puso ko. (PekengKyoot: Ganern talaga! The best ang mga kumanta e. Hihi. I sooo love SISTAR talaga!!)

 

I wanna say woo woo woo woo yeh

I'm like this because of you

I don't want to be the first to say it but

The words linger around my mouth

Loving U U – what should I do – what should I do?

I can't control my heart, my heart is not working

 

"Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at sobra akong kinakabahan. Halos nakayakap sa'kin si Demon at ayun ang nagpapakalma sa'kin. Kahit nadadala ako sa mga galaw niya, hindi ako natatakot na matumba at masaktan kasi alam kong sasaluhin niya ko at poprotektahan. I really feel do secured everytime he's with me."

 

It's to the point where I can't focus

 

"Habang nagtuturo ang guro namin, lumilipad ang utak ko. Si Demon naman kasi eh."

 

Boy I'm falling in love with U U

What should I do, what should I do?

I can't lose you, I love you

Woo woo woo woo woo

 

"Baby I'm in love with you," sinabayan ko yung kanta habang nakatingala kay Demon.

Yumuko siya para tingnan ako at nasaksihan ko ang pag-stretch ng labi niya into a sweet smile. Kinuha niya ang kamay ko, ni-entertwin niya ang mga ito.

 

My heart is burning, this night is too long

Words I've been hiding from you, I love you

 

Maya-maya, may man in black ang lumapit sa'min. May bitbit siyang tray na may heart-shaped mallows coated with dark chocolate. Nanlaki ang mga mata ko at napa-wow. Narinig ko ang mahinang tawa ni Demon kasabay ng pagpisil niya sa kamay ko.

Inabot sa'kin ng lalaki iyon. Nasa popsicle stick pa. Pagkatapos, umalis na siya.

"Bilisan mo pag-ubos," utas ni Demon. Hindi mawala ang malapad na ngiting nakaguhit sa mukha niya.

Kahit di niya ko utusan, sandali ko itong mauubos. Alam niyo na, chocolate. Hihihi.

Habang lumalaki ang pagbawas ko sa mallows, may sulat akong napapansin sa popsicle stick. Tumingin ako kay Demon. Nag-shrug lang siya.

Kinain ko na ang buong mallows kahit medyo malaki pa ito. Ramdam kong napahiran ng chocolate ang gilid ng bibig ko, kaso hindi ko mapunasan kasi may hawak ako tapos yung isa kong kamay ay ayaw bitawan ni Demon. Bahala na kung anong maging itsura ko.

BE

MY

GF

 

Ayan ang naka-print sa popsicle stick. Ang tagal ko itong tinitigan. Tila sinisiguro na tama ang nababasa ko. Sa ibaba ng GF, may naka-drawing na babae. Mukha lang tapos kulot ang buhok.

"Nahingi ko na ang permiso ng Mama mo."

Napatingala ako sa kanya ng magsalita siya. Wala na siya sa gilid ko. Nasa harapan ko na siya ngunit hindi pa rin binibitawan ang kamay ko.

"Sagot mo nalang ang kulang." Bumaba ang tingin niya sa labi ko. Tumawa siya, pagkatapos pinunasan ito gamit ang thumb niya. Binalik niya ang tingin sa mga mata ko. "D*mn, magsalita ka nga!"

Parang nagsasayaw ang mga mata niya. Salitan niyang tinititigan ang mga mata ko. "You know how I hate being waited," he told, eyeing me suspiciously. "I'll count one to three. Kapag hindi ka pa sumagot, confirm. Basted ako."

Asus. Ang lakas ng loob. Palibhasa alam niya na mutual ang nararamdaman namin.

"One," nagsimula na siyang magbilang.

Tinaasan ko lang siya ng isang kilay bilang pang-asar.

"Two." Naningkit ang mga mata niya dahil pangalawang bilang na hindi pa ko sumasagot. Tinagalan niya ang pagbibilang.

"Two and a half. Damn it, Soyu!" Hihi. Magkasalubong na ang kilay niya. Yeboy! Ang sarap niya asarin. Kulang nalang sabunutan niya ang sarili sa pagka-frustrate.

"Ba't ka tumigil sa pagbibilang?" nakakalokong tanong ko sa kanya. Hindi na kasi nasundan iyong two and a half niya.

Padarag niyang binitawan ang kamay ko. Kahit kelan napakapikon talaga ng lalaking ito! Pagkatalikod niya, hinila ko ang likod ng coat niya at hinigit siya paharap sa'kin. Tumingkayad ako at hinalikan siya, bilang sagot.


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C77
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập